Homepage/His Secretary's Secret/
Chapter 38
Pabalik na kami sa isla. Magaling narin si Calix. Nag-usap muna kami ni Bernard na hahanap ng magandang tiempo para sabihin kila Inay at Itay ang totoo. Galit ang naramdaman nila kay Troy noon at sabi niya pa sa akin ni Itay baka mahabol niya lang daw ito ng itak kapag nakita niya si Troy. Alam kong galit parin sila dito.
Mabuti na lamang at nakumbinsi ko si Bernard na ako na ang magsasabi sa kanila. Sa halos dalawang araw namin na pananatili sa hospital naging malapit ang mag-ama. Wala pa ding idea si Calix na Ama niya si Bernard. Gusto ko kasi kapag nasabi ko na kina Itay at Inay saka ko sasabihin sa kanya ang lahat. Hindi man niya maintindihan mukhang madali na yun dahil ngayon palang kitang-kita ko na ang pagiging malapit nilang dalawa.
“Tito Bernard, sasakay ba ulit tayo ng helicopter?” Tanong ni Calix sa kanya. Hawak na niya ito sa kamay.
“Yes, young man. Why? Natatakot ka din ba sa helicopter?” Nakangiting tanong ni Bernard sa kanya.
“Hindi po, brave ako like Mama.” Masayang sagot ni Calix sa kanya.
“Really? I thought nagmana ka sa Dad—”
Hindi na niya naituloy ng sikuhin ko siya.
“Po? Hindi ah, duwag daw ang Daddy ko kaya nasagasaan ng tren. Kasi imbis na alagaan niya kami ni Mama ay tumakas siya. Sabi ni Lola ko.”
Nagkatinginan kaming dalawa ni Bernard. Yun na kasi ang alam ni Calix simula noon. Hindi ko naman alam na darating ang araw na ito.
“What if buhay ang Daddy mo? Tapos gusto ka niyang makasama, kayo ni Mommy mo papayag ka ba?” Seryosong tanong niya dito. kinuha ni Calix ang kamay niya na nakahawak kay Bernard at pinagsiklop ang dalawa niyang kamay na parang naghahanap ng away.
“Susuntukin ko muna siya ng maraming beses, tapos kapag iyak na siya saka ako papayag.”
“Why naman? Galit ka ba sa kanya kaya mo siya gustong suntukin?”
Sunod-sunod na umiling si Calix sa kanya.
“Galit ako sa kanya kasi pinaiyak si Mama, galit ako sa kanya kasi hindi niya tinulungan si Mama na magtarbaho. Galit ako sa kanya kasi ayaw niya sa ‘kin kaya iniwan niya si Mama.”
Kaagad akong yumuko at pinantay ang mukha ko sa kanya.
“Calix anak, kapag malaki ka na ipapaliwanag ko din sa’yo ang lahat. Pero ngayon, happy na si Mama. Kaya kalimutan mo na yung galit mo okay? Strong si Mama kasi strong ka din. At kung bumalik ang Daddy mo ako na ang bahalang sumuntok sa kanya. Pero I’m sure kapag bumalik si Daddy may dahilan yun. Ibig sabihin gusto na niya tayong makasama. Para maging happy na rin tayo diba?”
Nakangiti siyang tumango sa akin na parang naiintindihan na niya ang lahat. Ang hirap kasing ipaliwanag sa kanya ang sitwasyon namin ni Bernard. At hindi ko alam kung paano ako magiging handa kapag dumating ang araw na yun.
“Wow! Ang laki ng helicopter!” Bulalas niya paglapag ng chopper malapit sa malawak na garden ng hospital.
Nauna niya akong inalalayan na sumakay. Sumunod na itinaas niya si Calix pagkatapos ay panghuli na siya. Si Bernard na rin ang nag-ayos ng noise reduction headset sa amin.
Kitang-kita ko ang mga nasa baba. Papalubong na rin ang araw kaya nagkukulay kahel na ang langit.
Ilang minuto lamang ang nakalipas ay nasa isla na kami. Unti-unting bumaba ang chopper sa patag na pampang. Naunang bumaba si Bernard at binuhat niya si Calix pababa. Sinalubong kami ni Inay at Itay. Tinawagan namin sila na kailangan muna naming manatili sa hospital para hindi sila mag-alala.
“Apo!”
“Lola! Lolo!”
Tumakbo si Calix para mayakap ang dalawa.
Nagkatinginan kami ni Bernard.
“Pwede bang sa kubo ko na kayo matulog? Natatakot kasi ako sa insekto.” Mahinang sambit niya na ako lang ang nakakarinig dahil paalis na rin ang chopper.
“Saka na kapag okay na ang lahat. Mabuti pa pagkatapos mong mailapag ang gamit mo pumunta ka sa bahay namin para makisabay ka na namin sa hapunan.” Nakangiting aya ko sa kanya. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi at hindi mabura ang ngiti niya.
“Maraming salamat Hijo sa pagligtas at sa pag-aalaga sa kanila. Hindi ko alam kung paano kita mababayaran sa kabutihan mo.” Wika ni Itay sa kanya.
“Wala po yun…kung may maitutulong naman why not po na tumulong. Ang mahalaga ay magaling na si Calix.” Sagot niya kay Tatay na ikinangiti nito.
Nang makarating na kami sa tapat ng bahay ay pumasok na siya sa kubo niya sumulyap pa siya sa akin kaya nginusuan ko na siyang pumasok na at kami naman ay pumasok na rin sa bahay namin.
“Naku, ang swerte natin sa kapitbahay natin Sam. At mukhang okay na rin kayong dalawa ah. Sayang lang at may-asawa na pala si Bernard.”
Napaangat ako ng tingin nang marinig ko yun kay Itay.
“Oo nga, at sobrang ganda din ng asawa niya. Kaya lang mukhang maarte.” Mahinang sambit naman ni Inay sa akin.
“Ano pong ibig niyong sabihin?” Kunot noo na tanong ko sa kanila.
“Ano nga bang pangalan nong asawa ni Bernard? Trexia? Trixie? Ay basta! Kahapon pa siya nandito at inaantay ang pag-uwi ni Bernard nasa kabila siya.”
Napatayo ako sa kinauupuan ko at kaagad akong lumabas ng pinto. May naririnig akong kaluskos sa kubo kung saan nakatira si Bernard. Kung iisa ang Trixie na kilala ko sigurado akong siya din yung nasa kubo ni Bernard.
Kinakabahan akong lumapit sa nakaawang na pinto. Hindi ko na binuksan pero gusto kong sumilip dahil gusto kong malaman kung nandito nga siya. Pero laking gulat ko nang makita kong nakatalikod sa gawi ko ang isang balingkinitan na katawan ng babae. Nakabitin siya sa leeg ni Ber—
Nanlaki ang mata ni Bernard ng makita niya akong matalim ang tingin sa kanya. Huling-huli ko sa akto na naghahalikan silang dalawa.
Mabilis niyang tinulak si Trixie.
“Sam—” Sambit niya. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pangingilid ng aking luha. Tinalikuran ko siya pero tinawag niya ako. Mabilis niyang hinaklit ang braso ko.
“Sam, I swear hindi ko siya hinalikan ako ang hinila niya kaya timing na yun ang naabutan mo!” Paliwanag niya sa akin. Humarap ako sa kanya at namalayan ko na lamang na lumipad na ang palad ko sa kanyang pisngi.
“Para sa pananakit at pagtakbo mo sa responsibilidad mo sa amin ni Calix! At ito!” Muli ko siyang sinampal sa kabilang bahagi ng pisngi niya.
“Para sa lahat ng kasinungalingan mo!” Sigaw ko sa kanya. Akala ko magiging okay na ang lahat. Pero hindi ako naniniwalang hindi niya ginusto ang nakita ko kanina. Kung talagang si Trixie ang humalik sa kanya bakit hindi niya agad tinulak!
“Ang kapal din naman ng mukha mong saktan si Bernard. Sino ka ba? Isa ka lamang malanding babae na pagkatapos ipaako sa ibang lalaki ang kanyang anak…ay mang-aakit naman ng iba. Wala na bang ibang kakamot kaya pati fiance ko ay balak mo ng ipakamot ang kati mo?!” Naniningkit na sigaw ni Trixie sa akin.
“Shut-up Trixie! Umalis ka na dito! I told you hindi ako magpapakasal sa’yo si Sam ang pakakasalan ko!”
Nanlaki ang mata niyang tumingin sa akin.
“Bakit isang disgrasyadang babae pa ang gusto mo Bernard?! Nahihibang ka na ba?!”
Hindi na ako nakapagpigil ng aking sarili at kaagad ko siyang sinugod. Mabilis ko siyang dinambahan kaya kaagad siyang napahiga sa buhangin. Sinakyan ko siya sa tiyan at mabilis kong hinablot ang kanyang buhok.
“Ikaw! Gigil na ako sa’yo eh! Hindi ako makati! At lalong hindi ako nangangati! Ikaw ang makati dahil pinagpipilitan mo ang sarili mo kay Bernard kahit pinagtatabuyan ka na niya!”
“Ahhh! Let me go! Nasasaktan ako! Bernard! Help me! This girl is crazy! Papatayin niya ako! Ouch! Bernard!” Sigaw niya.
Lumapit si Bernard sa akin.
“Tama na yan Sam please bitawan mo na siya.” Awat niya sa akin. Matalim ang tingin na bumaling ako sa kanya.
“Subukan mong mangi-alam! Pagbubuhulin ko kayong dalawa at itatapon sa dagat!” Galit na sigaw ko sa kanya. Hindi na niya alam ang kanyang gagawing pigil sa akin dahil sa galit ko ay naibunton ko na kay Trixie at gustong-gusto ko na siyang kalbuhin.
“Naku po jusko! Samantha! Bitawan mo siya! Samantha!” Narinig kong sabi ni Inay. Nahimasmasan ako ng bahagya at lumuwag ang pagkakahawak ko sa buhok niya. Pero siya naman ang humila sa buhok ko kaya nagpagulong-gulong na kami sa buhangin. Hindi ko alam kung kaninong bisig na ang humahawak sa akin dahil nakatuon lamang ang aking atensyon sa sakit ng anit ko.
“Tama na! Samantha!” Ma-authoridad na sigaw ni Itay.
“Mama….Mama!”
Napabitaw ako sa buhok niya kasabay ng paghila sa akin ni Itay at Inay samantalang si Bernard namana ng humila kay Trixie.
“Hayup ka! You’ll pay for this!” Galit na duro niya sa akin.
“Samantha! Ano bang nangyari? Bakit kayo nag-aaway?!” Igting ang pangang tanog ni Itay sa tanang buhay ko ay ngayon ko pa lamang naranasan na manabunot ng buhok. Nakakadismaya lang dahil hindi ko man lang naubos ang ginto niyang buhok!
“Pagsabihan niyo yang makati niyong anak!” Galit na parang bruha na sigaw ni Trixie habang nakaduro sa akin.
“Tama na Trixie! Ipapasundo na kita!” Sabat naman ni Bernard.
“No! Hindi ako uuwi hanga’t hindi kita kasama! Bakit?! Mas pipiliin mo pa ang disgrasyadang babaeng yan over me?! Kilabutan ka nga Bernard!” Gigil na sabi niya. Niyakap ako ni Calix na ngayon ay wala ng tigil sa pag-iyak.
Dumadami na rin ang tao sa paligid. Dahil sa lakas ng sigawan namin. Marahas niyang hinarap si Trixie.
“Mahal ko si Sam at anak naming dalawa si Calix!”I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (184)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Nice zksnsoKs
1d
0ang ganda
17/08
0sasamahan nalang kita
11/08
0Tingnan Lahat