Chapter 39

Sam’s POV
“Anong ibig niyang sabihin Samantha?” Mula kay Bernard ay napatingin ako sa mga magulang ko. Dahil sa bugso ng damdamin ko ay nakalimutan ko nang nagiintay nga pala ako ng tamang pagkakataon para sabihin sa kanila ang totoo. Pero sa halip ganito ang nangyari.
“Totoo ba ang sinasabi niya?” Ulit na tanong ni Itay naguguluhan na tumingin sa akin si Inay.
“Tay, Nay h-hindi po si Troy ang Ama ni Calix…si Bernard po…” Nakayukong sambit ko sa kanya.
“Anong ibig mong sabihin? Hindi mo alam na hindi si Troy ang Ama? At paano nangyari ito?” Naguguluhang tanong ni Itay sa akin.
“Tell me you’re lying Bernard! Paano naging ikaw ang Ama ng batang yan?!” Sigaw naman ni Trixie habang matalim ang mga matang tumingin sa amin.
Imbis na sagutin niya si Trixie ay lumapit siya sa amin.
“Tay Gustin, magpapaliwanag po kami ni Sam.”
Humarap si Itay sa kanya at nagulat ako nang bigla niya itong suntukin sa mukha kaya napasubsub si Bernard sa buhangin.
“Bernard!” Sigaw ni Trixie.
“Tay!” Sigaw ko din at agad na lumapit kay Bernard.
Nagtangkang lumapit ang ilang bantay na natira pero inangat ni Bernard ang kamay niya upang pigilan ang mga ito. Parang sinasabi nilang wag maki-alam.
“Tay, tama na ipapaliwanag ko din naman sa inyo ang la—”
“At anong sasabihin mo sa akin? Na hindi si Troy ang nagsamantala sa’yo kundi ang lalaking yan! Siya ba ang nagsamantala sa’yo Sam?” Galit na tanong ni Itay. Alam ko ng ganito ang mangyayari. Dahil yun ang sinabi ko sa kanila kaya nabuntis ako.
Sumugod ulit si Itay at sinuntok niya ulit si Bernard kaya muli itong sumubsub.
“Tama na Gustin!” Narinig kong pigil ni Inay habang yakap niya ang umiiyak kong anak.
Humarang na ako sa gitna nila para magmakaawa sa kanya. Dumudugo na rin ang ilong ni Bernard. Kilala ko si Itay kapag nagalit. Alam kong hindi niya titigilan si Bernard hanga’t hindi ito nawawalan ng malay. Baka mapatay niya pa ito.
“Tay, please…tama na…maawa kayo sa kanya.”
“Maawa? Naawa ba siya sa’yo nang pagsamantalahan ka niya? Naawa ba siya sa’yo noong mag-isa mong dinadala si Calix? Sa tingin mo maawa ako sa kanya pagkatapos ng ginawa niya sa’yo? Samantha anak…mataas ang pangarap ko para sa’yo. Kaya hindi na kami nagkaroon pa ng anak ng Inay mo para mabigyan ka namin ng magandang kinabukasan. Alam mo ba kung anong naramdaman ko noong umuwi ka sa amin at inamin mong buntis ka pero tinalikuran ka na ni Troy? Gusto ko siyang patayin anak…dahil napaka inosente mo pa noon at nag-aaral. Pero iniisip ko kayo ng Ina mo at ng magiging apo ko…kapag nakulong ako wala nang tutulong sa inyo. Wala nang masasandalan ang Ina mo. Tapos ganun-ganun lang? Malalaman namin ang totoo? Pati ba kami na mga magulang mo niloloko mo?” Panunumbat ni Itay sa akin. Alam kong ganun ang nararamdaman niya noon. At napakasakit para sa akin na makita silang dalawa ni Inay. Lalo na noong mga panahon na kinailangan namin ng pera para sa panganganak ko.
“T-Tay, hindi ko po kayo niloko ni Inay. Sasabihin ko rin naman sa inyo ang lahat.” Naluluhang sabi ko sa kanya.
“Pumasok kayo sa loob ng bahay.” Utos ni Itay sa amin.
“Pero Itay?”
Humarap siya kay Bernard na ngayon ay nakatayo na. Nasa likuran niya si Trixie at masama pa din ang tingin sa amin.
“Umalis ka na dito…at ayoko nang makita ka pa dito. Hindi ka kailangan ni Sam at ng Apo ko. Kung madali kang napatawad ni Sam. Ako hindi.” Mahinahon sabi ni Itay bago humarap sa akin.
“At ikaw, kung ayaw mong pumasok. Mamili ka. Kami ng Inay mo o ang rapist na yan…” Wika ni Itay sa akin na lalong ikinalumo ko. Paano ko naman magagawang pumili sa kanila?
“Tay Gustin, please hayaan niyo muna po akong magpaliwanag.” Pigil ni Bernard sa kaniya ng akmang aalis na ito.
Bumaling sa kanya si Itay “Wala ka ng dapat na ipaliwanag pa. Malinaw sa akin ang ginawa mo sa anak ko. At ayokong lumaki ang apo ko na gaya mo. Mapagsamantala sa kahinaan ng iba. Mabuti pang umalis ka na bago pa kita magarote. At isama mo na ang lintang yan.” Seryosong sabi ni Itay bago niya kami tinalikuran at nagmadaling pumasok sa loob ng bahay. Sumunod sa kanya si Inay at naiwan kaming dalawa ni Calix.
Akmang hahabulin pa siya ni Bernard pero ako na mismo ang pumigil sa kanya.
“B-Baka mas lalo lamang na lumala ang sitwasyon kapag pinilit natin si Itay.” Paki-usap ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko.
“Sam, hindi ko kaya…hindi ko kayang dito na lamang matapos ang lahat…paano kayo ng anak ko?”
Pilit ‘kong pinipigilan ang mapahikbi at pinunasan ko ang aking basang pisngi. Kahit ako ayoko siyang umalis. Ngayon pa na ayos na ulit kami. Ngayon pa na alam na rin nila ang lahat at unti-unti na rin silang nagkakabonding ni ni Calix.
Yumuko siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Calix na ngayon ay umiiyak pa rin.
“Ikaw ba ang Tatay ko?” Mahinang tanong ni Calix. Hindi ko na napigilan ang luha ko at patuloy lang sa pagdaloy. Dahil sa nasasaktan ako para sa kanilang dalawa. At para na rin sa mga magulang ko.
“Yes, I’m your father... ako ang Tatay mo Calix. I’m sorry….Son.” Sambit ni Bernard. Mahigpit niyang niyakap ang anak ko.
“I’m sorry, I’m sorry…patawarin mo ako…mahal na mahal ko kayo ng Mama mo. Mahal na mahal kita anak…”
Ngayon ko lang nakitang umiyak si Bernard kahit pala ang kagaya niya ay umiiyak din.
“Galit ako sa’yo…”
Narinig kong sabi ni Calix sabay tulak kay Bernard.
“Anak!” Tawag niya dito pero tumakbo na ito papasok sa loob ng bahay namin. Kahit ako hindi ako makapaniwalang gagawin yun ng anak ko.
“Umalis na tayo Bernard. Wala akong paki-alam kung ikaw pa ang Ama ng batang yun. Bigyan mo na lamang sila ng maraming pera para maka-ahon naman sila sa hirap.” Narinig ‘kong sabi ni Trixie. Akmang susugurin ko pa sana siya pero pinigilan ako ni Bernard at siya ang humarap dito. Ang sarap sanang lamukusin ang kanyang pagmumukha. Pero may pagtitimpi parin naman akong natitira.
“Mula sa gabing ‘to. Ayoko nang makita ang pagmumukha mo. Wag ka ng umasa na makakasal ako sa’yo. Hindi ikaw ang babaeng pangarap kong pakasalan. I would not trade a simple stone that is hard to find. Than a diamond that is easy to get.” Wika ni Bernard sa kanya. Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi.
“Yes, I’m a diamond…diamond that is hard to break. Paulit-ulit mo man akong saktan sa akin pa rin ang bagsak mo. At pagsisisihan mo ang gabing ‘to. Kung hindi rin naman kita makukuha. Walang ibang babae ang makikinabang sa’yo.” Giit ni Trixie.
“Are you threatening me?” Tanong ni Bernard sa kanya.
“Yes, so better be careful Mr. Villegas. Hindi pa ako tapos sa’yo.” Banta ni Trixie sa kanya bago niya ako matalim ang matang akong tinignan at talikuran.
Bumaling ng tingin sa akin si Bernard.
“Umalis ka na muna Bernard. Baka mas lalo lang magalit si Itay kapag nakita ka pa niya dito. Pero pangako kakausapin ko pa rin siya.” Bilin ko sa kanya. Ayoko ding dito na magtapos ang lahat. Okay na kaming dalawa. Pero nire-respeto ko pa din ang mga magulang ko na hindi tumalikod sa akin. Hindi ko pwedeng gawin lang ang gusto ko dahil sila pa rin ang aking pamilya.
“I understand, for now aalis muna ako. But don’t worry babalik agad ako. I’ll make sure to ask for forgiveness to them. Hindi ako titigil hanga’t hindi niya ako napapatawad. But promise me, na hindi ka lalayo ulit. Promise me na hindi mo ako iiwan.”
Sunod-sunod akong tumango sa kanya.
“Pangako, iintayin kita.” Sambit ko sa kanya. Magaan na halik sa labi ang tumapos sa pag-uusap naming dalawa. Nagpasya akong pumasok na para sundan si Calix. Maya-maya pa ay narinig ko na lamang ang tunog ng chopper. Sigurado akong si Bernard na yun. Nalulungkot man ako dahil sa nangyari wala na rin akong magagawa. Nalaman na ni Inay at Itay ang lahat at ang tangi ko na lamang magagawa ay kumbinsihin sila na patawarin si Bernard. Para mabuo na rin ang pamilya naming dalawa.
Kinabukasan ay wala pa ding imik si Itay sa akin. Kagabi nga ay hindi na daw ito nag hapunan. Si Inay lang ang kumakausap sa akin na hayaan ko muna si Itay. Nag-sorry na rin ako sa kanya. Alam kong masama din ang loob niya pero bilang isang Ina ay pinilit niya parin akong intindihin.
“Tay, kumain muna po kayo.” Wika ko sa kanya. Habang naghahanda na siya sa pagpalaot. Kumuha siya ng pingan niya pero hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin. Hangang sa nagulat ako nang malalakas na putukan ang aking narinig. Bigla akong kinabahan.
Mas nagimbal ako nang may pumasok sa amin na armadong mga lalaki at walang pagdadalawang isip na binaril si Itay na ikinabagsak nito sa lupa.
“Itay!” Sigaw ko sabay lapit sa kanya.
“Itay? Itay gumising ka!” Paulit-ulit ko siyang ginigising hangang sa nawalan na siya ng malay.
“Dalhin niyo ang babaeng yan at ang bata!” Wika ng lalaking nakabonet. Hindi ko na alam ang gagawin ko tumakbo ako papasok sa kwarto para puntahan ang natutulog na si Calix at agad ko siyang niyakap.
“Sino kayo?! Anong kailangan niyo sa amin? Mga walang hiya kayo!” Umiiyak na sigaw ko sa kanila. Tinutukan nila kami ng baril.
“Ano ba?! Lapitan niyo na sila bago pa dumami ang kalaban!” Sigaw ng isa kanina. Wala na akong nagawa kundi pagbabatuhin sila ng kung ano man ang madampot ko. Hangang sa nasukol na nila ako.
Kinuha nila si Calix na ngayon ay umiiyak na dahil sa takot. Susugurin ko sana sila pero naramdaman ko na lamang na may humampas sa akin kaya tuluyan na akong nawalan ng malay.

Komento sa Aklat (184)

  • avatar
    Jenni Ca

    Nice zksnsoKs

    2d

      0
  • avatar
    Rham Ynel Hermo Verganio

    ang ganda

    17/08

      0
  • avatar
    Gloria Andaya

    sasamahan nalang kita

    11/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata