logo text

Ang Pagtatapos: Binago Ng Panahon

“Pagpapatawad ang susi sa pagbangon… Sa ngalan ng pag-ibig."
- Dante & Claudette LaZobel
***
“It’s a baby boy! Congratulations, Mr. LaZobel,” ito ang bungad ng doktor matapos iluwal ni Claudette ang anak nila ni Dante ng normal delivery.
Luha ang tumulo sa mga mata ni Dante ng makita ang kanyang anak. Hinalikan ito sa noo, at hinagkan ng may pag-iingat. Pinagmasdan ito at hindi matapos tapos ang kanyang pasasalamat.
Agad niya itong inilapit kay Claudette. Bakas sa mukha nito ang hirap at pagod sa panganganak. “Thank you, thank you for bearing this beautiful child,” sambit ni Dante at hinalikan ito sa kanyang labi.
Nang makita ni Claudette ang kanyang iniluwal ay hindi rin niya maipaliwanag ang saya na kanyang nadarama, kung kaya naman agad niya itong hinagkan at nag-uumapaw na luha ng kasiyahan ang walang humpay na umagos sa mula sa kanyang namumugtong mga mata.
Sa kauna-unahang panahon ay nahawakan, nahagkan at nasilayan niya ang kanyang anak.
Nagkatinginan sila ni Dante at naghalikan ang dalawa. Matapos ang mabigat naemosyon ay ngumiti ang dalawa.
“Anong ipapangalan natin sa kanya?” tanong ni Claudette sa ama ng bata.
“Zion Calen,” nakangiting sambit naman nito, “Because he’s strong and a victor, thanks to her mom.”
Sa kabila ng lahat na masasamang nangyari sa kanila sa nakaraan, isang panibagong buhay ang dumating na kung saan dapat ipagdiwang.
***
Matapos ang insidente sa mga Tantoco at ang kamatayan ng kanyang kakambal, pinilit ni Claudette na isantabi ang pagkalito at tampo niya kay Dante. Para sa kapakanan ng bata ay patuloy siyang nanirahan sa kanilang tahanan.
Ngunit hiniling niya kay Dante na kapag pwede ng iwanan ang bata ay aalis na ito, kagaya ng kanilang unang napagkasunduan. Masakit pa rin sa kanyang tanggapin na talagang alternatibo lamang siya ng tunay nitong asawa.
Ngunit ito ay paniniwala lamang niya at taliwas sa tunay na nararamdaman ni Dante.
Isa pang lihim ang hindi nabubunyag na maaaring makapagpabago sa takbo ng kanilang kasalukuyang relasyon.
***
Matapos patulugin ang anak ay panandaliang namahinga si Claudette sa kanyang silid. Simula ng siya ay bumaliksa bahay nila, magkahiwalay na sila ng kwarto ni Dante.
Sa kanyang pamamahinga ay kinuha niya ang kanilang kontrata. Nakasaad dito na anim na buwan makalipas ang kanyang panganganak ay aalis na siya at mamumuhay sa malayong lugar, isang kasunduan na siya mismo ang nagpumilit ilagay kahit tutol si Dante dito.
Ngayon na nalalapit na ang araw na ito, nakakaramdam siya ng takot at lungkot. Kahit surrogate siya ay itinuturing niyang anak si Zion at talagang napamahal na ito sa kanya.
Ngunit masakit man sa kanya, kailangan tuparin ang kasunduan. Habang sila naman ni Dante ay sibil lang ang pakikitungo sa isa’t-isa. Pinilit nilang itago ang nararamdaman nila kung ito lang ang paraan upang makapamuhay sila ng maayos na magkasama.
Sa pagod ay nakaidlip si Claudette. At nadatnan siya ni Dante na namamahinga. Hindi na niya nais istorbohin ito kaya ng umingit ang anak ay siya na mismo ang nag-alaga dito. Ngunit bago ito umalis ay pinagmasdan niya ang payapang mukha nito at kinuha ang kontrata sa kamay nito at itinabi,
“Bakit hindi mo magawang paniwalaan na tunay ang pagmamahal ko sa iyo. Oo, maaaring nahuli ako, ngunit pinipilit kong ipakita sa iyo ang pagmamahal ko, pero para bang napakalayo mo. Mahal kita kahit ano pa ang pagkatao mo at kahit sino pang mukha ang suot mo. Sana ay tanggapin mo iyon.”
Madalim na ng magising si Claudette at ng makita niya ang oras ay agad itong pumunta sa kwarto ng bata para i-check ito, “Oh my gosh, anak!”
Pero natagpuan niya si Dante na inuugoy ang anak sa mga bisig nito habang dumedede ang bata, isang tanawin na habambuhay niyang babaunin sa kanyang puso.
Nang mapansin siya ni Dante ay ngumiti ito sa kanya, “Kakatulog lamang niya. Sige na mamahinga ka na.”
“Pasensya na, iiglip lang sana ako pero napasarap ito. Kumain ka na ba?” tanong nito. At umiling si Dante.
“Sige, maghahanda lang ako ng hapunan,” wika nito. Katulad ng isang may bahay ay buong pusong pinaglingkuran ni Claudette si Dante. Lahat ng tungkulin ng isang mabuting asawa ay ginagampanan niya pwera lamang sa pagsisiping.
Matapos magluto ay tinawag na niya ito at sabay silang naghapunan. Ginamit ni Dante ang pagkakataon na ito upang makausap si Claudette ng masinsinan.
“Claudette, gusto ko sanang mag-usap tayo patungkol sa pag-alis mo,” wika nito.
Nagulat man ay may nakahanda ng sagot si Claudette dito, “Oo, nagsimula na rin ako mag-impake. Bigyan mo lang ako ng isang linggo para–”
Ngunit hindi na siya hinayaang matapos ni Dante, “–Stay! I want you to stay. Hindi ko gustong umalis ka. Hindi mo kailangang umalis, Claudette. Please!”
“Pero Dante, hindi ba’t napag-usapan na natin ito?” kontra niya, at isang saloobin ang hindi niya mailabas, “Kapag nanatili ako dito, mas lalong mahuhulog ang loob ko sa iyo. Mas mamahalin kita at ang anak mo. Mawawala ang pagkakataon mong lumigaya dahil sa obligasyon mo sa akin.”
“Zion needs you,” matigas na sabi nito. At ilang sandali pa ay nagwika ito sa mahinang paraan at hinawakan ang kamay ng asawa, “I need you…”
Tumulo na lamang ang luha ni Claudette, “Pero–”
“Hindi kita pipilitin maging asawa ko, mananatiling ganito ang set-up natin kung iyon ang gusto mo. I won’t ask you to have sex with me. Gagalangin ko iyon. All I want is your presence with me and your son…” malumanay na wika nito.
“But he’s your son, I was just simply a vessel… aren’t I?” malungkot na wika nito. At sa narinig ni Dante ay nasaktan siya.
“He is your son. Ikaw ang nagluwal sa kanya…” wika nito.
“Pero paano kung magmahal ka muli, mahihirapan ka ng dahil sa sitwasyon natin,” dagdag pa ni Claudette.
“Pero ikaw ang mahal ko,” bulalas nito. Isang pagtatapat na gumulantang kay Claudette. “And I need to tell you something. May kailangan kang malaman tungkol kay Zion.” at sa wakas ay nabigyan siya ng pagkakataon na mabuksan ang lihim na matagal na niyang gustong ipagtapat.
Natatakot man siya ay hinintay niya ang sasabihin ni Dante, ngunit naputot ang kanilang usapan ng tumunog ang kanilang doorbell.
“Stay here,” pangunguna ni Dante. At maingat na binuksan ang pinto. Laking gulat nito ng makita kung sino ang pumunta sa kanila sa ganitong oras.
Agad niyang binuksan ng maluwag ang pinto at nagwika, “Mamang, Papang,” may pananabik sa kanyang boses.
Subalit nagtago agad si Claudette sa kwarto ng anak habang pabilis ng pabilis ang kaniyang puso.
“Mamang, Papang, h–hindi ko alam kung paano kayo haharapin. Paano ko sasabihin na ako ang dahilang kung bakit namatay si Ynez. Paano ko sasabihin na–” ngunit biglang kumatok si Dante habang naiwan ang dalawang matanda sa sala.
Pumasok ito at nagwika, “Your parents are here. They want to see you and Zion.”
“D–dumadalaw lang ba sila kay Zion. Siguro ay nabalitaan nila na–” nanginginig ito habang nagsasalita, pinipilit iwaksi sa isipan ang iba pang saloobin niya.
“They came here to see their daughter at ang apo nila,” seryoso ang mukha nito. Tuliro at hindi alam ni Claudette ang gagawin. Paano niya haharapin ang magulang gayun alam na pala nila ang lahat.
Hinawakan siya ni Dante sa kanyang braso, “Breathe, Claudette.” At sumunod naman ito.
“It’s time…” kinuha ni Dante si Zion, at hinayaan malakabas si Claudette ng kwarto.
Mabagal ang bawat hakbang nito, at magkayakap ang kanyang mga kamay ng magtama ang kanilang mga mata ng magulang niya.
Naluha ang kanyang ama at ina, at tumakbo ang dalawa palapit sa kanya at mahigpit siyang hinagkan.
Walang anu-ano’y naramdaman na lamang ni Claudette na kusang gumagalaw ang kanyang katawan at bibig na parang may sarili itong mga isip.
Hinigpitan niya at sinagot ang yakap nila sa isa’t-isa, “Mamang, Papang. Patawad. Patawad. Hindi ko sinasadyang lokohin kayo. Hindi ko sinasadyang magtago sa inyo. Patawarin niyo ako, dahil sa akin ay namatay si Ynez. Patawad. Patawad. Sana ay nakinig ako sa inyo noon. Patawad.”
Para itong batang nagsusumbong sa kanyang mga magulang. Bumuhos ang emosyon na matagal naipon, ang mga sakit, pasakitat hinagpis na matagal kinimkim, at ang pagpapatawad na matagal ng ninanais.
Sila ay nanatiling magkakayakap. At ng humupa na ang bugso ng damdamin ay nagsimula na silang mag-usap. Ikinwento ng ina kung paano nila nalaman ang lahat.
Nang pumunta si Ynez dala-dala ang sanggol ay napansin nila ang pagkabalisa at pagkaaburido nito, isang ugali na dala-dala na nito mula pa ng pagkabata, kaya mabilis nilang nalaman na siya ay hindi si Catalina.
At saka pumasok sa isip nila ang unang pagtatagpo nilani Claudette. Ang mga mata nito, ang mga gawi, ang akto, at maging ang hilig nito, at higit sa lahat, ang kapalagayan ng loob ang naging susi upang makumbinsi sila dito. At pinuntahan agad nila si Dante upang ito ay kumpirmahin.
Ngunit nag-antay sila ng ilang buwan upang maging handa si Claudette na magsabi ng totoo, pero dahil hindi ito lumapit ay sila na mismo ang nagkusa ngayon.
Natapos ang gabi ng may tuwa at galak sa kanilang puso, at sa kauna-unahang panahon ay nahagkan din nila ang unang apo kay Catalina.
Matapos ang pagkikitang ito, nagpasya si Claudette na manatili sa piling ni Dante.
***
Dumating ang unang kaarawan ni Zion Calen at napuno ng bisita ang pinangyarihan ng sau-salo. Masaya itong ipinagdiwang ng mag-asawa kasama ang mga kaibigan at mahal nila sa buhay.
Umuwi sa Pilipinas ang kumupkop kay Dante, ang lider at ama ng mga LaZobel. Nagalak itong makilala si Claudette at nakagiliwan din ang apo niya kay Dante.
Ang mga magulang ni Claudette, sa wakas, ay nakasama na sa ganitong patimpalak, bitbit din nito ang kanilang apo kay Ynez na malugod namang tinanggap ni Dante at Claudette.
Inanyayahan din nila ang mga kaibigan ni Damien na sila Cheeney at Jane. At hindi rin naman mawawala si Roso, Felix at Raul.
Higit sa lahat, inilipad nila ang doktor na nanguna sa procedure at ang dahilan kung bakit mayroon silang Zion ngayon.
Inabot ng hapunan ang selebrasyon, ngunit dahil may appointment pa ay nauna ng magpaalam ang doktor.
Habang si Dante ay nakikisaya, hinatid ni Claudette ang doktor at personal na nagpasalamat dito, at bago ito umalis ay nagtanong ito ng isang bagay sa kanya,
“A, dok, pwede ba akong bumisita sa clinic mo sa Maynila sa susunod.”
“Oo naman, bakit may ipagagawa ka ba?” magiliw na tanong nito.
Nahihiya man ngunit naglakas loob si Claudette, “I want to know more about egg freezing. I want to do the same para kung sakaling gusto kong magkaanak ng sarili ko talaga, yung buong-buong sakin, may chance pa ako.”
“What do you mean?”
“Don’tget me wrong, mahal na mahal ko si Zion, pero kung sakaling sa hinaharap ay–”
“No, I mean. Zion is yours, all yours. Sa inyong dalawa ni Dante. Sariling egg mo ang ginamit diyan–” kaswal pang pag-aanunsyo nito.
Nanlaki ang mata ni Claudette at halos mahulog ang puso nito. Napatingin ito sa kanyang mag-ama, “You mean sa akin siya?” pag-uulit pa nito, “Pero dok- hindi ba’t ginamit ninyo yung nag-iisang itlog na napili ni Dante?”
Napaisip ang doktor sa kanyang tinuran, at biglang nagningning ito, “Oh that?” nakangiti pa ito, “Last minute nagbago ang isip niya. He asked me to actually destroy that egg, and to fertilize one of yours instead. It may sound corny but he’s saying about letting go, freedom, choosing and love. Something like that.”
Natigilan si Claudette sa nalaman, at biglang bumalik ang sandali bago dumalaw ang kanyang mga magulang, at ang mga panahon na pinipilit ni Dante na anak niya ito,
“He’s my son!” nagningning ang mga mata nito.
“Yes, he is. But I really have to go. So call me, okay?” natatawang sabi ng doktor.
“At mahal niya ako, totoong ako ang mahal niya!” halos mapatalon ito sa tuwa.
“Well, congrats. Pa-sched ka nalang kapag nasa Manila ka na,” habol pa ng doktor bago tuluyang umalis ang sinasakyan nito.
***
Lumipas ang buong araw, at nakabalik na sila sa kanilang tahanan. Nakatulog na si Zion sa sobrang pagod at tanging sila na lamang dalawa ang magkasama.
Pumasok si Dante sa kanyang kwarto at bago isarado ito ay nagpaalam ito sa kanya, “Good night, Claudette.”
Hindi na ma-contain ni Claudette ang kasiyahang kanyang nadarama, kung kaya naman sinunod na niya ang sinisigaw ng kanyang puso.
Sumunod siya dito sa loob ng kwarto at ikinagulat ni Dante ang kanyang ginawa.
Dahan-dahan isinara ni Claudette ang pinto at ni-lock ito. Lumunok ito at kitang-kita ang kaba sa kanyang dibdib. Habang si Dante naman ay nakatitig lamang sakanya.
Huminga ito ng malalim at tumingin sa kanya, “He’s my son.”
Kita sa mukha ni Dante ang pagkabigla ngunit isang direktang sagot ang kanyang binigay, “Yes, he is.”
“And you, you love me,” deklara pa ni Claudette.
“Yes, I do, I really do,” kumpirma naman ni Dante.
“You love me, your current wife, Claudette LaZobel,” giit nito.
At ng mga oras na iyon, lumapit si Dante sakanya, hinawakan ang kanyang maliit na mukha, at tinitigan siya nito, “Marry me, for real, and I will love you forever, my one and only wife,” at sinelyuhan niya ito ng isang halik na pagkatagal-tagal at pagkatamis-tamis.
Sa wakas, ang damdaming itinago, ay naisiwalat na.
Unti-unting sumagot si Claudette sa kaniyang mga halik, at habang palalim ng palalim ang mga halik ni Dante ay unti-unti niyang tinanggal ang kanyang pantaas.
Napansin ito ni Dante kung kaya panandalian itong tumigil, “Are you sure?”
At tumango si Claudette. “Then let me,” wika ni Dante. Kaya dahan-dahan niyang tinanggal ang buong saplot ni Claudette, at pagkaraan ay naghubad din siya.
Sinimulang haplusin at namnamin ang katawan ng isa’t-isa, at nagsimula ang napakahaba at mainit na gabi na kanilang pinagsaluhan.
“I love you, Dante LaZobel.”
“I love you, Claudette LaZobel.”
Isang pag-iibigang nabuo dahil sa malupit na nakaraan, sinubok ng sandamakak na pagsusulit, at ngayon ay napagtibay ng isang bago at tunay na pagmamahalan.
***
EPILOGO
Isang taon matapos ang pagdakip sa buong pamilya ng Tantoco, inilunsad ni Roso sa kanyang blog ang katiwalian at lahat ng kasamaang nakapaloob sa pamilya. Naging sikat siyang manunulat.
Kalaboso at nasentensyahan narin ang lahat ng miyembro ng pamilya Tantoco, sa wakas ay nagkaroon ng hustisya sa kanilang mga naging biktima.
Ang Mamang at Papang ni Claudette ay masayang naninirahan sa siyudad habang inaalagaan ang apo nila kay Ynez. Pinatawad si Gunther sa nangyari at hinahayaan na minsan ay mahagkan ang anak.
Si Gunther Tantoco ay nakabilang sa mga preso na maaaring mabigyan ng parole, kung kaya mula sa labindalawang taon ay mapapababa pa ito.
Ang mag-asawang Claudette at Dante ay masayang namumuhay sa Maynila, dito sila naglagi at nagsimulang mula kasama ang anak na si Zion, at susunod na ang pangalawa nilang anak.
Bumalik sila sa Palawan sa ika-limang anibersaryo ng kamamatay ni Claudia Arette at Ynez. Ilang oras lamang kasi ang pagitan ng kanilang kamatayan.
Nagpatayo sila ng museleo para sa dalawa at magkatabing inihimlay ang kanilang labi.
Magkahawak ang kamay ni Dante at Claudette na mataimti na nagdarasal para sa kanilang mahal sa buhay. Nagdulot man ito ng pasakit sa kanila ay naging daan naman ito para matagpuan nila ang isa’t isa.
“Malaya ka na, Arette.”
“Pinapatawad na kita, Ynez”
At nag-iwan ng bulakbulak ang dalawa at umali.
Tinaliukuran ang mapapait na ala-ala upang buksan ang panibagong yugto ng kanilang buhay.
Dito na nagtatapos ang kuwento ng paghihirap, paghihiganti, pagsisisi, pagpapatawad at pagbangon sa ngalan ng pag-ibig.
WAKAS -

Komento sa Aklat (408)

  • avatar
    EugenioKatrina

    done

    08/08

      0
  • avatar
    RomanticoJhomar

    very nice movie

    23/07

      0
  • avatar
    Razel Jacob Concha

    ganda ng novila

    25/03

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo