LAST PART

NAPAG-iwanan na talaga ako ng mga loko kong kaibigan. Lahat sila luma-love life na habang ako heto, hashtag Alone.
Ako 'tong pinaka gwapo sa aming magbabanda pero ako 'tong walang binibini.
Hindi naman sa naiinggit ako pero parang ganoon nga.
Share ko lang din ako lang mag-isa dito sa bahay dahil ang mga loko busy sa mga babae nila.
Makatulog na nga lang.
Pagbagsak akong humiga sa kama ko. Pero nang ipikit ko na ang mga mata ko ay 'yong mukha na naman ng babaeng napagkamalang kong PA ko ang nakita ko.
Ang weird lang kasi, this past few days lagi na lang siyang pumapasok sa isipan ko.
Oo alam kong tanga ako sa part na nagpakamalan ko siyang PA ko kahit na ang totoo wala naman talaga kaming PA. Basta no'ng nakita ko siya bigla na lang akong dinala ng mga paa ko papalapit sa kaniya at iyon tinangay siya.
Babawasan ko na nga ang kape. Nagiging lutang na ako.
*****
AFTER 1 WEEK
KASALUKUYAN ako nagda-drive ng may mamatahan akong nagtitinda ng buko juice. Ang tagal ko na ring hindi nakatikim nito. Parang gusto kong uminom nito. Bibilhan ko na rin ang mga loko.
Itinabi ko ang sasakyan ko sa gilid kalsada. Nag suot muna ako ng sumbrelo at shade bago lumabas ng sasakyan.
"Miss magkano kapag binili ko na iyang lahat ng buko juice mo, kasama na pati iyang jug na pinaglalagyan?" tanong ko sa babaemg nagtitinda na abala sa—ewan ko ba kung anong ginagawa nito, nakayuko ito at parang may inaayos na kung ano sa baba.
"Miss?" tawag ko dito baka kasi hindi ako narinig.
"Sandali lang naman ho. Nakikita mo namang may ginagawa ako 'di ba?" ani ng tindera sabay angat ng ulo nito at ayos sa pagtayo.
Nang makita ko ang mukha nito ay napatanga ako.
It's her again. 'Yong babaeng bigla ko na lang tinangay.
Maging siya gulat na gulat din.
"F-Fiaro?" Naibulalas niya.
"Oh, Hi?..." What's her name again? Damn, I forgot.
"Nakaka-sad naman, nakalimutan mo na agad ako?"
"Oh, I'm sorry." Oh, damn! Nakalimutan ko man ang pangalan mo pero lagi ka namang nasa isipan ko. Tsaka sa ganda niyang iyan imposibleng makalimutan ko siya. 'Yong pangalan lang talaga.
"Mitzy ang name ko. Iyan ha, huwag mo ng kakalimutan kundi magtatampo na talaga ako."
Bahagya lang akong napatawa at napa-iling dahil sinabi niya.
Mitzy, hmmn... panigurado hindi ko talaga makakalimutan pa ang pangalan niya.
"Nakakatuwa, pangalawang beses na natin 'tong pagkikita."
"Oo nga, e." Iyan na lang ang nasabi ko.
"Baka destiny talaga tayo. Baka pinagtatagpo talaga tayo ng tadhana." bulong niya, dahilan para hindi ko ito malinaw na narinig.
"Hmn, are you saying something?" tanong
"A-Ahh... wala, masiya lang akong makita ka ulit. Naii-star struck pa rin ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap na naman kita." aniya.
"Me too, I'm happy to see you again."
Nginitan niya ako ng matamis. "O-Oo nga pala, bibili ka ba?"
"Uh-hmn, pwede ba?"
"Oo naman. Hindi ko alam na umiinom ka pala ng ganito."
"Of course, sa totoo nga niyan paborito ko iyan."
"N-Nakakatuwa naman. Ilan pa ba 'yong bibilhin mo? Meron kami dito tigsasampu, tigkikinse at tigbebente."
"How much kapag binili ko iyan lahat kasama iyang jug na pinaglalagyan?"
"Naku, libre na lang, sayo na lahat 'to."
"Really?" Aliw na aliw na tanong ko.
"Oum." Tumatango sabi niya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang mapangiti. Nakakatuwa talaga siya.
Hindi na ako tumanggi pa, she's really insisting.
Nagpaaalam na rin agad ako sa kaniya. Pero bago kami tuluyang maghiwalay ay nagpa-picture naman siya sa akin ng sobrang dami, napailing na lang ako. Pero honestly nakakaaliw siya and I like her.
*****
AFTER 2 WEEKS
MGA bwiset talaga 'yong loko. Porke ba akong 'yong single at walang ginagawa ay ako na palagi ang uutusan nilang mag-grocery? Kung tutuusin ay pwede naman itong iutos sa iba pero ang aarte nila, kesyo ako na lang daw tutal wala naman daw akong ginagawa. Mga bwiset sila!
Kapag lang talaga nakita ko si Miss Right ko... who you sila sa akin.
Kumuha ako ng basket na paglalagyan ko ng mga grocery, ayaw ko ng push cart dahil nakakabobo gamitin, imbes na mabilis ako ay napapabagal pa. Ang dami pa namang tao ngayon dito.
Nagpunta ako sa canned goods section, madalas ito 'yong kanin namin dahil hindi naman kami marunong magluto.
Nag-umpisa na akong dumampot ng kung ano-ano de latang mahawakan ko, pero pagdampot ko sa isang lata ay may nakasabay ako. Pareho naming nahawaka ang isang lata.
binalingan ko ito ng tingin para makita ito. At nanlaki ang mga mata ko ng makita si Mitzy.
Nagkita na naman kami. Thi is the third time.
"I-Ikaw pala iyan, Fiaro. N-Nagkita na naman tayo."
"Yea. Oo nga."
"Mukhang pinaglalapit talaga tayo ng tadhana." bulong niya at malinaw ko itong narinig.
Mukha nga.
"Ang suwerte ko naman palagi kitang nakikita."
Hindi. Ako 'yong suwerte kasi finally natagpuan ko na ang kukumpleto sa mundo ko.
.
.
.
"MGA dre, there's a girl na palaging nasa isipan ko. Napapadalas din 'yong pagkikita namin."
"So, anong ginawa mo?" -Ringo
"Ha? What do you mean na ano ang ginawa ko? May dapat ba akong gawin?"
"Dre, may nakapag sabi na ba sayo na ang tanga mo?" -Shield
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Base on your expression mukhang wala pa, kaya mga dre sabay-sabay tayo." -Sheild
"Ang tanga mo, dre." sabay-sabay na sabi nila.
"Tsk. Mukha bang nakikipag lokohan ako sa inyo, ha?" singhal ko sa kanila.
"Dre, sayo na nanggaling na palagi mo siyang naiisip. Kaya tatanungin kita, do you like her?" -Chestler
"Yes." pag-amin ko.
"So what are you waiting for? Ikaw rin suwerte ka pa sa lagay na iyan dahil palagi kayang nagkikita. Pero if hin—"
"No. Hindi ko hahayaang mangyari iyan. Hindi ko hahayaan."
"That's our boy." Aedan patted my shoulder.
*****
"F-Fiaro? A-Anong ginagawa mo dito?" Gulat na gulat na tanong ni Mitzy. Pinuntahan ko siya dito sa tindahan niya ng buko juice.
"Binibisita ka. And I'm sorry nga pala kung bigla na lang kitang iniwan kahapon."
"Ano ka ba, wala iyon, naiintindahan ko naman. I know na busy kang tao."
Tinitigan ko siya.
"B-Bakit ganiya kang m-makatingin?" Nauutal siya.
"Ang ganda mo." I said.
Kitang-kita ko kung paano namula ang magkabila niyang pisngi.
Nahawakan ko na pala siya pero hindi ko lang binigyan ng pansin. Hawak ko na pero pinakawalan ko pa, pero buti na lang nabigyan pa ako ng pagkakataong muli siyang mahawakan. At this time hindi ko na siya papakawalan pa.
Mitzy Vañez, I will hold you forever.
I am Fiaro Zamora, the saxophonist of the band Heptagon... is now signing off.
[END]
-EnigmaticPluma

Komento sa Aklat (129)

  • avatar
    Ayuban JM

    ever good

    14/05/2025

      0
  • avatar
    Sophia Ellise

    ang Saya

    17/04/2025

      0
  • avatar
    Althea T. Dupilas

    i love it

    08/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata