Homepage/I'm His Student Wife/
Chapter 26
NAPAPAKAMOT ako sa ulo ko habang pinagmamasdan sina Maxinne at Yvet na ngayon ay naghahabulan. Kanina pa ako naririndi dito dahilan para hindi ko maintindihan ang research paper namin. Nandito ulit kami ngayon sa bakanteng classroom para gawin ang thesis namin.
"Pahingi naman ng number ng kapatid mo Max please" Pakiusap pa ni Yvet kay Maxinne habang panay ang sunod sa bestfriend ko. Kanina pa ganito si Yvet kay Max simula ng malaman nito na kapatid ng bestfriend ko si kuya CK. Napailing-iling nalang ako.
"No. We're not close and I don't like you for my brother" Prankang wika ni Max kay Yvet na umirap pa. Humalukipkip sa tabi ko si Maxinne habang si Yvet naman ay nakanguso no'ng tumabi sa bestfriend ko. Kumapit pa ito sa braso ni Maxinne.
"Why don't you like me?" Tanong pa nito.
"I just don't like you. Sinaktan mo si bestfriend AC eh at saka mataray ka" Nakaismid na sagot naman ni Max kay Yvet.
"But I also have good sides and I'm regretting what I've done to your bestfriend. She's my friend now, right bestfriend AC?" Wika naman ni Yvet na bumaling pa sa akin para tanungin ako. Nagpretty-eyes pa ito sa akin kaya tumango nalang ako. Tsk! "See? Friend ko na siya kaya friend na rin tayo. But wait! Hindi pala. You are my sister-in-law" masayang wika ni Yvet na para bang sigurado na ito sa mga sinasabi nito. Inirapan nalang ito ng bestfriend ko.
"Whatever" mataray na wika pa ni Max.
Ang totoo ay hindi ko alam kung bakit narito ngayon si Yvet. Ang alam ko kasi ay gumagawa rin ng research paper ang mga kagrupo nito. Napabuntong-hininga nalang ako. Sa tingin ko ay talagang tinamaan ito kay kuya CK. Natutuwa ako dahil nakalimutan na nito si Maximo pero nalulungkot din dahil kami naman ni Maxinne ang kinukulit nito. Tsk!
"The foods are here!" Bungad ni Yemen habang nakangiti at may mga dalang pagkain na talagang pinaorder namin dito para hindi na kami maabala sa paggawa ng research paper namin mamaya. "This is for you Alana, pinabibigay ni uncle" wika ni Yemen no'ng makalapit ito sa akin. Napatingin naman ako sa pagkain na sinasabi nito. Napangiti ako no'ng makita ko ang paborito kong chicken curry.
"Sinong uncle?" Usisa naman ni Yvet habang nakakunot ang noo at nakatingin sa akin. Nagkibit-balikat lamang ako.
"Secret" sagot naman dito ni Yemen.
"Hoy nasaan 'yung foods ko butiki?" Tanong naman ni Maxinne.
"Nothing"
"What? Bakit wala?" Nanlilisik ang mata na tanong ulit ng bestfriend ko. Napa-asik naman ng mahina si Yemen.
"Hati nalang tayo" sagot ni Yemen na nagsimula nang lumapit kay Max. Nanlaki naman ang mga mata ng bestfriend ko dahil sa gulat. Nanibago rin ako sa ikinilos ni Yemen.
"No way! Bakit ba kasi hindi mo nalang ako binilhan?" Agad na reaksiyon ni Max ng makabawi ito sa gulat.
"Tsk! Paano kita bibilhan kung hindi ka naman nagbigay ng pambili? You are not my girl for me to buy your food for free" masungit na sagot naman ni Yemen. Natigilan naman si Max at hindi makapaniwala na tumingin nalang kay Yemen. Napailing-iling nalang ako. Bahala kayo diyan!
––
Pasimple akong naglalakad papunta ngayon sa sasakyan ni Maximo dahil naisip ko na sa loob nalang ng kotse ito hintayin. Kaliwa't kanan ang tingin ko sa paligid dahil baka mayroong makakita sa akin. Nakahinga ako ng maluwag no'ng sa wakas ay matagumpay akong nakapasok sa kotse ni Maximo na walang nakakakita. Napangiti ako dahil doon.
Umupo ako ng maayos at isinandal ang aking likod sa upuan. Kinuha ko ang isang garapon ng gummy worm sa aking bag at ipinatong 'yun sa aking kandugan. Napapangiti na sinimulan ko iyong kainin.
Nawala ang atensiyon ko sa aking kinakain at nawala rin ang aking ngiti no'ng mapatingin ako sa labas ng kotse. Napasimangot ako no'ng matanawan ko si Maximo na inaalalayang makapasok ng kotse nito si ma'am Bueno. Pakiramdam ko ay biglang luminaw ang paningin ko dahil kitang-kita ko kung paano hawakan ni ma'am Bueno ang braso ni Maximo. Nakangiti pa ito na halata namang tuwang-tuwa sa sitwasiyon.
Nakaramdam ako bigla ng inis at para hindi na iyon madagdagan pa ay iniiwas ko nalang ang atensiyon ko sa mga ito. Ang napagbuntunan ko tuloy ng inis ay iyong gummy worms. Suno-sunod ang naging pagsubo ko noon.
Nang maramdaman ko na papasok na sa kotse si Maximo ay halos idikit ko ang katawan ko sa may bintana para lang hindi mapalapit dito. Hindi ko rin ito binalingan ng tingin no'ng maramdaman ko na umupo na ito sa aking tabi.
"Wear your seatbelt wife" narinig ko pang wika ni Maximo pero nagpanggap ako na wala akong naririnig. Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng gummy worm. Narinig ko naman ang mahinang pag-asik ni Maximo. "Hardheaded" wika pa nito bago ko naramdaman ang paglapit nito sa akin.
Pigil ang paghinga ko no'ng dumukwang sa akin si Maximo para ayusin ang seatbelt ko. Pinipigilan ko rin ang sarili ko na mapatingin dito. Sunod-sunod ulit ang ginawa kong pagkuha at pagkain sa gummy worms para mawala ang atensiyon ko kay Maximo.
"I'm jealous with your gummy worms. Tsk!" Hindi ko inasahan na sasabihin ni Maximo na ikinatingin ko dito. Naiwan tuloy sa bibig ko ang kinakain kong gummy worm. "I also want to taste it" Dagdag nito bago kinagat ang gummy worm na nasa bibig ko dahilan para magkalapat ang mga labi namin. Napamulaga ako sa gulat. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi.
Nang makuha nito ang gummy worm sa bibig ko ay umayos na ito ng upo at sinimulan na nitong paandarin ang kotse. Nawalan naman ako ng imik at napalunok-laway na lamang.
Pagkarating namin sa bahay ay wala pa rin akong imik. Naiisip ko pa rin kasi ang nakita kong tagpo kanina nina Maximo at ma'am Bueno. Pagkababa ko ng kotse ay nagulat ako no'ng bigla nalang akong binuhat ni Maximo.
"Wahh what are you doing Maximo?" Gulat at kinakabahan na tanong ko dito. Napakapit ako sa leeg nito dahil sa gulat.
"Do our tradition. Carrying wife inside the house after marriage" sagot naman nito. Hindi nalang ako umimik.
No'ng tuluyan na kaming nakapasok ng bahay ay agad akong umalis mula sa pagkakabuhat sa akin ni Maximo. "I'll go to my room. Doon muna ako tutulog" wika ko may Maximo bago patakbong umakyat ng aking kwarto. Narinig ko pa ang pagtawag nito sa akin pero hindi ko na ito pinansin.
Naligo agad ako no'ng makapasok ako ng aking kwarto. Pakiramdam ko kasi ay sobrang lagkit ng katawan ko. Nagpapatuyo na ako ng aking buhok gamit ang blower no'ng bigla nalang pumasok ng aking kwarto si Maximo. Agad kong tiningnan ang suot ko ngayong bathtrobe para ayusin iyon.
"Are we ok?" Tanong ni Maximo na ikinatingin ko dito. Walang ekspresiyon ang mukha nito ngayon. Nakasandal ito ngayon sa pader habang nakapamulsa ang dalawa nitong kamay sa suot nitong nightpants. Napansin ko na bagong paligo rin ito. "Alana Candra" pukaw nito sa akin.
"O-oo naman" sagot ko dito na nagpakunot sa noo nito. Nag-iwas naman ako ng tingin dito.
"Tsk! Stop lying Alana Candra. Akala ko ba ayos na tayo? Nagsisisi kana ba na naging asawa mo ako?" Tanong ulit nito na halata sa boses ang lungkot.
"Uy hindi ah. Hindi ako nagsisisi"
"Then why are you acting so weird again?" Nakakunot ang noo na tanong nito sa akin. Muli akong napayuko at napakagat-labi.
"I-I saw you with ma'am Bueno" pag-amin ko dito habang napapanguso. Napabuntong-hininga pa ako.
Mga ilang segundo siguro ang lumipas ng marinig ko ang mahinang pagtawa ni Maximo. Naguguluhan na nag-angat naman ako ng tingin dito. Napansin ko na papalapit na ito sa akin.
"Childish" wika pa nito dahilan para samaan ko ito ng tingin.
"A-anong childish? Childish ba ang magselos?" Nakanguso na tanong ko dito. Nabigla pa ako no'ng hinawakan nito ang nakahaba kong nguso.
"Yes, so childish wife" sagot nito sa tanong ko. "Stop pouting or else you'll become swan" dagdag pa nito bago binitawan ang aking nguso para umupo sa tabi ko. Agad ko nalang inalis ang pagkakanguso ko. Kinuha naman nito ang hawak kong blower para ito na ang magpatuyo sa aking buhok.
"Wala ka bang gusto kay ma'am Bueno? Bakit inaalalayan mo siya kanina?" Tanong ko naman dito na hindi maiwasang mapabuntong-hininga. Narinig ko na naman ang mahinang pagtawa ni Maximo na lalong nagpasimangot sa akin.
"She sprained her ankle wife, that's why I help her. And don't worry because I don't like someone else because you're the only one I like" sagot nito na lihim na nagpakilig sa akin.
"Ok" nangingiti na sagot ko nalang dito. Gumaan bigla ang pakiramdam ko.
Naagaw ang atensiyon namin ni Maximo no'ng biglang tumunog ang aking cellphone. Agad ko namang kinuha iyon. Nakita ko na gustong makipag-video call ni kuya CK. Napangiti ako bago sinagot ang tawag nito. Naramdaman ko naman ang patuloy na pagbo-blower ni Maximo sa buhok.
"Hello kuya CK" bungad ko kay kuya CK na nagawa pang kumaway dito. Nakita ko naman na ngumiti ito.
"Hello baby Alana" balik-bati ni kuya CK sa akin. Naramdaman ko bigla ang pagtigil ni Maximo sa pagbo-blower ng buhok ko.
"What did he call you?" May inis sa tono na tanong sa akin ni Maximo. Napatingin ako dito. Nahuli ko pa na masama ang tingin nito sa akin.
"What? Gano'n talaga tawag sa akin ni kuya CK" natatawa na sagot ko dito. Lalo namang kumunot ang noo ni Maximo.
"Baby Alana?" Agaw pansin sa akin ni kuya CK na nasa kabilang linya pa rin. Ibinalik ko naman ang atensiyon ko dito.
"Yes kuya CK?"
"Tsk!" Narinig ko nalang na asik ni Maximo bago ko naramdaman ang pag-alis nito sa tabi ko. What's with him?I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (217)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I already love this story. Na-hooked ako ng dalawang bida, ang kyut nila both. I hope matapos ko siya 'til the end! Kudos sayo author. Thank you for this beautiful masterpiece 🙌💛
02/08/2022
1kailan po ang update author im excited 😍
20/04/2022
0bom!
22/01
0Tingnan Lahat