logo text

Ikalimampu’t-dalawang Yugto: Ang Paghaharap

“Lahat ng hinangad mo ay mawawala sa iyo, lahat ng kinamkam mo ay masasaksihan mong maglaho sa harapan mo. Hinding-hindi kita titigilan, traydor kong kakambal."
- Claudette LaZobel
***
Naging tahimik si Dante at Claudette sa buong byahe nila pagkalabas ng shoting ground at patungo sa ospital.
Nakayukyok lamang ang ulo ni Claudette sa bintana habang ang mga kamay ni Dante ay nanggigigil na humahawak sa steering wheel.
Nang nasa bandang masukal at mapunong parte na sila ng rough road bago mag highway ay nagwika ng mahina si Claudette, “Ihinto mo ang sasakyan saglit.”
“Bakit? Malapit na tay sa highway, kaunting tiis nalang,” wika naman ni Dante.
“Pakiusap, kailangan ko itong ilabas– Pakiusap!”
Kung kaya dali-daling iginilid at inihinto ni Dante ang sasakyan. Matuling lumabas si Claudette, lumayo at tumalikod sa kinatatayuan ni Dante, at dito muling sumuka.
Katulad ng una nilang pagsisiping ni Gunther, naulit muli ang pag-ikot ng kanyang sikmura at pagsakit ng kanyang tiyan.
Ang kanyang pagsuka ay sintomas ng sobrang stress at ng kanyang pandidiri sa kanyang sarili sa tuwing may nangyayari sa kanila ni Gunther.
Habang si Dante naman ay walang kaalam-alam at alalang-alala sa kanya.
“Babe, can I come near you? I’ll help you–” ngunit tinaas nito ang kanyang kamay bilang pigilan ito.
“No! I don’t want you to see me like this! This is me, na ibinigay maging ang aking dangal at kaluluwa mapabagsak lamang ang mga demonyong iyon, pero hindi ko masikmura sa tuwing hinahawakan at ginagamit niya ako!” sigaw nito.
“”That’s why I told you not to do it!” nang dahil sa frustration ay napasigaw rin si Dante.
Ngunit tumayo saglit si Claudette habang pinupunasan ang kanyang bibig, namumula ang mata nito, at kitang-kita ang namumugto niyang mata, “I had no choice! I had to!”
“Sa tingin mo ba ay natutuwa ako sa tuwing hinahalikan niya ako, hinahawakan, nilalamas at ginagamit? Hindi! Hindi, Dante! Sukang suka ako! Duming-dumi ako sa aking sarili. At diring-diri ako. Hiyang-hiya akong humarap sa iyo, at ni hindi ko mapagamit ang katawan ko sa iyo matapos ang gabing iyon.”
Huminto ito saglit ngunit ang luha niya at mga hikbi ay patuloy lamang.
“Alam mo ba kung bakit? Dahil ayokong isang maduming babae ang gamitin mo Dante! Ayokong mabahiran ka ng karumihan ng hayop na iyon! Kaya palagi akong tumatanggi sa iyo. Kaya hindi ko na maibigay sa iyo ang sarili ko! Dahil kahit ako, alam kong sukdulan na ang kababuyan ko!”
Napakapit ito at napasandal sa sasakyan sa sobrang panghihina.
Ramdam ni Dante ang bawat salita nito, kumurot sa puso niya ang bawat salita nito. Alam niyang hindi ito ginusto ng asawa. Kaya sa kabilang banda ay sinisisi niya ang sarili sa paglalagay ng ganitong responsibilidad kay Claudette.
Agad itong lumapit sa asawa kahit ayaw pa nito at nagpupumiglas. Niyaka niya ito ng mahigpit.
“I’m sorry! I did this to you! Patawarin mo ako, Catalina,” at sa matagal na panahon ay tinawag niya itong muli sa tunay niyang pangalan.
Isang pangalan namuntik ng makalimutan ng tunay na nagmamay-ari nito.
Kaya naman ibinalik niya ang yakap ng kinikilala niyang asawa ngayon at marahan na nagwika, “No, Dante, you made me like this upang maipaghiganti ko ang sarili ko. You gave me a second chance, and that’s not something you should say sorry about.”
Unti-unti itong kumalas sa pagkakayakap ng lalaki, at nagwika, “Kaya dapat mo akong suportahan hanggang sa huli. Samahan mo ako sa police station at sa ospital,” tugon nito.
Huminga ng malalim si Dante habang nakatitig sa kanya, “And yes, I made you into someone who won’t be needing me any longer. Sa tingin ko ay mas kakailanganin kita, ngayon at kailanman”, sa likod ng kanyang isipan.
Pumasok ka sa kotse at doon tayo mag-usap,” wika nito.
At habang dahan-dahan na binabaybay ang daan ay muli niyang tinanong si Claudette, “Ito ba talaga ang gusto mo?”
“Oo, Dante. nakahanda na ang lahat,” matigas na sabi nito.
“Naihanda mo ba lahat ng kailangan? Siguradong hindi ka sasabit?” pangungulit nito.
“Handang-handa na. At ikaw at ang iyong impluwensya nalang ang kulang,” hinawakan ni Claudette ang kanyang kamay.
“Sige, sasamahan kita hanggang huli, at sana ay talagang mapagkakatiwalaan si Roso.”
Dumeretso sila sa tanggapan ng puli at maging ospital upang agad na makapagpa-medico legal.
Ginamit ni Dante ang lahat ng kanyang koneskyon at ginawa ang lahat upang gawing makatotohanan ang kasong isasampa nila laban kay Gunther Tantoco, ang kasong rape.
Kumuha ng abogado at inalam ang mga susunod na legal na hakbang patungkol dito. Ipinaubaya sa abogado at alagad ng batas lahat ng ebidensya at nakipag-ugnayan ng palihim katulad ng kanilang hiniling hanggang sa madampot ang salarin.
Dahil sa kapangyarihang taglay ay napabilis ang proseso nito at nagkaroon ng kaunting lagayan upang agarang mapadiin si Gunther Tantoco.
Nakipag-ugnayan din sila sa mga pulis na tinawagan ni Roso sa hotel at napag-alaman na si Claudette LaZobel din ang sangkot na biktima kaya lalo pang napagpatibay ang kanilang kaso.
***
“Babe, saan ang lakad mo ngayon?” malambing na tanong nito sa asawa.
Balik na sa dati ang kanilang lambingan pwera lang sa pakikipagtalik.
Hinalikan siya ni Dante bago umalis ng bahay, “May kailangan kaming tignan sa planta, mayroon din akong imi-meet na panibagong customer sa mga produkto natin, and you?”
“Just saying hi to my twin sister, sisilipin ko narin ang aking pamangkin,” nakangiting sabi nito.
“I don’t think it’s a wise idea, lalo may ongoing na kaso si Gunther, baka mabaligtad ka,” paalala ni Gunther.
“Don’t worry, my husband. Magddisguise nalang ako ng bahagya,” at kumindat pa ito.
“Ikaw ang bahala, basta wag kang magtatagal doon,” bilin ng asawa bago ito umalis.
Pagkaalis ng asawa ay agad itong nagbihis ng jeans, at simpleng t-shirt.
Nag-wig ito ng mahabang buhok, katulad ng dating buhok niya nung siya ay si Catalina pa.
Pagkatapos ay nagdala ito ng pulang rosas at ng paboritong prutas ni Catalina.
Masaya itong bumahe papuntang ospital at pasipol-sipol pa.
Sinigurado muna niyang wala si Gunther doon at ang iba pang Tantoco bago siya pumasok sa kwarto.
Nadatnan niyang pinagmamasdan ni Ynez ang anak nito habang nakalusot lamang ang kamay niya sa maliit na butas ng incubator.
Dahil ilang araw narin ang nakalilipas ay pinayagan ng mga doktor na ilipat ang incubator sa loob mismo ng kwarto ng ina.
Kinakausap ni Ynez ang kanyang anak at bakas parin sa kanya ang hirap ng panganganak.
Kung kaya naman marahan pang kumatok si Claudette kahit na kanina pa siya nagmamasid dito.
Nakasandal ang katawan at balikat nito sa pinto, habang nakakrus ang mga paa.
Pagkalingon ni Ynez ay agad itong ngumiti.
“Hello, Catalina Salazar, congratulations on your baby,” sabay palakpak nito.
Napatayo si Ynez at kumunot ang noo, hindi niya kasi matukoy kung sino ang pamilyar na mukha na ito, “A, e, sino ka ba?”
“Ikaw talaga, wala kang ka-class class. Dapat mag-thank you ka muna,” at ngumisi ito.
“Pwede ba miss, umalis ka at wala akong panahon sa hindi ko kilala,” masungit na sagot nito.
Tumawa si Claudette ng malakas, “Ikaw naman ang bilis mo naman makalimot. Oh, rose flowers at peaches for you, hindi ba at favorite mo ang mga iyan?”
“Iwan mo diyan at makakaalisa na, miss!”
Kaya naman tinanggal nito ang wig at sumbrero, “Are you sure na ayaw mo akong makausap, ha?”
Biglang kumulo ang dugo ni Ynez ng makita niya kung sino talaga ito, “Ikaw!” sumigaw ito at nakaramdamsiya ng pwersa sa kanyang tahi kaya napaupo ito.
“Shh! Wag kang sisigaw, magigising ang cute niyong baby at sige ka, bubuka iyang tahi mo,” pang-aasar pa nito.
“Ano bang kailangan mo ha!”
“Walalang, just sending flowers and fruits, at para makita ko rin ang anak ni Gunther. Maganda naman pala ang combination mo, pero bakit naman kaya siya naghanap pa ng iba? Ikaw kasi e, ang baho ng bunganga mo.”
“Hayop ka! Lumayas ka dito!” sigaw nito. At nagsimulang umiyak ang anak nito.
“Okay fine, pero bago ako umalis, may sasabihin ako sa iyong dalawang bagay. Una, naaalala mo ba ang boses na ito?”
At ginawa niyang muli ang panghahalina niya kay Gunther, “G-gunther, undress me. Pero kailangan ka ng asawa mo. Don’t Gunther,please!” at ang ngiti nito ay umabot hanggang tenga.
Namula sa galit si Ynez, at tumayo ito upang hablutin siya, ngunit masyado siyang mabagal at nakaiwas agad si Claudette.
“Sinasabi ko na nga ba! Ikaw ang kabit niya! Hayop ka! Papatayin kita!” sigaw ito ng sigaw sa loob.
“Huwag kang maingay, maririnig ka nila, mayroon pang isa,” dagdag pa nito.
“Unang-una, hindi ako kabit, ikaw ang kabit, dahil ikaw ay isang huwad, in English fake, hindi ba? Kilala ko kung sino ka talaga!” nanlisik ang mata ni Claudette.
Kitang-kita ang pagkabigla ni Ynez ngunit hindi siya nagpahalata, “Anong kalokohan ang sinasabi mo.Hoy mababang uri ng babae! Kabit ka! Papatayin kita!” pagbabanta ni Ynez.
“At least hindi ako peke at mamamatay tao! I know who you really are, at soon malalaman ng lahat kung sino ka. At magsisisi kang ninais mong maging parte ng mga Tantoco.”
Binuksan niya ang pinto, at nagwika, “Hanggang sa muli nating pagkikita.”
At tuluyan ng umalis si Claudette.At walang humpay sa kahihiyaw si Ynez ng dahil sa kanya.
“Ako pa ang tatakutin mong hayop ka! Ako si Ynez Salazar at wala akong kinakatakutan. Humanda ka paglabas ko dito.”

Komento sa Aklat (408)

  • avatar
    EugenioKatrina

    done

    08/08

      0
  • avatar
    RomanticoJhomar

    very nice movie

    23/07

      0
  • avatar
    Razel Jacob Concha

    ganda ng novila

    25/03

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata