Homepage/I'm His Student Wife/
Chapter 30
HINDI pa rin makapaniwala si Yvet sa relasiyon naming dalawa ni Maximo kahit no'ng makarating na kami sa bahay. Kasama namin ito sa pag-uwi dahil napag-usapan namin nina Yemen at Maxinne na mag-celebrate dito sa bahay namin ni Maximo para sa successful ng aming research paper. Sumama sa amin si Yvet dahil nagbabakasakali ito na makita si kuya CK.
"Sa tingin mo dadating kaya ang dalawang iyon?" Naiinip na tanong naman ni Yemen na kasama rin namin ngayon. Nandito kaming apat sa labas ng bahay para salubungin ang pagdating nina kuya CK at Maxinne.
"Darating 'yun si Max" may panunukso sa boses na sagot ko naman may Yemen. Agad naman itong napakunot-noo.
"Hindi naman si tuko ang tinutukoy ko, si kuya CK" pagsisinungaling pa nito sa akin na umasik pa ng mahina. Tsk!
"Kuya CK daw" Pang-aasar ko pa dito.
"My CK" segunda naman ni Yvet. Napailing-iling nalang ako.
"Why don't we wait them inside?" Singit naman ni Maximo na ngayon ay nakasandal sa isa sa poste ng gate. Nakacross-arms ito.
"Dito nalang" nakangisi na sagot ko kay Maximo. Gusto ko kasi salubungin si kuya CK na mataga-tagal ko na ring hindi nakikita. Napakunot-noo naman si Maximo na alam kong nagtataka. "Para may thrill" dagdag ko pa.
"Tsk!" Asik naman ni Maximo bago ako hinigit sa braso para mapalapit ako dito. Bahagya pa akong natigilan no'ng yakapin ako nito sa baywang mula sa likuran. Ipinatong pa nito ang baba nito sa balikat ko. "Don't catch cold wife" wika nito sa akin.
"Ehem! Dami langgam" napapaiwas ng tingin sa amin na wika ni Yemen dahilan para maramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi.
"Ang taray mo gurl. How to find a man like sir Dela Fuente?" Nakalabi na tanong naman ni Yvet. Natawa ako ng mahina dahil doon.
Naputol ang pagku-kwentuhan naming apat no'ng may pumaradang kotse sa harapan namin. Bumaba mula roon sina Maxinee at kuya CK.
"Baby Alana!" Sabik na bati sa akin ni kuya CK kaya agad akong bumitaw kay Maximo para sana salubungin ito ng yakap.
Yayakapin nalang sana ako ni kuya CK no'ng matigilan ako dahil hinigit ni Maximo ang kuwelyuhan ng aking damit. "Tsk! Are you not contented to my hug wife?" Narinig ko pang tanong ni Maximo kaya umikot ako dito paharap para yakapin ito sa baywang.
"Jealous man. She just like a sister to me sir so don't worry" Natatawa na wika pa ni kuya CK.
"I don't care" masungit na sagot naman ni Maximo. Tumingala ako dito kaya nakita ko ang walang ekspresiyon na mukha ng asawa ko.
"I love you master" wika ko dito bago ito niyakap ng mas mahigpit. Natuwa naman ako no'ng niyakap ako pabalik ni Maximo.
"Tsk! Walang galang sa single" hirit pa ni Maxinne na halata sa boses na naiinggit sa amin ni Maximo. Natawa nalang ako ng mahina.
"Gusto mo na rin bang maging taken?" Tanong naman ni Yemen sa bestfriend ko. Narinig ko ang mahinang pag-asik ni kuya CK.
"Tigilan mo ang baby Max ko man!" Masungit na wika pa ni kuya CK.
"Ano ka kay kuya"
"Eh ako ba? Ayaw mo ba akong tigilan CK?" Malambing na tanong naman ni Yvet. Napatingin naman dito si kuya CK. Nahuli ko pa ang nag-aalangang tingin nito kay Yvet na para bang nahihiyang bata. Napailing-iling nalang ako.
"Let's get inside" akit naman ni Maximo sa amin bago ko naramdaman ang pagbitaw nito sa akin. Napapangiti na sumunod nalang kami dito papasok sa loob ng bahay.
––
Malapit na ang graduation namin kaya naman naghahanda na kami ngayon ng mga kaklase ko para sa graduation ceremony. Nagpa-practice na kami ng mga pwedeng mangyari sa event.
"O my god! Bestfriend AC!" Agaw atensiyon sa akin ni Maxinne na ngayon ay nagmamadaling lumapit sa akin habang may hawak-hawak na cellphone. Napakunot-noo ako.
"What happened?"
"You got the chance" natataranta na sagot nito na lalong nagpakunot sa aking noo.
"What do you mean?" Naguguluhan na tanong ko ulit dito. "Can you calm your self Max?" Nakalabi na tanong ko na dito. Kinakabahan na kasi ako dito.
"Pwede kana mag-aral abroad bestfriend AC. Congratulations" masayang wika nito sa akin na niyakap-yakap pa ako. Natulala naman ako bigla sa naging balita nito. Nakangiting bumitaw ito sa akin para ipakita ang pangalan ko na kasama sa mga nakalista. "See? Alana Candra Montañez. Ang galing mo bestfriend AC" Dagdag pa nito na pinalo-palo na ang balikat ko dahil sa sobrang saya habang itinututok ang cellphone nito sa akin. Tsk!
"How about you?" Tanong ko dito na ikinatigil nito. Nawala saglit ang ngiti nito pero agad rin namang bumalik iyon at muli akong pinalo sa balikat. Sadista!
"I failed but that is fine bestfriend AC. Ang mahalaga ay ikaw ang pumasa. You can fulfill your dream now. Pwede naman akong pumasok sa ibang school eh" nakangiting sagot nito. Naisip ko naman bigla si Maximo dahil kapag umalis ako para mag-aral abroad ay maiiwan ko ito. Hindi ko alam kung makakaya ko iyon. Napabuntong-hininga ako.
"Dito nalang din siguro ako mag-aaral" wala sa sarili na wika ko. Nanlaki naman bigla ang mata ni Maxinne.
"What? Are you crazy bestfriend AC? Opportunity may only knock once best, so don't miss your chance" wika ni Maxinne. Napabuntong-hininga nalang ako. "Are you thinking of your husband? Can't you leave him?" Tanong ulit nito habang pinagmamasdang mabuti ang ekspresiyon ng mukha ko. Napayuko ako.
"Tama ka" pag-amin ko dito habang napapabuntong-hininga. Narinig ko naman ang pagpapakawala nito ng isang malalim na hininga.
"Ok. I got you best! Hindi naman kasi madaling iwan ang isang Maximo dahil sobrang nakaka-hook ang asawa mo. Tsk! But you must learn to sacrifice bestfriend AC for your dreams. You need to be independent. And love can also wait" Payo sa akin nito. Natigilan naman ako sa mga sinabi nito.
Naalala ko bigla 'yung araw na hinamak ako ng mga kaibigan ni kuya Sandro at sinabi na hindi ako bagay kay Maximo dahil isang hamak na estudyante pa lang ako at wala pang napapatunayan. Napabuntong-hininga na naman ako.
Naputol ang pag-uusap namin ni Maxinne no'ng may lumapit sa akin na isang estudyante. "Ate Alana, pinapatawag ka po ni ma'am Bueno sa faculty room po" wika no'ng estudyante sa akin na agad ding umalis pagkatapos. Nagtataka na sinundan ko nalang ito ng tingin.
"Anong meron?" Usisa pa ni Maxinne habang sinusundan din ng tingin 'yung estudyante.
"Hindi ko rin alam" sagot ko naman dito na napakibit-balikat pa. "Sige, puntahan ko lang Max" Paalam ko kay Maxinne bago ito tinalikuran para pumunta sa faculty room.
Nang makarating ako ng faculty room ay napansin ko na mag-isa lamang doon si ma'am Bueno. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Naiilang na nagsimula akong lumapit dito.
"Pinapatawag niyo daw po ako ma'am" Bungad ko dito. Nag-angat naman ito ng tingin para pasadahan ang buo kong katawan. Nakataas ang isang kilay na tumingin ito ng diretso sa mga mata ko pagkatapos.
"Someone saw you. I told you to stop Ms. Montañez. Are you trying to destroy someone's relationship?" Nakakunot ang noo na tanong nito sa akin. Naguluhan naman ako bigla.
"Po?" Inosente kong tanong dito dahilan para mapa-asik ito ng mahina.
"You are still young to be a destroyer. No, it's not right to be a destroyer regardless of any age" wika pa nito na ikinakunot-noo ko.
"Hindi ko po kayo maintindihan ma'am" sabi ko naman dito dahil wala talaga akong maintindihan sa mga sinasabi nito ngayon. Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito.
"This is the proof. Magpasalamat ka dahil ako ang unang napag-sabihan no'ng estudyanteng nakakita sa inyo dahil kung hindi, baka ipinagkalat na niya sa buong campus ang tungkol sa inyo. Act wisely Ms. Montañez" wika pa ni ma'am Bueno na lalong nagpakunot sa aking noo. Naguguluhan na tiningnan ko ito.
Inilapag ni ma'am Bueno ang cellphone nito sa lamesa na agad ko namang tiningnan. Agad na sinakop ng kaba ang aking dibdib no'ng makita ko sa larawan na nakaupo ako sa kandungan ni Maximo sa isang classroom. Naalala ko bigla na iyon ang eksena no'ng araw ng thesis defense na siya ring naabutan ni Yvet kaya nalaman nito ang tungkol sa relasiyon namin. Kinakabahan na muli akong napatingin kay ma'am Bueno.
"Are you surprised Ms. Montañez?" Tanong pa sa akin nito.
"Pero ma'am ang totoo po kasi---"
"You still have a chance to change Ms. Montañez. You can cut your secret relationship with Mr. Dela Fuente" Putol nito sa iba ko pang sasabihin.
Nakaramdam ako bigla ng pagkataranta. Hindi ko rin alam kung paano dito ipapaliwanag ang lahat o tama bang aminin dito ang totoo naming relasiyon ni sir Dela Fuente. Napayuko nalang ako at napakagat sa aking labi.
"I can't/ she can't" wika ko at no'ng pamilyar na boses na kapapasok lang ng faculty room. Sabay pa kaming napatingin dito ni ma'am Bueno. Lihim akong napangiti no'ng makita ko si Maximo na ngayon ay nakatuon ang tingin sa akin.
"What are you talking about sir Dela Fuente? Why she can't?" Naguguluhan na tanong ni ma'am Bueno kay Maximo. Bumaling naman dito si Maximo. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa mga ito. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni ma'am Bueno.
"She can't cut her relationship with me. I will not allow that" seryoso ang ekspresiyon ng mukha na wika ni Maximo. Lalo namang naguluhan si ma'am Bueno.
"What are you trying to convey? That you are going to keep your relationship with your student? Ang sabi mo sa akin ay may asawa kana at nakita ko siya no'ng online meeting natin. Nawawala kana ba sa sarili mo sir De-----"
"She is my wife" putol ni Maximo sa sinasabi ni ma'am Bueno. Napamulaga ang mata ko dahil hindi ko inasahan na aamin ito. Napansin ko rin ang gulat sa mukha ni ma'am Bueno.
"What?"I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (217)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I already love this story. Na-hooked ako ng dalawang bida, ang kyut nila both. I hope matapos ko siya 'til the end! Kudos sayo author. Thank you for this beautiful masterpiece 🙌💛
02/08/2022
1kailan po ang update author im excited 😍
20/04/2022
0bom!
22/01
0Tingnan Lahat