Chapter 25

Alana Candra
NAKATULALA lang ako ngayon sa kisame habang napapakagat-labi. Pigil din ang aking paghinga dahil baka maistorbo ko ang tulog ni Maximo na ngayon ay nakayakap at nakasandal pa ang mga binti sa akin dahilan para hindi ako makagalaw.
Dahan-dahan akong umikot paharap kay Maximo para mapagmasdan ang mukha nito. Ilang araw ko na rin iyong hindi nagagawa dahil sa inis ko dito. Napabuntong-hininga ako. Nasasaktan pa rin ako sa mga sinabi nito sa akin kagabi. Pakiramdam ko kasi ay sinasabi nito na hindi ako nito magugustuhan kahit kailan.
Hindi ko napigilan ang mapangiti no'ng mapagmasdan kong mabuti ang gwapong mukha ni Maximo. Dahan-dahan kong dinama ang tungki ng ilong nito na isa sa kinaiinggitan ko dito dahil napakatangos niyon.
"Wife" usal nito na ikinatigil ko sa ginagawa ko. Napamulaga pa ako ng mata no'ng bigla na lamang itong nagmulat ng mata.
Babalikwas na sana ako ng bangon para umalis sa higaan nito no'ng pigilan ako nito sa pamamagitan ng paghigpit ng yakap sa aking baywang. Pakiramdam ko ay hindi ako makagalaw. Mas lalo pa akong natulala no'ng isinubsob nito ang mukha sa leeg ko. Napalunok-laway ako habang pigil ang hininga. Nararamdaman ko rin ang mabilis na tibok ng puso ko.
"A-anong ginagawa mo?" Kinakabahan na tanong ko dito. "Can you let go of me?" Masungit na tanong ko pa ulit dito. Masama pa rin kasi ang loob ko dito. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga nito.
"Can we talk peacefully? I can't let go of you wife" wika nito na hinalikan pa ang aking leeg dahilan para lalo akong matulala. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
"I-I'm not your w-wife. You didn't sign our m-marriage contract" wika ko dito na parang bang may bumura sa aking lalamunan dahil sa pagpipigil na huwag maluha. Naramdaman ko na naman ang paghalik nito sa leeg ko. Napalunok-laway ako. Ano bang ginagawa nito?
"Even I didn't sign the contract, I still treat you as my wife. Hindi ko rin pinirmahan ang marriage contract natin dahil iniisip ko na baka----m-may magustuhan ka pang i-iba" wika naman nito na gumaralgal ang boses na para bang nasasaktan ito sa huli nitong sinabi. Napapikit ako dahil parang naramdaman ko rin ang sakit na nararamdaman nito.
"B-bakit inaalagaan mo a-ako? Dahil ba sa utang na loob mo sa kapatid ko?" Tanong ko dito habang pigil ang hininga. Gusto kong malaman ang totoo mula dito.  Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito.
"A sort of. But I care for you not just because of your brother. I care for you because----because I like you" wika nito na ikinagulat ko. Nang dahil sa gulat ay napabaling ako dito. Bumilis ang tibok ng puso ko no'ng magkasalubong ang mga tingin namin nito at halos magkadikit ang mga mukha namin.
"W-what? A-anong sinabi mo?" Natataranta na tanong ko dito. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko na parang ayaw nang magpa-awat. Napalunok-laway ako no'ng imbes na sumagot ito ay isinubsob nito ang mukha sa leeg ko. "M-Maximo" Tawag ko dito habang bahagya itong itinutulak. Lalo naman itong nagsumiksik sa akin.
"Hmmm?"
"A-ano ba? C-can you repeat what you s-said? B-bakit ba panay ang s-siksik mo sa akin?" Hindi pa rin mapakali na tanong ko dito. Umaasa ako na sana ay tama ang narinig ko.
"I-I feel shy" sagot nito na muntikan ko nang ikatawa. What the? Hindi ko inakala na nahihiya rin pala ito sa akin. Nagmukha itong bata. Tsk! "A-and yes, I really l-like you since you are 17 years old. I'm pedophile. Tsk!" Wika nito na bumitaw na mula sa pagkakayakap sa akin para umayos ng higa at tumitig sa kisame. Napansin ko ang habol nitong hininga. Sa palagay ko ay kinakabahan ito. Napamaang naman ako dahil sa sinabi nito.
"17 years old? P-pero nagkakilala lang tayo 6 months ago. Noong nag-aagaw buhay si k-kuya" wika ko dito na hindi maiwasang malungkot dahil naalala ko na naman si kuya.
"I see. Hindi mo talaga ako naaalala. Ako 'yung bisita ng kuya mo sa bahay niyo no'ng graduation day"
Natigilan ako sa sinabi nito habang pilit na inaalala ang araw na sinasabi nito. Hindi makapaniwala na napabangon ako sa kama no'ng maalala ko ang araw na iyon.
"Ikaw 'yun?" Hindi makapaniwala na tanong ko dito. Tumango ito bago ipinikit ang mga mata. Kinilig ako bigla sa nalaman ko. "Y-you mean, mas nauna ka magkagusto sa akin? P-paano?" Tanong ko ulit dito.
"I saw your picture. You just got my attention" pag-amin nito na ikinamaang ko. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nito ngayon.
"I don't know how to react" nasabi ko nalang dahil sa kawalan ng masabi. Nagulat ako no'ng bigla nalang akong hinigit ni Maximo pahiga sa kama. Agad itong dumungaw sa akin.
"Then I'll tell you how" wika nito na nagawa pang kumindat sa akin. Napamaang ako dahil ngayon ko lang ito nakitang ganito. "After confession, the couple should kiss" wika nito habang unti-unting sumisilay ang ngiti sa labi.
Napansin ko na napatingin si Maximo sa labi ko. Napalunok-laway ako lalo na no'ng dahan-dahan na nitong inilalapit ang mukha nito sa akin. Nataranta ako bigla.
"H-hindi mo pa rin ba ipaparehistro ang kasal natin?" Tanong ko dito para lang tumigil ito sa ginagawa. Nakahinga naman ako ng maluwag no'ng medyo inilayo nito ang mukha sa akin. Bahagya pa itong natulala na para bang napaisip pa ito ng malalim.
"Later" wika nito bago ako mabilis na dinampian ng halik sa labi. Mabilis  din itong umalis ng higaan pagkatapos.
"Wahhh hindi pa ako nagsisipilyo Maximo!" Nakamulaga ang mata na wika ko dito.
"That's fine wife" wika pa nito na lalong nagpamaang sa akin. "Fix yourself Alana Candra. We're going to register our marriage" dagdag pa nito na nagpabilis na naman ng tibok ng puso ko.
"How about our class?"
"We will go after marriage registration. Don't worry wife" sagot nito bago pumunta sa loob ng CR para siguro maligo. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.
––
Kanina pa ako nakatingin sa marriage certificate namin ni Maximo habang nasa loob ng kotse nito. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na ganap na kami nitong mag-asawa.
"Are you regretting now?" Tanong sa akin ni Maximo habang nagmamaneho ito papuntang school.
"Hindi ah. Hindi lang ako makapaniwala" Nakangiti na sagot ko naman dito.
"Then believe it now"
Nang malapit na kami sa school ay tumigil na ang sasakyan ni Maximo. Alam ko naman na hindi kami nito pwedeng magsabay dahil baka kung ano pa ang isipin ng mga estudyante.
"I'm sorry wife but we should hide our relationship because---" Hindi na nito naituloy ang iba pa nitong sasabihin dahil mabilis ko itong hinalikan sa pisngi.
"I understand master. Don't worry" Nakangisi na wika ko dito. Halata sa itsura nito ngayon na nagulat ito sa ginawa ko. "Una na ako sa inyo sir Dela Fuente" Dagdag ko pa dito na akmang bubuksan na sana ang pinto ng kotse ni Maximo kung hindi lamang ako nito pinigilan sa braso.
"I'm still your husband here" wika nito bago ako hinalikan sa labi. Napamulaga ako lalo na no'ng maramdaman ko na hindi lang basta dampi ang ginagawa nito dahil gumagalaw ang labi nito sa labi ko. He is kissing me passionately.
Napansin ko na nakapikit rin ang mga mata ni Maximo habang hinahalikan ako. Nataranta ako bigla dahil hindi ko alam kung paano tumugon sa halik nito. Ipipikit ko na rin sana ang mata ko para damhin ang halik nito no'ng bigla naman itong bumitaw sa akin.
Napansin ko na may nakakalokong ngiti ito dahilan para uminit ang magkaiba kong pisngi. Tsk! Pigil ang naging paghinga ko no'ng buksan nito ang pinto ng kotse sa gilid ko.
"See you later" wika pa nito na tumingin pa sa akin. Napalunok-laway ako dahil sobrang lapit nito sa akin. Nagmamadali akong lumabas ng kotse nito. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Napangiti ako pagkatapos habang napapahawak sa aking pisngi.
"Masyado ka namang kinikilig Alana Candra" suway ko sa aking sarili.
Naglalakad na ako malapit sa may gate ng school no'ng may bigla nalang humigit sa akin papunta sa gilid ng isang poste. Napamulaga pa ako no'ng malaman ko na si Yvet pala iyon. Masama ang tingin nito sa akin.
"What are you doing?" Nagtataka na tanong ko dito. Nanlisik naman ang mga mata nito sa akin. Naalala ko bigla dito si Hanky na lihim kong ipinagpapasalamat na wala na sa bahay dahil tuluyan na itong pinalayas ni Maximo.
"What is your real relationship with sir Dela Fuente?" Tanong nito sa akin dahilan para kabahan ako ng sobra. Nakaramdam ako bigla ng pagkataranta. Umiwas ako dito ng tingin.
"W-we have no r-relationship" pagsisinungaling ko dito habang napapakagat-labi at lihim na dumadalangin na huwag na itong mag-usisa pa.
"You are lying. I saw you Alana Candra" wika pa nito na ikinatingin ko dito. Napansin ko na nakakunot ang noo nito habang pinagmamasdang mabuti ang mukha ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba.
"N-nagkakamali ka lang siguro" sagot ko dito na aalis na sana sa harapan nito no'ng harangan ako nito.
"Are you in a relationship with him?" What the?
"A-actually----"
"Baby Alana?" Agaw pansin sa amin ng isang boses na lihim kong ikinatuwa. Agad akong bumaling kay kuya CK na alam ko na siyang tumawag sa akin.
"Kuya CK" nakangiting usal ko sa pangalan nito bilang pasasalamat sa bigla nitong pagdating. Naramdaman ko na dumikit sa akin si Yvet na ikinatingin ko dito. Napakunot-noo ako no'ng mapansin ko na namumula ang magkabila nitong pisngi habang nakatitig kay kuya CK.
"Do you know him?" Bulong pa nito sa akin na ikinangiti ko. Gumaan naman bigla ang pakiramdam ko dahil sa wakas ay nakalimutan na nito si Maximo. Sa palagay ko ay hindi na dapat ako mag-alala.
"Yes. I know him" sagot ko naman sa tanong nito. Tumingin naman ito sa akin na para bang nakikiusap.
"Pwede mo ba akong tulungan sa kanya?" Bulong pa nito sa akin na ikinatawa ko ng mahina. Napatingin ako kay kuya CK na ngayon ay napansin ko na nakatuon din ang tingin kay Yvet. Tsk! Sa tingin ko ay hindi ko na kailangan pang tulungan ang mga ito.

Komento sa Aklat (217)

  • avatar
    Sienna Rose

    I already love this story. Na-hooked ako ng dalawang bida, ang kyut nila both. I hope matapos ko siya 'til the end! Kudos sayo author. Thank you for this beautiful masterpiece 🙌💛

    02/08/2022

      1
  • avatar
    YanMochie

    kailan po ang update author im excited 😍

    20/04/2022

      0
  • avatar
    VitoriaKelyane

    bom!

    22/01

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata