Homepage/THE HEPTAGON SERIES (Short Stories Collection)/
HEPTAGON 6: My Hope is You - PART 1
SIYA ang nagsilbing pag-asa ko. Siya ang rason kung bakit may ngiti sa mga labi ko. Nakakalimutan ko ang lahat ng pagod, problema at sakit nararamdaman ko, every time na napapanood ko siya kasama ng ibang kagrupo niya. At siyempre kapag napakikinggan ang mga kanta nila. The Heptagon... sila ang tinutukoy ko na pag-asa ko, especially si Shield Lacerna. Siya ang pinaka gusto ko sa lahat. Kasi ang energetic niya, para bang hindi siya napapagod at palagi din siyang nakangiti. Para bang hindi uso sa kaniya ang mapagod at maging malungkot. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na balang araw makikita ko si Shield, pati na rin 'yong ibang member ng Heptagon. Siguro nga para sa aming mahihirap, isang suntok sa buwan ang pangarapin na makita sila. Masiyadong mataas ang pangarap na iyon, pero tulad nga ng sinabi ko, hindi ako nawawalan ng pag-asa. Nandito ako ngayon sa airport. Balita ko kasi ngayon ang dating ng Heptagon dito sa Pilipinas. Galing sila ng America, meron kasi silang dinaluhan na guesting sa isang kilalang talk show. Nagbabaka-sakali lang naman akong makita sila, especially si Shield kaya ako nagpunta dito. Pero mukhang hindi lang ako ang nagbabaka-sakali, kasi sobrang dami namin dito, 'yong iba may dala pang mga naglalakihang banner. Haist! Mukhang natunugan nilang ngayon ang uwi ng Heptagon. Ngayon paano ko makikita si Shield kung sobrang dami naming fans dito? At tiyak na magkakagulo lang sa oras na lumabas na ang Heptagon sa Airport. Ayaw ko namang makigulo pa, baka maipit lang ako, sa payat ko ba naman na ito, baka mabalian pa ako. Kaya mas pinili ko na lang umuwi. Oo gusto ko siyang makita, pero hindi pa naman ako nababaliw, to point na ibubuwis ko na 'yong buhay ko. Parang ang OA ko naman sa part na 'ibuwis talaga 'yong buhay' pero nagiging praktikal lang naman ako, mahirap lang kasi kami, kaya bawal kaming magkasakit. Wala kasi kaming pang pa-doktor. Ngayon kasalukuyan na ako naglalakad paalis sa airport at sobrang dami ng iniisip ko ay hindi ko na napansin ang... "Peep... Peep... Peep..." busina ng parating na sasakyan. At huli na para iwasan ko ito. Kasi hindi ko na magawa pang igalaw ang mga paa ko. Ayan na malapit na ito sa akin. .... Napikit na lang ako at hinintay na mabangga ako. Pero halos tatlong minuto na 'yong nakalipas, wala pa ring sasakyan na tumama sa akin. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata... Kung saan nabungaran ko ang mukha ni... SHIELD!? Hindi kaya patay na ako? Kaya ba kung ano-ano nang nakikita ko? Pero at least bago ako tuluyang kunin ni Lord ay nakita ko si Shield. Nakatitig lang ako sa kaniya. "Are you okay?" tanong nito, habang hawak ako sa magkabilang braso. At kitang-kita sa mukha niya ang labis na pag-aalala. "P-Patay n-na b-ba a-ako?" tanong ko. Pagkatapos ay unti-unti ng lumabo ang paningin ko, hanggang sa boom... hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay. . . . "Nabigla lang siya sa pangyayari kaya siya nawalan ng malay. Other than that, nothing else bad happened to her. So don't worry, she's really fine, in any time she will be conscious." "Thanks Doc." Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata, kung saan puting palagid ang nabungaran ko. "Finally, you're awake. Thanks God you're okay." boses ng lalaki iyon. Bamuling ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na iyon. At ng makita ko 'yong itsura nito ay... napanganga ako sa sobrang gulat. Si Shield nasa harapan!... Totoo ba ito? Siya ba talaga itong nasa harapan ko? Wala na akong sinayang na sandali pa, agad akong tumayo sa pagkakahiga sa hospital bed at agad ko itong tinalunan ng yakap. Naging alerto naman ito at agad akong hinawakan sa makabilang bewang upang maalalayan. "Hey, careful." bulong niya. "Are you really Shield?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "Yea. Its me. Why?" "Am I not dreaming?" "You're not." Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. Tsaka ko pinagmasadan ang mukha niya. At para makasigurado ay hinaplos-haplos ko pa ito. OW MY GOSH!... TOTOO NGA!... So ayon dahil sa sobrang gulat at hindi makapaniwala ay nahimatay ulit ako. Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman ko pa ang pagsapo sakin ng Shield ko. 1 2 3 4 5 10 20 30 40 50 100 200 1, 000 5, 000 10, 000 100, 000 1, 000, 000 Boom!... Ganiyan karaming tupa ang nabilang ko habang tulog ako. Dahan-dahan ko binuksan ang aking mga mata. At katulad kanina puting paligid na naman ang nabungaran ko. Hanggang sa mahagip ng mga mata ako ang isang lalaking... pamilyar na pamilyar sa akin. At ito ay walang iba kundi si... SHIELD!... Naka-upo siya malapit sa kama na hinigigaan ko. "Finally, you're now awake... again. You made me really worried." aniya, sabay tayo sa kinakaupuan nito at lapit sa akin." "Are you really Sheild?" paninigurado ko pa. "Yes. I am." sagot niya. "But why?" "What do you mean by that "Why" I don't get it." naguguluhan ito. "I mean is, why are you here? "Beca—" "Hep, hep, hep... " pagpapatigil ko sa kaniya. "Before you answer my question, I have a follow up questions, answer it first. "Ok, what is it?" natatawang sabi niya. Bahagya din siyang napakamot sa likod ng ulo niya. "Ahm, where am I—I mean, where are we? "We're in the hospital." "Huh?... B-Bakit?" bigla akong kinabahan. "Have you forgotten? You were almost hit by the car, by my car. And I'm sincerely apologize for that. I know its my fault because I became wreckless, I wasn't be careful in driving. I'm really sorry Miss?— What's your name? Pagkatapos nitong sabihin iyon ay tsaka lang nag-flashback lahat ng nangyari sa akin kanina. Oh My Gosh! Muntik na pala akong mamatay kanina! Pero teka wait lang, tama ba 'yong narinig ko? I almost hit by his car? Ibig sabihin siya 'yong muntik ng makasagasa sa akin? Haist! Pasalamat ka Shield mahal kita kaya baliwala na sa akin iyon. Pero grabe akala ko talaga mamamatay na ako kanina. At sa totoo lang sobra akong natakot. "It's not your fault, it's mine. Because I'm the one who not look in my way–in my surrounding." hala tama ba ang pag-english ko? Anyway, bakit ba ako nag-i-English? Bida-bida din ako 'no?... "Ay, by the way pala, my name is Aviana Gailey Vañarez, Avi for short." pagpapakilala ko habang nakangiti.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ever good
14/05/2025
0ang Saya
17/04/2025
0i love it
08/02/2025
0Tingnan Lahat