Homepage/His Secretary's Secret/
Chapter 31
Bernard’s POV
Kapapasok ko pa lamang sa malaking gate ng bahay niya ay sinalubong na ako ng sampung armadong lalaki. Sanay na ako sa ganitong set-up ng bahay ni Xandro. Ikaw ba naman ang maging leader ng isang dark underground society ay pupunuin mo talaga ng tauhan ang loob ng bahay mo. Lately kasi ay marami na rin itong mga nakakaaway lalo na nang dumagdag sa problema niya si Inigo. Kung saan nakaaway ang isang malaking personalidad na dumukot kay Rylee noon. Kaya siguro mas mahigpit na ang seguridad nila.
“Hinayaan nila akong makapasok nang hindi binubuksan ang bintana at likuran ng aking kotse. Alam na kasi nilang isa ako sa malaya at pwedeng makapasok sa malaking bahay niya. Bukod sa sampung security sa gate ay mas marami naman dito sa loob ng kanyang bakuran. Mataas din ang pader ng kanyang bahay at hindi mo aakalain na may maganda at malaking bahay sa likuran nito dahil malayo pa ang bahay nila sa gate. Si Xandro ang protektor naming lahat. Kaya sa kanya kami nalapit kapag kailangan namin ng tao.
Malayo pa lang ako ay kita ko na ang nakaparadang kotse ni Inigo at Fernan.
Ano naman kaya ang ginagawa ng dalawang yun dito? Hindi naman sinabi ni Xandro kanina na nandito din pala ang mga yun.
Pero mas umagaw ng atensyon ko ang babaeng nakatayo sa veranda. Binaba ko ang salamin. Imposible namang sila Tita yun o ang kapatid na dalaga ni Xandro dahil nasa abroad ang mga ito.
Nang dumako ang tingin niya sa akin ay kaagad itong pumasok sa loob ng salamin na pinto.
Sino naman kaya ang babaeng yun? Medyo malayo siya dahil nasa ikalawang palapag siya ng bahay. Kaya medyo blurred ang kanyang mukha.
Pagbaba ko ng kotse ay kaagad na akong pumasok. Salubong na kilay ni Xandro ang bumungad sa akin at halatang bagong gising pa lamang dahil magulo pa ang buhok nito.
“Anong ginagawa niyo dito?” Kunot noong tanong ko sa dalawang lalaki na nakaupo sa sofa si Inigo at Fernan na parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mga mukha.
“Maupo ka.” Utos ni Xandro sa akin sa seryoso niyang boses.
Umupo ako sa tapat nila at tikom pa rin ang mga bibig nilang dalawa.
“Ano ba talagang nangyayari sa inyo? Para kayong hindi mga lalaki ah? Dahil lamang sa babae magkakaganyan na kayo? Ikaw Inigo? Pati ba naman ang ibang lalaking pagseselosan mo problema ko? Bakit hindi mo na lang itago si Rylee sa bahay mo kung ayaw mong tinitignan siya ng iba. At ikaw naman Fernan, pati ba naman paglilihi ng asawa mo sa’yo problema ko din?” Nakapameywang niyang sabi sa kanilang dalawa.
“Hindi ko kasi maintindihan si Priya. Kapag wala ako sa bahay nagagalit siya. Kapag nanduon naman ako ayaw niya akong makita. Tapos napagsabihan ko lang ng kaunti dahil muntik pa niyang sunugin ang bahay. Isinilang ba naman ang electric water heater sa kalan. Concern ko lang naman baka masaktan siya kaya wag na niya uulitin kaya lang lalong nagalit at ayaw na akong kausapin. Tingin mo? Sinong hindi masisiraan ng bait? Tapos tinatakot pa akong babalik na lamang ng bundok.” Paliwanag naman ni Fernan. Napahilamos si Xandro sa kanyang mukha at napabuntong-hininga bago tumingin sa akin.
“At ikaw? Ano naman ang problema mo?”
“Nilayasan ako ng mag-ina ko. I want you to help me find them.”
“What?!” Halos Sabay-sabay nilang bulalas sa akin.
“May asawa ka na din?” Tanong ni Fernan sa akin.
“At may anak?” Segunda naman ni Inigo.
“Pakakasalan ko pa lang, pero may anak na kami at six years old na siya.” Seryosong sagot ko sa kanila. Namamangha silang tumingin sa akin. Nagbilang pa si Xandro sa kanyang daliri.
“Don’t tell me siya yung babaeng inakala mong si Laureen? Yung virgin na tinira mo?” Di makapaniwalang tanong ni Xandro sa akin. Naikwento ko na rin kasi sa kanila ito noon. At alam ni Xandro yun dahil pare-pareho kami ng paraan sa pakikipagtalik hindi namin pinuputok sa loob ang semilya at dahil ayokong rin magkalat ng lahi.
Tumango ako sa kanila dahil nakaabang sila sa sagot ko.
“Damn it dude! Congrats! Naunahan mo pa ako!” Bulalas ni Inigo sa akin. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Pero hindi pa rin ako kampante lalo pa’t wala pa rin akong balita sa kinaroroonan nila.
“Paano kayo nagkita? At bakit ka niya nilayasan?” Kunot noo na tanong ni Xandro sa akin.
“Remember yung kinukwento ko sa inyo? Yung secretary ko? Siya ang babaeng yun. Noong una ay hindi ko na siya maalala masyado pa kasing inosente yung mukha niya noon. Pamangkin siya ng chef namin. Kaya pala pamilyar siya noong nakita ko ang picture niya kay Aling Esme. Hindi ko na kasi matandaan sa dami nang nangyari noon. Kaya nang makita ko siya muli at nakasama sa penthouse doon ko nalaman na ang babaeng yun ay siya. At nagkaroon kami ng anak. Ang malala akala niya si Troy ang nakabuntis sa kanya dahil may relasyon pala sila noon. Si Troy ang may kasalanan ng lahat dahil kay Laureen at ngayon malakas ang kutob ko na siya pa rin ang may kagagawan ng pag-alis niya.” Mahabang kwento ko sa kanila.
Umupo sa kanan ko si Xandro.
“Unbelievable, sa ilang araw palang namin na hindi ka nakita ganito na ang nangyari sa’yo? Ibig sabihin mahal mo na agad yung babaeng yun kaya gusto mo siyang makita at pakasalan?”
Tumango ako sa kanya. “Maybe it was hard to explain. Pero nang magkita ko siyang muli ramdam ko ang connection namin sa isa’t-isa. At sa paglipas ng oras na tumira siya sa penthouse ko ay nagumpisa ko na rin siyang magustuhan hangang sa nalaman ko ang tungkol sa bata. I even got his DNA to be tested para malaman ko kung anak ko nga siya. Then I found out na totoo ang kutob ko. He’s my child.”
“Anong gusto mong gawin natin?” Seryosong tanong niya sa’kin.
“I want her back, help me find her.”
“Paano kung ayaw niyang sumama sa’yo?” Sabat naman ni Inigo.
Napangisi ako sa kanila.
“Wala pang tumatangi sa akin. Kung kailangan ko siyang pilitin para lang maniwala siya sa akin. At kung kailangan kong gumamit ng dahas. Why not? I’m desperate already. Hindi ko mapapalampas ang ginawa niyang pang-iwan sa akin.”
Naiiling na napangisi si Fernan. Si Xandro naman ay kinuha ang phone niya sa ibabaw ng table. Alam kong tatawagan na niya ang mga galamay niya para pakilusin.
“By the way, sino ang babaeng nasa veranda?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.
“May tinatago kang babae dito?” Nakangising tanong ni Inigo sa kanya na ikinatingin din namin ni Fernan.
“She’s mine. Yung problema niyo ang atupagin niyo.” Sagot ni Xandro.
Nagkatinginan kaming tatlo bago tumingin sa kanya. Sa aming lahat siya ang hindi babaero at hindi nag-uuwi ng babae sa bahay. Malalaman din naman namin yan. Pero sa ngayon prioridad ko ang mag-ina ko.
Pagkatapos kong sabihin ang alam 'kong lokasyon nila Sam ngayon ay ipinaghanda na rin niya kami ng pagkain. Nagtataka pa ako dahil may bitbit din siyang tray ng pagkain at umalis.
“Sa tingin mo may girlfriend na ang sanganong yun?” Tanong ko sa kanila habang kumakain kami sa dining table.
“Siguro, mas mabuti na rin yun para maintindihan naman niya ang nararamdaman natin ngayon.” Si Fernan ang sumagot.
Napapangiti na lamang kaming sinundan siya ng tingin.
Maya-maya pa ay bumalik na rin ito.
“Bilisan mo ang pagkain, para makaalis ka na. I already found her at kung saan sila ngayon nakatira. Distance lang ang mga tauhan ko. Ikaw pa rin ang lalapit sa kanila para hindi magkaroon ng gulo.” Wika niya sa akin na ikinagulat ko. Sa ilang minuto lang ay nahanap na niya agad si Sam. Tumayo ako sa at kaagad ko siyang sinugod ng yakap dahil sobrang saya ko.
“Maasahan ka talaga! Salamat” Sabay tapik ko sa kanyang likod na ikinatawa naman ng dalawa.
“Tarantado may pagyakap kapa! Alis!” Parang nandidiri niyang tulak sa akin.
Hindi nga ako nagkamali ng nilapitan at tunay nga siyang maasahan. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (183)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang ganda
17/08
0sasamahan nalang kita
11/08
0maganda ang story
28/06
0Tingnan Lahat