Homepage/I'm His Student Wife/
Chapter 27
PAGKATAPOS kong makipag-usap kay kuya CK ay lumabas na ako ng aking kwarto para lumipat sa kwarto ni Maximo. Saglit lang naman ang ginawa naming pag-uusap ni kuya CK dahil tinanong lang naman nito sa akin kung ano ang cellphone number ni Yvet. Tsk! Napailing-iling nalang ako dahil masyadong napaghahalataan ang mga ito.
Nang mapatapat ako sa kwarto ni Maximo ay inihanda ko muna ang aking magandang ngiti para dito. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto nito at sumilip sa loob niyon.
Napangiti akong lalo no'ng makita ko kung gaano ito kagwapo kapag may suot na eyeglass habang nakatutok ang paningin sa bukas nitong laptop. Maingat akong naglakad palapit dito para hindi ko ito maistorbo sa ginagawa nito.
"Are you busy?" Tanong ko dito no'ng tuluyan akong makalapit dito pero parang wala itong narinig. Napanguso ako at binalingan ang ginagawa nito sa laptop. Nagko-compute ito ngayon ng mga grades namin.
Napabuntong-hininga ako. Sinubukan kong kunin ang atensiyon ni Maximo sa pamamagitan ng pagsundot sa tagiliran nito pero binalewala lang ulit ako nito. "Are you mad with me?" Nakanguso na tanong ko dito pero hindi ako nito pinansin. Yumakap naman ako sa leeg nito mula sa likuran.
"Are you jealous with kuya CK?" may pang-aasar sa boses na tanong ko ulit dito. Wala akong nakuhang reaksiyon mula dito kaya hinalik-halikan ko ito sa may sentido nito at sa ulo. "Don't be jealous hubby. He just treating me as his little sister and I treat him as my big brother. Nothing more" wika ko pa dito.
"I love you" nakangiting bulong ko pa sa may tainga ni Maximo. Hinintay ko ang magiging reaksiyon nito pero parang wala pa rin itong narinig. Hindi ko naiwasang makaramdam ng inis. Napasimangot nalang ako. Bibitaw nalang sana ako sa yakap ko dito no'ng umikot naman ito paharap sa akin.
"I love you too" wika nito habang nakangiti. Bahagya naman akong natulala dahil sa maganda nitong ngiti. Nagulat pa ako no'ng hinapit nito ang baywang ko at isinub-sob ang mukha sa may dibdib ko. Naramdaman ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi. Pinaupo pa ako nito sa kandungan nito pagkatapos. Napalunok-laway ako.
"W-what are you doing Maximo?"
"I just want to cuddle my wife" wika nito na niyakap pa ako ng mahigpit.
Nang tumingala ito sa akin ay mabilis ako nitong hinalikan sa labi. Bahagya pang napanga-nga ang bibig ko dahil sa gulat. Ngumiti ito bago hinawakan ang likod ng ulo ko para payukuin ako at muli akong halikan sa labi. Sa una ay tinutukso-tukso lang nito ang labi ko hanggang sa unti-unti ay naramdaman ko na lumalalim na iyon. Napapikit ang mga mata ko ng hindi ko namamalayan dahil sa kakaibang pakiramdam na dulot ng halik nito.
Bahagya pa akong napahiyad no'ng maramdaman ko na pumasok ang isang kamay ni Maximo sa likod ko para damhin ang balat ko. Napayakap ako sa leeg nito para kumuha ng lakas doon. Pakiramdam ko kasi ay nawawalan ako ng lakas dahil sa kakaibang kiliti na ibinibigay sa akin ni Maximo.
Nararamdaman ko na unti-unti nang inaalis ni Maximo ang hook ng bra ko no'ng may bigla nalang nagbukas ng pinto dahilan para matigilan kaming pareho.
"What the? Pedophile ka bro!" Gulat na reaksiyon ni kuya Sandro na siya palang bumukas ng pinto. Nakamulaga pa ang mga mata nito. Mabilis din itong tumalikod pagkatapos. "Baby Alana don't give your pearl to him" wika pa ni kuya Dro na nagpainit sa aking pisngi.
"What the hell are you talking about Sandro? Get lost!" Inis na sigaw ni Maximo sa kaibigan. Nagpeace-sign naman si kuya Dro habang nakatalikod.
"Lock your door next time bro!" May pang-aasar sa tono na wika pa ni kuya Dro bago mabilis na tumakbo paalis ng aming kwarto.
Nang mawala sa paningin namin si kuya Dro ay nagkatinginan kami ni Maximo. Agad akong napalayo dito no'ng mapagtanto namin ang awkward naming posisyon. Nakaupo ako sa kandungan ni Maximo habang nasa loob pa rin ng t-shirt ko ang kamay nito. Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi.
Nakita ko na tumayo si Maximo at tumikhim pagkatapos. "L-let's go downstairs wife" wika nito sa akin pagkatapos. Naiilang na tumango naman ako dito.
"S-sunod nalang ako" kinakabahan na sagot ko pa dito.
––
Pagkatapos kong pakalmahin ang aking sarili at alisin ang pamumula ng aking pisngi ay naisipan ko na ring lumabas ng kwarto. Sa may hagdanan ay natatanaw ko na si Maximo na nakatalikod sa akin. Nasa tapat nito si kuya Dro at ang dalawa pang lalaki na sa tingin ko ay mga kaibigan din nito.
Habang papalapit ay naririnig ko na ang tawanan no'ng dalawang lalaki na hindi ko kilala. "18 years old lang ang asawa mo pre? Lupit ah! Daming nagkakandarapa sayo no'ng college tayo na very successful na ngayon tapos ang napangasawa mo lang ay 18 years old lang at wala pang napapatunayan? Are you crazy man? Tsk tsk!" Wika no'ng lalaking nakaitim na polo shirt bago uminom ng beer in a can. Pakiramdam ko ay parang may biglang tumusok na mga tinik sa aking dibdib.
"Haha baka naman kasi ang type ni BM ay 'yung bata pa at sariwa" segunda naman no'ng lalaking naka white t-shirt bago lumagok sa hawak nitong alak.
"Stop making fun of my wife. I don't need your fucking opin----"
"Hey baby Alana! Nandiyan kana pala. I brought you some cakes in the kitchen" Putol ni kuya Dro sa sinasabi ni Maximo na halatang namagitan lang dahil galit na ang tono ni Maximo. Ngumiti naman ako dito bago nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan.
"Wife" usal ni Maximo no'ng lumingon ito sa akin. Nginitian ko lang ito bago bumaling doon sa dalawang lalaki na ngayon ay nakatingin din sa akin. Nginitian ko rin ang mga ito.
"Hi. I'm Maximo's wife, Alana Candra" Pagpapakilala ko sa mga ito habang nakangiti.
"I'm Drew" Pagpapakilala naman no'ng lalaking nakaitim na nginitian pa ako.
"Gabriel" Pagpapakilala naman no'ng isa. Nginitian ko lang ang mga ito.
"Nice to meet you mga kuya" malambing na wika ko sa mga ito. "By the way, enjoy lang kayo diyan. Kuya Dro puntahan ko na iyong cake huh? Uubusin ko 'yun" Baling ko naman kay kuya Dro. Natawa naman ito ng mahina.
"Go on baby Alana"
"Tsk! I told you not to bring here sweet foods Sandro" masungit na wika naman ni Maximo sa kaibigan nito bago bumaling sa akin. "Don't eat too much wife" Pagpapaalala pa nito sa akin. Nag-ok sign naman ako dito.
"Ok master" wika ko dito bago nagsimulang maglakad papuntang kusina.
"Lupit bro! Ang ganda naman pala ng asawa mo" narinig ko pang wika no'ng dalawang lalaki na ikinangiti ko.
Nang makarating ako ng kusina ay napamulaga ang mga mata ko dahil sa strawberry cake na nasa ibabaw ng lamesa. Sabik na lumapit ako doon para tikman ang icing. Napangiti ako ng malawak no'ng malasahan ko ang masarap na flavor no'ng cake. Kumuha ako ng maliit na platito at kutsara para kumuha ng maliit na slice no'ng cake.
Habang kinakain iyong cake ay biglang pumasok sa isip ko iyong mga bisita ni Maximo dahilan para mapatigil ako sa pagkain. Naisip ko kasi na mabuti sigurong dalhan ko rin ang mga ito no'ng cake para maging kaibigan ko rin ang mga ito. Sa tingin ko naman ay hindi sinasadya ng mga ito na magsalita ng hindi maganda no'ng una dahil hindi pa ako nakikita. Sinabihan naman ako ng mga itong maganda no'ng nakita ako kaya sa palagay ko ay ayos kami. Napangiti ako.
Mabilis akong kumuha ng apat na platito para lagyan ang mga iyon ng cake. Napangiti ako no'ng makita ko na ayos na ang lahat. Naglakad na ako palabas ng kusina pagkatapos.
"Stop it. I have already wife" narinig kong inis na wika ni Maximo no'ng makalabas ako ng kusina. Napakunot-noo naman ako lalo na ng marinig ko ang tawa nina Drew at Gabriel.
"Let's go home bro. Huwag kayong magkalat dito" naiinis na suway na rin ni kuya Dro doon sa dalawa. Parang wala namang narinig 'yung dalawa na lalo pang idikit sa mukha ni Maximo 'yung hawak na cellphone. Napapagitnaan ng mga ito si Maximo at sa tuwing sinusubukan naman ng asawa ko na kumawala sa mga ito ay pinagtutulungan naman itong higitin pasalampak sa sofa. Napabuntong-hininga nalang si Maximo.
"Yes your wife is beautiful BM but she's too thin. She is flat chested. Halatang masyado pang bubot. Tingnan mo itong nasa picture, sobrang sexy diba? Ganito ang nababagay sayo man" wika no'ng Drew na ikinainis ko.
Napatingin pa ako sa dibdib ko. Hindi ko maiwasang mapanguso no'ng malaman ko na totoo ang sinabi nito. My breast is not fully grown-up. Pakiramdam ko ay maluluha na ako dahil sa katotohanang iyon. I feel insecure lalo na no'ng makita ko kung gaano kaganda ang katawan no'ng babae sa larawan na ipinapakita ng mga ito ay Maximo. Hindi ko alam kung bakit nakita ko iyon ng malinaw.
"I don't care about---"
"Bubot as in wala pang katas man. Hindi pa masarap hindi katulad nitong mga babaeng ipinapakita namin sayo. Juicy and yummy" Dagdag naman no'ng Gabriel na dumagdag din sa inis ko.
"You assholes! Stop degrading my wife or else----"
"Ang bastos niyo! Wala manlang ba kayong respeto? Nandito 'yung asawa tapos kung kani-kanino niyo inirereto 'yung asawa ko. Bwiset kayo!" Galit na agaw atensiyon ko sa mga ito bago nagmamadaling umakyat ng hagdan papunta ng aking kwarto.
"Wife!"
"Baby Alana"
Nang makarating ako sa aking kwarto ay pasalampak akong umupo sa gilid ng kama. Napatingin pa ako sa cake na nagawa ko pa palang dalhin nito sa itaas. Naluluha at inis na sinimulan ko iyong lantakan. Bwiset!
"Wife" narinig kong tawag ni Maximo sa akin na naramdaman kong kapapasok lang ng aking kwarto. Hindi ko ito pinansin. Patuloy lang ako sa pagkain ng cake. Napapahikbi pa ako. Hindi ko maiwasang masaktan.
Napatigil lang ako sa pagkain no'ng cake no'ng kinuha ni Maximo ang tray na nasa kandungan ko. Inalis din nito sa kamay ko ang hawak kong kutsara. Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga nito.
Napalabi ako at hindi ko na napigilan pa ang humagulgol no'ng iniangat ni Maximo ang baba ko para mapatingin ako dito. Mabilis naman ako nitong niyakap at hinagod ang aking likod. "I'm sorry wife"
"A-ang sama n-nila" parang bata na sumbong ko dito. Naramdaman ko ang pagdampi ng halik nito sa ulo ko.
"I punch them for you" wika nito na ikinagulat ko. Napalayo din ako dito. Agad naman nitong pinunasan ang basa kong pisngi gamit ang daliri nito.
"What? S-sinuntok mo sila?" Hindi makapaniwala at kinakabahan na tanong ko dito. Pakiramdam ko ay nawala lahat ng iluluha ko. Tumango naman ito. "B-bakit?"
"Because they are too much and they consumed my patience. I got mad because they made you cry. I'm sorry wife" wika nito na ikinatulala ko. "Don't worry about them wife. They'll understand why I punched them" dagdag pa nito. Napabuntong-hininga nalang ako.
"I feel stressed" usal ko habang bagsak ang mga balikat. Napakunot-noo naman ako no'ng mapansin ko ang pagsilay ng ngiti ni Maximo. "W-what are you t-thinking?" Kinakabahan na tanong ko dito.
"This is our first night as a real couple wife" Saad nito na bigla nalang akong binuhat para ihiga sa kama. Tumabi din ito sa akin habang nakadungaw sa mukha ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "I'll make you stress free" wika pa nito na ikinamulaga ako.
"A-ano ba---" Hindi ko na naituloy ang iba ko pang sasabihin dahil lumapat na ang labi nito sa labi ko.
Katulad kanina ay dumadampi-dampi lang ang labi nito sa labi ko na para bang nakikiramdam lang sa magiging reaksiyon ko. Napangiti ako bago kumapit sa leeg ni Maximo kasunod ng pagsiil ko dito ng halik. Naramdaman ko rin ang pagngiti nito bago pumaibabaw sa akin.
"Y-you can s-stop me wife" hinihingal na bulong nito sa may tainga ko habang dinadampian ng maliliit na halik ang puno ng aking tainga. Nakaramdam ako ng kakaibang kiliti.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi at nahihiya rin akong sagutin ang tanong nito kaya ipinulupot ko nalang ang mga binti ko sa baywang nito at isinubsob ang mukha sa dibdib nito. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa. "I'll take that as permission to continue. My cute little wife" wika nito bago muling ibinalik ang halik sa aking labi.
Habang tumatagal ay nararamdaman ko na lalong lumalalim ang halik ni Maximo sa akin. Hindi ko alam kung bakit sabik ko namang tinutugon ang halik nito. Namalayan ko nalang na itinataas na nito ang suot kong t-shirt hanggang sa tuluyan na iyong nahubad. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi dahil sa hiya.
No'ng tatangkain ni Maximo na tingnan ang katawan ko ay natatarantang hinalikan ko ito sa labi para agawin ang atensiyon nito. Tinugon naman ako nito. Bahagya pa akong napahiyad no'ng maramdaman ko na dinama nito ang kupis kong tiyan paitaas sa aking dibdib. Napapikit ako ng madiin no'ng mapagtanto ko na nasa ibabaw na ng dibdib ko ang kamay ni Maximo.
"T-too small wife" bulong pa nito sa pagitan ng mga halik sa aking leeg habang nakahawak pa rin ang isang kamay sa aking dibdib. Napamulaga naman ako sa sinabi nito. Babangon na sana ako no'ng mabilis akong pinaibabawan ni Maximo. What the? "B-but perfectly fit to my hands" may panunukso sa boses na dagdag nito. He start kissing me again while unhooking my bra and unbuttoning my short. Agad ko namang hinigit ang kumot pataklob sa aming dalawa. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (217)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I already love this story. Na-hooked ako ng dalawang bida, ang kyut nila both. I hope matapos ko siya 'til the end! Kudos sayo author. Thank you for this beautiful masterpiece 🙌💛
02/08/2022
1kailan po ang update author im excited 😍
20/04/2022
0bom!
22/01
0Tingnan Lahat