Homepage/THE HEPTAGON SERIES (Short Stories Collection)/
PART 10
HINDI nagtagal ay may marinig kaming busina ng sasakyan sa labas. Mukhang nandiyan na sila. Nandiyan na 'yong mga taong susundo kay Aedan. Tinawid ni Aedan ang kaunting distansiya namin at bigla na lang niyang hinawakan ang mga kamay ko. Kaya naman napatingin ako sa mukha niya. Binigyan ko siya ng tingin na nagtataka. "Just come with me, Jańella." nangungusap ang mga matang wika niya. Kaya ayon sumama na ako. At sabay naming sinalubong 'yong mga taong hindi ko alam kung sino. Dalawa lang sila, at sigurado akong isa dito ay manager ni Aedan. Inanyayahan sila ni mama na pumasok sa munti naming bahay. Buti na lang malayo sa amin 'yong mga kapitbahay namin kaya naman walang chismisan na naganap. Sagalit lang silang nakipag-usap samin at nagpasalamat ng sobrang daming beses samin, lalong-lalo na sakin. Gusto pa nga nila kaming bayaran kaso tumanggi kami agad ni Mama. Kasi, ang pagtulong na ginawa namin ay bukal sa puso namin. Tumulong kami kasi iyon ang tamang gawin. At hindi dahil sa naghihintay kami ng kapalit. At ngayon heto na kailangan niya ng umalis. "Jañella?..." tawag sa'kin ni Aedan. Pansamantala muna kasi kaming iniwan ng mga kasama niya para makapag usap kami. "What–Why?" Hindi ako makatingin sa kaniya. Hindi ko kayang harapin ang mga mata niya. "I'm leaving now." "Yea, aalis ka na nga, iiwan muna ako." bulong ko. Hindi ko na ito pinarinig pa sa kaniya. Baka kasi mamaya kung ano pang isipin niya, kesyo ang arte-arte at ang drama-drama ko. He patted my head. "Goodbye, Jańella." "Goodbye. Have a safe trip." Sinubukan kong pasayahin ang boses ko. Sana hindi mo ako makalimutan. Sana tumatak sa puso at isipan mo na may isang babae kang nakilala na nagngangalang Jañella. "I will miss you, Jañella" aniya sabay halik sa noo ko. Napapikit na lang ako at dinama ang halik nito sa aking noo. "I will miss you too." ani ko. Dahan-dahan niya ng inilayo ang labi nya sa noo ko, tsaka ako tinitigan sa aking mga mata. "Goodbye Jañella." paagpapaalam niya ulit bago ako tuluyang talikuran. Ngayon kasalukuyan na siyang pasakay ng kotse. Pero all of the sudden, bigla na lang siyang tumakbo pabalik sakin at niyakap ako ng mahigpit. "Jañella, come with... come with me." Bulong niya sa tenga ko. "H-Huh?..." parang tangang tanong ko. "Come with me, Jañella." ulit niya. "B-But why?" "To meet my friends, the other members of Heptagon. I know how much you've wanted to meet them. You really want to meet them, right?... This is the time Jańella. This is my only way to pay you, for saving me and for everything you've done to me. Makikita at makikilala ko in personal sina Jace, Ringo, Chestler, Denver, Shield at Fairo? Oh my–Oh my–Oh my G! Makikita ko sila?... Makakausap?... Mahahawakan?... OH MY GOSH!–OH MY GOSH!... This is it... Finally makikita ko na rin sila!... At iyon nga sumama ako sa kaniya pero bago iyon naligo muna ako. Ang suot ko ngayon ay jogging pants na kulay gray at t-shirt na kulay black. Wala na kasi akong ibang damit tsaka sa damit na ito ako mas kumportable. Ako lang 'yong naligo. Si Aedan kasi do'n na lang daw siya hotel na tinutulyan nila maliligo. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa isang mamahaling hotel. Kaso nahirapan kami sa pagpasok sa hotel sa dami ng reporters na nag aabang samin. Sinuutan ako ni Aedan ng shades at sumbrelo. Siguro para itago 'yong mukha ko at identity ko sa mga taong taga-media. Para na rin siguro sa privacy ko. Ngayon papasok na kami sa isa mga kuwarto ng hotel, na sa tingin ko ay kwarto n'ya or baka nilang magkakagrupo. Pagpasok namin ay anim na nag-ga-gwapuhang mga lalaki agad ang bumungad samin. Jace?... Ringo?... Chestler?... Denver?... Shield?... Fairo?... Lord, pwede n'yo na po akong kunin ngayon. Kasi natupad na po 'yong pangarap ko... at iyon ay makita sila. Ang gagwapo nila!... Kung hindi lang ako magmumukhang ewan ay kanina ko pa sila inambahan ng yakap at halik. "Aed... " sabay-sabay nilang sabi at lapit dito kay Aedan para yakapin ito. Saglit silang nag-usap-usap. Bago sabay-sabay na bumaling sa'kin. "So, she's the one who save you?" -Chestler "Your savior is a very beautiful lady." -Denver "Thank you for saving our Aedan." -Shield "A very pretty and a very brave lady." -Ringo "I can't believe that a girl like—I mean a pretty lady like you is the one who save our Aed. Such a amazing lady." -Fairo "You're so amazing and.... cute" si Jace habang dinudutdut ng daliri nito ang pisngi ko. Kahit kailan talaga ang cute nito si Jace sarap kurutin ng pisngi. Actually lahat sila ang sarap kurutin ng pisngi. "Thank you for saving our Aedan." Ani nila na nagpabalik sakin sa ulirat. At halos atakihin ako sa puso ng sabay-sabay silang lumapit sakin at niyakap ako. Saglit pang nagtagal ang yakapan namin at sila na rin ang unang bumitaw. Marami pa kaming nagpakwentuhan, tulad na lang ng pagiging fan ko. Tuwang-tuwa sila ng malaman na fan nila ako.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ever good
14/05/2025
0ang Saya
17/04/2025
0i love it
08/02/2025
0Tingnan Lahat