Homepage/I'm His Student Wife/
Chapter 28
NAPAPANGIWI ako habang dahan-dahan kong inuunat ang aking katawan. Hindi ko alam na ganito pala ang epekto niyon. Napabuntong-hininga ako. Mabuti nalang at weekend ngayon dahil kung hindi ay siguradong sobrang late na akong papasok sa school. Hindi ko maiwasang samaan ng tingin si Maximo na ngayon ay nagbibihis na. Tsk!
"Aren't you going to get up wife?" Tanong pa sa akin ni Maximo kaya sinamaan ko ito ng tingin. Natawa naman ito ng mahina.
"I can't" nakalabi na sagot ko dito. Napabuntong-hininga naman ito bago lumapit sa akin. Hinawakan nito ang dalawa kong kamay para dahan-dahan akong higitin patayo. Kinarga ako nito para dalhin sa loob ng CR. Pinaupo ako nito sa bathtub. Tinapik pa nito ng mahina ang ulo ko.
"Take a bath wife to remove your body aches" wika nito bago ako hinalikan sa noo. Lumabas na rin ito ng CR pagkatapos.
Pagkatapos kong maligo at ayusin ang aking sarili ay lumabas na rin ako ng kwarto ni Maximo. Napangiti ako dahil medyo gumaan na ang aking pakiramdam.
Tumuloy ako sa kusina kung saan naroon si Maximo. Naabutan ko pa itong umiinom ng kape habang ang paningin ay nakatutok sa laptop. Napakunot-noo ako.
"Are you busy?" Pukaw ko dito bago umupo sa katabi nitong upuan.
"A little bit. By the way, we have 3 days seminar starting tomorrow wife" sagot ni Maximo na hindi inaalis ang tingin sa laptop. Tumango-tango naman ako habang kumukuha ng sandwich at hotdog na siya kong kakainin.
"Ok. Sino kasama mong teacher?" Nakangiting tanong ko naman dito na masaya pang kumagat sa sandwich na hawak. Sinubuan ko pa ng bacon si Maximo na agad naman nitong kinain.
"Ma'am Bueno" sagot ni Maximo habang ngumunguya. Agad namang bumagsak ang kamay ko na may hawak na sandwich dahil bigla nalang akong nawalan ng gana. Tsk!
"3 days? Paano naman ang pagtulog ko?" Nakayuko at napapabuntong-hininga na tanong ko pa dito.
"Sa tingin ko naman ay magiging ok ka lang wife. Just think of me if you are going to sleep then you'll be fine" wika nito dahilan para lalo akong sumimangot. Walang gana na sinimulan ko nalang ulit kainin ang hawak kong sandwich. "By the way wife, may naisip kana bang course na gustong kunin ngayong patapos kana ng grade 12?" Tanong ulit nito.
Natigilan akong muli sa aking kinakain at napaisip ng malalim. Naalala ko bigla na nag-exam kami online ni Maxinne no'ng nakaraang buwan sa isang school na mamimili ng mga estudyante na pwedeng mag-aral abroad. Ang alam ko nga ay next week na ang labas ng resulta. Hindi na ako umaasa na mapipili ako doon at saka parang ayaw ko nang pumunta abroad kung sakali dahil ayaw ko namang maiwan dito si Maximo.
"Wala pa. Mag-iisip palang ako" nakangiting sagot ko naman kay Maximo kahit nasa laptop lang nito ang atensiyon. Napasimangot ako. "Busy"
"I love you wife" wika nito dahilan para mapangiti ako. "I'm sorry if I'm busy. I just need to rush this paper wife before seminar so I have nothing to worry about" Paliwanag pa nito.
"Ok lang" wika ko naman dito bago masiglang bumalik sa pagkain. Muli kong sinubuan ng bacon si Maximo na agad naman nitong tinanggap. Napangiti ako dahil doon.
––
Brylle Maximo
Napalingon ako kay Alana Candra sa huling pagkakataon bago ako sumakay sa aking kotse. Ngayon ang simula ng aming 3 days seminar kaya may kaunting disgusto sa aking pag-alis. Tsk! "Damn this love! It makes me weak and too emotional" Napapabuntong-hininga na bulong ko sa aking sarili.
Napangiti ako no'ng malingunan ko si Alana Candra na kumakaway sa akin habang may nakasubo pang lollipop sa bibig nito. Napansin ko rin ang pagsinghot-singhot nito na lalong nagpangiti sa akin. Hindi na ako nakatiis na lapitan ito para yakapin.
"Damn wife! You're so cute" bulong ko dito habang hinahagod ng kamay ang mahaba nitong buhok at hinahalikan ang noo nito. "And please stop sniffing. I'm not going far away and I'll be back to you" wika ko pa dito bago ko naramdaman ang pagtugon nito sa yakap ko. Isinub-sob din nito ang mukha sa dibdib ko na alam ko namang ginagawa nito kapag nagpipigil ito ng emosiyon.
"P-pasalubong huh?" Wika nito na halatang pinipigil lang ang sarili na huwag maluha. Tsk! Natawa naman ako ng mahina bago ito binigyan ng isang mahigpit na yakap.
"Ok" bulong ko dito bago ito pinakawalan. "I have to go" wika ko pa. Tumango naman ito habang nakangiti sa akin. Nagawa pa nitong kumaway. Nginitian ko rin ito bago ko ito tinalikuran para maglakad na papunta sa kotse. Napatigil ako sa paglalakad at napatingala sa langit para magpawala ng isang marahas na hininga.
If love can make you out of sanity, then I'm out of it because I find myself turning back to her just to give her my passionate kiss. Tsk!
I am totally insane!
––
Yemen
"Yes uncle? What makes you call with this late hour?" Agad na bungad ko kay uncle BM matapos kong sagutin ang tawag nito. Napakamot pa ako sa aking ulo no'ng malaman ko na alas-onse na ng gabi. Napabuntong-hininga ako.
"Can you check my wife for me?" Agad na bungad naman nito sa akin. What?
"What? Uncle naman, gabing-gabi na oh. Inaantok na ako. Bakit hindi nalang ikaw ang mag-check sa----"
"I'm not in the house. I have 3 days seminar" putol nito sa pagrereklamo ko. Narinig ko pa ang malalim nitong pagbuntong-hininga sa kabilang linya. "Just check her man please. I'm worried about her. Damn! I don't know if she sleep soundly or if there's is----"
"Fine uncle" Putol ko sa iba pa nitong sasabihin. Pakiramdam ko kasi ay anumang oras ay bibigay ito dahil sa sobrang pag-aalala. Kinakabahan na rin ako dahil doon. "I'll check her"
"Thank you man" kalmado na ang boses na wika nito sa kabilang linya. Napangiti naman ako. Crazy!
Pagkatapos kong makipag-usap kay uncle BM ay pumunta na ako sa bahay nito at ni Alana. Hindi pa man ako nakakapasok ng bahay ng mga ito ay narinig ko na naman ang pagtunog ng aking cellphone. Napakamot ako sa batok no'ng makita ko sa screen ang pangalan ni uncle BM.
"How is she?" What the heck?
"Can you calm yourself uncle? Hindi pa nga ako nakakapasok ng bahay niyo eh---- tsk! Too obsessed" Natatawa na wika ko dito na ibinulong nalang ang mga huling salita. Nagsimula na rin ako maglakad papasok ng bahay.
"Make it fast man" wika pa nito sa kabilang linya. Napailing-iling nalang ako. Hindi ko alam na ganito pala ang epekto ng pag-ibig sa isang Brylle Maximo Dela Fuente. Napabuntong-hininga nalang ako.
Nang makapasok ako ng bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ni kuya Maximo. Pagkabukas ko ng pinto ay naabutan ko pang mahimbing na natutulog si Alana habang yakap-yakap ang unan na nilagyan pa nito ng damit ni uncle. Crazy!
Pakiramdam ko ay hindi ako tatagal sa pagiging lulong ng mga ito sa pag-ibig. Natawa ako ng mahina bago muling isinara ang pinto ng kwarto ni uncle BM.
"Your wife is sleeping safe and sound uncle" Pagbibigay-alam ko kay uncle BM. Narinig ko naman ang pagpapakawala nito ng hininga sa kabilang linya, senyales na kampante na ito.
"Pwede bang manatili ka muna diyan hangga't hindi pa ako nakakauwi? Can you stay with her? J-just at night man" wika pa ni uncle BM sa kabilang linya na halatang nagdadalawang-isip pa sa ipinapagawa nito sa akin.
"What are you thinking uncle? Hindi mo ba alam na minsan na akong nagkagusto sa asawa mo?" Natatawa na tanong ko kay uncle para lang asarin ito. Ang totoo ay wala naman na akong gusto kay Alana dahil sa tingin ko ay may iba na akong nagugustuhan. Tsk! Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni uncle.
"I know, but I trust you man" sagot ni uncle na ikinangiti ko. Napailing-iling nalang ako.
––
Brylle Maximo
Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi no'ng speaker habang nagsusulat ng mga mahahalagang notes sa aking notepad. The speaker are now talking about how to be an effective Mathematics teacher. She is also giving some examples on how to do it. Isa rin akong Mathematics teacher kaya naman nakasama ako sa seminar na ito.
Nawala ang atensiyon ko sa unahan no'ng maramdaman ko na bahagya akong siniko ng katabi ko ngayon na si ma'am Windy Bueno. Napakunot-noo ako no'ng mapansin ko na nakangiti ito. Napansin ko na may inaabot ito sa akin na isang kendi.
"Kendi para hindi ka masyadong mainip na matapos ang seminar" wika pa nito sa akin habang iniaabot sa akin iyong kendi. Tama naman ito, simula pa ng dumating kami dito para sa seminar ay naiinip na agad ako dahil gusto ko na ulit umuwi.
"I don't eat can----" Napatingin ulit ako sa ibinibigay nitong kendi. Naalala ko bigla si Alana Candra na siguradong marami na namang nakaing kendi ngayon. Tsk! "I'll take this" wika ko bago nakangiting kinuha iyong kendi na inaabot nito. Napangiti rin ito sa akin.
Pagkatapos ng seminar ay nagmamadali akong pumunta sa aking kotse. Tapos na ang 3 days seminar kaya naman sabik na akong umuwi. Napapangiti pa ako habang tinitingnan ang mga hawak na paper bags kung saan naroon ang mga pasalubong na ibibigay ko kay Alana Candra.
Nawala ang pagkakangiti ko no'ng makita ko na nakatayo sa may kotse ko si ma'am Bueno. Nakangiti ito sa akin na halatang hinihintay ako.
"Pwede bang makisabay sayo sir?" Malambing ang boses na tanong pa nito sa akin.
"But---"
"Let's go" wika pa nito bago nauna nang pumasok ng aking kotse. Napabuntong-hininga nalang ako at napapailing na pumasok nalang din ng aking kotse.
Habang nasa biyahe ay tahimik lang kaming dalawa ni ma'am Bueno. Nagulat pa ako no'ng may itinapat itong potato chips sa bibig ko.
"Take this Max" nakangiting wika nito. Dahan-dahan ko namang inilayo ang kamay nito sa akin.
"No thanks" pagtanggi ko dito. Nakita ko pa ang pagkunot-noo nito.
"Nakakatampo ka naman" nakalabi na saad pa nito.
Napabuntong-hininga nalang ako at hindi na ito pinansin. Bumalik naman sa pagkain ng potato chips nito si ma'am Bueno. Ilang minuto lang ang lumipas no'ng mapatigil ako sa pagmamaneho dahil sa isang jewelry shop.
"What's wrong?" Usisa pa sa akin ni ma'am Bueno. Saglit ko naman itong binalingan ng tingin.
"I need to buy something" sagot ko dito. Napatingin naman ito sa jewelry shop na nasa tapat namin. Napatango-tango ito na para bang nagkaroon ito ng ideya.
"A gift for your mom? Necklace or bracelet?" Nakangiting tanong pa nito sa akin. "Can I join---"
"A ring for my wife" sagot ko sa mga nauna nitong tanong dahilan para mawala ang ngiti nito. Hindi din nito naituloy ang pag-aalis ng seatbelt dahil napamaang na ito sa akin.
"What? May asawa kana?" Gulat na reaksiyon pa nito no'ng makabawi. Tumango naman ako dito bago ko ito tinalikuran para pumasok sa jewelry shop. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (217)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I already love this story. Na-hooked ako ng dalawang bida, ang kyut nila both. I hope matapos ko siya 'til the end! Kudos sayo author. Thank you for this beautiful masterpiece 🙌💛
02/08/2022
1kailan po ang update author im excited 😍
20/04/2022
0bom!
22/01
0Tingnan Lahat