Homepage/THE HEPTAGON SERIES (Short Stories Collection)/
PART 9
PAGKATAPOS naming mag-usap ay natulog na rin agad kami. Pero bago iyon ay chinika ko muna ito. Tinanong ko kung ano ba talagang nangyari sa kanya. Kung bakit nandoon siya sa lugar na iyon ng dis-oras ng gabi. Ang sabi niya ay, he just want to drive and roam around, to get some fresh air. Then ayon nagulat na lang daw siya na may sumusunod na pala sa kanyang sasakyan. Tinabi niya daw 'yong sasakyan at bumaba para kausapin ang mga ito. Kaso ayon tinambangan na daw siya ng mga sira-ulo. Hiningi daw ng mga gunggong yung susi ng kotse nya, cellphone, pera at ibang bagay na pwedeng nilang nakawin. Even 'yong suot nitong damit pinapahubad din sa kaniya. Ito naman kasing si bebe Aedan ko, masyadong padalos-dalos. Ni hindi niya muna inisip na pwedeng may mangyaring masama sa kaniya. Pagkatapos niyang magkwento ay natulog na kami—ay siya lang pala, kasi ako heto dilat na dilat pa rin ang mga mata. Sa baba lang siya natulog, nilatagan ko lang ng kutson. Ang sabi ko sa kaniya dito na lang siya sa kama at ako na lang sa baba, kaso kahit anong pilit ko ayaw niya pumayag, e. "Why are you still awake? You can't sleep?" biglang tanong ni Aedan na nagpagulat sakin. "A-Ahm. Oo, e." sagot ko. "I'm not too." "Why?" curious na tanong ko. "Because I'm thinking of you..." Speechless.... iyan si ako. Wala akong maisip na sasabihin. Binigla niya kasi ako, e. Malapit na pa lang mag-umaga, malapit na ring matapos ang panaginip na ito. Oo tinuturing ko lang itong isang panaginip, kasi alam kong bukas pag sapit ng umaga kailangan niya ng umalis at bumalik sa totoong mundo niya. Sa lugar na tunay niyang kinabibilangan.... at hindi dito iyon. Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko napansin na nakatulog na pala ako. . . . "Tik-Tilaok... Tik-Tilaok..." ingay na gumasing sa akin. Agad akong bumangon, at tinanaw ang hinihigaan ni Aedan. Tulog pa rin siya. Nilapitan ko siya at naupo sa tabi niya. "Paano ba iyan, umaga na. It means iiwan mo na ako." kausap ko sa kaniya. Kung hihilingin ko bang dito ka na lang, mananatili ka ba? "Jañella? Gising ka na ba?" katok ni Mama sa pinto. "Ahm, Opo, bakit po ba?" sagot ko. "Halika dito, bilis panoorin mo ito" Agad akong lumabas para makita kung ano 'yong tinutukoy ni Mama. Ay iyon ay kasalakuyan ngayong nasa balita si Aedan. — News Flash Report Di umano ang sikat na si Aedan na member na kilalang banda na ng 'Heptagon' ay nawawala. Ang sabi, kagabi pa daw ito huling nakita at hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik. Ni hindi daw ito nag-paalam at bigla na lang nawala. Sa ngayon patuloy pa rin ang paghahanap sa kaniya. — "Mukhang kailangan ng umuwi n'yang si Aedan. " ani ni Mama. "Ano ng plano mo?–N'yo?–N'yang si Aedan?" tanong pa ni mama. Hindi ko na ito sinagot at bumalik na lang sa kuwarto. Pagbalik ko sa kuwarto ay gising na si Aedan. "Good morning." nakangiting bati ko sa kaniya. "Good morning too." bati niya pabalik. Ano ba iyan! Ang aga niya namang nagpasabog ng kagwapuhan. "Ahm, tara let's eat breakfast na." yaya ko. "Can I barrow your phone now?" ani nito at pambabaliwala sa pagyaya ko. Ganoon niya na ba kagusto na umalis dito? "Later, let's eat first" ani ko. Hindi ko na ito hinintay na magsalita pa. Agad ko siyang hinawakan sa kamay at hinatak papuntang dinning area. Kakatapos lang namin kumain. At alam n'yo ba ang daming nakain ni Aedan. Sarap na sarap siya sa sinangag, scrambled eggs, at daing na tinapa. Nakakatuwa siyang pagmasdan kumain. At kahit halos masamid na siya patuloy pa rin siya sa pagkain. Wawa naman 'yong Aedan ko, sobrang nagutom. Sana hindi ito 'yong una at huling beses na mapapanood ko siyang kumain. Mami-miss ko 'tong araw na 'to. Ito na yata 'yong pinakamasayang breakfast na naranasan ko sa buong buhay ko. Mamimiss ko siya. Pagkatapos nito, balik na naman ako sa dating gawi. Ang panoorin lang siya through screen at makibalita sa mga kaganapan sa buhay niya. Hindi ko napansin na tumutulo na pala 'yong luha ko. Kaya dali-dali ko itong pinunasan. "Here." abot ko dito ng cellphone ko. Agad niya itong kinuha at nagsimulang magtipa. Sino kaya 'yong tatawagan nya? Ilang sandali pa ay sinagot na ng tinatawagan niya 'yong tawag niya. At ayon nag-usap sila. Iniwan ko muna siya at nagtungo sa kwarto ko. Ayaw ko namang isipin niya na apaka chismosa ko. Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa mga picture ni Aedan at ng mga kagrupo niya na nakapaskil sa buong kwarto ko. Ultimo kisami may picture niya–nila ng Heptagon. Sana lang hindi creepy 'yong dating sa kaniya. Wala, e. Sadayang ako'y nahumaling na sa kanila. Tsaka gusto ko talagang ipagduldulan sa mukha niya na idol ko siya. Sobrang proud lang ako as his fan. "I'm so lucky to have a fan like you." si Aedan. Napalingon ako. "Here." inabot niya sa akin 'yong cellphone. "Tapos ka na?" tanong ko. "Uh-hmn." "S-So, uuwi ka na?" Sinubukan kong itago ang lungkot sa tinig ko pero hindi ko, pero wala, e. Hindi ko na nagawa. Sana lang hindi niya mapansin. "Yea." Sandali kaming nabalot ng katahimikan, pero agad din itong nabasag ng magsalita ito. "In any time, my Manager will come here to fetch me." "Good for you." Nakangiti kong sabi pero sa totoo lang parang winawarak na ang puso ko. Isang gabi ko lang siyang nakasama pero bakit parang ayaw ko na siyang mawala? "Will you get sad when I leave? Will you miss me when I'm gone?" tanong niya. "O-Of course." ani ko habang pinipigil na maiyak. "I will miss you too." aniya. "Mamimiss mo lang ako pero hindi ka malulungkot kapag nawala ako. Sino ba naman kasi ako sayo? E, niligtas ko lang naman 'yong buhay mo, maliban do'n wala na." Ako sa isip ko. "You're important to me." Aniya. Nginitian ko lang siya ng payak. "The day that you save me, is the day that you became one of the important person in my life." dagdag niya pa. "You're just saying that, because you owe me... because I'm save your life." I said. "Yea, maybe that is one of the reasons, but the truth is. You're important to me because I like you, I really do." I like you I like you I like you I like you I like you Paulit-ulit nag-replay sa utak ko ang sinabi niya. Parang itong musika sa aking pandinig na kaysarap pakinggan. Gusto n'ya ko? Anong klaseng pagkagusto? Romantically ba? As friend? As a little sister? Or as fan?
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ever good
14/05/2025
0ang Saya
17/04/2025
0i love it
08/02/2025
0Tingnan Lahat