logo text

Ikalimampu’t apat Na Yugto: Ang Bagong Hamon Kay Claudette

“Mabibigyan pa ba ako ng isang pagkakataon na magala ng buhay, kahit hindi ko nailuwal ang una sa aking sinapupunan? Ngunit paano ko ito gagawin gayung hinihiling niya na ibang bata ang aking dalhin, makakaya ko kaya? Mahalin korin kaya ito bilang sariling akin?
- Claudette LaZobel
***
Ilang araw na rin ang nakalipas simula ng magsampa ng kaso ang mag-asawa laban kay Gunther. Kasalukuyang nakikipag-usap ang kanilang abogado upang mag-grant ang warrant of arrest para sa suspek.
Kaya habang naghihintay ay naisip ni Dante na magbakasyon muna silang dalawang mag-asawa. Kung ang mag-asawang Gunther at pekeng Catalina ay nagkakalabuan, ang dalawa namang ito ay mas lalong nagiging malapit sa isa’t-isa.
Isinama ni Dante ang asawa niya sa isang komunidad na kanilang tinutulungan. Ang hindi alam ng babae ay mayroon palang surpresa ang asawa niya sa kanya.
Isang surpresa na dapat sanang ikatuuwa niya ngunit kabaligtaran ang nangyari.
Noong unang parte ay naging masaya ang asawa na makilala ang ilan sa matatanda ng lugar. Palagi siyang pinapakilala ng asawa at ito ay naging musika sa kanyang pandinig.
Nakihalubilo sila at natikman din ang iba’t-ibang produktong pagkain ng mga ito. Namili din sila ng mga hinabing damit, bayong at mga damit.
“Babe, thank you at isinama mo ako dito. Nawala ang pagod at stress ko,” wika pa nito.
Isang halik sa labi ang ibinigay niya sa asawang lalaki na ginantihan din naman ng mas mainit at mainding halik.
“May isa pa tayong pupuntahan, kanina pa nila tayo inaantay. Sobrang babait ng mga iyon, siguradong matutuwa ka,” pauna pa ni Dante. Lalo pang naging excited si Claudette dahil dito.
Tumungo sila sa isang kubo na tila sikat na kainan sa lugar. Maluwag at malawak ang pwesto nito, yari man ito sa kubo ay maganda naman at tila ikaw ay kumakain sa gitna ng hardin.
Pinaupo na ni Dante ang asawa at habang lumilinga-linga ito ay sinundo na niya ang huli nilang panauhin.
Ngunit kahit nakatalikod si Claudette ay hinding-hindi siya pwede magkamali, lalo pa ng marinig niya ang mga tinig na nagtatawanan na palapit ng palapit. Gusto sana niyang tumakbo papalayo ngunit huli na ang lahat.
Halos manikip ang kanyang mga dibdib, lalo pa nung tawagin siya ni Dante at umupo sa kanyang harapan ang mga bisita.
Hindi siya makatingin ngunit kita niya sa sulok ng kanyang mata ang kulubot na balat nito sa mukha tanda ng hirap sa buhay, ngunit ang mga ngiti nila ay walang kasing katulad.
Nang makita niyang nakangiti ang mga ito ay tsaka lamang siya, unti-unting tumingin dito.
Hinawakan at tinapik siya sa likod ni Dante at saka umupo sa kanyang tabi, “Mamang, Papang, ito nga pala ang aking butihin at napakagandang may bahay, Claudette LaZobel.”
Agad na hinawakan ng matandang babae ang kanyang kamay, na siyang ikinagulat nito. Hindi niya halos mapigilang kanyang sarili sa pag-iyak kung kaya naman lumihis siya kaunti ng tingin.
“Hija, sa wakas ay nakita ka rin namin. Matagal ka ng ikinuwento ni Sir Dante, at talagang nasasabik kaming makilala ka,” wika nito.
“S–salamat ho, Ma–” nahihiya pang tawag nito.
“Mamang na lamang ang itawag mo sa akin. Aba e tila magkaedad kayo ng aking anak, o kung hindi man ay mas bata siya sa iyo, pero magkasing ganda kayo, lalo na ang inyong mga mata,” magiliw na wika nito.
“Ta–talaga ho?”
“Oo, kaso nag-asawa na rin kaya bihira na naming makita. Hindi rin kasi kami makadalaw sa kanila at nahihiya talaga kami sa aming turan. Mayaman kasi ang napangasawa niya e,” dagdag pa ng kanyang itay.
Parang kurot sa puso niya ang narinig, ngunit totoo naman din na hindi imbitado ang kaniyang mga magulang sa mga salu-salo ng Tantoco.
“Sana nga ay nasa mabuti siyang kalagayan,” malungkot na sabi ng ina.
“Sigurado ho iyon, mababait po kasi kayo,” pinilit niyang ngumiti para maibsan ang kalungkutan ng ina.
“Salamat, hija. O siya, tayo ay kumain na, masarap ang pusit at kakanin dito,” suhestiyon ng kanyang ama.
Nagsimula silang kumain at mas naging kalmado at payapa ng makipag-usap si Claudette. Mas naramdaman at nangibabaw ang saya niya kahit sa ibang katauhan man ay nakita niya at nakasama ang kanyang mga magulang.
Habang nag-aantay ng kakanin para sa minatamis ay nabuksan ang usapang may anak.
“Matanong ko lang, wala pa ba kayong anak?” magalang na tanong ng ama.
“Hoy, ano ka ba naman, hindi dapat tinatanong iyan,” saway ng kanyang ina.
Napansin ni Dante ang kaunting pagbabago sa mukha nito kaya hinawakan niya agad ang kamay nito, upang sabihin na siya na ang bahalang sumagot.
“Sa katunayan ho e, hindi ko pa nasasabi sa kanya, pero dahil na-open na e, gusto ko sanang magkaroon din kami ng anak siguro ay ngayong taon,” anunsyo ni Dante na nakagimbal kay Claudette ng husto.
Nakatingin lamang ito kay Dante habang patuloy ito sa pagsasalita, “Ang kaso ay nagkaroon ng aksidente noon si misis, at mahihirapang magbuntis. Ngunit kung siya ay papayag, nais ko sanang gumamit ng ibang paraan upang siya ay magdalang tao.”
At sa pangalawang pagkakataon ay halos mahulog ang puso ni Claudette sa mga rebelasyon ni Dante.
Hindi siya makapagsalita.
“Alam mo hija, ipagdarasal ko na magkaroon kayo ng anak, kasi kami may apo narin, at siguradong masaya ang anak ko ngayon. Kaya sana ay kayo rin. Iba ang nabibigay na saya ng anak,” dagdag pa nito.
“S–salamat po,” ang tanging naisagot nito.
Naging abala man ang araw na ito ay naging produktibo naman ang mag-asawa. Malayo sa siyudad nila ang bayan na ito, kung kaya tumuloy ito sa isang hotel.
Matapos maglinis at magpalit ng pantulog ay nagtabi na ang dalawa sa kama.
Agad na humingi ng dispensa si Claudette, “Babe, I’m sorry kung hindi ko pa mabigay muli ang katawan ko sa iyo. Hanggang matapos ang kaso ay–”
“–I understand. Let’s take a rest. Don’t mind me, I am good,” nakangiting turan ni Dante.
Ngunit isang bagay ay ang hindi mawala-wala sa isip niya, kung kaya naman tinanong niya ito sa asawa, “About what you said earlier…”
“It’s true. I want you to carry my baby,” paglilinaw ni Dante.
“Ngunit paano,hindi ba’t–”
“That’s why we won’t conceive it naturally,” wika nito.
“What do you mean?” tugon nito.
“Surrogacy, you will be the surrogate mother, ibang egg ang gagamitin,” wika nito.
“Ngunit, kung gusto mo talaga ng anak, bakit hindi nalang sa akin talaga? Matapos lang ang kaso ay willing naman ako–” pagtataka ni Claudette.
“–It’s complicated. Ngunit sana ay maintindihan mo at irespeto mo ang desisyon ko. Pero kung hindi naman possible ay ayos lang sa a–” bawi naman ni Dante.
“I’ll do it, Dante! Sinabi ko sa iyo noon, gagawin ko lahat-lahat basta’s tulungan mo ako. Ngayong abot-kamay na natin lahat, papayag ako sa gusto mo,” desididong sambit ni Claudette.
“Thank you, my wife.” At nagtapos ang kanilang gabi sa isang halik at sa isang mahigpit na yakap.

Komento sa Aklat (408)

  • avatar
    EugenioKatrina

    done

    08/08

      0
  • avatar
    RomanticoJhomar

    very nice movie

    23/07

      0
  • avatar
    Razel Jacob Concha

    ganda ng novila

    25/03

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata