Homepage/I'm His Student Wife/
Chapter 21
NAKANGITI ako no'ng kumaway ako kina kuya CK at Maxinne na siyang naghatid sa akin ngayon dito sa bahay. Nang matanaw ko na nasa malayo na ang sasakyan ng mga ito ay saka pa lamang ako tumalikod para pumasok na ng bahay. Napabuntong-hininga pa ako dahil alam ko na hindi ko na naman maiiwasan si Maximo.
"Where have you been?" Bungad sa akin ng isang boses mula sa madilim na bahagi ng gate.
"Ay halimaw!" Gulat na reaksiyon ko na napahawak pa sa aking dibdib. Sinamaan ko ng tingin si Maximo. "Bakit ba nanggugulat ka diyan huh Maximo?"
"Where have you been?" May diin sa boses na tanong na naman nito sa akin. Wala ring emosiyon ang mukha nito habang nakatingin sa akin. "Are you dating that man?" Tanong pa nito habang magkasalubong ang mga kilay. Napamaang naman ako. Ano namang klaseng tanong 'yun?
"Wala kang pakialam" sagot ko dito bago nagsimulang maglakad papasok ng bahay.
"I'm your husband Alana Candra. You already have husband so you can't date someone else" wika ni Maximo na nagpatigil sa akin sa paglalakad. Tumingin ako dito.
"Stop pretending Mr. Dela Fuente" wika ko dito habang pilit na nilalabanan ang mga luha ko na huwag tumulo pero nabigo ako. Mayroon pa ring butil ng luha na sumuway sa akin at kumawala sa aking mata. Napakunot-noo si Maximo.
"What are you talking about?"
"I knew it" Panimula ko. Nararamdaman ko na ang paninikip ng dibdib ko at alam ko na anumang oras ay maiiyak na ako pero nagpatuloy pa rin ako. "H-hindi mo naman talaga ako a-asawa eh. Y-you didn't sign the contract. H-hindi mo pina--- hindi mo pinaregistered ang kasal natin. Hin--hindi mo naman talaga ako a-asawa kaya sana--- kaya sana hu----huwaahhh!" Sagot ko dito na hindi na napigilan pa ang mapahagulgol. Mabilis ko itong tinalikuran para hindi na nito makita ang pag-iyak ko. Patuloy na humahagulgol na tumakbo ako papunta ng aking kwarto.
Nang makarating ako sa aking kwarto ay hindi ko pa rin mapigilan ang paghagulgol. Napapanguso na nga ako dahil basang-basa na ang dalawa kong braso na ginawa kong tissue. Lalong lumakas ang hagulgol ko dahil sa frustration. Naiinis na dumapa nalang ako sa aking kama at inub-ob ang mukha sa unan. I hate you Maximo!
––
Brylle Maximo
Nakakailang buntong-hininga na ako at kanina pa ang subok ko na tapusin ang lesson plan na ginagawa ko pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin iyon matapos-tapos. Napatitig ako sa aking laptop kung saan naroon ang ginagawa kong lesson plan. I take a deep sigh for the nth time.
Napasandal ako sa headrest ng aking kama at napatingala sa kisame. Hindi ko maiwasang isipin ang reaksiyon kanina ni Alana. I tried to close my eyes to erase her crying face inside my mind. Tsk!
"I can't sign the contract bro. What if your sister find another man? What if she will like someone else? What about her dream?"
"Then make her like you. Stay by her side and make her dreams come true with you. Please---please BM. Promise me to take good care of my baby girl"
"I-I can't promise"
Nagmulat ako ng mata pagkatapos kong maalala ang pag-uusap naming iyon ng kapatid ni Alana. Napabuntong-hininga ako bago umalis ng aking kama para lumabas ng kwarto.
Pagkalabas ko ng aking kwarto ay dumiretso ako ng kusina para uminom ng malamig na tubig. Napakunot-noo ako no'ng mapansin ko na mayroong kumakain. Napatigil ako sa pag-inom ng tubig at nagsimulang lumapit dito.
Napabuntong-hininga ako at mahinang napa-asik no'ng makita ko na si Alana iyong tahimik na kumakain. Lihim akong napangiti. She do sleepwalking again. Tsk!
"Why are you still awake son?" Bungad ni mom sa akin no'ng pumasok ito ng kusina. Agad na tumuon ang tingin nito kay Alana na ngayon ay patuloy na kumakain. Napa-asik pa ito ng mahina. "You got a weird wife" wika pa nito na tumawa pa ng mahina na siyang hindi ko inasahan dito. I feel relieved.
"Weird but cute mom" wika ko naman na hindi rin mapigilan ang sarili na mapangiti. Napailing-iling naman si mom bago kumuha ng dalawang mug para magtimpla ng kape.
Tumabi naman ako ng upo kay Alana na patuloy pa rin sa pagkain. Ayoko itong gisingin dahil baka hindi na naman ako nito pansinin. Napabuntong-hininga ako. Tsk!
"Do you think I still have right to interfere on your life now son?--- after neglecting you before?" Tanong sa akin ni mom na inilapag na sa harapan ko ang tinimpla nitong kape. Malamlam ang mga mata nito na halatang nagsisisi ito sa ginawa nito sa akin noon.
"T-tubig. Pinging tubig. Bilis bilis. Hehe yummy yummy" Agaw pansin sa akin ni Alana dahilan para hindi ko masagot agad ang tanong sa akin ni mom. Mabilis akong kumuha ng tubig para ibigay iyon kay Alana. Inalalayan ko pa ito sa pag-inom.
Nang mapansin ko na pumipikit na ang mga mata ni Alana ay mabilis kong inilapag ang hawak kong baso para saluhin ang ulo ni Alana sa aking balikat. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako pwedeng mawala sa tabi ni Alana kapag natutulog ito ay ang takot ko na madisgrasya ito dahil kung saan-saan nalang ito bumabagsak o nauuntog. Tsk! Narinig ko ang mahinang pagtawa ni mom na ikinatingin ko dito. Napansin ko na pinagmamasdan nitong mabuti si Alana.
"I can say that you are right son. She's cute" wika ni mom na ikinangiti ko. Hindi rin ako makapaniwala kaya napakunot-noo si mom. "What?"
"Do you like her mom?" Sabik na tanong ko pa dito. Natawa naman ng mahina si mom. Humigop pa muna ito sa tinimpla nitong kape.
"I didn't say that son. I still like Hanky for you. Her age is not far from you and she's our business part----"
"Mom. You can't tell if she's perfect for me just because of those matters. What I feel is the most important" Putol ko sa iba pang sasabihin ni mom. Napabuntong-hininga pa ako.
"Sinasabi mo ba na may gusto kana sa kanya?" Tanong naman sa akin ni mom na napatingin pa sa gawi ni Alana na ngayon ay mahimbing na natutulog sa aking balikat. Nagawa ko pang himasin ang malambot na buhok ng asawa ko. Bahagya lang ngumiti si mom no'ng hindi ko nagawang sagutin ang tanong nito. "I'm sorry son. I think I have no right to interfere on your life after what I've done to-----"
"You can still interfere on my life mom because you are still my mother. Nothing can change that and I know that you are doing this for my own good. I still need you mom." Wika ko kay mom. Napatungo ito sa tinimpla nitong kape sa mug at sinimulang paikot-ikutin ang naroong kutsara. "And don't feel sorry for what you've done to me mom because that's where I became a better person. And neglecting me that time is the best decision you've made mom because I meet this person beside me" Dagdag ko pa. Nagulat ako no'ng tumayo si mom para yakapin ako. Narinig ko rin ang mahihina nitong paghikbi habang yakap-yakap ako.
"I-I'm sorry son" bulong nito sa akin habang hinahalik-halikan ako sa ulo. Napangiti ako ng bahagya.
"I can't entrust my company to you again Maximo! Be-because of you, because of your stupidity, everything are ruined. Nang dahil sayo muntik ng mawala ang lahat. Be thankful, be thankful to Hanky's parents for saving our company." Malinaw pa rin sa isip ko na sabi sa akin noon ni mom. Hindi ko naman ginusto noon na malugi ang kompanya. Masyado lang akong nagtiwala sa mga staffs ko noon na Hindi ko inasahan na pagnanakawan lang ang kompanya. Tsk!
"Wala akong a-anak na katulad mo. I don't want to see your face again. L-lumayas ka!" Wika pa noon ni mom kaya nagawa kong umalis sa bahay.
Umalis ako noon sa bahay ng walang-wala dahil hindi rin naman hinayaan ni mom noon na may madala ako na kahit ano. I have nothing until I met Alana's brother. Ito ang tumulong sa akin para maka-survive. We survive and dream together.
Naisipan rin noon ng kapatid ni Alana na pag-aralin ulit ako na hindi ko naman tinanggihan. Ito pa ang pumili ng course ko noon. Hindi naman sa akin big deal ang course na kukunin ko dahil tapos ko naman na ang kurso na gusto ko. We both take education course in the end.
Teaching is not really my passion because I'm into business but I learn to love this profession. Mahalaga sa akin ang pagtuturo dahil ang kapatid ni Alana na naging bestfriend ko na rin ang siyang nagpakilala noon sa akin.
"Please stop saying sorry mom because I owe you more" Pagpapakalma ko kay mom habang hinihimas ko ang likod nito. Hindi ko rin naman masisisi ito dahil sobrang iniingatan nito ang kompanya namin dahil iyon nalang ang iniwan sa amin ni dad bago ito pumanaw.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (217)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I already love this story. Na-hooked ako ng dalawang bida, ang kyut nila both. I hope matapos ko siya 'til the end! Kudos sayo author. Thank you for this beautiful masterpiece 🙌💛
02/08/2022
1kailan po ang update author im excited 😍
20/04/2022
0bom!
22/01
0Tingnan Lahat