Chapter 9

May limang minuto ko ng pinagmamasdan ang aking itsura sa malaking salamin. Nagdadalawang isip akong lumabas dahil sa suot kong casual dress. Hindi kasi siya mukhang pang-office attire. Denim yellow ang tela niya at see through naman ang puff sleeves na hangang siko ang haba. May belt siyang kulay white may butones pa sa gitna hangang sa ibaba. Hangang gitnang hita ko ang haba nito. Hindi ko pa na try na magsuot ng ganitong mamahaling damit kaya parang hindi ako comfortable. Kahit ang close shoes na kulay puti ay mataas din ang takong na sa tingin ko ay three inches ang haba.
Ako ba talaga ito?
Hindi ko akalain na may igaganda pa pala ako. Hindi ko maiwasan ang ngumiti dahil bagay na bagay sa akin ang kulay nito at hindi siya masakit sa mata. Kaya lang, do I really deserve this? I mean, isa lang naman akong sekretarya ni Sir Bernard. Tama bang tangapin ko ang lahat ng ito?
Masyado na akong nag-over think pero sana naman hindi na niya ako bigyan ulit ng mga bagay na gaya nito o iba pang mamahaling bagay. Malaki na ang naitulong niya sa akin lalo na nang patirahin niya ako dito. At isa pa mas ayokong bigyan ng malisya ang lahat ng ipinapakita niyang kabaitan. Mahirap na, baka imbis na mawala yung paghanga ko sa kanya ay mas lalo pang lumala. Ayokong magmahal ng lalaking kahit kailan ay hindi ako magugustuhan. Masakit yun, kaya mabuting ngayon pa lang ay dumistansya na ako sa kanya bago pa ako maghulog ng malalim sa kanya.
Inilugay ko lang ang mahaba at kulay itim kong buhok na lagpas sa aking balikat. Naglagay din ako ng manipis na make-up para naman hindi gaanong maputla ang kulay ko.
Huminga muna akong malalim at baka sakaling makaipon ako ng confidence. Paglabas ko ng pinto ay saktong lumabas din si Sir Bernard. Bihis na bihis na din ito at as usual napakagwapo pa din. Saglit akong napatingin sa kanya bago ko isinara ang pinto.
Bigla akong nahiya!
Napagawi ang tingin ko sa kanya nang maramdaman kong papalapit na siya sa akin. Sinuyod niya ako mula ulo hangang paa. Kaya lalo akong nakaramdam ng hiya.
“Mabuti naman sinuot mo. See? Bagay sa’yo, hindi ka na mukhang sales lady sa mall. May lunch meeting ako mamaya kay Mr. Morales diba? Sumama ka na sa akin, and then ihahatid muna kita dito. May importante lang akong dadalawin. Dito ako mag di-dinner kaya sarapan mo yung niluto mo. If need mo ng ibang ingredients call me. Para matawagan ko si Aling Cordia.” Mahabang bilin niya sa akin. Pagkatapos ay nauna na siyang lumakad palabas. Nakangiting sinundan ko siya ng tingin. Ang lapad kasi ng balikat niya at bagay na bagay din ang suot niyang three piece suit. Pero sa haba ng sinabi niya yung pinakaunang linya lang ang narinig ko. Which is bagay daw sa akin ang suot ko. Grabe naman siya sa sales lady. Eh mas maganda pa nga ang suot nila kaysa sa suot ko kahapon.
“Hey! Hindi ka ba papasok?” Tawag niya sa akin na ikinagulat ko kaya. Mabilis akong naglakad upang sumunod sa kanya.
Nang makarating kami sa opisina ay pumasok na agad siya sa loob. Ako naman ay nagpunta na agad sa table ko. Abala ako sa pagtitipa ng keyboard nang dumating si Ma’am Trixie.
“Hi Ma’am Goodmorning.” Nakangiting bati ko sa kanya. Pero tinignan lang niya ako na parang nagdadalawang isip kung kakausapin niya ako.
“Wow! You look different from yesterday. Akala ko nga bago na ulit ang sekretarya niya pero ikaw pa rin pala. Nice dress, maganda ka rin pala.” Nang-uuyam niya akong sinuyod ng tingin.
“Thank you, Ma’am Trixie. What can I do for you?”
Ipinatong niya ang kanyang bag sa ibabaw ng desk ko. At bahagyang lumapit sa akin.
“Bigay ba sa’yo ni Mr. Villegas ang damit mo?” Tanong niya na ikina-awang ng labi ko. Hindi ko alam kung sasagutin ko ang tanong niya dahil baka magalit siya sa akin. Pero hindi ko naman kayang magsinungaling sa kanya.
“Ah, eh—”
“I knew it. Wag ka ng magpaliwanag. Hindi lang naman ikaw ang unang babae na binilhan niya ng damit. But I’m warning you. Limang babae na ang sinabunutan ko at kinaladkad pababa ng building. Kaya kung ayaw mong magaya sa kanila mabuti pang isipin mo muna ng ilang libong beses. I’m his Fiancé and you’re just his secretary the moment na pumayag kang maging laruan ng boss mo. Siguraduhin mong mas pipiliin ka niya over me.” Nakataas ang kilay niyang pahayag sa akin. At pa-irap niya akong tinalikuran. Bago niya kinuha ulit ang kanyang mamahaling bag at nagtungo sa pinto ni Sir Bernard. Naiwan akong nakatayo at ina-absorb ng utak ang lahat ng sinabi niya. Ni minsan hindi ko inisip na agawin si Sir Bernard sa kanya. At mas lalong hindi ko pinangarap na maging boyfriend siya. Lalo na ngayon unti-unti ko na siyang nakikilala. Hindi ako naghahangad na tapunan niya ng especial na pagtingin. Ang akin lang naman ang makapagtrabaho dito at makilala ang lalaking matagal ko ng hinahangaan. Si Sir na mismo ang nagsabi sa akin na wag ko siyang aakitin dahil madali siyang maakit sa babae at wala akong intensyon na gawin yun.
Padabog kong ibinagsak ang aking puwet sa upuan. Ngayon lang ako naka-encounter ng babae kagaya niya. Maganda at balingkinitan ang katawan, at higit sa lahat halatang mayaman pero hindi man lang kayang maitago ang sama ng kanyang ugali.
“Ms. Briones come here.” Narinig kong tunog sa intercom. Nagulat pa ako dahil malalim nga ang iniisip ko dahil sa bruha na yun!
“Yes Sir.” Sagot ko sa kanya at inayos ko ang aking sarili. Bago ako pumasok sa loob. Pero natigil ako sa paghakbang nang makita kong nakaupo pa si Ma’am Trixie sa kanyan hita at naka-ikot pa ang kamay nito sa leeg niya samantalang siya naman ay nakahawak sa manipis nitong beywang.
“Ah, ano po yun Sir?” Nakayuko ‘kong tanong sa kanya.
“Print me a copy of the agenda for today’s meeting. And please order me garlic and cauliflower pasta and lemon juice in the restaurant for my girl—”
Hindi na niya natuloy ang sinabi niya dahil yumuko si Ma’am Trixie at inabot ang kanyang labi. Literal na nalaglag ang panga ko dahil naghahalikan lang naman sila sa harapan ko.
“Y-Yes Sir.”
Kaagad akong tumalikod dahil ako pa mismo ang nakaramdam ng hiya sa kanila. Dinig na dinig ko pa ang tunog ng halik nila. Nakagat ko ang ibabang labi pagkasara ko ng pinto at naiiling na nagtungo sa table ko at naupo.
Ano naman kung naghalikan sila? Eh mag-syota naman ang dalawang yun? Pero tama bang sa harap ng ibang tao nila yun gawin? Pwede naman sila umakyat sa penthouse kung gusto talaga nilang mag-sex. Bakit sa opisina pa? Alam kong hindi dapat ako nangingi-alam pero kasi hindi naman lahat ng tao ay okay lang makasaksi o makarinig ng ungol ng iba. Yes I’m not a virgin. But I was sensitive dahil babae din ako.

Komento sa Aklat (183)

  • avatar
    Rham Ynel Hermo Verganio

    ang ganda

    17/08

      0
  • avatar
    Gloria Andaya

    sasamahan nalang kita

    11/08

      0
  • avatar
    AquinoKimbert

    maganda ang story

    28/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata