LAST PART

DAMN! Hindi ko dapat siya iniwan.
Ang tanga ko!
Agad akong nagbalik sa hospital kung saan ko siya iniwan ngunit huli na dahil nakaalis na siya–wala na siya, hindi ko na siya naabutan pa.
Malas! Hindi ko manlang nakuha ang number niya.
Ngayon saan ko siya hahagilapin?
Ang tanga mo, Shield! Ang tanga-tanga mo!
.
.
.
BAGSAK ang balikat kong umuwi ng bahay.
"Anong nangyari, dre? Bakit mukha kang pinasukluban ng langit at lupa?" -Fiaro
"Hindi ko na siya naabutan."
"Who?" -Fiaro
" 'Yong babaeng muntik ko ng mabangga."
"Oh, tapos?" -Fiaro
"Nahuli ako ng dating, hindi ko na siya naabutan, wala na siya do'n."
"Oh, tapos?" -Fiaro
"Gago ka, seryoso kasi ako, dre."
"Seryoso din ako, dre." -Fiaro
"Gusto mo makakita ng lumilipad na sa sapatos?"
"Sabi ko nga mananahimik na ako." -Fiaro
"Mabuti kung ganoon. Iyan ang pinaka maganda mong gagawin."
"Dre, umamin ka nga, type mo siya 'no?" ani Denver. At Si Avi 'yong tinutukoy niya.
"Yea. Nasapul ako. Dito oh." turo ko sa dibdib ko. "Tinamaan ako ni kupido. Ang lalim, baon na baon."
"Congrats, dre, binata ka na." -Ringo
"Mukhang imbes na siya ang muntik mong mabangga ay ikaw ata tong nabangga niya sa puso." -Denver
"Hugot na hugot, Denver?" -Ringo
"Mga lumala-love life na kayo, ah." -Fiaro.
"Bakit, ikaw wala pa ba?" tanong ko kay Fiaro.
"Wala pa, e. Hindi pa nagpaparamdam." -Fiaro
"Kung ako sayo kikilos na ako at hahanapin ko na siya dahil napag-iiwanan ka na, dre." wika ko.
"Oo nga, e. Lahat kayo meron na. Saan n'yo ba sila nakita–natagpuan?" -Fiaro
"Destiny, dre. Ito ang gagabay sayo para mahanap mo ang babaeng para sayo. I know it sounds cheesy pero seryoso, dre. Magugulat ka na lang one of this day makakasalubong mo ang 'miss Right' mo." -Chestler
Sumang-ayon kaming lima, ako, si Adean, Jace, Ringo at si Denver sa sinabi ni Chestler.
"Anong gagawin ko?" Tanong ni Fiaro.
"Maglayas ka." -Jace
"Ha? Seryoso ka, dre?" -Fiaro
"Oo. Maniwala sa akin. Ako bahala sayo." -Jace
"Gago, ano tingin mo sa akin, uto-uto? Tsaka baka kapag naglayas ako ay ma-miss mo ako." -Fiaro
"Tigas ng mukha mo, gago." -Jace
"Kunwari ka pa, dre. Kung hindi mo lang nakilala si Kimchie ay baka tuluyan ka ng lumadlad. Akala mo ba hindi ko ramdam na may lihim kang pagtingin ka sa akin." -Fiaro
Binato ni Jace si Fiaro ng hawak niyang remote. Sapul ito sa noo.
"A-aray, bakit ka nambabato, ha?" -Fiaro
"Itanong mo sa buwan, gago." -Jace
Napailing na lang kaming lima kila Fiaro at Jace. 'Tong dalawang 'to talaga parang aso't pusa.
*****
HINDI ko na talaga nakita pa si Avi. Pero may nanatitira pa akong alas para makita siya. Ngayon gaganapin ang concert namin. At sigurado akong nandito siya dahil binigyan ko siya ng ticket. VIP iyon kaya madali ko lang siyang makikita.
Lumabas na kami ng back stage para umpisahan na ang pagpe-perform. Agad na hinanap ng mga mata ko ang babaeng ilang araw ko na ding hinahanap.
Nabalot ng saya ang puso ko ng makita ko siya sa unang row ng mga manonood.
Parang ginanahan akong magpe-perform. Gusto kong magpasikat sa kaniya.
Gusto kong ipikita sa kaniya kung gaano ako kagaling mag-guitara at siyempre magaling din ako kumanta.
Na hindi siya magsisisi na akong 'yong sinupurtahan niya.
Habang nagpe-perform kami ay kay Avi lang ako na katingin at ganoon din siya sa akin. Ni hindi ko magawang kumurap dahil masiyado na akong nilamon ng paghanga sa taglay niyang ganda.
Parang lalo ata siyang gumanda. Damn! Mas lalo akong nagnanais na maging akin siya.
May ngiti sa labi niya habang titig na titig sa akin.
'Go, go, go,  my Shield... Ang galing-galing mo." She mouthed.
Damn! Kinikilig ako.
"I love you..." She mouthed again. At this time para akong tangang natulala. Nahinto rin ang patugtog ko sa guitara. Buti na lang bahagya akong tinapaik ni Chestler na katabi ko lang. Hindi rin ito napansin ng mga manonood dahil nilutang na sila ng boses ni Aedan.
Malapit lang si Avi sa stage kaya nang matapos ang concert ay agad ko siyang nilapitan. Hinawakan ko ang palapulsuhan niya at tinangay siya papuntang back stage.
"Hoy, dre ano iyan, ha?" -Chestler
"Ano pa ba edi minamarkahan ko na ang pag-aari ko."
"Woah!..." Hiyawan nila.
"Mga loko imbes na diskarte ko 'yong pinakikialaman n'yo bakit hindi na lang 'yong mga binibini n'yo ang atupagin n'yo."
"Sana all may binibini." Himutok ni Fiaro.
Nilagpasan ko na sila. Wala na akong oras para makipag daldalan pa sa kanila.
"S-Shield, saan mo ba ako dadalhin?" tanong ni Avi.
"Iuuwi na kita sa bahay ko." biro ko sa kaniya pero kung sakaling okay lang sa kaniya willing naman akong panindigan, pabor pa nga sa akin iyon, e.
"N-Naku, hindi pwede hahanapin ang nanay at tatay ko."
Sineryoso niya 'yong sinabi.
Bahagya akong natawa. "I'm just kidding, baby."
Natahimik siya. Panigurado kulay kamatis na 'yong magkabila niyang pisngi.
Gusto ko sanang makita 'yong mukha niya pero mamaya na lang siguro kapag kaming dalawa na lang. At isa pa baka hindi ako magkapagpigil at mahalikan ko siya.
.
.
.
We're now inside my dressing room. Ni-lock ko ang pinto para siguradong walang istorbo.
"B-Bakit tayo nandito? A-Anong gagawin natin d-dito?" bakas sa mukha niya kaba.
"Hey, huwag kang matakot wala akong gagawing masama sayo." ani ko. Tinawid ko ang kaunting distansiya namin.
Inangat ko ang kamay ko at dinala ito sa mukha niya para hawiin ang buhok niyang tumatakip sa maganda niyang mukha.
"You know what.. hinanap kita, Avi." Mahinang wika ko.
"H-Hinanap mo a-ako?... P-Pero bakit?"
"Kasi may ninakaw ka sa akin."
"Hala, naku! Hindi ako ganiyang klaseng tao. Kahit mahirap lang kami ay hindi kami nagnanaka—"
"You stole my heart, Avi... kaya panindigan mo 'yong ginawa mo."
Bakas sa mukha niya ang sobrang gulat.
"I like you, Avi. I really really like you." dagdag ko pa.
"G-Gusto mo ako?" Namilog ang mga mata niya.
"Yea, sobra."
Lumungkot ang ekspresiyon ng mukha niya. "G-Gusto mo ako? Anong klaseng pagkagusto ba?–As your fan?"
"I like you romantically. At kung papayagan mo ako. Gusto kitang ligawan."
Natulala siya.
"Are you okay?" Mahina kong tinapik ang pisngi niya.
"Ah.. Eh.. O-Oo. I'm okay. Nabigla lang ako sa sinabi mo." "T-Totoo ba iyon? Gusto mo talaga akong l-ligawan?"
"Uh-hmn. Papayagan mo ba ako?" Please say yes, my Avi.
She smiled. "I like you too. At oo pumapayag ako."
Hinapit ko siya sa bewang at niyakap ng mahigpit. Hindi pa ako nakuntento dahil hinalik-halikan ko 'yong sentido niya.
Ang babaeng 'to, Aviana Gailey Vañarez, she will be my hope to just continue to believe in love. Dahil ang pag-ibig sa kaniya ko natagpuan.
I am Shield Lacerna, the guitarist and the back up vocal of the band Heptagon... is now signing off.
[END]
-EnigmaticPluma

Komento sa Aklat (129)

  • avatar
    Ayuban JM

    ever good

    14/05/2025

      0
  • avatar
    Sophia Ellise

    ang Saya

    17/04/2025

      0
  • avatar
    Althea T. Dupilas

    i love it

    08/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata