PART 13

SABI ko kahit anong mangyari hindi ako aalis sa baryo magiliw, pero hindi ko na napanindigan dahil nagkaroon ng malubhang sakit si Mama. Kailangan namin ng perang pampagamot niya. Kaya ibinenta namin ang lupa na kinatitirikan ng bahay namin. Ang balita ko kasalukuyan na ito ngayon pinatayuan ng conviente store.
Nawala na ang lahat sa amin. Ultimo 'yong mga mumunti naming gamit katulad ng mga appliances ay naibenta namin, pati na rin 'yong cellphone ko. Iyan kasi 'yong una naming ibinenta. Akala namin sasapat ang na 'yong mapagbebentahan nito para sa pampagamot ni Mama pero hindi pa pala kaya kahit masakit ay napagdesiyunan naming ibenta na 'yong bahay. Hindi hamak naman kasi na mas mahalaga ang buhay ni mama sa kahit na ano pang bagay.
Pero ngayon ayos na kami, maganda na ang buhay namin. We're know in Manila. At kasalukuyan na ako ngayon owner ng isang coffee shop.
Hindi naman kasi lahat ng perang pinabentahan sa bahay ay naubos sa pagpapagamot ni mama. May natira din, at ito ang ginamit ko para makapagtapos na pag-aaral.
At iyon nga, tulad ng sinabi ko. Owner na ako ng coffee shop.
Sobrang love na love ko 'tong coffee shop ko dahil ang theme nito ay... ang 'The Heptagon'.
Punong-puno ito ng mga pictures at merchandise nila.
Habang ini-enjoy ng customer ko 'yong kape nila ay nagpe-play ang mga kanta ng Heptagon. Meron din ako ditong mga video ng past concert nila na pwedeng mapanood ng customers.
May coffee shop is my happy place. I name it "Seven Angels Cafe". Para kasi sa akin, ang the Heptagon, sila ang mga anghel ko.
Si Aedan, kamusta na kaya siya? Sa mga napapanood at nababasa ko sobrang successful na nila. Ang dami nilang award na natatanggap sa iba't ibang bansa. Nabalitaan ko din na nakabalik na sila dito sa bansa.
Naaalala niya pa kaya ako?
"Ah, Mam Ñella, kami na pong bahala dito. Kami na pong mag-sasara nitong shop." ani ng staff ko na si Aica.
"Tulungan ko na kayo. Sabay-sabay na tayong umuwi." ani ko.
"E, 'di ba sabi mo Mam, may dadaanan ka pa po?"
"Bukas na lang siguro. Maggagabi na rin kasi, medyo malayo pa naman 'yong pupuntahan ko."
"Saan ba, Mam?"
"Sa dati naming bahay."
"Sa probinsiya, Mam?"
"Oum."
"Pero, Mam Ñella, 'di ba po ang kuwento mo sa amin ay ibinenta n'yo po ang bahay n'yo do'n? Nabili n'yo na po ulit?"
"Hindi pa. Sinusubakan ko ulit bilhin, kaso ayaw na pumayag ng bagong may-ari. Pero kung dodoblehin ko daw 'yong presiyo, baka daw pumayag siya. Pero, saan naman ako kukuha ng ganoong kalaking pera?"
"E, Mam bakit hindi na lang po kayo magbukas ng bagong branches? Tutal malakas naman po 'yong coffee shop n'yo."
"Naku, wala pa akong budget para diyan, isa pa gusto ko maging hands on dito sa coffee shop na 'to."
*****
"Saan ka pupunta, Jañella? 'Di ba sarado ngayon ang coffee shop mo?" tanong ni Mama sa akin.
"Ahm. Mamimili pa ako ng mga kakailanganin sa cafe, mauubos na rin kasi 'yong iba kong stacks do'n." I lied. Kasi ang totoo babalik ako sa baryo magiliw. Ayaw ko ng sabihin pa kay mama na pumapasiyal pa rin ako do'n. Hindi naman sa ayaw na bumabalik ako do'n. Sadyang ayaw ko lang sabihin dahil ayaw ko ng mag-alala pa siya. May kalayuan din kasi 'yong probinsiya namin, limang oras din ang biyahe.
Palagi pa rin akong bumabalik sa sapa–sa tulay. Ang sarap lang kasing sariwain lahat ng mga nangyari sa lugar na iyon.
Palubog na ang araw ng makarating ako sa baryo magiliw. Sa may tulay na agad ako dumiretso. Tamang tamabay lang dito. Mamaya na siguro ako uuwi.
Alas otso na ng gabi. Hindi naman madilim dito dahil ay may street light naman.
Nagbago na dito, kung dati ay tinatapunan nila ng basura ang sapa na ito... ngayon ay malinis na ito at pinangangalagaan na.
Nagpatutog ako gamit ang cellphone ko. Now playing the songs of Heptagon.
Hmmmn... Ang mga kanta nila ay talagang nakaka-relax.
.
.
.
Ngayon oras na, kailangan ko ng umuwi. Magche-check in na lang siguro ako sa hotel. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko dito sa semento. Inayos ko muna ang sarili ko. Ginalaw-galaw ko ang buong binti ko na nangawit sa pagkakaupo.
Ayan, ready na ako. Siguro sa susunod na lang ulit ako babalik dito. Medyo busy kasi ngayon sa cafe dahil unti-unti na itong nakikilala at dumadami na rin 'yong customers ko.
Siguro iniisip n'yo na nagsasayang lang ako ng oras at nagpapagod lang sa kakabalik sa lugar na ito 'no? Pero para kasi sa akin... hindi, e. Kasi ang lugar na 'to ay very sentimental sa akin. Ayaw kong basta na lang kalimutan ang lahat ng ngayari dito. Kasi ang pangyayari na iyon ay ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Tuwing iniisip ko iyon, parang hindi pa rin ako makapaniwala, para pa rin itong isang panaginip. Kung hindi lang dahil kwintas na ibinigay ni Aedan ay iisipin ko na talagang panaginip lang iyon.
Oo nasa akin pa rin 'yong kwintas. Iningatan ko talaga 'to. Pero dumating sa punto na muntik ko na din itong ibenta dahil nga sa kailangan ko ng pera pangpagamot kay mama. Hindi lang pumayag si mama at sinabing 'yong bahay na lang daw 'yong ibenta. Oo mahalaga sa akin 'yong kwintas at alam ko ding sobrang mahalaga naman kay mama 'yong bahay, pero sa huli si mama pa rin ang nasunod. Siguro naisip niya na sobra akong malulungkot kapag nawala 'tong kwintas sa akin, na totoo naman talaga.
Si mama talaga, kahit kailan puro ako na lang ang iniisip. Siguro gano'n talaga ang mga nanay, iisipin pa rin ang kapakanan ng anak kahit na sila na itong nasa hindi magandang kalagayan.
Pumuhit na ako patalikod sa tulay at ambang maglalakad na paalis pero natigilan ako ng...
May tatlong lalaki ang nakapalibot sa akin. May kalakihan ang katawan nila at lango sila sa alak. Alam n'yo ba 'yong itsura ng tambay sa kanto? Ganiyan ang itsura ng mga lalaking nasa harapan ko ngayon—in short mukha silang mga adik.
"Ang swerte naman natin mga pre, may pangpulutan na tayo." -lalaki 1
"Ang ganda, pre. Tiba-tiba tayo dito." -lalaki 2
Lahat sila may ngising manyak at may mga tingin na parang hinuhubaran na ako. Mga naglalaway na din sila.
Unti-unti akong kinain ng sobrang kaba at takot.
Dahan-dahan na silang naglalakad papalapit sa akin.
"Ang kinis mga pre. Ang puti-puti!" -lalaki 3
"H-Huwag kayong l-lalapit!... S-Sige kayo...ipupokpok ko sa inyo 'tong bag ko." pagbabanta ko sa kanila. Alam kong hindi sila matitinag sa sinabi ko pero bahala na.
"Iyan ang gusto namin... palaban. 'Yong game na game. Hahaha!" -lalaki 2
Ang malas ko naman!
Nang tuluyan silang makalapit sa akin ay bumuwelo na ako at agad silang pinaghahampas ng dala kong bag pero tinawanan lang nila ako at mabili na nahawakan ang magkabila kong braso.
"Mga hayop kayo! Bitawan n'yo ako!" sigaw ko habang kumakawala sa pagkakahawak nila pero masiyadong itong mahigpit.
"Easy lang, Miss. Huwag mo ubusin ang lakas mo, itira mo iyan dahil nakakapagod 'yong laro natin mamaya." ani lalaki 1 habang hinahaplos ang mukha ko gamit ang nakadiri niyang kamay. Umiling-iling ako para maalis ang kamay niya sa pisngi ko.
Nagtawanan sila.
Pumatak na ang luha ko.
"Damn! Let her go." ani ng pamilyar na boses. Nanggagaling ito sa gawing likuran ko.
Hindi ako pwedeng magkamali... ang boses na iyon—ang boses na iyon ay... k-kay—kay Aedan.
"Hoy totoy, huwag mo kaming pakialaman dito kung ayaw mong makatikim sa amin. Umuwi ka na lang don'n sa inyo at tulugnan mo ang nanay mo na magluto ng hapunan n'yo." -Lalaki 3
Aedan chuckled. "Binalaan ko na kayo. Ang ayaw ko sa lahat ay hinahawakan ang pagmamaya-ari ko." mariin niyang sabi.
Sobrang bilis ng mga sumunod na pangyayari, sa isang iglap napatumba ni Aedan ang tatlong lalaki na ngayon ay nakahilata na sa lapag at wala ng malay.
"Are you okay? May ginawa ba sila sayo? Hinawakan ka ba nila? Saan?" nag-aalalang tanong niya.
Nakatutulala lang ako ako sa kaniya.
"I-Ikaw ba talaga iyan, A-Aedan?"
"Yea, it's me, my Jañella."
Dahan-dahan kong itinaas ang kanan kong kamay para haplusin ang mukha niya. "Oo nga, it's you, Aedan." Hindi ko na napigilan. Niyakap ko siya.
"Damn... finally I found you, Jañella."

Komento sa Aklat (129)

  • avatar
    Ayuban JM

    ever good

    14/05/2025

      0
  • avatar
    Sophia Ellise

    ang Saya

    17/04/2025

      0
  • avatar
    Althea T. Dupilas

    i love it

    08/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata