INIHATID ko hanggang sa may gate sina kuya Dro at ate Charm na ngayon ay pauwi na matapos ang welcome party ni Hanky. Halata sa mukha ni ate Charm ang iritasyon dahil sa makulit na si kuya Dro na nalasing ng sobra. Kanina pa kasi ito panay sayaw at yakap kay ate Charm. "Ano ba Sandro! Umayos ka kung ayaw mong masapak" masungit na suway ni ate Charm sa asawa nito habang pinipigilan ang asawa na huwag maglakad kung saan-saan. Mabilis nitong hinawakan sa braso si kuya Dro. "Hmmm a-ang bango-bango naman ng s-sweety p-pie ko" wika naman ni kuya Sandro na ngayon ay sinisinghot ang leeg ni ate Charm. Napangiti nalang ako habang si ate Charm ay napaasik nalang. Pilit na pinapasok ni ate Charm ang asawa nito sa kotse. Nang magtagumpay si ate Charm ay bumaling ito sa akin para ngitian ako. Tumingin naman ako saglit sa gawi ni kuya Sandro dahil mukang nahihirapan ito sa pwesto nito ngayon. Nakasalampak lang kasi ito basta sa backseat ng kotse. "Ayos lang kaya si kuya Dro?" Hindi ko napigilang itanong kay ate Charm na ikinatawa naman nito. "Haha don't worry baby girl, he's totally fine. Sige una na kami huh?" wika naman ni ate Charm na sumakay na sa kotse. Wala itong ibang choice kung hindi ito mismo ang magdrive pauwi dahil lasing na ang asawa nito. Baby girl o baby Alana ang madalas itawag sa akin ng mag-asawa na noon ay ikinaiinis ko pa pero ngayon ay sanay na ako. Kumaway sa akin si ate Charm kaya naman napangiti ako at kumaway din ako dito. "Don't let others steal your man baby girl" Paalala pa nito sa akin na ikinakunot-noo ko. Ngumiti lang ito sa akin bago muling kumaway. "We have to go" Paalam nito bago pinaandar ang kotse. Sinundan ko nalang ng tingin ang papalayo nitong sasakyan. Nang mawala na sa paningin ko ang sasakyan nina ate Charm ay pumasok na ulit ako sa loob ng bahay. Naabutan ko pa sa sala si Hanky na inaalalayan sa pagtayo si Maximo na ngayon ay lasing na rin katulad ni kuya Dro. Napabuntong-hininga nalang ako bago lumapit sa kinaroroonan nina Maximo at Hanky. Aalalayan ko na rin sana si Maximo sa pagtayo no'ng pigilan ako ni Hanky na ngayon ay masama ang tingin sa akin. Napakunot-noo ako dahil sa inasta nito. "Ako na bahala dito. Don't waste your time" suway pa nito sa akin na ikinainis ko. "I'm his wife" Pag-papaalala ko dito na ikinairap nito. Tumawa pa ito ng mahina pagkatapos. "Yes, you are his wife but do not act like one. Tsk!" Sarkastiko na wika nito bago muling inalalayan si Maximo sa pagtayo. Napabuntong-hininga nalang ako at hindi nalang ito pinansin. "Ihahatid na kita sa kwarto mo Brylle" wika ni Hanky habang nakayakap ang mga braso nito sa baywang ni Maximo na lihim kong ikinainis. Paalis nalang sana ako sa harapan nina Hanky para mawala ang inis ko dito no'ng marinig ko naman ang boses ni Maximo. Agad akong napatingin dito. Ngayon ay pilit itong kumakawala sa pagkakahawak dito ni Hanky. "W-wife---w-wife" Paulit-ulit na usal nito habang nakatingin sa akin at pilit na iniaabot sa akin ang kamay nito. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso at pagpula ng aking pisngi. "B-Brylle I'm here" Halata sa boses ni Hanky na naiinis ito at masama ang loob nito kay Maximo. Pilit pa rin nitong inaalalayan sa pagtayo si Maximo kahit panay pa ang piglas dito ng asawa ko. "I-I want my w-wife" Medyo malakas ang boses na wika ni Maximo kay Hanky habang papungay-pungay ang mga mata dahil sa kalasingan. Napabuntong-hininga nalang si Hanky. Ngumiti naman dito si Maximo bago bumaling sa akin na para bang kinikilala pa ako. Ituro pa ako nito. "W-wife!" Sigaw pa ni Maximo no'ng makawala ito sa yakap ni Hanky at no'ng makilala ako. Nagulat pa ako no'ng bigla nalang itong lumapit sa akin at mabilis akong niyakap. "Disgusting!" Sigaw ni Hanky na ikinatingin ko dito. Masama ang tingin nito sa akin na anumang oras ay gusto akong sugudin dahil sa sobrang galit. Napamaang nalang ako dahil sa hindi ko inasahan ang reaksiyon nito. "Uggghh! Damn you bitch!" Asik pa nito na napasabunot pa sa buhok nito. Nagdadabog na iniwan na rin kami nito ni Maximo. Natitigilan na nasundan ko nalang ito ng tingin. "W-wife" Usal ni Maximo sa may tainga ko dahilan para mawala ang atensiyon ko kay Hanky. Napamulaga pa ang mata ko no'ng maramdaman ko ang pagdampi ng labi ni Maximo sa leeg ko. "Wahhh anong ginagawa mo master?" Gulat na reaksiyon ko dahil sa kiliti na dulot ng halik nito sa aking leeg. Nagawa ko pa itong itulak palayo sa akin dahilan para mapahiga ito sa sofa na siyang sumalo dito. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Maximo na para bang kinikiliti ito kaya lalo akong napamaang. Napanguso pa ako no'ng makita ko na niyakap nito ng mahigpit ang isang unan na nasa ibabaw ng sofa. Mabilis akong lumapit dito para muli itong alalayan sa pagtayo. Nang magawa kong maalalayan sa pagtayo si Maximo ay agad itong yumakap sa akin. Napabuntong-hininga nalang ako at hindi na ito pinansin. Dinala ko nalang ito sa kwarto nito kahit medyo mabigat ito. Itinulak ko si Maximo pahiga sa kama no'ng makapasok na kami sa kwarto nito. Nagpamaywang ako habang hinihingal dahil sa pagod. Ito naman ay pangisi-ngisi lang habang yakap-yakap pa rin ang unan na nakuha pa nito sa sofa kanina. Tumalikod ako dito at humarap sa kabinet para maghanap ng bimpo na pwede kong gamitin sa pagpupunas dito mamaya. Hinalungkat ko na lahat ng gamit ni Maximo pero wala pa rin akong nakitang bimpo. Napabuntong-hininga nalang ako. Ito kasi ang unang beses na pupunasan ko ito ng maligamgam na tubig kaya wala akong ideya kung saan nakalagay ang iba pa nitong gamit. Humarap ako kay Maximo at tatanungin nalang sana ito no'ng bigla ko nalang naitakip ang mga palad ko sa aking mukha. "What the heck are you doing Maximo?" Tanong ko pa dito dahil sa gulat. Nararamdaman ko pa ngayon ang pamumula ng aking pisngi. Nalingunan ko kasi itong walang pang-itaas na damit at sinisimulan na rin nitong hubarin ang suot nitong pantalon. "D-don't curse w-wife. N-not appropriate for s-student" wika pa nito na halata sa boses na inaantok na ito. "D-don't be naked M-Maximo. N-not appropriate for-----t-teacher" wika ko naman habang pigil ang hininga dahil sa kaba. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Maximo na ikinakunot-noo ko. "I-I'm not" "Huh? T-totoo?" Paninigurado ko pa. "Hmm" Narinig ko na ungol ni Maximo na ikinakunot-noo kong lalo. Kahit kinakabahan ay dahan-dahan kong inalis ang kamay ko na nakatakip sa aking mukha. Nakahinga ako ng maluwag no'ng makita ko na may suot na itong puting t-shirt na hindi ko alam kung paano nangyari. Hindi rin nito tuluyang hinubad ang suot nitong pantalon. Nagpakawala muna ako ng isang malalim na hininga bago lumapit dito para ayusin ang pagkakahiga nito. Ang buong akala ko ay tulog na ito dahil nakapikit na ang mga mata nito kaya nagulat ako no'ng magmulat ito ng mata. Nagkasalubong ang mga paningin namin dahilan para bumilis na naman ang tibok ng aking puso. Napalunok-laway ako. Aalis nalang sana ako sa ibabaw nito no'ng pigilan ako nito sa braso dahilan para mapasubsob ang mukha ko sa dibdib nito. "I-I want to k-kish y-you wife" bulong nito sa may tainga ko na ikinamulaga ng mga mata ko. Agad ko itong itinulak palayo sa akin. "No!" Agad na sagot ko dito. Nagsimula itong umupo sa kama habang papungay-pungay ang mga mata. Muntik pa akong matawa no'ng tumingin ito sa akin ng diretso kahit pa parang nanlalabo na ang paningin nito sa kalasingan. Nagmukha itong bata na nagmamakaawa habang nakanguso. "A-ang s-sabi mo----hindi muna ako h-hahalikan?" Pagpapaalala ko dito. "B-but I want it" Nagtatampo na wika ni Maximo habang nakanguso. Hindi ko na napigilan pa ang matawa ng mahina. Ang sabi nito ay ako ang childish pero ngayon ko napagtanto na mas childish pa ito sa akin kapag lasing. "B-bawal! I'm your student M-Maximo. Dapat hindi ganyan ang kilos mo sa harap ng estudyante mo M-Maximo. Bad influence ka" suway ko dito na ikinatingin nito ng masama sa akin. Sinalubong ko ang tingin nito. Sa huli ay napayuko ito at lumaylay ang mga balikat nito na para bang sumama ang loob nito sa akin. "C-call me sir if I'm your t-teacher" wika nito na ikinatigil ko. Tama naman ito! Natahimik nalang ako. "Y-you are calling me M-Maximo because I'm your husband and y-you a-are my wife. A-and I'm acting l-like this o-only for you wife" Dagdag pa nito na ngumirit pa pagkatapos at binigyan pa ako ng finger heart. Natahimik akong lalo at naramdaman ko na naman ang pamumula ng aking pisngi. Umayos na ulit ng higa si Maximo sa kama nito. Niyakap nito ang kumot at ipinikit na ang mga mata. "Mwaaah ----- m-mwaaaah" Hindi ko inasahan na halik ni Maximo sa hangin na ikinamaang ko. Naiwan tuloy na nakanguso ang labi nito. What the heck? Hindi ko na napigilan ang mapangiti. My husband!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (217)
Sienna Rose
I already love this story. Na-hooked ako ng dalawang bida, ang kyut nila both. I hope matapos ko siya 'til the end! Kudos sayo author. Thank you for this beautiful masterpiece 🙌💛
I already love this story. Na-hooked ako ng dalawang bida, ang kyut nila both. I hope matapos ko siya 'til the end! Kudos sayo author. Thank you for this beautiful masterpiece 🙌💛
02/08/2022
1kailan po ang update author im excited 😍
20/04/2022
0bom!
22/01
0Tingnan Lahat