Epilogue

NAKANGITI ako ngayon habang pinagmamasdan na masayang nagtatawanan ang mag-amang Maximo at Maxiana kahit hindi ako sinasali ng mga ito sa bonding ng mga ito. Hindi ko tuloy maiwasang magtampo. Napailing-iling nalang ako habang napapabuntong-hininga.
Tuwing weekend ay ganito ang ganap sa aming pamilya. Hindi dapat kami mawalan ng oras sa bawat isa kahit busy kami parehas ni Maximo sa trabaho namin lalo na kung para sa anak namin.
"Mommy where's my cookies?" Tanong pa sa akin ng limang taon gulang kong anak na si Maxiana.
"My coffee wife" wika naman ni Maximo dahilan para lihim ko itong irapan. Tsk!
"Coming" sagot ko naman sa mga ito. Pumunta na ako ng kusina para kunin ang gusto ng mag-ama ko.
Lumabas agad ako ng kusina no'ng makapagtimpla ako ng kape at makakuha ng cookies. Naabutan ko pang karga-karga ni Maximo ang anak naming si Maxiana habang sinusuklay ang buhok nito. Napangiti ako dahil doon.
"Nandito na ang request niyo" Nakangiting wika ko sa mga ito. Tumingin sa akin ang dalawa.
Napangiti ako ng malawak no'ng masayang lumapit sa akin ang anak ko para bigyan ako ng isang mahigpit na yakap. Isa siguro sa namana sa akin ng anak ko ay ang pagiging malambing nito. "Thank you so much mom" wika pa nito na hinalikan ako sa pisngi bago kinuha ang cookies na ibinigay ko dito.
"Welcome baby Iana" sagot ko naman dito bago lumapit sa asawa ko. "Your coffee hubby" wika ko naman dito na inalapag na muna ang tasa ng kape sa katapat nitong mesita bago kumandong dito.
"What the? You are so heavy wife" reklamo nito dahilan para mapanguso ako.
"Sinasabi mo ba na mataba na ako?" Nagtatampo na tanong ko dito.
"Tsk! Kidding wife. You are so sexy----and hot" sagot naman nito na may panunukso pa sa boses na bahagya pang hinaplos ang hita ko. Natatawa na tinampal ko ang kamay nito dahilan para matawa rin ito ng mahina. "I love you wife and I always will" masuyong wika nito habang nakatitig sa mga mata ko.
"I love you too hubby" sagot ko naman dito. Napangiti ito ng malawak. Masuyo nitong hinaplos ang kanang pisngi ko. Ilalapit na sana ni Maximo ang mukha nito sa akin para halikan ako no'ng maputol iyon.
"I love you three" singit ng anak namin na si Maxiana dahilan para mapanguso na naman ako. "Daddy, pwede po ba tayo maglaro?" Malambing na tanong pa nito sa ama.
"Sure ba----"
"No baby Iana. Pwede bang akin muna time ng daddy mo?" Putol ko sa iba pang sasabihin ni Maximo no'ng maramdaman ko na bibitawan na ako nito. Gusto ko kasi sanang kausapin muna ng masinsinan si Maximo para sa isang magandang balita. Narinig ko ang mahinang pag-asik ni Maximo at mahina nitong pagtawa.
"Pwede ba baby?" Tanong pa ni Maximo sa anak namin. Napansin ko naman ang pagkindat nito sa ama.
"Sure daddy for my baby brother" sagot naman ni Maxiana na ikinamaang ko. What they are talking about? Are they already know?
"A-anong baby brother?" Naguguluhan na tanong ko sa mga ito habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa mag-ama. Sabay pang tumawa ang dalawa na lalong nagpakunot sa aking noo.
"Nothing mom. Si daddy nalang po ang tanungin niyo" sagot naman ni Maxiana bago natatawang tumalikod sa amin. Napanguso ako.
"Bakit parang pinagtutulungan ako ng mag-ama ko?" Bulong ko pa sa aking sarili. Napabuntong-hininga nalang ako.
"Baby Iana-----"
"Where's my grandchild?" Wika ng isang boses na kapapasok lang ng bahay dahilan para maputol ang sinasabi ko. Napatingin kami ni Maximo sa may pinto gano'n din si baby Iana na papunta na sana sa single sofa para maglaro. Napangiti ako no'ng makita ko si mommy Lizelda na may dalang paper bags na alam kong may lamang pasalubong para sa apo nito.
"Lola!" Hiyaw ni Maxiana na halata ang kasiyahan no'ng makita ang lola. Sabik pa itong lumapit para yumakap. Napangiti nalang ako no'ng makita ko na nagyakap ang mag-lola.
"Oh my sweet apo. I miss you" Narinig ko pang wika ni mommy Lizelda.
"I miss you more lola" sagot naman ng anak ko.
Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo ko sa kandungan ni Maximo para asikasuhin si mommy Lizelda no'ng pigilan naman ako nito sa braso. "Let them have some quality time wife" wika pa nito sa akin na iniyakap pa sa baywang ko ang mga braso dahilan para hindi ako makawala dito.
"Pero---"
"Don't worry about us iha. Ako na muna bahala sa apo ko. Ilalagay lang muna namin itong mga pasalubong ko sa kusina" wika ni mommy bago inakay ang anak ko papuntang kusina. Sinundan ko nalang ang mga ito ng tingin.
Nawala lang ang tingin ko sa may kusina no'ng maramdaman ko na isinub-sob ni Maximo ang mukha nito sa leeg ko. "Let's make our daughter wish come true wife" bulong pa nito sa may tainga ko dahilan para maalala ko ang kaninang makahulugang kinikilos ng mga ito. Napakunot-noo ako.
"Ano bang pinag-uusapan niyong mag-ama huh? Tinuturuan mo ba ng kalokohan ang anak natin Maximo?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko dito. Natawa naman ito ng mahina na lalong nagpakunot sa aking noo.
"O-of course not wife" Natatawang sagot nito. Pinaningkitan ko ito ng mga mata dahilan para sumeryoso na ito. Tumikhim pa ito pagkatapos. "She just wishing to have a baby brother wife" wika nito na ikinamaang ko.
"Is she serious?"
"I think she is" mabilis na sagot naman ni Maximo. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha nito. Napakunot-noo ako no'ng mapansin ko na nag-iwas ito ng tingin. "We both want it wife. Maxiana want baby brother to play with. A-actually, I really want a baby boy so I tell to our daughter that she has nothing to worry about because we will make it. C-can we make it wife?" Tanong pa sa akin ni Maximo na halatang nahihiya. Natawa naman ako ng mahina dahil doon.
"Bakit kailangan mo pang magsabi?" Natatawa na tanong ko pa dito.
"Baka kasi ayaw mo" sagot naman nito na ikinamaang ko.
"Tsk! Of course not"
"So can we make it?" Sabik na tanong pa nito.
"We made it" sagot ko naman dahilan para mapakunot-noo ito.
"W-what do you mean?" Naguguluhan na tanong pa nito.
"I'm four months pregnant and it's a boy" pagbibigay-alam ko dito habang nakangiti. Natawa pa ako no'ng makita ko ang pagkatulala ni Maximo.
"What? You are pregnant?" Hindi makapaniwala na tanong pa nito sa akin. Tumango-tango naman ako.
"OMG! Buntis si bestfriend AC?"
"Ang lupit mo uncle. Congrats!"
"Congratulations from your friend, Yvet. Ako ninang huh?"
"More babies to come baby Alana"
Napatingin ako sa mga bagong dating na nagsalita. Napangiti ako no'ng makita ko ang mag-asawang Yvet at kuya CK kasama ang 6 years old na anak ng mga itong si Lance. Napatingin din ako sa gawi ni Yemen na nakaakbay ngayon sa fiance nito na si bestfriend Maxinne. Napansin ko ang mga dala nitong pagkain na alam kong lalantakan ng mga ito para sa foodtrip ng mga ito dito sa bahay.
"Congratulations to the both of you. Sabik na akong makita ang apo ko" singit naman ni mommy Lizelda na ngayon ko lang napansin na nakalabas na pala ng kusina kasama ang anak ko.
"Yehey magkaka-baby brother na ako!" Masayang wika naman ni Maxiana bago tumakbo sa amin ni Maximo para magpakarga sa akin. Hinalikan ko pa ito sa pisngi no'ng makalapit ito sa akin.
"Let's celebrate this. Ipagluluto ko kayo" masayang wika pa ni mommy Lizelda na naglakad na pabalik ng kusina. Sumunod naman dito ang mga kaibigan ko.
"Tulungan ko na po kayo"
"Gusto ko matikman luto ni tita"
"Magaling magluto si grandma"
"Sana gano'n ka rin butiki noh? Sama mo kasi magluto"
"Shut up or I'll kiss you"
Natatawa nalang ako habang masayang nag-aasaran ang mga kaibigan ko habang papasok ng kusina. "Let's go with them wife" wika ni Maximo. Tumango naman ako dito.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa kandungan ni Maximo. Kinuha naman nito si Maxiana sa akin para ito na ang magbuhat sa anak namin. Inakbayan ako nito pagkatapos.
Habang naglalakad papasok sa loob ng kusina ay napatingin ako sa nakangiting larawan ni kuya Brie na nakasabit sa dingding. Pakiramdam ko ay parang kinakausap ako nito kaya naman napangiti ako. Lihim akong umusal ng pasasalamat dito.
Napatingin ako kay Maximo na bahagya pa akong inilapit sa katawan nito. Binalingan ko din ng tingin si Maxiana na ngayon ay tuwang-tuwa dahil sa karga ito ng ama nito dahilan para lumabas ang dalawang biloy nito sa pisngi. Napangiti din ako dahil doon. Lihim akong napa-usal ng dalangin sa sobrang kasiyahan.
Thank you lord for giving this man. A man that gives so much joy to me, a man who give Maxiana to me and this baby inside of my tummy, a man who keep loving me and a man that I love the most. Thank you for giving the best for me.
°WAKAS°

Komento sa Aklat (217)

  • avatar
    Sienna Rose

    I already love this story. Na-hooked ako ng dalawang bida, ang kyut nila both. I hope matapos ko siya 'til the end! Kudos sayo author. Thank you for this beautiful masterpiece 🙌💛

    02/08/2022

      1
  • avatar
    YanMochie

    kailan po ang update author im excited 😍

    20/04/2022

      0
  • avatar
    VitoriaKelyane

    bom!

    22/01

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo