HEPTAGON 6: Hold by You - PART 1

NANDITO ako sa isang mall. Bibili ako ng bagong sapatos, pudpud na kasi 'yong ginagamit ko, nakanganga na din.
Pero nakakapagtaka lang, bakit sobrang dami naman atang tao ngayon dito?
Ah... alam ko na. Siguro may artistang naligaw tapos ayon pinakaguluhan na.
Sayang naman 'yong pagkakataon, sige na nga makikigulo na rin ako. Sana lang talaga si kuya Wil iyon o kaya naman si Bossing para makahingi ako ng datung.
Charot lang, baka isipin niyo mukha akong pera, medyo lang naman. Hehehe!
Ambang susugod na ako at makikisik sa dagsa ng mga tao ng... may kung sinong humawak sa kamay ko at hinala ako pupunta sa kung saan.
"Hoy! Kuya bitawan mo ko!" sigaw ko dito. At oo lalaki siya. Pero hindi ko makita ang mukha niya since nakatalikod siya sa akin.
"Hoy! Ano ba kuya! Ang lakas naman ata ng trip mong hinayupak ka!" sigaw ko pa.
Patuloy lang ito sa paghila sa akin, at para bang hindi niya ako naririnig.
"Pagbilang ko ng tatlo at hindi mo ako binitawan... babasagin ko ang ulo mo sa baba!"
Isa!
Dalawa!
Dalawa't kalahati!
Tat—bwiset kaya naman pala hindi ako marinig dahil may suot itong headphone.
"Ang gara mo naman kuya, may suot ka pa lang heaphone hindi ka manlang nagsasalita!"
"Pa-headphone-headphone ka pa–sira naman. Itapon mo pa iyan."
"Pati ako na nanahimik nihila-hila mo! Bakit close ba tayo? Ni hindi nga kita kilala, e!"
At sa wakas huminto na rin kami sa—este itong lalaki pala ang huminto na sa pagkaladkad sa akin. Pero hindi pa rin nito binibitawan ang kamay ko. Kaya naman agad ko na itong hinaltak. Sobra na kasi, e. Chansing na!.
Nilibot ko 'yong tingin ko sa paligid. At nandito kami ngayon sa may dulong bahagi ng parking lot ng mall.
Hala, anong gagawin namin dito?
OH MY GOSH! Hindi kaya masamang tao itong lalaking ito? Tapos kaya niya ako dinala dito kasi may balak siyang masama sa akin?...
Hala! Paano na ako ngayon?...
Alam ko na. Kung magmamakaawa na lang kaya ako sa kaniya na huwag niya ng ituloy ang masama niyang balak?
"Kuya naman, please lang huwag mo po akong papatayin. Mabait po akong tao. Sumusnod po ako sa rules and regulations, maging sa batas at lalong-lalo na po sa utos ng nanay ko. Kaya please po, palayain n'yo po ako. Promise po hindi po ako msgsusumbong sa puli—"
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil bigla itong humarap sa akin.
Hala, bakit ang gwapo? Partida naka-mask pa iyan. Pero kahit na, halata pa rin naman na gwapo siya. At yung kilay nito ang ganda, plakadong-plakado, nahiya tuloy ang kilay kong sabog-sabog. Tapos 'yong mata... wow! Singkit pala siya. Oppa... finger heart...
"Oh I'm sorry. I thought you're my PA. You and my PA wearing the same clothes, so I thought you were her. I'm really sorry, Miss."
Ako, napagkamalang PA?... Sa ganda kong 'to?
Pero teka, PA? 'Di ba 'yong may mga PA lang is 'yong mga taong—OH MY GOSH!...
Hindi kaya celebrity itong si kuya?
Kaso hindi ko siya mamukhaan dahil sa suot niyang mask at shade.
"I'm really sorry for suddenly dragging you here. I'm sorry because I mistaken you as my PA." dagdag pa niya na nagpabalik sa diwa ko.
"Alam mo kuya madali naman akong kausap, e. Papalagpasin ko ang ginawa mo, kaso sa isang kondisiyon ay dapat pa-autograph ako at selfie na rin. Tapos ipapadala ko sa KMJS. Alam mo kasi kuya, pangarap ko talagang ma-feature sa show na iyon, hashtag I-KMJS na yan."
"Huh?"
"Ay, hindi mo na-gets?..."
Umiling siya.
"Harujusko!... mukhang englishero ka pa yata. Mukhang matutuyot ng husto ang utak ko sayo."
"Speak in English please."
"You!... Oo ikaw nga, ikaw ang magtagalog-este you adjust not me, you speak Tagalog."
Haist! Basic lang pala mag English. Wish ko lang naintindihan niya.
"But I cant. I don't know how." anito.
"Ha? Bakit hindi ka marunong? Ano ka ba? Alien?
"Alien?" naguguluhang tanong nito.
"Yea, alien. Are you an alien?
Bahagya siyang natawa. "Am I look like an alien?"
"Actually not, cause you're super handsome."
"Oh, thank you. By the way you're pretty too."
"Ay, maliit na bagay, huwag mo ng ipagsigawan. Baka pakaguluhan lang ako.
"Hmn?"
"Ah... Eh... Nothing, nothing. Hehehe!"
"Ok."
"Oo nga pala, celebrity ka ba?—I mean, are you a celebrity ba? Kasi you said earlier that you mistaken me as your PA, so I guess,maybe you're a celebrity or something. Are you ba?"
Wish ko lang na sana gets niya ang barok-barok kong English. Hindi naman kasi ako na-inform na magkakaroon ako ng englisherong kausap today. Edi sana ni-ready ko 'yong Google translator ko.
"Yea. I am." parang nahihiyang aniya.
"Oh, really?" nanlalaki matang tanong ko.
"Uh-hmn. I'm one of the members of Heptagon."
Heptagon?
Heptagon?
Heptagon?
Heptagon?
Heptagon?
Ah... Oo. 'Yong bandang sikat na sikat ngayon.
OH MY GOSH!... Isa siya doon?
Hindi nila ako fan pero sobra akong nagagalingan sa kanila. At grabe ang ga-gwapo ang ha-hot kaya nila.
Pero teka, hindi kaya modus lang ito?
Tama, dapat hindi muna ako maniwala, kailangan ng concrete evidence na isa talaga siya sa Heptagon. Kahit naman hindi ako fan, kilala ko naman sila sa pangalan at sa mukha. Tsaka paano ko sila hindi makikilala, e sobrang sikat kaya nila.
"I don't believe you. Prove it first." hamon ko sa kaniya. Mahirap na, baka kasi pinatitripan lang ako nito, e.
Nagkibit balikat lang ito sabay tangal ng suot niyang mask at shade. At ng makita ang mukha niya ay napanganga ako at lumuwa ang mga mata ko.
ULALAM!... TOTOO NGA!
Isa nga siya sa BTS!
At siya ay walang iba kundi si... FAIRO ZAMORA!
"Fiaro? Tawag ko sa pangalan niya. Iyan 'yong naibulalas ko. Nasa gitna pa rin ako ng pagkagulat.
"You know me?" hndi makapaniwalang tanong nito.
Sunod-sunod akong tumango.
Ang gwapo niya. Ngayon siya na 'yong bias ko. Kasi sa oras na ito, isa na ako sa tagahanga nila. Fan na ako ng Heptagon, fan niya na ako.
"Are you a fan of us?"
Tumango ulit ako. Na-speechless na kasi ako sa kagwapuhan niya.
Ang alam ko ang Heptagon ay local band lang, at all them are half pilipino so technically they know how to speak tagalog. Ayos din pala 'tong si bebe ko, e. Ang joker niya. Nakakatuwa siya. I love you na agad.
"What's your name?" tanong ulit niya, kaso hindi ko gaanong narinig dahil pagtunganga ko sa mukha niya.
"Ha?"
"Your name?"
"My name?" parang tangang tanong ko.
"Yea." tumatangong sagot niya.
"Y-You asking my name?" ulit ko pa. Habang ito naman ay natawa lang.
"You know what, you're so cute... very cute." natatawang anito, na dahilan para mag-init ang pisngi ko.
Narinig niyo iyon?... Ang cute-cute ko daw! Ene be 'yen, nekekeleg eke!
Ganito pala 'yong epekto nila. Hindi na ako magtataka kung bakit and daming nababaliw sa kanila. E, talaga naman kasing nakakabaliw sila.
Oh My Gosh!... Siguro kung matagal na akong fan nila, baka nagtatalon na ako dito or baka nangingisay na ako sa kilig.
Hay naku, for sure ang daming fans na maiinggit sa akin pag nagkataon nalaman nilang may isang babae ang nagkaroon ng pagkakataong maka heart to heart talk ang isang 'Fiaro Zamora' at iyon ay walang iba kundi ako. Ang swerte ko, grabe!
"Ehem, ehem," tikhim niya. Oo nga pala 'yong name ko nga pala hinihingi niya.
"A-Ahm, I'm Mitzy Vañez nga pala." pakilala ko.
"Mitzy." banggit nito sa pangalan ko. "Your name is like you... beautiful."
"Hala, ang harot mo rin pala. Ikaw ha, pag ako nafall sayo, siguraduhin mo lang talaga na sasaluhin mo ako." bulong ko.
"Hmn?"
"Ah... Eh... Nothing... I was just saying that you are so handsome."
"Oh, really?" natatawa nitong tanong. "Thanks then."
"You really gwapo naman talaga kasi. Pakiss nga ak—" agad ako nahinto sa pagsasalita ng ma-realize ko kung anong sinabi ko.
"You want... kiss?" kunot noong tanong niya.
"Ah, eh, nothing. Just forget what I said. Hehehe!"
"Ahm, ok."
"Ahm, Fiaro Zamora." tawag ko sa kaniya.
"Hmn?"
"Can I have a selfie with you?—I mean picture with you pala?
"Sure. My pleasure."
Agad kong nilabas ko ang phone ko at nakipag selfie dito. Dinamihan ko ang pagkuha, sayang ang pagkakataon kaya sinulit ko na. At nagpa fansign na din ako sa kaniya.
Gusto ko pa sana siyang makausap pa, kaso may bigla na lang dumating na sasakyan at sundo niya pala ito.
Pero bago niya pa ako tuluyang iwan ay niyakap muna ako nito ng isang mahigpit na yakap.
"Nice meeting you , Mitzy. I hope we meet again." ani nito bago tuluyang pumasok sa sasakyan nito.
Habang ako naman ay naiwan lang na nakatayo dito, pinagmamasdan ang sasakyan nitong palayo. Masaya ako na medyo malungkot. Masaya kasi nakilala ko siya. Malungkot kasi kailangan na agad niyang umalis.
Masaya akong nakilala kita Fairo Zamora, makakaasa kang buong puso kitang susuportahan. Tulad ng sinabi mo, sana nga magkita tayong muli.
Matapos ng pagkikita namin ni Fairo Zamora ay sinubaybayan ko na ang buhay nito. At habang pinapanood ko ang mga videos about sa kanya ay mas lalo ko siyang nakilala, mas lalo ko siyang nagustuhan at minahal. Nakita ko rin ang side niya na pagiging makulit, nakakatuwa siya. Nagagawa niya akong pasayahin. Ganito pala ang epekto ng Heptagon, ang sarap-sarap nilang hangaan at suportahan. Ibang klase talaga ang ligaya at inspirasiyon na hatid nila, hindi lang sa akin kundi sa lahat ng taong nagmamahal sa kanila.
Sana talaga hindi n'ya ako makalimutan. Sana hindi niya makalimutan ang babaeng bigla na lang niyang hinawakan at kinaladkad dahil sa napagkamalang niyang PA niya. 'Yong babaeng naging fan niya noong araw din na iyon.
Naging tagahanga niya na ako. Hinangaan, sinuportihan at minahal ko na siya, actually lahat naman sila sinusuportahan at mahal ko. Kaso si Fiaro talaga ang pinaka gusto ko. Siya ang bias ko. Wala e, na-love at first sight ako sa kaniya.

Komento sa Aklat (129)

  • avatar
    Ayuban JM

    ever good

    14/05/2025

      0
  • avatar
    Sophia Ellise

    ang Saya

    17/04/2025

      0
  • avatar
    Althea T. Dupilas

    i love it

    08/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata