logo text

Ikaapatnapu't limang Yugto: Katotohanang Ikinubli

“Sino nga ba ako? Pero ang mas malaking katanungan sa isipan ko ngayon ay sino ka ba, Dante? Ikaw ba ay si Dante o Damien? Sino ka sa buhay ng tinatawag nilang Claudia Arette?"
- Claudette LaZobel
***
Gulat na gulat si Gunther sa tinuran ni Claudette sakanya. Ang isip niya ay hati sa dalawa, ang una ay para sa asawa niyang nasa ospital at ang pangalawa ay para sa babaeng nakaupo sa harapan niya.
Isang babaeng may pagkakaparehas man sa ilang gawi ng asawa, ay malayong malayo naman pagdating sa karakter. Isang babaeng kayang-kaya kang lamunin kung hindi ka mag-iingat.
"Isang babae na hindi mo pwedeng hindi hangaan, isang babae na hindi mo dapat isawalang-bahala," konklusyon niya sa kanyang sariling isipan.
At mula dun ay nakapagpasya siya. Umupo siya ng maayos, sinuklian ang titig ng babae at ngumiti, "You know what, you were right. So where were we again?"
Isinuksok muli sa kanyang bulsa ang smartphone at tinuon ang buong pansin kay Claudette. Nang makita nito ang tugon ng lalaki ay hindi nito napigilang ngumisi.
"You were talking about Mr. Shin," maikling tugon ni Claudette.
Ang gabing iyon ay naging kaaya-aya para kay Gunther. Hindi niya lubos akalain na mag-eenjoy siya sa company nito. Lahat ng usapin nila mapa politika, negosyo at iba pang mga bagay ay talaga namang naging interesante dahil sa mga binibigay na opinyon ng babae.
Hindi kagaya ng kanyang asawa na hindi man lang niya masabihan ng problema lalo na pagdating sa negosyo, lalo pa kapansin-pansin ang pagbabago nito na laging nauuwi sa kanilang madalas na pag-aaaway.
Kung kaya sa bandang huli ay nasabi ni Gunther ang mga katagang, "I want to see you again, Claudette. I really do."
Sadyang hindi sumagot ang babae sakanyang sinabi. Hinayaan niya na mabitin ang lalaki sa kanyang tugon.
"Claudette? Ano sa palagay mo?" at saka nito inulit ang kanyang binitawang mga salita.
Muling ngumiti si Claudette, at nagpakawala ng mga salitang nagbabaga, yrnß 4frA really sinabi ko sa'yo na kapag tayo ay muling pinagtagpo ng tadhana, malalaman mo how great a woman I am. Wala pa iyan sa kalingkingan ng nasasaksihan mo ngayon. Much better, damn better than the woman currently in your bed," patama pa nito.
Hindi man nakasagot si Gunther ngunit ang kanyang buong pagkatao ay sumasang-ayon sa sinabi nito. Pagkabawi ng sariling ulirat ay nagwika itovna nabubulol pa, "S-so, is that a y-yes?"
"Make yourself worthy. Prove that you are a man worthy of my time, my wisdom, and my body," malupit na sagot ni Claudette. Bawat salita at kalkuladodng kalkulado niya.
Pero ang kanilang mainit na usapan ay naabala nang may dalawang babaeng huminto sa gilid ng kanilang pwesto.
Hindi ito nagustuhan ni Claudette kung kaya pailalim niya itong tinignan, "Yes?"
"Oh my god, oh my god, Jane you gotta see this," maarte ang pagkakasabi nito sa kasamahan niyang babaeng bitbit ang maliit na sanggol.
"Ano ba iyon, madaling madali ka, Cheeney," tarantang sagot ng kasama.
"Kasi, you really have to see this. Look who's here, I can't believe it," sabik nitong sagot na may pataas na tono.
Kaya naman sumunod ito, at nang makita kung sino ang nakaupo sa pwesto ay nanlaki ang mata nito. Natulala at hindi agad nakapagsalita.
Pero ang buong sitwasyon ay nakapagpainit ng ulo ni Claudette, kaya sumagot ito ng pabalang, "Do I know you? Should I know you?"
Ngunit ang unang babaeng nakakita sa kanya ay biglang tumabi sa kanya at bineso siya, umakto ito na parang malapit sila sa isa't-isa, maging si Gunther na nasa kabilang gilid ng mesa ay hindi rin alam kung paano tutugon sa ganitong sitwasyon.
"My god, you are kidding right? We were besties back in college. Nakalimutan mo na ba kami? Pagkatapos mong biglang maglaho pagkatapos ng–"
Pero bigla siyang hinila ng kasama,"–Hey, maybe hindi siya iyan," dagdag pa nito.
"No, no! That pretty face? How can I forget?" pagpupumilit ng isa.
"Probably your friend over there is right. You mistook me for someone else," pagtitimpi ni Claudette.
"No! Claudia Arette Garcia, batch '11 from PLM, that's you right?" talagang pamimilit nito.
Pero napuno na talaga si Claudette kaya naman tumaas na ang boses nito, "Look! I never spent a long time in Manila, and my name's Claudette LaZobel, not that Arette whatsoever. Would you please get lost?"
Kaya tuluyan siyang hinila ng kasamahan, "Let's go Cheeney, she's not her. Sinabi niya na sa iyo."
"Wait lang, Jane!" kontra nito.
"I am not sure how you got LaZobel or kung nag-asawa ka ng iba other than your longterm boyfriend Damien, pero we used to call you Claudette. And we were besties. Hinanap ka namin for years, pero dito ka lang pala nagtatago. Did you even call tita?" galit na akusasyon nito.
"I said leave! I am not that bitch you were talking about!" sigaw ni Claudette.
Kaya namagitan na si Gunther, "Would be better if you just leave, miss."
Unti-unti na silang pinagtitinginan sa restaurant at nagbubulung-bulungan na rin ang mga stuff.
"Fine, aalis ako! Pero just in case na nagka-amnesia ka, or ayaw mo lang balikan ang nakaraan mo, may iiwan ako sa'yo," at kinuha nito ang isang maliit na litrato mula sa wallet niya.
Nilapag ito ng pahagis sa harapan ni Claudette, "O ayan, binabalik ko na iyan sa'yo," sabay talikod.
Pero ang atensyon niya ay natuon sa maliit na piraso ng litrato sa kanyang harapan. Hindi niya alam ang mararamdaman sa nakita. Napahawak ito ng mahigpit sa kanyang dibdib, "Ano ito?" wika niya sa sarili.
Litrato ito ng limang estudyante na nasa kolehiyo, nasa harapan sila ng isang gusali na may nakalagay na Pamantasang Lungsod Ng Maynila.
Bata man ang mukha ng iba ay naaninaw niya agad ang mukha ng dalawang babae. Hindi mapapagkaila na sila nga ito. Pero ang higit na nakapukaw sa kanyang mga mata ay ang dalawang magkasintahan sa bandang kanan ng litrato.
Kopya ito ng kasalukuyan niyang mukha, mukha ito ng nagmamay-ari sa hiniram niyang pagkatao. May nunal ito sa ibaba ng kaliwang mata at ang lalaking nakaakbay dito at nakahalik sa pisngi ng babae ay walang iba kung hindi si Dante, ang kanyang asawa ngayon.
Hindi maitago ni Claudette ang panginginig ng kanyang buong katawan, hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita, or mas mainam na sabihin sa kanyang nadiskubre.
Hindi din niya namalayan na tinatawag pala siya ni Gunther. Huli na rin ng mapansin niya na wala na ang dalawa.
Dali-dali siyang tumayo sa kinauupuan, patakbong lumabas ng kainan at luminga-linga para lamang mahanap ang dalawa.
Palakas ng palakas ang tibok ng puso niya, hindi niya alam bakit niya sila sinusundan, ngunit ang lukot na litrato sa kanyang kaliwang kamay ang nagtulak sakanya upang alamin ang bagay na hindi niya dapat malaman.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nakita din niya ang dalawa mula sa malayo, mukhang nagtatalo ang dalawa habang ang maarteng babae ay tila umiiyak, kaya bago pa ito makalabas ng lobby ay pinuntahan niya ito agad,
"Wait," sigaw pa niya sakanila.
"Why? Did you suddenly remember us?" sarkastikong sabi nito habang namumugto ang mata.
Umiling siya, "No. Pero gusto kong malaman, bakit mo ito pinakita sa akin?"
Pero mas lalo itong nagalit at umalis ng walang pasabi. Habang nagsimula namang umiyak ang sanggol na bitbit ng isa.
"Baka sakaling kailangan mo iyan para makaalala, o baka dapat mo ring malaman," mahinahong sabi ng ina.
"A-anong pangalan muli ng mga taong ito?" sabay turo sa litrato ng magkasintahan.
Dismayadong sumagot ang babae, "Ako si Jane Ramirez, yung umalis ay si Cheeney Santos, yung isa ay si Rica Sato, sakaling gusto mo rin malaman. At iyang tinatanong mo, Claudie Arette Garcia ang pangalan niya ng mga oras na iyan, ewan ko lang ngayon. At iyang lalaking iyan si Damien Rodriquez."
"Damien Rodriguez, huh?" mahina niyang sabi.
"Rodriquez, with a "Q", o siya mauna na ako," nagmamadaling sagot nito.
"Saglit, dito na ba kayo naninirahan?" tanong nito.
"Hindi, ika-sampung anibersaryo ng biglang mawala si Claudia at Damien dito sa Palawan…" magkukwento pa sana ito ngunit tuluyan ng umiyak ang kanyang anak.
"Sorry, I have to go. Thanks to you, we got to see her face again, wika pa nito," at tuluyan ng umalis ito.
Halos takasan ng lakas si Claudette sa kanyang mga natuklasan, mabuti nalang at eksakto ang dating ni Gunthe nung halos mawalan siya ng balanse.
"Palagi ka nalang natutumba sa tuwing nagkikita tayo, mabuti at nanditovako para saluhin ka," pabiro pang sabi nito.
Ngunit agad na humiwalay si Claudette sa kanya at itinago ang litrato.
"Bakit bigla kang umalis akala ko ba hindi mo sila kakilala?" pagtataka ni Gunther.
Agad umisip ng palusot ang babae upang hindi na maungkat pa ang katotohanan na siya mismo ay gustong matuklasan, "Wala, inabot ko yung litrato na inihagis nung babae," at umiwas ito ng tingin at dumeretso papuntang elevator.
"Saan ka pupunta?" tawag ng lalaki sakanya.
"Are you up for a drink? Nasira ng dalawang yun ang magandang mood ko," wika nito, at patuloy na lumakad.
Nang mapansin na hundi sumunod agad si Gunther, muli niyang tinawag ito, "I can't wait for your idling, if you are up to it, I will be at their cocktail bar on the 8th," malakas ang pagkakasabi nito na para bang may gusto siyang makarinig nito. At ito ay hindi si Gunther kundi para ito kay Roso na nakasaksi pa ng higit sa kanyang inaasahan. Nakuha ng kanyang kamera lahat-lahat.
Nagkumahog si Gunther sa pagsunod kay Claudette sa elevator pababa.
Habang si Roso naman ay halos magbunyi sa nalaman, "Kapag tinamaan ka nga naman ng swerte at lintik, malaking pasabog ito."
Pagkaraang makasakay ng dalawa ay agad na rin itong pumila sa elevator upang masundan ang mga susunod na pangyayari kagaya ng kagustuhan ni Claudette.

Komento sa Aklat (408)

  • avatar
    EugenioKatrina

    done

    08/08

      0
  • avatar
    RomanticoJhomar

    very nice movie

    23/07

      0
  • avatar
    Razel Jacob Concha

    ganda ng novila

    25/03

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata