“Wow ang sarap nito ah? Anong tawag sa lutong ito?” Tanong niya habang humihigop ng sabaw sa mangkok. Nagtataka ko siyang tinignan. “Ngayon lang po kayo nakakain ng sinigang Sir?” Kunot noo kong sa kanya. “Ah, so this is sinigang na pork? I already eat sinigang with shrimp. But this is much better taste.” Sagot niya na ikinangiti ko. Syempre! Proud na naman ako sa aking sarili maserep daw eh. “Yes, Sir mas masarap po talaga yan lalo na kapag maraming gabi.” Lalo na kapag si Inay ang nagluluto. “Really? Next time magpapabili ako ng gabi. Nakalimutan siguro ni Aling Cordia.” Napaangat ako ng tingin sa kanya. Akala ko kasi siya ang namili ng mga ito. “Sino po si aling Cordia?” Usisa ko. Tumigil siya sa pagsubo at tumingin din sa akin. “Siya ang taga-bili ng groceries ko. Kasambahay namin siya sa pamilya pero pinapupunta ko lamang siya dito kapag kailangan ko ng stock saka may regular na naglilinis ng bahay ko araw-araw kaya no need to clean. Pero sa kanya-kanya nating kwarto tayo na lang ang maglinis hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya. For privacy reason lang.” Paliwanag niya sa akin na ikinatango ko. “Ah, okay po. Kaya ko naman po maglinis at mag-grocery para naman mapalitan ko yung pagmamagandang loob niyo.” Nakangiting sabi ko sa kanya na ikinatigil niya. “Kaya mo bang sumakay ng elevator mag-isa?” Nakataas ang kilay niyang tanong. Nakalimutan ko nga pala na hindi ako basta-basta makakababa dito. Napansin niya siguro ang pananahimik ko kaya nginitian na lamang niya ako. “No need Ms. Briones basta mag-focus ka sa trabaho mo. Yun lang ang kailangan ko.” “Salamat po.” Ipinagpatuloy ko ang pagkain at ganun din siya tahimik na kaming dalawa hangang matapos kami. Pagkatapos niyang kumain ay nagpaalam na siyang papasok na sa kanyang kwarto. Ako na rin ang naghugas ng pinagkainan naming dalawa. Papasok na sana ako nang may makita akong babae sa salamin na pinto. May dala siyang mga paper bags at may kausap sa phone. Bubuksan ko na sana ang pinto pero napalingon ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ni Sir Bernard. “Ako na.” Nakasuot lang siya ng bathrobe at basa pa ang kanyang buhok. Umalingasaw din ang kanyang mabangong shower gel. Binuksan niya ang pinto at kinuha ang dalang paper bag ng babae. May binigay pa itong itim na card tapos ay umalis na rin ito. “Sige po Sir, papasok na po kayo kung wala po kayong ipapagawa.” Paalam ko sa kanya. “Sandali lang Ms. Briones.” Tawag niya sa akin. Kaya lumapit ako sa kanya. “Ano po yun Sir?” “Para sa’yo ang mga ito. Mga casual attire para naman may susuotin ka pagpasok bukas.” Wika niya sabay abot sa akin ng anim na paper bags. “Po? Sir hindi ko po matatangap ang mga yan.” Katwiran ko sa kanya at hindi ko kinuha ang inabot niyang paper bags. Nakakahiya! Ang dami ko ng utang sa kanya tapos pati ba naman damit? “Kunin mo na Ms. Briones kung ayaw mo ng free ibabawas ko na lang sa sweldo mo ng isang taon.” Dagdag pa niya na lalong ikinapula ng mukha ko. “Pero Sir? Mukhang mamahalin ang mga yan baka kulang pa ang isang taon kong sahod para mabayaran po yan.” Litanya ko sa kanya. Napabuntong-hininga siya dahil sa pagtangi ko. Yare na baka maubusan pa ng pasensya at masigawan pa ako! “Mas importante sa akin na may maayos kang masusuot lalo na kapag nasa meeting ako. Kaysa ang halaga ng mga yan. Alam mo naman na ikaw ang kasama ko kapag haharap ako sa mga meeting at kahit saang business trip ako pupunta. Tangapin mo na ang mga ito bago pa ako mangalay.” Seryosong wika niya sa akin. Nahihiyang inabot ko ang mga paper bags pero dahil sa dami at laki ng mga ito ay nahulog ko ang isang maliit na paper bags at lumabas ang laman nitong— “Durex micro thin?” Sambit ko nang pinulot ko ang box pero bigla niyang inagaw sa akin ang box at mabilis na dinampot ang maliit na paper bag na nahulog. “Akin ‘to, goodnight.” Nagmamadali niya akong tinalikuran. Sumulyap pa siya sa akin bago niya isara ang pinto. Wala akong nagawa kundi pumasok sa aking kwarto. Ipinatong ko sa ibabaw ng kama ang mga paper bags. Mabigat ang mga yun siguro bukod sa mga damit may iba pang naroroon. Kinuha ko ang laman ng mga paper bags at halos hindi ako makapaniwala. Bukod kasi sa puro casual dress ang mga yun. May mga pares din ng sapatos sa ibang lagayan limang pares ng sapatos. At limang pares din ng casual dress. Kahit walang tag price ay halata namang mamahalin ang mga ito. Paano ko naman babayaran ang mga ito? Kinabukasan ay maaga akong gumising at naligo. Nakabalot pa ng tuwalya ang basa kong buhok. Nakasuot ako ng simpleng bistida. Hangang tuhod ko ang haba nito. Pambahay ko kasi ito kapag wala akong pasok bago ako lumabas upang maghanda ng almusal. May natira pa naman kaming kanin kagabi kaya gumawa na lamang ako ng fried rice at pritong manok nagisa din ako ng gulay at nilagyan ko ng karne ng manok. Para masarap hindi ko alam kung ano ang mga gustong kainin ni Sir dahil hindi din naman niya sinasabi. Basta ang sabi niya ako na daw ang bahala sa lulutuin. Nang makahain na ako at napagtimpla ko na rin siya ng kape ay lumabas na si Sir sa kanyang kwarto. Dala niya ang kanyang lagayan ng laptop at ang maliit na paper bag na nakita ko kagabi. Ipinatong niya ito sa ibabaw ng maliit na mesa sa sala. “Kung ano man yung nakita mo kagabi kalimutan mo na yun. Lahat naman ng lalaking ayaw makabuntis meron noon.” Wika niya sa akin habang naghihila siya ng upuan. “Yung condom Sir? Sorry po hindi ko din naman sinadyang makakita ng ganun.” “Ibig sabihin alam mong condom ang laman noon?” Kunot noo niyang tanong sa akin. “Yes po, normal naman po yun.” Nakangiti kong sabi sa kanya. At umupo na rin ako. Actually yun ang hindi nagpatulog sa akin kagabi. Marami kasi siyang babae kaya dapat talaga ay mag-ingat siya. “Am, alam ba ng boyfriend mo na nakatira ka dito?” Tanong niya na ikinabigla ko kaya nasamid ako. Mabuti na lamang at may tubig sa tabi ko at nakainom ako agad. Simulay noong maghiwalay kami ni Troy wala na akong ibang naging boyfriend. Kahit maraming nanliligaw sa akin ay hindi ko sila pinapatulan. Dahil para sa anak at magulang ko muna ang lahat ng ginagawa ko ngayon. Gusto kong makabawi sa kanila habang nandyan pa ang mga magulang ko. Mahirap kasi magkaroon ng boyfriend. Mahahati pa ang priorities mo. “W-Wala po akong boyfriend Sir saka hindi po ako nagpapaligaw.” Sagot ko sa kanya na ikinatigil niya. “I hope you don’t mind. Nasan na ang father ng anak mo?” Tanong niya sa akin. Kaya napatingin ako sa kanya. Inilagay ko nga pala yun sa resume ko. Hindi ko naman kinakahiya ang anak ko. Hes my life now kaya I’m proud to be a single mother. Naitaguyod ko siya sa maayos na paraan kahit ako lang mag-isa. “Patay na po Sir, nasagasaan ng tren.” Nakangiting sabi ko sa kanya. “What? Patay na? Why you’re smiling?” Kunot noo na tanong niya sa akin. Hinigop ko muna ang kape ko bago ko sagutin ang tanong niya. “Matagal ko na siyang pinatay Sir. Matapos niyang talikuran ang anak namin.” Napakagat ako sa ibabang labi. Wala na akong nararamdaman kay Troy pero sa tuwing naalala ko kung paano niya ako ipagtabuyan noon ay bumabalik pa rin sa alaala ko ang hirap na pinagdaanan ko. “I’m sorry to hear that. Hindi niya alam kung anong klaseng babae ang sinayang niya. I hope you’re okay now.” Wika ni Sir. Napatitig ako sa kanyang mga mata. Totoo ba yung narinig ko? “A-Ay oo naman Sir! Matagal na rin po yun. Wala na rin akong pakialam. I’m happy now.” Nakangisi kong sabi sa kanya. Hindi ako naawa sa sarili ko dahil mag-isa kong tinataguyod ang anak ko. I’m a strong woman. And I deserve to be happy.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ang ganda
17/08
0sasamahan nalang kita
11/08
0maganda ang story
28/06
0Tingnan Lahat