logo text

Ikasampung Yugto: Maling Pagkakakilala

“Dapat akong maging handa sa mga bagay na aking kakaharapin sa mga susnuod na panahon. I must know my enemies from their roots para mabilis ko silang
masugpo.”
- Catalina Salazar
***
Hindi malimutan ni Catalina ang gabi ng pumirma siya ng kasunduan nila ni Dante, buong akala niya ay aariing ganap ng ginoo ang buong pagkatao niya, unang-una na ang kanyang katawan.
Handa naman siyang ibigay ito kapalit ng pagliligtas nito, ngunit nakaramdam siya ng hiya ng ito ay kumilos papalayo sa kanya.
Sa tuwing maaalala niya ito ay talaga namang sobrang kahihiyan ang kanyang inabot. Paikot-ikot siya sa kanyang kama dahil binnubulabog na naman siya ng nangyari, “Ahh,” tili nito na medyo mahina ngunit matinis,
“Bakit ko ba kasi naisip iyon? Bakit ko kasi sinabi iyon? Nakakahiya ako. Nakakahiya kay Dante.”
(GABI NG PIRMAHAN)
Ito ang ala-ala ng kanilang pag-uusap.
“Hindi lang katawan mo ang habol ko, ang buong pagkatao mo ang magiging kabayaran sa buhay mo, Catalina. Naiintindihan mo ba?” wika ni Dante habang nakadiin ang kanyang mga kamay sa balikat ni Catalina.
Ngumiti si Dante, isang ngisi na walang katumbas, “At ako ang demonyong magbibigay sa iyo ng mga ulo nila, Catalina,” at unti-unting dumiin ang hawak niya sa balikat at sa baba ng babae, at itinulak ito ng husto sa sofa.
Ang kanilang mga labi ay isang pulgada nalang ang layo sa isa’t-isa habang ang kanilang mga mata ay lubos na nag-aalab, na mas matindi pa ang init ng gumuhit sa kanilang tiyan ang alak na kanilang pinagsaluhan.
Buong akala niya ay hahalikan siya ng ginoo kaya naman pumikit siya at inantay lamang na magdikit ang kanilang mga labi. Ngunit ilang segundo lang ay pinakawalan siya ng lalaki mula sa mga bisig nito at lumakad ito papalayo sa kaniya.
Seryoso ang mukha nito at lumunok ng laway bago magsalita, may bahid ng pagkadismaya ito habang nakatingin sa babaeng nakapikit pa rin.
Ang babae naman ay parang natigilan na tila naghihintay sa wala. Ng kaniyang maulinigan na walang halik o ano pa man, binuksan niya ang kaniyang mga mata at doon ay nakita niya ang mukha ng lalaking dismayado.
“Catalina,” tawag ng lalaki sakanya gamit ang seryosong boses nito. Kumabog ang dibdib ng babae pero hindi dahil sa takot, bagkus ang tinig ng lalaking tumatawag sa kanyang tunay na pangalan ay talaga namang musika sa kanyang pandinig.
Ilang sandali pa ay tumaas ang boses nito, “Are you listening, Catalina?”
Nagulat ang dalawa at kumurap, “Oo, Dante. Sorry. Ano ulit iyon?”
Nagbuntong-hininga na lamang ito, “Ang sabi ko, hindi lahat ng lalaki ay sumasamba sa katawan ng isang babae. Huwag kang mag-alala, ipinapangako kong hindi kita gagalawin sa abot ng aking makakaya. Hindi ako ganoong klase ng lalaki, pakatatandaan mo iyan.”
Biglang binuhusan ng malamig na tubig ang nag-aalab na damdamin niya, kasabay nito ang bulusok ng kahihiyan sa loob ng kanyang katawan na nagpapula sa kanyang pisngi at buong mukha.
“Ah, sorry. Akala ko kasi–”
“Pero mas higit diyan ang kailangan ko, at sa takdang panahon ay maniningil ako,” sambit pa nito at sabay uminom ng alak na nasa kanyang baso. Nagsalin ito ng panibago at inalok si Catalina na nais na lamang lumubog sa kanyang kinauupuan.
“Want more?” alok nito.
At dali-daling inilahad ang kanyang baso, at tinungga ang laman nito, muling nag-salin at muling nilaklak ang alak.
Tinignan lang siya ng lalaki at may maikli at maliit na ngiting tumakas mula sa kanyang mga labi.
***
Makalipas ang dalawang buwang pananatili niya sa Villa Florencia, nakabisado na ni Catalina o mas kilala sa tawag na Miss Cali ang gawi ng kanyang mga kasama sa bahay.
Naging maayos ang takbo ng buong mansyon sa loob ng maikling panahon. Sinusunod lahat ng mga tagapag-lingkod ang bilin ni Dante patungkol kay Catalina, at gayun din naman si Catalina sa kanila.
Ngunit lahat sila ay hindi maaaring umalis sa mansyon. Tanging si Raul lamang at si Felix ang pwedeng umalis. Kaya naman lingguhan sila kung mamili ng lahat ng mga bagay na kanilang kailangan sa bahay, kasama na rito ang pagkain, groceries, at iba pang pang personal na bagay.
Ngayon ay araw ng martes at ang araw ng tiangge sa malaking isla, kaya madaling araw pa lang ay abala na ang mayordoma sa paglilista ng mga bagay na kailangan. Ito rin ang araw ng balik ni Dante sa mansyon. Minsan sa isang linggo lamang kasi siya pumunta sa mansyon.
Kung kaya naman maaga ring gumising si Catalina dahil mayroon siyang nais ipabili sa dalawa. Noong naririnig niya ang tinig nila na papalabas na ng kusina, tumakbo ito pababa ng hagdanan at sumigaw, “Raul! Felix!”
Humahangos pa nga ito, at hingal na hingal, “Wait lang! Wait lang!” ulit pa nito. Kaya naman ng marinig ito ng dalawa, huminto sila at humarap sakanya na nagkakandarapa pa sa hagdan.
“Oh, bakit, Miss Cali?” nakatawa pang bati ni Raul. Habang si Felix naman ay nakahalukipkip pa sakanila.
Habang hinahabol niya ang kaniyang hininga ay iniabot niya ang dalawang piraso ng papel na nasa kanyang mga kamay, “A, e, pwede bang pakibigay ito kay Dante?”
Agad naman itong kinuha ni Raul, bubulatlatin pa sana niya ito ng sumigaw si Catalina, “Huwag mo ng buksan, nakakahiya e. Pwede bang pakibigay nalang ng direkta kay Dante? Sorry ha!”
Nagkatinginan ang dalawa at humagikgik ng tawa. Pagkatapos ay nagpaalam na ito sakanya.
***
Gabi na ng makabalik ang mga namili, at kasama narin nila si Dante. Ito ay dumeretso sa kwarto ni Catalina. Kumatok muna ito bago pumasok,
“Gising ka ba, Cali?” tanong niya. Ito ang tawag niya kapag mayroon silang kasama o kaya naman ay may maaaring makarinig sa kanya.
Sumagot agad ang babae, “Pasok, Dante,” aniya.
Kung kaya pumasok naman si Dante at nadatnang naglilinis siya ng kwarto. “Sorry medyo maalikabok pa rito. Upo ka muna, malapit na akong matapos,” wika pa niya.
Naupo naman si Dante sa kama, habang pinagmamasdan ang isa, “May tagapaglinis tayo, sumusweldo sila dahil doon, bakit ikaw ang gumagawa niyan,” pamumuna nito.
Tuluy-tuloy parin sa paglilinis ang isa, “Di kasi ako sanay na may ibang mangingialam ng gamit ko. Mas okay na ako yung mag-ayos para kabisado ko kung saan man sila nakalagay diba?”
Sumang-ayon naman ang ginoo, “Kung sabagay.”
Ilang minuto pa ay hinubad na ni Catalina ang kanyang apron at gloves na ginamit sa paghuhugas. Naghilamos muna ito ng mukha at naghugas ng kamay bago humarap kay Dante.
“Sorry, sorry. Natagalan ata. A, e, Dante, kamusta ang araw mo?” tanong niya rito. Nais niyang kahit papaano ay makilala pa ang ginoo, ngunit mailap ito sakanya.
At kagaya ng inaasahan, nagwika ito, “I’m good. So, bakit mo pala kailangan ang mga bagay na iyon?” baling nito ng usapan.
Natigilan siya at medyo nalungkot dahil bigo na naman siyang makipag-kaibigan dito, “Kasi, medyo nakakainip dito sa bahay. At alam kong bawal ako lumabas, kaya gusto ko sanang may mapag-libangan, at maging maalam din sa nangyayari sa labas,” sagot naman nito.
Napaisip si Dante sa kanyang kasagutan, “Kung nais mo ng mapaglilibangan, binilhan kita ng magagamit mo, mga libro, at swimsuit para kung gusto mong lumangoy at tumambay sa dalampasigan, pwede naman. Basta’t magpasama ka lang,” wika nito.
“So, no PC Tablet, smartphone and TV?” nag-aalangang tanong niya.
“I don’t see the need para magkaroon ka ng PC Tablet or smartphone, pero ipinapakabit ko na sa study room ko ang TV,” sagot nito.
Hindi man niya nakuha lahat, ngunit masaya na si Catalina sa isang bagay na pinagbigyan siya. Halos yakapin niya si Dante, ngunit naghunus-dili ito.
“Talaga? Salamat, salamat. Okay na ako doon,” nakangiting sabi niya.
“But, Catalina, you can only watch in the study room ko, and make sure to lock the door before you do,” bilin nito.
“Oo, Dante, oo. Pangako. Salamat talaga,” abot-langit ang kanhyang kasiyahan. Hindi man niya ramdam na siya ay bilanggo sa mansyon, nais parin niya ng ibang pagkaka-abalahan.
“Change your clothes and let’s eat dinner. I’ll join you sa panunuod mo ng TV dahil kailangan ko pa natin ipa-set-up iyon. I will wait for you downstairs,” sabi nito bago tuluyang lumabas ng kwarto ng babae.

Komento sa Aklat (408)

  • avatar
    EugenioKatrina

    done

    08/08

      0
  • avatar
    RomanticoJhomar

    very nice movie

    23/07

      0
  • avatar
    Razel Jacob Concha

    ganda ng novila

    25/03

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata