Chapter42

Sam’s POV
“Please wag!”
Impit na sigaw ko nang halikan niya ako sa leeg. Nakahawak ang isa niyang kamay sa aking dibdib na wala ng takip dahil tinangal na rin niya ito. Para siyang asong ulol na sinisinghot ako at gustong lapain.
“Hoy Boss! Tirahan mo naman kami!” Sabay-sabay silang nagtawanan na lalong ikinalumo ko. Gustuhin ko man na iwasan siya. Gustuhin ko man makatakas. Alam kong wala parin akong laban sa kanya. Lalo pa at hawak ko pa rin ang tali ni Calix.
“Mas maganda siguro kung pati ang panty mo tangalin ko na din diba?” Nakangisi niyang sabi. Hindi ko na alam kung paano ako magmamakaawa sa kanya dahil animo’y bingi pa rin ito sa lahat ng sinasabi ko sa kanya.
“Wag ka ng umiiyak. Mag-eenjoy ka rin naman. Wag kang mag-alala malay mo maawa kami sa’yo imbis na patayin gagawin ka na lamang naming sex slave para naman may laruan.”
“Hayup ka! Patayin mo na lamang kami. Bakit kailangan niyo pang gawin ‘to sa akin. Hindi ba kayo natatakot gumawa ng masama? Pati ang walang kamuwang-muwang na bata idadamay niyo sa kahayupan niyo!”
Hindi ko na napigilan ang sumigaw sa kanya. Kung wala din namang tutulong sa akin para makatakas mas mabuti pang galitin ko na lamang siya para patayin niya na ako ng mabilis. At magkasama nalang kami ng anak ko.
“Sa tingin mo ba papasukin namin ‘tong trabaho na ito kung may natitira pa kaming awa sa katulad mo?!”
“Ahhh!” Napasigaw ako nang tuluyan niyang hilahin ang natitirang saplot ko sa kantawan.
“Sa lahat ng naging trabaho ko ito na ata ang pinakamasarap!” Nakangising demonyo niyang sabi sa akin. Kasabay ng malalakas na halakhak sa paligid.
“Patayin mo na ako please…wag mo na akong pahirapan…” Humikhibing sabi ko sa kanya. Exposed na ang lahat ng parte ng katawan ko at patuloy na naglalakbay ang nakakadiri niyang kamay sa akin.
“Pahirapan? Hindi naman yun ang gagawin namin. Nakalimutan mo na ba yung sinabi ni Ma’am Triexie? Kami na mismo ang maghahatid sa inyo sa langit!” Parang baliw na usal niya. Wala ng tigil ang pagdaloy ng luha ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang ganito. Hangang sa nagulat na lamang ako nang umalingaw-ngaw ang putok sa paligid.
“Ano yun?!” Sigaw niya sa mga ito. Kaagad nagpulasan ang mga lalaki at naiwan siya sa akin.
Inilibot ko ang aking paningin. Malalakas na putok pa rin ng baril ang aking naririnig hindi ko alam kung sino ang may gawa noon pero malakas ang kutob ko. Nahagip ng aking tingin ang isang nakaitim at mahabang buhok ng babae na mabilis na tumaktakbo papunta sa dereksiyon ko.
Kitang-kita ko kung paano siya parang kidlat na tumakbo at lumundag sa butas sabay yakap niya sa anak ko at bumagsak sila sa lupa.
Akmang babarilin siya ng lalaki nang isang malakas ulit na putok ang umalingaw-ngaw. Kasabay ng pagkalugmok niya sa lupa.
“B-Bernard…”
Nanghihinang binaba ko ang aking kamay na may tali. Sobrang sakit ng buong braso ko. Nanlulumo siyang nakatingin sa akin.
“Samantha…” Usal niya.
Napahikbi ako nang yakapin niya ako. Nararamdaman ko pa ang mabigat niyang paghinga. Hindi ko inaasahan na maililigtas niya pa kami ni Calix dahil akala ko ay katapusan na naming dalawa.
“I’m sor-ry...” Tila nahihirapan niyang usal sa akin. Para akong batang humahagulgol sa kanya habang nakayakap siya ng mahigpit sa akin.
“Safe na ang anak niyo pero pwede bang damitan mo muna siya? Masakit sa mata eh.” Wika ng babaeng kasalukuyang nagtatangal ng tali at piring ni Calix.
Hinubad niya ang kanyang jacket at isinuot sa akin. Sa laki nito ay umaabot lang sa kalahati ng hita ko ang haba.
Hinawakan niya ang aking pisngi at ramdam ko ang awa niya sa akin.
Yayakapin ko sana siyang muli pero nakita ko ang pagtayo ng lalaki sa likuran niya.
“Bernard!” Sigaw ko dahil nakatutok ang baril nito sa amin. Umalingaw-ngaw ulit ang isang malakas na putok ng baril akala ko ay tinamaan na niya si Bernard pero ang lalaki ang bumagsak mula sa likuran niya nakatayo doon ang isa pang lalaki na may hawak na malaking baril.
“Dapat kasi pinuruhan mo muna. Paano kung hindi ako dumating?” Wika nang lalaki sabay ihip pa sa umuusok na baril nito.
“Salamat Xandro, salamat din sayo Nara.” Sambit niya. Napatingin ako sa babaeng sinambit niya ang pangalan. Nakangiti itong tumingin sa amin. Sa tingin ko hindi siya ordinaryong babae. Kaagad ‘kong nilapitan si Calix. Ako na mismo ang nagtangal ng piring niya.
“Okay ka lang ba anak? May masakit ba sa’yo?”
Lumuluhang yumakap siya sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan. Ipinagpasalamat ko na rin na nakatakip ang kanyang mga mata. Kaysa naman makita niya ang ginagawa sa akin ng mga hayup na yun.
“Uwi na tayo Mama…” Sambit niya sa akin. Niyakap ko siyang muli at naramdaman ko na rin ang pagyakap ni Bernard sa amin.
“Bernard, mabuti pa dalhin na natin sila sa safe na lugar siguradong kailangan na nilang magpahinga.” Wika ni Xandro na ikinatango niya.
“Ano ba! Let me go Troy!”
Napadako ang tingin namin sa babaeng sigaw ng sigaw. Si Trixie at hawak siya ni Troy na ikinagulat ko.
Mabilis na iniwan kami ni Bernard at sa isang iglap lang ay dumapo ang kanyang palad sa mukha ni Trixie na ikinabagsak nito sa lupa.
“Pasalamat ka ipapakulong lang kita! Dahil kung ako lang ang masusunod baka binalatan na kita ng buhay! Kulang pa ang sampal na yan sa lahat ng ginawa mo sa mag-ina ko. Sisiguraduhin ko sa’yo na mabubulok ka sa kulungan!” Nakaduro niyang sabi kay Trixie na ngayon ay hawak na ang nasaktang pisngi nito.
“Wag mong pakakawalan ang babaeng yan. Sisiraduhin kong pagsisihan niya ang ginawa niya sa mag-ina ko.” Tiim bagang niyang pahayag. Aalis na sana siya sa harapan nito pero mabilis na iniyakap ni Trixie ang kanyang kamay sa binti ni Bernard.
“Bernard, ayokong makulong. Maawa ka sa akin hindi ko kayang mabuhay sa kulungan. Maawa ka sa akin Bernard! Hihingi ako ng tawad sa babaeng yan kung gusto mo wag mo lang akong ipakulong maawa ka sa akin!”
Napangisi si Bernard at niyuko niya ito.
“Maawa? Hindi pa ba awa ang gagawin kong pagpapakulong sa’yo? Kung wala akong awa ibabalik ko ng double ang lahat ng ginawa mo sa mag-ina ko. Ma-swerte ka pa din. Kung hindi dahil sa mga magulang ko at magulang mo na matalik na magkaibigan baka kanina ko pa pinagulong ang ulo mo sa lupa.” Marahas niyang hinila ang paa niya na ikinatangis ni Trixie.
Pagkatapos ay nilapitan niya kami at kinuha si Calix sa akin. Binuhat niya ito at hinawakan ang aking kamay.
“Bernard! Bernard! Wag mo akong iwan dito! Bernard!” Narinig kong sigaw ni Trixie pero hindi ko na magawang lumingon pa sa kanya.

Komento sa Aklat (183)

  • avatar
    Rham Ynel Hermo Verganio

    ang ganda

    17/08

      0
  • avatar
    Gloria Andaya

    sasamahan nalang kita

    11/08

      0
  • avatar
    AquinoKimbert

    maganda ang story

    28/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata