Chapter 43

Bernard’s POV
Papunta pa lang kami sa Van dinig ko na ang pagtatalo ng mga girls assassin na kasama nila Xandro sa papunta dito. Kung hindi namin pinasundan ang galaw ni Trixie. Hindi namin malalaman ang gagawin nitong pagpapahirap kay Sam bago patayin. Mabuti na lamang din at magagaling ang mga kaibigan ni Xandro.
“Yun na yun? Akala ko Malalakas ang mga pugot na dilang mga yan. Ni hindi man lang pinagpawisan ang singit ko!” Reklamo ni Keyla.
“Eh, paano pagpapawisan ang singit mo isa lang naman ang pinatay mo binaril mo pa agad.” Litanya naman ni Riya na isang pulis.
“Paano din naman kasi inubos na ni Luna. Akala ko naman may back -up pa. Mas malala nga si Sol at nakatingin lang kay Luna habang naglalaro lang eh!” Dagdag na reklamo pa ni Keyla.
Napangisi si Luna habang pinupunasan ang samurai nitong punong-puno pa ng dugo.
“Sinubukan ko lang kung matalim itong regalo ni mamita.” Nakangisi niyang sabi.
Napalingon si Sol sa amin nang kami.
“Dapat si Luna na lang ang sinama mo kuya Xandro. Sayang lang ang presensiya ko dito.” Reklamo ni Sol kay Xandro.
“S-Sino sila?” Nagtatakang tanong ni Sam. Isa-isa niyang sinuyod ng tingin ang mga kasama naming babae.
“Mga sisters ko sila.” Nakangiting sabi ni Nara na ikinangiti naman ng lahat. Nagpakilala sila kay Sam at nagpasalamat naman si Sam sa kanila.
“Naku, areng babae ba ang nagpadukot sa’yo?” Nakataas ang kilay na tanong ni Keyla.
“Maganda naman pala eh, mas maganda pa sa’yo Keyla. Pero mukhang mas maganda kung balatan na natin ng buhay dito. Pampasikip lang ng kulungan yan…” Walang pag-aalinlangan na sabi ni Luna na ikinatago naman ni Trixie sa likod ni Troy.
“Anong mas maganda? Lamang lang ng isang kutsarang gluta maganda na?” Mataray na litanya ni Keyla.
“Girls, tama na yan. Mabuti pa ipaubaya na natin kay Riya ang lahat. At ikaw Riya, sumunod ka na lang sa headquarters natin ipapadala na ni Xandro yung napag-usapan.” Sabat naman ni Nara na ikinangiti ni Xandro sa kanila.
Pagkatapos ng mahabang pagtatalo ay nakapasok na rin kami sa van. Pinauna na kami ni Xandro dahil kailangan naming pumunta sa hospital. Kasama namin si Nara na siyang nagmamaneho.
Sila naman ang bahala kila Trixie at sa mga tauhan nito.
“By the way Sam, may damit diyan sa ilalim. Bago yan mukhang magkasukat naman kayo ni Keyla. May pupuntahan sana kami kanina kaya kami nagbaon ng damit pero hindi natuloy dahil tinawagan kami ni Xandro. Gamitin mo muna malinis naman yan.” Nakangiting sabi ni Nara. Palingon-lingon pa sa amin.
“Salamat Nara, kung hindi dahil sa inyo baka kung ano na nangyari sa aming mag-ina.” Mahinang sambit ni Sam. Ako na mismo ang kumuha ng damit at iniabot ko sa kanya.
“Naku wala yun! Maliit na bagay. Malaki din ang natutulong sa amin ni Xandro lalo na noong nasa university pa kaming lahat. Kaya hangang ngayon ay tinutulungan pa rin namin ang isa’t-isa.”
Kung kami lang ni Xandro ang nagligtas kay Sam baka hindi namin nakaya. Hindi kasi ako kasing galing ni Xandro sa aming lahat na magkakaibigan ay sila ni Fernan ang madalas magkasama lalo na sa mga training sa ganung bagay. Hindi ko din naman aakalain na darating ang araw na ito na manganganib ang buhay ng mahal ko sa buhay. Kaya simula ngayon ay mas pagtutuunan ko na ng pansin ang paghawak ng sandata para in case na may mangyari ulit na masama. Wag naman sana ay maipagtangol ko naman sila. Napakagaling din nila sa lagpas bente na mga lalaki ay nagawa nilang patayin lahat yun. Kaya nakaabante kami at nahanap namin si Sam.
“See? Kasya, ibig sabihin ay sexy ka din pala parang dalaga pa rin.” Pansin niya nang pasadahan niya ng tingin si Sam. Ganum din ang nakikita ko. Pero bakas pa rin sa mukha niya ang pag-alala siguro dahil sa mga magulang niya. Nakatulog na rin si Calix habang nakasandal sa akin.
“Pagkababa ko sa inyo aalis din ako agad. Para masundo ko sila sa presinto.” Wika niya sa akin na ikinatango ko.
Pagkarating namin sa hospital ay nagpaalam at nagpasalamat na rin kami sa kanya. Bago siya umalis. Kaagad naman kaming umakyat sa taas. Ang huli kong balita ay tagumpay ang naging operasyon sa mag-asaw kaya kahit paano ay nakahinga na rin ako ng maluwag.
Buhat-buhat ko si Calix habang hawak ko naman ang isang kamay niya papunta sa private room kung nasaan ang mga magulang niya.
Pagbukas palang ng pinto ay umiiyak na si Sam na nilapitan ang kanyang Ama at Ina. Gising na din ang mga ito at nasa magkahiwalay na hospital bed.
“Sam! Jusko! Mabuti naman at ligtas ka…” Umiiyak na wika ng kanyang Ina.
“Inay, Itay…mabuti naman okay lang kayo. Akala ko talaga ay hindi ko na kayo makikita..” Humihikbi na sabi niya sa kanila. Yumakap siya sa nakahiga niyang Ina.
“Kayo ni Calix, ang inaalala namin. Akala namin ay kung ano na ang nangyari sa inyo. Mabuti naman at nakaligtas kayo…” Wika naman ng kanyang ama. Lumipat sa akin ang kanyang tingin.
“Bakit ka nandito?” Tanong niya sa akin na ikinabigla ko. Alam kong galit pa rin siya sa akin.
“Tay, kung hindi dahil sa kanya at sa mga kaibigan niya baka hindi na tayo nagkita pa.”
“Tay Gustin, mahal ko po si Sam at si Calix. Kung gusto niyo na naman akong umalis kagaya ng ginawa ko kahapon na ikinapahamak ng mag-ina ko. Patawarin niyo ako hindi ko gagawin ang gusto niyo. Hindi ko siya pinagsamantalahan noon. Nagkamali lang ako ng pinasok na kwarto. Akala ko girlfriend ko siya. Si Troy ang nagplano ng lahat. Hindi ko ginusto na saktan at iwanan sila noon dahil hindi ko alam na nabuntis ko siya. Pero ngayon, gusto kong malaman niyo na gusto ko siyang pakasalan.” Mahabang piliwanag ko na ikinatigil nila. Nakangiti at nangingilid ang luha na sumulyap sa akin si Sam.
“Hindi na po ako galit sa inyo Papa.”
Napatingin ako kay Calix dahil gising na pala ito karga ko pa din. Nakatingin siya sa aking mukha at nagiintay ng sasabihin ko.
“Thank you anak. Thank you dahil pinatawad mo na ako…” Sambit ko. Niyakap niya akong muli at hindi ko maiwasan ang mapangiti. Sobrang sarap pala sa pakiramdam ang mayakap ng anak.
“Hindi na kita paalisin. Kung ano ang magiging desisyon ni Sam. Siya ang masusunod. Naisip ko na baka ilang taon na rin ang ilalagi ko sa mundo.”
“Tay naman!”
“Gustin, ano ba yang sinasabi mo.”
Halos sabay nilang saway sa kanya.
“Sinasabi ko lang totoo. At ayokong mawala sa mundong ito nang hindi ko sigurado kung magiging okay ang anak ko. Pero binabalaan kita. Kapag niloko mo ulit at sinaktan ang apo at anak ko. Kahit sa kabilang buhay magagarote kita.” Seryosong sabi niya sa akin na ikinagulat ko.
“Ibig pong sabihin…payag na kayo makasal kami ni Sam?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Marahan siyang tumango sa akin.
“Thank you po..Tatay Gustin!”
Napalapit ako sa kanya at napayakap na rin. Pagkatapos ay kami naming tatlo ang nagyakap.
Sa wakas….mabubuo na kami. Bilang isang pamilya!
Pagkatapos ng madamdamin naming pag-uusap sa loob ay nagpaalam muna kami. Kumuha na rin ako ng mag-aalaga sa kanila dahil kailangan na rin magpahinga ni Sam at Calix. Nagpasya akong kumuha ng malaking hotel room para sa aming tatlo ba malapit lang sa hospital.
“Ah, san kami matutulog mamaya?” Tanong niya sa akin nang mailibot niya ang kanyang tingin sa loob ng mamahaling room. Bukod kasi sa dalawa ang kwarto na kinuha namin at masyado ding malaki ang sala at kusina kasya ang isang buong pamilya na may limang myembro.
“Kailangan pa ba itanong yan?” Nakangiti kong tanong sa kanya na ikinapula ng kanyang pisngi.

Komento sa Aklat (183)

  • avatar
    Rham Ynel Hermo Verganio

    ang ganda

    17/08

      0
  • avatar
    Gloria Andaya

    sasamahan nalang kita

    11/08

      0
  • avatar
    AquinoKimbert

    maganda ang story

    28/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata