Homepage/THE HEPTAGON SERIES (Short Stories Collection)/
PART 3
NAKATINGALA lang kami sa kalangitan, sa napakagandang kalangitan. Habang nagkakantahan, at mas lalo ako napahanga kasi lahat ng pinatugtog kong kanta ng Heptagon ay alam na alam niya. Mukhang mas solid pa ata siyang fan kaysa sa akin. May naalala tuloy ako, ang sabi ng ibang fans ng Heptagon, kung hindi daw para kanila ang Heptagon, kahit 'yong FANBOY na lang daw. So sign na ba ito na ang lalaking ito ay para sa akin talaga? Ang suwerte ko naman, nakatagpo ako ng katulad niya. Ang saya naman. Ewan ko pero parang pakiramdam ko ito na ata ang pinakamasayang gabi ko. Tsaka parang ang gaan-gaan ng loob ko sa kaniya. Para bang matagal ko na siyang kilala. At hindi lang iyon kasi parang ang saya-saya ng puso ko kasi kasama ko siya ngayon. Lumalalim na ang gabi. Unti-unti na ring bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Hanggang sa hindi ko na napansin, nakatulog na pala ako. . . . . . Hmmmn... bakit ang lamig? Nasaan ba ako? Agad akong napadilat ng mata ng maalala kong wala nga pala ako sa bahay at ang pagkakatanda ko ay nasa park ako. Pagkafldilat ko ng mga mata ko ay medyo madilim kalangitan ang bumungad sa akin. Papasikat na ang araw. Napabalikwas ako ng bangon. Umaga na? Teka, nasaan na 'yong lalaking kasama ko kagabi? Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. At nahagip ng mata ko ang isang lalaking papasok na sa sasakyan. At hindi ako puwedeng magkamali ang taong ito ay pamilyar na pamilyar sa akin. Kasi paano ko ba ito hindi makikila e mahal na mahal ko ang taong ito. Wala akong sinayang na pagkakataon agad kong tinakbo ang distansiya namin. At ng makalapit na ako dito ay hindi ko na napigilan pa. Agad ko itong niyakap ng mahigpit mula sa likuran. Kahit nakatalikod ito ay siguradong-sigurado ako na siya ito. "Denver..." bulong ko. kinalas niya ang kamay kong nakayakap sa bewang niya. Pagkatpaos ay dahan-dahan itong pumihit paharap sa akin. Sabi ko na nga ba, siya talaga ito e. Niyakap niya ako at sabay bulong ng... "Nice to meet you Maggie. I was really happy with you last night." anito na nag pagulat sa akin. Ibig sabihin, siya iyon? Siya 'yong kasama ko kagabi? "Ikaw? Ikaw 'yong kasama ko kagabi?" "Yea. Medyo na-hurt lang kasi sinabi ko na nga na ako si Denver tapos hindi mo naman pinaniwalaan." natatawang sabi niya. "Sorry na. Ayaw ko lang naman kasi mag-aasume, napaka imposible kaya na makasama ang isang Denver Lovino. Tsaka nadala mo ako sa pa-english-english mo. He chuckled. "Ang cute mo kasi magsalita ng English, kaya sinakyan ko na 'yong pag-aakala mo." " Cute daw. Anong cute do'n? E, para nga akong tanga." Nakanguso kong sabi. Bahagya siyang natawa sabay gulo sa buhok ko. "Aalis ka na ba?" tanong ko. "Uh-hmn. Hinitay lang kitang magising. Hindi kita pwedeng bigla na lang iwanan dito. Masiyadong delikado." "Echosero ka, e paalis ka na nga kung hindi lang kita nakita." "Of course I'm not, kumuha lang ako ng snacks dito sa kotse ko." aniya sabay angat ng hawak niyang chichirya. "I know paggising mo gutom ka. Pasensiya na, ito lang ang meron ako." "N-Naku, nag-abala ka pa, sanay naman na ako sa gutom. Hindi na big deal sa akin iyon." "Puwes ako hindi sanay na gutom ka, So take this and eat it." inabot niya sa akin ang chichirya. "Salamat." ani ko matapos kunin mula sa kamay niya 'yong pagkain. Saglit kaming nabalot ng katahimikan at ako rin ang bumasag nito. "Ngayon na gising na ako. Aalis ka na ba?" "I still want to talk to you, to be with you, but really need to go." "Ngayon na ba?" "Sadly, yes." "G-Ganoon ba. S-sige." Hindi ko na naitago ang lungkot sa tinig ko. "I really enjoyed the night with you, Maggie. Goodbye." sabay halik sa noo ko. Pagkatapos ay ambang tatalikuran na ako neto ng dali-dali ko itong pinigilan. "Wait." pigil ko sa kaniya. "Can I hug you for the last time?" pigil ang luhang tanong ko. "Sure." sagot nito sabay yakap sa akin ng mahigpit. Goodbye na agad? Bakit ang bilis naman ata? Isang mabilis na yakap lang ang pinasaluhan naming dalawa pagkatapos ay kumalas na siya. At tuluyan ng pumasok sa sasakyan nito. Nagawa pa niyang kumaway sa akin, bago isara ang pinto at pinaharurot na ang sasakyan palayo. Nagpalaam siya akin kasi ito na ang huling beses na makikita niya ako. Pero ako, palagi ko pa rin siyang makikikita, hindi man personally at least nakikita ko pa rin siya, at kuntento na ako doon. Pinagmasdan ko lang ang sasakyan nito hanggang sa tuluyan itong maglaho sa paningin ko. Si Denver... siya pala 'yong nakasama ko kagabi. Kaya pala ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya. May parte sa utak ko na na sinasabi na, ang tanga-tanga ko, kasi hindi ko nahalata o naramdaman manlang na siya si Denver. Nandoon na 'yong mga signs e, nakalatag na, nakasampal na sa pagmumukha ko pero binaliwala ko lang. 'Yong pangalan, 'yong boses, 'yong mga kantang kabisado niya at higit sa lahat 'yong saya nitong dulot sa dibdib ko. 'Yon pa lang dapat alam ko ng siya si Suga. Edi sana kung nalaman ko iyon baka mas nasulit ko pa 'yong pagkakataon. Baka nga hindi ako natulog, e. Sobra akong nanghihinyang sa pagkakataon na binigay sa akin. Pero alam n'yo, grabe hindi talaga ako makapaniwala na 'yong lalaking nakasama ko ay si Denver pala. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin na baka isang panaginip lang iyon, kasi naman napaka imposible 'di ba? Kasi biruin niyo tumabay lang ako sa park para mag stargazing then all of the sudden bigla ko na lang makakasama ko si Denver. Isang gabi na kasama siya sa ilalim ng buwan at mga bituwin. 'Yong nangyari kagabi, hindi ko iyon makakalimutan. Iyon na yata ang pinakamasayang gabi ng buhay ko. Kasi nabigyan ako ng pagkakataong makasama siya. At hindi lang iyon, kasi nakilala niya ako. Wish ko lang na sana hindi niya ako makalimutan. Sana every time titingin siya sa buwan at mga bituin ay maalala niya ako.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ever good
14/05/2025
0ang Saya
17/04/2025
0i love it
08/02/2025
0Tingnan Lahat