Homepage/I'm His Student Wife/
Chapter 29
Alana Candra
TATLONG araw na ang lumipas simula nang umalis si Maximo para sa seminar nito. Ang buong akala ko ay ngayong araw na ito uuwi pero hindi pa pala. Sinabi nito sa akin no'ng tumawag ito kanina na bukas pa daw ng umaga ito babiyahe. Hindi ko maiwasang mapasimangot dahil pakiramdam ko ay ako lang ang nakakamiss dito. Napabuntong-hininga nalang ako.
Naglalakad ako ngayon sa eskinita pauwi ng bahay. Pinili ko nalang kasi ang mag-commute kaysa sumabay kay Yemen na palaging ang bukam-bibig ay si Maxinne na bestfriend ko. Tsk! Sa tingin ko ay tinamaan na rin ito. Nakasama ko ito sa loob ng tatlong araw kaya masasabi ko na nagkakagusto na ito kay Max.
Napatingala ako sa langit ng maramdaman ko na mayroong tumulong tubig sa aking mukha. Agad kong isinaklob ang hood ng suot kong pink na jacket. Sa tingin ko ay anumang oras ay bubuhos ang ulan. Nakaramdam naman ako ng pagkataranta dahil wala akong dalang payong. Medyo malayo-layo pa naman ang lalakarin ko.
Tatakbo na sana ako no'ng maramdaman ko na hindi ayos ang sintas ng suot kong rubber shoes. Naiinis na umupo ako at yumuko para ayusin ang nakalag kong sintas. Nagulat pa ako no'ng bigla nalang lumakas ang ulan na agad bumasa sa akin. Napabuntong-hininga nalang ako.
Hindi na ako mapakali sa pagtatali ng aking sintas no'ng mapansin ko na merong nakatayo sa aking harapan. Napatingala ako at agad na napangiti. "M-Maximo" usal ko sa pangalan ni Maximo na ngayon ay nakatayo sa harapan ko at pinapayungan ako ng kulay pink na payong. Napansin ko rin na nakasuot ito ngayon ng white jacket na may hood na nakasaklob din sa ulo nito ngayon. Lalo itong naging gwapo sa paningin ko.
"Hold this wife" wika nito na ang tinutukoy ay iyong payong na hawak nito. Agad ko namang sinunod ito. Umupo ito sa harapan ko para ito na ang magtali ng sintas ko habang ako naman ay hindi ko maalis ang pagkakatitig ko dito.
"A-akala ko ba bukas pa ang uwi mo?" Hindi pa rin makapaniwala na tanong ko dito. Inalalayan pa muna ako nitong tumayo bago kinuha ang payong sa akin para ito na ang magdala niyon. Inakbayan ako nito para mapalapit ako sa katawan nito. Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi.
"I want to surprise you" sagot nito bago ako pinasadahan ng tingin. Napa-asik pa ito ng mahina. "Tsk! I'm regretting now that I chose to cook dinner for you over picking you up from school" may pagsisisi sa boses na dagdag pa nito. Mas inilapit pa ako nito sa katawan nito na ikinangiti ko.
Pagkarating ng bahay ay agad akong pinaligo ni Maximo para daw hindi ako magkasakit. Hindi mawala ang ngiti ko habang ninanamnam ang ginagawa ngayon ng asawa ko. Sinusuklayan nito ang buhok ko. Pakiramdam ko tuloy ay lalo akong nahuhulog dito. Natutuwa rin ako sa pagiging masyado nitong maalaga sa akin.
"I love you hubby" malambing na wika ko kay Maximo na niyakap pa ito sa baywang. Naramdaman ko naman na ibinalot ako nito sa kumot bago bahagyang nilayo sa katawan nito. Mahina pa nitong tinapik ang ulo ko.
"I love you too wife. I'll wait you downstairs" wika naman nito na binigyan pa ako ng smack kiss sa labi bago lumabas ng aking kwarto. Nakangiti na sinundan ko nalang ito ng tingin.
Mga ilang minuto lang akong nanatili sa aking kwarto no'ng maisip ko na sumunod na rin kay Maximo. Nakabalot pa rin ako ng kumot no'ng makababa. Sobrang lamig din kasi ng pakiramdam ko dahil sa ulan.
Napangiti ako no'ng makita ko si Maximo sa sala habang nakaupo sa sofa. Nagmamadali na lumapit ako dito. Agad akong umupo sa kandungan nito paharap at mabilis kong ipinulupot ang mga binti ko sa baywang nito. Halata sa mukha nito ang gulat. Nangingiti na niyakap ko lang ito ng mahigpit habang nakapatong ang aking baba sa balikat nito.
"Where's my pasalubong?" Malambing na tanong ko dito. Narinig ko ang pagtikhim ni Maximo bago tinapik-tapik ang likod ko.
"W-wife----"
"Nasaan na?" Tanong ko ulit dito habang nakalabi.
"In the kitchen. By the way---"
"Is she your wife sir Dela Fuente?" Narinig kong tanong ng isang boses na alam kong si ma'am Bueno. Natigilan ako bigla. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Maximo.
Tinakpan ko ng kumot ang aking mukha bago dahan-dahang lumingon sa pinanggalingan ng boses. Nanlaki ang mga mata ko no'ng mapagtanto ko kung saan iyon nagmula. Naramdaman ko agad ang pamumula ng aking pisngi. Napapahiyang tumingin ako kay Maximo na ngayon ay mahinang tinatapik ang aking ulo.
"We have urgent online meeting wife. And now, all faculty members saw how clingy my wife is" Bulong nito sa may tainga ko dahilan para isub-sob ko ang mukha ko sa dibdib nito.
"B-bakit hindi mo agad sinabi?" Nahihiya na tanong ko dito habang nakalabi.
"You didn't give me a chance" natatawa na sagot naman ni Maximo. Dinampian pa nito ng halik ang sentido ko. "By the way guys, yes she is my----" Bago pa matapos si Maximo sa sasabihin nito ay nagmamadali na akong lumayo dito at patakbong umakyat sa hagdan. Kahiya! Narinig ko pa ang pagtawa nito.
––
Kinabukasan ay abot-abot ang kaba naming magkakaklase dahil sa thesis defense. Ngayon na kasi ang araw na iyon. Hindi ko akalain na sobra pala iyon kung magbigay ng kaba. Nagpapasalamat ako dahil kami nina Maxinne at Yemen ang nauna. Ngayon nga ay tapos na kami kaya naman nakahinga na ako ng maluwag.
Napatingin ako sa loob ng classroom kung saan naroon pa ang mga panel. Break time na kaya tigil muna ang defense. Nakita ko si ma'am Bueno na inaabutan pa si Maximo ng bottled water na ngayon ay tinitingnan ang mga research paper ng iba ko pang kaklase. Si ma'am Bueno ay isang stastician kaya naimbita rin itong maging panel para magbigay ng suggestion sa statistical treatment namin.
"Thank you" Narinig ko pang wika ni Maximo kay ma'am Bueno na tiningnan pa ito saglit para ngitian. Ininom din agad ni Maximo ang bigay na tubig nito. Hindi ko napigilan na mapasimangot habang nakatingin sa mga ito.
"Dapat ako ang gumagawa niyan eh" bulong ko pa sa aking sarili.
Hindi ko inasahan na titingin sa gawi ko sina Maximo at ma'am Bueno kaya nahuli ng mga ito na nakatingin ako sa mga ito habang nakasimangot. Agad akong nag-iwas ng tingin sa mga ito at nagtago sa gilid ng classroom.
Mga ilang segundo lang ang lumipas ng mapansin ko ang paglabas ng mga panel kasama si ma'am Bueno. Siguro ay sasamahan nito ang mga panel na pumunta sa cafeteria para doon mananghalian. Bahagya pa akong natigilan no'ng tumigil sa paglalakad si ma'am Bueno para humarap sa akin. Ngumiti ito sa akin pero halatang pilit lamang iyon.
"I saw your affection towards sir Dela Fuente Ms. Montañez. I see it in your eyes but I advice you to stop because he is already taken" diretsong wika sa akin ni ma'am Bueno. Napamaang naman ako. Ngumiti pa ulit ito sa akin bago ako tinapik sa balikat. "Think many times Ms. Montañez. You are still young" dagdag pa nito bago ako tinalikuran para sumunod sa mga panel.
"Huh?" Naging reaksiyon ko nalang no'ng makabawi ako at no'ng wala na sa paningin ko si ma'am Bueno.
"Wife" narinig kong tawag sa akin ni Maximo. Napatingin naman ako sa loob ng classroom. Nakita ko mula roon si Maximo na patuloy pa rin tinitingnan ang mga thesis ng kaklase ko.
Inilibot ko muna ang paningin ko sa paligid para alamin kung wala na bang tao. Nakahinga ako maluwag no'ng masiguro ko na wala na. Nakangiting pumasok ako ng classroom para lumapit kay Maximo.
"I bought you foods" masayang wika ko bago tumabi dito. Napansin ko na hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa manuscripts. Napanguso ako. "Hindi ba pwedeng mamaya na 'yan?"
"Are you jealous?" Tanong din nito sa akin. Napamaang naman ako.
"Huh? Sa manuscripts? Ano ako baliw? Hindi ah!" Agad na depensa ko dito. Inalis naman nito ang pagkakatingin sa manuscripts para bumaling sa akin. Kumunot ang noo nito habang pinag-aaralang mabuti ang ekspresiyon ng mukha ko.
"Are you jealous with ma'am Bueno? I saw it a while ago" wika nito na ikinalunok-laway ko. Agad akong nag-iwas dito ng tingin. Bumilis din ang tibok ng puso ko. Nararamdaman ko rin ang pamumula ng magkabila kong pisngi.
"H-hindi. I'm not j-jealous" sagot ko sa tanong nito na akmang tatayo na sana kung hindi lamang nito hinigit ang braso ko. Bumagsak ako sa kandungan nito. Napamulaga ako dahil sa gulat. "W-what are you doing? B-baka may makakita sa atin Maximo" kinakabahan na sabi ko dito na aalis na sana mula sa pagkakaupo ko sa kandungan nito kung hindi lamang nito ipinulupot naman sa baywang ko ang mga braso nito.
"Admit it wife"
"O-oo na. K-kaunti lang" pag-amin ko dito. "B-bitaw na" kinakabahan na utos ko. Natawa naman ng mahina si Maximo. Bibitawan na sana ako nito no'ng bigla nalang kaming napatingin sa may pinto dahil sa nagsalita.
"Omg! What is the meaning of this?" Nanlalaki ang mga mata na tanong ni Yvet na siyang nasa may pintuan. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Maximo. Mabilis naman akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kandungan ni Maximo at kinakabahan na hinarap si Yvet.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (217)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I already love this story. Na-hooked ako ng dalawang bida, ang kyut nila both. I hope matapos ko siya 'til the end! Kudos sayo author. Thank you for this beautiful masterpiece 🙌💛
02/08/2022
1kailan po ang update author im excited 😍
20/04/2022
0bom!
22/01
0Tingnan Lahat