Chapter 31

Brylle Maximo
KANINA pa ako napapatingin kay Alana Candra dahil napapansin ko na para bang may malalim itong iniisip. Simula no'ng ipagtapat namin ang aming relasiyon kay ma'am Bueno ay hindi na ako nito kinibo. Nakatanaw ito ngayon sa bintana ng kotse. Ibinalik ko naman ang aking atensiyon sa kalsada habang napapabuntong-hininga.
"Are you worried about ma'am Bueno?" Basag ko sa katahimikan. Hindi ito sumagot kaya muli akong napabuntong-hininga. "Don't worry wife because she will keep our relationship" Pagpapakalma ko dito pero tanging buntong-hininga lang ang naging reaksiyon nito. Naguguluhan na muli ko itong binalingan ng tingin.
"Are you mad wife?" Hindi mapakali na tanong ko ulit dito. Napakunot-noo ako no'ng nakalabi itong tumingin sa akin. "What's wrong?"
"Paano kung umalis ako Maximo?" Tanong nito sa akin na lalong nagpakunot sa aking noo. Nakaramdam din ako ng kaba dahil sa tanong nito.
"What are you talking about?"
"Wala" matamlay na sagot lang nito bago muling tumingin sa labas ng bintana. Napa-asik nalang ako ng mahina. Nagpakawala din ako ng isang marahas na hininga para alisin ang kaba sa aking dibdib. Ibinalik ko nalang ulit ang aking atensiyon sa daan.
Pagkarating sa bahay ay nasundan ko nalang ng tingin si Alana na diretsong pumasok sa loob ng bahay. Napapabuntong-hininga na sumunod nalang ako dito.
"Are you not going to take dinner wife?" Tanong ko pa dito no'ng mapansin ko na paakyat na ito sa aming kwarto. Saglit itong tumingin sa akin para umiling. Agad din ako nitong tinalikuran para ipagpatuloy  ang pag-akyat ng hagdan.
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali o may problema itong ayaw nitong sabihin sa akin. At para malinawan ay sumunod ako kay Alana sa aming kwarto. Naabutan ko pa itong nakahiga sa kama habang nakatulala sa kisame.
Umupo ako sa gilid ng kama. Nagulat pa ako no'ng biglang bumangon si Alana para yakapin ako nito sa leeg. Isinub-sob nito ang mukha sa may leeg ko.
"Do you have any problem wife? You can tell me" tanong ko dito bago ko ito iniharap sa akin. Napayuko naman ito. Narinig ko pa ang pagpapakawala nito ng isang malalim na hininga.
"I passed the exam and I-I got a chance to study----a-abroad" wika nito na halata sa boses ang lungkot. Bahagya naman akong natigilan sa nalaman.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksiyon. Gusto kong sabihin dito na huwag itong umalis pero sa tingin ko ay hindi naman yata tama iyon. Sa huli ay niyakap ko nalang ito ng mahigpit at dinampian ng halik ang labi nito. I'll miss this.
"Congratulations wife" nakangiting wika ko dito. Napanguso naman ito na anumang oras ay maluluha na ito. Natawa naman ako ng mahina bago ito niyakap ng mahigpit. Isinub-sob nito ang mukha sa dibdib ko.
"What if hindi nalang ako tumuloy abroad?" Tanong nito habang nakasub-sob sa dibdib ko. Hinaplos ko ang mahaba nitong buhok bago muling hinalikan ang noo nito.
"Don't stop dreaming wife just because of me. I can't hinder your future" wika ko dito.
"Pero 5 years ako do'n" wika pa nito na tumingala pa sa akin. Natawa naman ako ng mahina bago hinaplos ang mukha nito at dinampian ng halik ang nakanguso nitong labi. Tsk!
"5 years are too short wife" pagsisinungaling ko dito. Ang totoo ay masyadong mahaba iyon para sa akin. Isipin ko pa lang na lalayo ito sa akin ay nalulungkot na ako. Napabuntong-hininga nalang ako. "And I can wait" dagdag ko pa at 'yun ang alam kong magagawa ko.
"Aalis na rin ako after graduation master" Nakanguso na wika pa nito. Natigilan naman ako. Dalawang araw nalang at graduation day na ng mga ito. Pakiramdam ko ay may biglang bumara sa aking dibdib. Hindi makapaniwala na tumitig ako dito. Napalunok-laway ako.
"T-that is fine wife. You have nothing to worry about me" may pilit na ngiti na wika ko dito.
––
Alana Candra
Dalawang araw na ang lumipas no'ng sabihin ko kay Maximo ang pag-aaral ko abroad. Ngayon ay graduation day na at araw din ng pag-alis ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na iiwan ko si Maximo. Napabuntong-hininga nalang ako.
"Ako na diyan wife" narinig kong wika ni Maximo bago nito mabilis na kinuha sa akin ang mug at kutsara para ito na ang magtimpla ng sarili nitong kape. Napasimangot naman ako.
"Ako na dapat diyan. I want to be a good wife before I went abroad" Himutok ko kay Maximo na mabilis lang akong hinalikan sa labi bago ibinalik ang atensiyon sa tinitimpla nitong kape.
"I want to be a good husband as well wife. I want to take care of you" sagot naman nito. Napabuntong-hininga naman ako. Simula kasi no'ng sabihin ko dito na mag-aaral ako abroad ay hindi na ako nito halos pinakilos at todo abyad ito sa akin.
"Then let us take care of each other" nakanguso na wika ko pa dito. Napabuntong-hininga naman ito.
"Ok ok. I'll make you coffee and you'll make mine" sabi naman nito na ikinangiti ko. Natuwa ako ng sobra kaya mabilis ko itong hinalikan sa pisngi.
"I love you master" malambing na wika ko pa bago kumuha ng panibagong mug at kutsara para ipagtimpla ito ng kape.
"Tsk! I love you more wife" sagot naman nito.
Napansin ko bigla ang t-shirt na suot nito. Napagtanto ko na iyon ang ibinigay ko dito na ka-couple shirt ng suot ko rin ngayong t-shirt. Napangiti akong lalo dahil doon. Bumaling na ulit ako sa ginagawa ko pagkatapos.
Masaya kaming nagtimpla ng sabay ni Maximo gano'n din sa pagkain ng agahan. Hindi ko tuloy maiwasan na mapabuntong-hininga sa tuwing naiisip ko na hindi ko ito makakasama sa loob ng limang taon.
Pagkatapos mag-agahan ay tinulungan naman ako ni Maximo na maglagay ng mga gamit ko sa maleta. Nakatitig lang ako dito habang pumipili ito ng mga gamit na dadalhin ko.
"Parang ayaw ko nang umalis" wala sa sarili na wika ko. Napatingin sa akin si Maximo kasabay ng paghagulgol ko. Sinugod ko na rin ito ng yakap. "I-I don't want to l-leave you. I'll m-miss you so much h-hubby" humihikbi na wika ko dito. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni Maximo. Naramdaman ko rin ang mga mahihina nitong pagtapik sa likod ko.
"I-I'll miss you more w-wife, but don't give up your dream just because of me. I'll feel unhappy if you do" wika naman nito. Napatango-tango naman ako habang pinipigil ang paghikbi.
"O-ok" sagot ko bago pinahid ang mga luha ko at bumitaw sa yakap nito. Agad na tumalikod sa akin si Maximo na ipinagtaka ko. Nahuli ko pa itong nagpunas ng mata gamit ang kamay nito. Napabuntong-hininga nalang ako. Alam ko naman na nalulungkot din ito sa pag-alis ko.
"Fix yourself wife. We're going to school for your graduation" wika pa nito bago ako iniwan sa kwarto. Sinundan ko nalang ito ng tingin.
––
Nagsisimula na ang graduation ceremony no'ng makarating kami ng school ni Maximo. Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi no'ng naging agaw-atensiyon kami ng mga faculty members gano'n din ng mga estudyante. Halata sa mukha ng mga ito ang pagtataka kung bakit kasabay ko si Maximo.
"Bakit magkasabay sila ni sir Dela Fuente?"
"I smell something fishy"
"They look good together"
"Tsk! Alana is too young for sir Dela Fuente"
Marami pa akong naririnig na bulong-bulungan pero hindi ko nalang iyon pinansin. Umupo nalang ako sa assigned chair na para sa akin. May arrangement kasi kaya naman hindi ko katabi sina Maxinne at Yemen. Ang naging katabi ko sa upuan ay si Yvet dahil parehong nagsisimula ang apelyido namin sa letrang M. Pumunta naman si Maximo sa mga kasamahan nitong faculty members.
"Ang sweet niyo ni sir" wika ni Yvet na halata sa boses na kinikilig ito. Nginitian ko nalang ito. Ibinigay ko ang buong atensiyon ko sa graduation ceremony pagkatapos.
No'ng nagtatawag na ng mga pangalan na pupunta sa unahan ng stage ay nagsimula na akong kabahan dahil wala akong makakasama sa pag-akyat ng stage. Hindi ko naman kasi sinabi kay Maximo na samahan ako nito.
"Ms. Alana Candra Montañez with her guidance, Mr. Brylle Maximo Dela Fuente" wika ng emcee na bahagya kong ikinagulat.
Napatingin ako kay Maximo na ngayon ay nakatayo na at handa nang umakyat ng stage. Tumingin ito sa akin para ngitian ako. Nagsimula na itong maglakad paakyat ng stage kaya naglakad na rin ako. Naririnig ko pa ang bulungan ng mga tao sa paligid pero hindi ko nalang pinansin ang mga iyon.
"Congratulations wife" bulong nito sa akin matapos nitong ilagay ang toga. Nagulat pa ako no'ng bigla nalang ako nitong niyakap at dinampian ng halik sa noo.
"What's going on?"
"Bakit hinalikan ni sir Dela Fuente si Alana?"
"OMG! May relasiyon ba sila?"
Kung ano-ano pang mga bulungan ang narinig ko kaya naman ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. Nadagdagan pa iyon no'ng inakbayan ako ni Maximo. Kinakabahan na tiningala ko ito.
"W-what are you doing M-Maximo?"
"Woaaahh! Go team Maxlana!" Narinig ko pang sigaw ni Maxinne, Yvet, Yemen at kuya CK. Napayuko ako dahil sa sobrang hiya.
"Hello everyone, this is my wife---- Alana Candra Montañez Dela Fuente" nakangiting wika pa ni Maximo sa unahan dahilan para magulat ang marami.
"What? Asawa siya ni sir?"
"I can't believe this!"
"They are so cute"
"Bagay sila"
"Maxlana for the win!"
Sa sobrang hiya ay napasub-sob nalang ako sa dibdib ni Maximo. Kinikilig ako na kinakabahan. Nakahinga ako ng maluwag no'ng inalalayan na ako ni Maximo pababa ng stage.
"B-bakit ginawa mo iyon Maximo?" Usisa ko pa dito habang palapit kina Maxinne.
"To tell everyone that you are my wife and you are taken" sagot naman nito na ikinamaang ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito pagkatapos. "T-time to say goodbye to your friends" wika pa nito na halata sa boses ang lungkot. Nakaramdam din ako bigla ng lungkot.
"H-hubby what if----"
"No more what ifs wife" putol nito sa iba ko pang sasabihin. Napabuntong-hininga nalang ako.
No'ng makalapit ako sa grupo nina Maxinne, Yemen, Yvet, at kuya CK ay sabay-sabay ang mga itong niyakap ako. Sabay-sabay ding bumitaw ang mga ito pagkatapos. Halos maluha-luha si Maxinne no'ng tumingin ito sa akin kaya naman napalabi ako habang nagpipigil din ng luha.
"Ingat ka do'n bestfriend AC huh? Hindi ka na namin maihahatid sa airport gawa ng hindi pa tapos ang graduation ceremony, si sir na bahala sayo" wika ni Maxinne habang naluluha. Napatango-tango naman ako.
"Don't worry about your husband here Alana, ako bahala sa kanya. Isusumbong ko sayo si uncle kapag nagloko siya" Natatawa naman na wika ni Yemen dahilan para mapa-asik ng mahina si Maximo.
"Baby Alana, you can call me anytime if you need a brother to lean on" wika naman ni kuya CK na sumaludo pa sa akin na ikinangiti ko.
"Ako? Hindi pa naman tayo gano'n ka-close. All I can say is, do your best Alana. Update nalang kita sa lovelife ko" wika naman ni Yvet na nagawa pang kumindat kay kuya CK. Natawa ako ng mahina dahil doon.
"Thank you all" Hindi ko na napigilang maluha bago binigyan ang mga ito ng isang mahigpit na yakap.
Pagkatapos magpaalam sa mga kaibigan ko ay pumunta na kami ni Maximo sa airport. Papasok na sana ako sa loob no'ng mapakunot-noo ako dahil tumigil sa paglalakad si Maximo at humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko. Nagtataka na nilingon ko ito.
"May problema ba?" Nakakunot ang noo na tanong ko dito. Bumuntong-hininga ito bago ako hinigit papalapit sa katawan nito para yakapin ako ng mahigpit. Naramdaman ko ang pagsub-sob ng mukha nito sa leeg ko.
"Let's get married wife" bulong nito na ikinamaang ko.
"Huh?"
Binitawan ako nito para mapagmasdang mabuti ang mukha ko. Nagulat ako no'ng hawakan nito ang magkabila kong pisngi para bigyan ako ng isang mariing halik sa labi. Napapikit ako at napakapit sa leeg nito habang ninanamnam ang matamis nitong halik. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa aking pisngi. I'm going to miss this!
Habol ang hininga ng bitiwan ako ni Maximo. Inilapat pa nito ang noo sa noo ko habang hawak pa rin ang magkabila kong pisngi. Naaamoy ko pa ang mabango nitong hininga. Napansin ko rin ang mariin nitong pagpikit na para bang pilit na pinakakalma ang sarili.
No'ng magmulat ito ng mata ay nagkasalubong ang mga tingin namin. Ngumiti ito ng bahagya bago inabot ang kamay ko para ilagay ang isang mamahaling singsing na kinuha nito sa suot nitong slacks. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.
"Let's get married after five years wife. I'll wait for you to come home" wika pa nito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na maluha at yakapin ito ng mahigpit. Tumango-tango ako.
"O-ok" sagot ko dito habang patuloy na lumuluha. Naramdaman ko ang paghagod nito sa likod ko.
"I-It's time to say g-goodbye for now w-wife. You have to go" bulong nito kaya naman bumitaw na ako dito. Pinunasan pa nito ang luha ko habang nakatitig ako sa mga mata nito. Dinampian pa nito ng halik ang tungki ng ilong ko. "I love you wife" wika pa nito bago binitawan ang kamay ko na hawak nito.
"I love you too hubby" nakangiting sagot ko habang umaatras palayo dito. Kumuway pa ito sa akin habang nakatanaw sa akin.
"I love you more. Please wait for me" bulong ko bago tumalikod dito.

Komento sa Aklat (217)

  • avatar
    Sienna Rose

    I already love this story. Na-hooked ako ng dalawang bida, ang kyut nila both. I hope matapos ko siya 'til the end! Kudos sayo author. Thank you for this beautiful masterpiece 🙌💛

    02/08/2022

      1
  • avatar
    YanMochie

    kailan po ang update author im excited 😍

    20/04/2022

      0
  • avatar
    VitoriaKelyane

    bom!

    22/01

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata