Homepage/THE HEPTAGON SERIES (Short Stories Collection)/
PART 11
"ARE you happy now?" biglang tanong ni Aedan na nasa tabi ko. "Oum. Super." abot sa tenga ang ngiting sagot ko. "I'm glad you're happy." "Thanks to you. You make my dream come true." "Dream?..." nalilito nitong tanong. "To personally meet you, the Heptagon" sagot ko. "You really love us, don't you? "You're the one I lo—I mean I love yo—este yeah, I really love Heptagon." "We love you too, right guys?" bigla niyang tanong sa mga kaibigan niya. "Yeah, we really do." sang-ayon na lahat habang tumatango-tango pa.
Ayan na, nagsisimula ng magtubig ang mga mata ko. Gusto ko ng isipin na panaginip lang ito, kasi imposible talaga. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Na 'yong bandang Heptagon nasa harapan ko ngayon, kasama, nakakausap at nahahawakan.
Ang bilis ng pangyayari, sa isang iglap lang natupad 'yong pangarap ko. Sa isang pagmamagandang loob lang na ginawa ko, napalitan ito ng sobrang labis na kasiyahan. Kasiyahan na panandalian lang pero dadalhin ko hanggang sa aking pagtanda. "Here." Biglang may inabot sa'kin si Aedan na kung ano.
"What's that?" "A VIP tickets for our concert." Namilog ang mga mata ko at naglalag ang panga ko. "For me?... Is that for really me?" hindi makapaniwlang tanong dito. "Yea, it's yours." Dahan-dahan kong inabot mula sa kamay niya 'yong ticket, at medyo nanginginig pa nga 'yong kamay ko habang inaabot ito. At ng tuluyan ko na itong mahawakan para biglang nakuryente 'yong kamay ko. "Totoo ba ito? Totoo bang may hawak akong ticket ng concert nila?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili ko. Akala ko matagal pa bago ko mararanasang makahawak ng ganito. Hindi lang ito basta ticket kasi, VIP ito kaya ang ibig sabihin ay sa bandang harap ako mauupo. "After the concert done, we're leaving for world tour concert. I don't know when we're coming back again here." aniya. "So it means after the concert, we will not see each other anymore?" "Of course not, we will continue to see each other via video call. I want our friendship to continue and will last forever." Magkaibigan?... Kami?... Forever?... Gusto ko iyon, gustong-gusto ko. "I want that too..." ani ko dito habang ang luha ko naman ay tuluyan ng pumatak. Agad itong lumapit sakin at niyakap ako. "Hey, stop crying." alo nito sakin. "Did i said something wrong?" tanong niya pa kaya agad akong umiling. "Nothing, I just really happy. This tears is just a tears of joy." Medyo matagal din akong nag stay sa hotel nila. At nyayon oras na para umuwi ako. Gusto pa nga nila na do'n na lang akong matulog. Kaso kahit naman gustong-gusto ay marunong namang akong mahiya. Tasaka wala din kasama sa bahay si Mama. Mabilis na lumipas ang araw, at sa mga araw na iyon ay kasama nila ako. Nangyari at natapos 'yong concert nila. Sobrang saya ko no'ng araw na iyon. Kasi live na live ko silang nakikita at napapanood habang nagpe-perform. Habang kumakanta sila, sumasabay ako at kasabay din nito ang pagtulo ng luha ko dahil sa labis na kasiyahan. Pagkatapos nito aalis na sila, pupunta na sila sa iba't ibang bansa para sa world tour concert nila. Kakatapos lang ng concert nila. At nandito kami ngayon sa sasakyan niya... siya at tanging ako lamang. Sabi niya kasi siya na daw 'yong maghahatid sakin pauwi. Medyo malalim na rin kasi 'yong gabi. Pero bago iyon nakipag-paalaman muna ako kila Jace, Ringo, Chestler, Denver, Shield at Fairo. Nagpapicture at nag pa-autograph din ako sa kanila bilang remembrance. Mami-miss ko sila, mami-miss ko 'yong pakiramdam na kasama sila. At habang nagpapaalam ako sa kanila ay naging emotional na naman ako. Kaya ayon niyakap na lang nila ako ng mahigpit. Iyon na rin siguro 'yong way nila ng pamamaalam. Nandito na kami sa tapat ng bahay namin. Gusto ko ng bumaba sa sasakyan nito kaso kabastusan naman kung bigla ko na lang gagawin iyon. Kaya ako na 'yong unang nagsalita. "So, this is it, this is the last." pagsisimula ko. "I think this is the the right time to say goodbye to each other." malungkot na sabi ko. Pinipigil ko rin na maluha kasi ayaw ko ng mag-alala siya. "This is not the last Jañella. We will comeback, I will comeback here for you. "But when?" "I don't know..." malungkot na ani nito. "But I promise that I will." dagdag niya. "I will hold on to your promise." ani ko. Panghahawakan ko 'yong pangako mo na babalikan mo ako. Sandali kaming nabalot ng katahimikan ng... "Here..." abot nito sakin ng isang may kalakihang kulay itim na bag. "What is this?" tukoy ko sa bag na inaabot niya sa akin.
"Just take it" aniya. Inabot ko ito hindi para tanggapin kundi para tignan ang laman nito. At halos manlaki ang mata ko nang makita ang laman nito. Ang laman ng bag ay pera–maraming maraming pera. Agad ko itong binalik sa kaniya. "I don't need that. I can't accept that." "But why?" "If it's about for the help that i did to you–by saving your life. Sorry but I can't accept that money. I help you because that's the right thing to do, because I wanted. Not because I expecting anything in return. "No, it's not what you think, I give you this because I want to make sure that you will be safe when I leave you. Use this money to buy new house. A House that away from here." "I can't... because I don't wanna leave this place. This house is very important to me... because this have a memories of you, a memories of us. I want to treasure this house like how I treasure the memories that we share here together. I want to always recall everything that happened between us in this house. I want to keep this house forever. And don't worry—you don't need to worry about me, because I'll be safe here. Pagkatapos kong sabihin iyon ay naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko. Isang mabilis na halik lang ang ginawad niya sa labi ko. Dahan-dahan niyang inilayo ang mukha niya sa mukha ko habang hindi nito inaalis ang tingin sa mga mata ko. "I will miss you, Jañella." aniya. "I will miss you too." Mami-miss kita aking minamahal." Oo mahal ko siya... mahal na mahal. Pero ang pagmamahal ko dito ay kailanman hindi niya magagawang suklian. Dahil magkaiba ang mundo naming ginagawalan. Pwede magtapo ang magkaibang mundo namin, ngunit hindi ito pwedeng maging isa. Pagkatapos ng gabing iyon ay tuluyan na kaming naghiwalay. Hindi ko rin tinanggap ang binibigay niyang pera. At no'ng gabi ding iyon ay nabalitan ko na umalis na sila ng bansa. Tapos na ang lahat, balik na naman sa normal ang buhay ko. Ni walang nakaalam sa naging kaugnayan ko kay Aedan. Kasi iyon ang hiling namin ni Mama sa kanila. Na huwag na itong ipasapubliko. Kasi ayaw naming magulo at mabulabog ang tahimik naming pamumuhay. Parang panaginip lang lahat ng nangyari. Kahit ako napapa-isip kung totoo nga ba nangayari ang mga iyon sa akin. Hawak ko ngayon ang kwintas na ibinigay sa'kin ni Aedan. Binigay niya sakin ito no'ng gabing nagpaalam siya. Isa itong kwintas na may pendant ng pakpak ng isang anghel. At meron din itong mga maliliit na kulay asul na diyamante. Ang sabi niya pa, ako daw 'yong nagsilbing anghel niya, kasi pinrotektahan at niligtas ko daw siya sa tiyak na kapahamakan. Hindi ko ito sinusuot kasi natatakot ako na baka manakaw lang ito sakin. Mukha pa namang mamahalin—ay hindi lang pala mukha, kasi talagang mamahalin ito. Siguro kapag ibinenta ko ito baka mayaman na ako. Kaso hindi ko iyon gagawin kasi ito na lang 'yong tanging naiwan niya sa akin. Ang sabi niya pa. Magkikita pa rin kami kahit through video call, pero ni-isa wala akong natanggap na video call mula sa kaniya. At naiintindihan ko naman kung bakit. Siguro dahil sobrang busy niya at wala na siyang oras para sa ibang bagay na hindi importante. Pero kahit gano'n pa man, patuloy pa rin ang pagsuporta ko sa kaniya–sa kanila. At patuloy pa rin akong kakapit sa pangako niyang babalikan niya ako.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ever good
14/05/2025
0ang Saya
17/04/2025
0i love it
08/02/2025
0Tingnan Lahat