Chapter 30

Bernard’s POV
“Fuck you Troy!”
Kaagad akong nagtungo sa bahay niya nang makita ko ang CCTV na pina-rewind ko pa sa simula kahapon sa operator nito nang umalis si Sam. At nakita ko doon ang ginawang paglabas ni Sam sa building suot ang utility outfit para makalabas at nilagay pa nito ang kanyang mga gamit sa itim na garbage bag pagkatapos ay dumaan sa likuran ng building.
Sa isang kuha naman ng CCTV sa likurang bahagi ay kitang-kita ko ang pagsundo ng kotse nito sa kanya. Kaya kaagad akong napasugod sa bahay niya.
Hindi ako makapag-isip ng maayos. Hindi ko alam kung saan ako unang pupunta para makita siya. Pero sa ngayon ay isa lang ang tumatakbo sa isip ko. Maaring may kinalaman na naman si Troy dito.
Ngayon na alam na ni Sam ang lahat sigurado akong matindi na ang galit niya sa akin. Ewan ko ba naman siya sa ganung sitwasyon para habulin si Laureen ay nasisiguro kong kinamumuhian na niya ako ng tuluyan. Hindi ko siya masisisi dahil nagsinungaling ako sa kanya at hindi ko sinabi ang lahat sa kanya.
Nagdalawang isip kasi ako noong una ko siyang nakita. Dahil ibang-iba at ang laki na ng pinagbago niya. Ang inosente niyang mukha na nakita ko noon na muntik ko ng makalimutan. Dahil mas naging abala ako sa mabilis na paghabol kay Laureen. Pero sa huli ay iniwan niya parin ako at hindi na bumalik.
Akala siguro ni Troy pag nagawa niya kaming paghiwalayin ni Laureen ay mapupunta na ito sa kanya. Pero nagkakamali siya dahil umalis parin ito at mas lalo siyang nagalit sa akin.
At ngayon si Sam naman ang aalisin niya sa buhay ko at hindi ako makakapayag na mangyari yun. Lalo pa’t alam ko na ang buong katotohanan. Kahit saang sulok pa siya nagtatago ay hahanapin ko siya! Hinding-hindi ako papayag na hindi ko malaman kung nasaan siya ngayong araw din!
Pagkapasok ko ng gate ng bahay nila ay agad akong bumaba sa sasakyan.
“Asan si Troy?” Seryosong tanong ko sa kasambahay na sumalubong sa akin.
“N-Nasa taas po Sir Bernard.”
Mabilis kong tinungo ang hagdan pero napatigil ako ng makita ko siya sa pinakataas at nakangising nakatingin sa akin. Nakasuot pa ito ng bath robe at basa pa ang buhok.
“Naligaw ka ata?”
Mabilis akong humakbang paakyat at kaagad ko siyang sinapak sa mukha na mabilis niyang ikinatumba.
“Nasaan si Sam?!” Igting ang pangang sigaw ko sa kanya.
“Huh!”
Pinahid niya ang dugo sa gilid ng kanyang labi.
“Bakit? Iniwan ka na rin ba niya pagkatapos ng ginawa mong pagsamantala sa kanya?” Nakangisi niyang sabi habang papatayo siya.
“Tarantado ka! Plano mo ang lahat ng ito hindi ba?! Hangang ngayon ba naman puro paghihiganti pa ang gusto mo!”
Umayos siya ng tayo at dinuro ako.
“Inagaw mo sa akin si Laureen!”
Sinugod niya ako at akmang susuntukin pero nailagan ko ang suntok niya kaya nakabawi ako at sinuntok ko ulit siya sa mukha.
“Jusko! Sir tama na po yan!” Awat sa amin ng mga kasambahay at pati ang gwardia sa labas ay hinawakan na rin ako.
“Kung dahil sa kanya kaya ka nagkakaganyan bakit hindi mo siya puntahan sa Europe!”
“Sa tingin mo hindi ko ginawa yun Bernard?! Sinundan ko siya pero nalaman niya ang ginawa ko dahil siniraan mo ako sa kanya. Kaya kahit anino ko ay ayaw niyang makita!” Galit na sigaw niya sa akin.
Pagkatapos kasing umalis ni Laureen noon ay kinuha ko lahat ng pwedeng gawing ebidensya na na frame-up lang ako ni Troy pero mas pinili niya na ang career niya bilang theater actress. Ang sabi niya sa akin ay mas mahalaga sa kanya ang kanyang pangarap kaya hinayaan ko siya. Pero marami nang taon ang dumaan at hindi parin siya bumalik kaya hindi na ako umasa pa.
“Ilang beses akong balik ng balik sa Europe pero never niya akong binigyan ng chance. Hindi ko alam kung anong sinabi mo sa kanya Bernard. At ngayon na sa akin naman pumapanig ang lahat. Pareho tayong magiging miserable at hinding-hindi mo na makakasama si Sam pati na rin ang anak na inabandona mo!”
Nakangisi siyang tumalikod sa akin. Akmang susundan ko siya pero dalawang lalaki na ang humawak sa akin.
“Bitawan niyo ako! Troy! Ilabas mo si Sam hayup ka!”
Hindi na niya ako nilingon at kaagad na siyang lumiko sa pasilyo.
“Sir, parang awa niyo na po umalis na kayo baka madatnan pa kayo ng mga magulang ni Sir Troy. Wala pong inuwing babae dito si Sir. Sinisigurado ko po yan sa’yo…” Pagmamakaawa niya sa ‘kin. Napabaling ako ng tingin sa kanya. Matagal na siyang naninilbihan sa pamilya nila Troy dahil noong hindi pa kami nagkaroon ng hidwaang dalawa ay malapit kami sa isa’t-isa.
“Sigurado po ba kayo diyan Manang?”
Tumango siya habang hinihimas ang aking likod at pinapakalma ako.
“Kakarating lang din niya pero wala naman siyang inuwing babae dito. Maniwala ka sa akin Hijo.”
Bahagya ‘kong kinalma ang aking sarili. Kung wala dito si Sam at kung hindi siya tinatago ni Troy baka nasa probinsya na siya ngayon.
Ang hayup na yun! Hindi aalis si Sam kung wala siyang sinabing masama tungkol sa akin. Kaya kailangan kong hanapin si Sam para magpaliwanag!
Lumuwag ang kapit ng mga gwardia sa akin, nagpaalam na agad akong aalis na para mahanap si Sam. Pagkasakay ko sa kotse ay kaagad kong kinuha ang phone. Isang tao lamang ang alam kung mabilis na makakatulong sa ‘kin.
Si Xandro, malaki ang maitutulong niya lalo ng mga tauhan niya. Bukod doon marami din siyang koneksyon.
Tatawagan ko na sana si Xandro nang mag appear ang taong inutusan ko para bantayan ang pamilya ni Sam sa Samar.
“Sir, sorry po pero wala na po sila dito sa bahay nila. Kaninang madaling araw daw po sabi ng mga kapitbahay.”
“What?”
Napabuntong hininga ako at napahampas sa manibela ng sasakyan.
“Magtanong-tanong ka pa at hanapin mo sila.”
“Yes, Sir!”
Sam! Nasaan ka na ba?! Kahit saan ka pa magtago mahahanap kita!
Pagkatapos kong ibaba ang tawag ay si Xandro naman ang tinawagan ko.
“Hello? Xandro? Nasaan ka? Magkita tayo puntahan kita ngayon din.”
“Easy man. Kakagising ko lang at madaling araw na ako nakauwi. Mukhang nangangamoy problema ah?” Litanya niya. halata sa boses niyang bagong gising pa lamang siya.
“May ipapahanap akong tao, tinakasan ako ng mag-ina ko.” Seryosong sabi ko sa kanya.
Narinig ko siyang nagmura sa kabilang linya.
“Bro! Kung wala kang magawa wag mo akong pagdiskitahan. Nagdu-drugs ka ba?”
Pinaharurot ko papunta sa condo ni Xandro ang sasakyan. Kailangan ko siyang makausap ng personal at maayos.
“Damn it! I’m serious! Papunta na ako diyan. Ipaghanda mo ako ng pagkain. Hindi pa ako kumakain simula kagabi.”
“Shit! Paano na lamang ako makapag-asawa nito palagi niyo akong sinasali sa mga gulo niyo. Pagkatapos kong makipaglaban sa bundok ikaw naman itong may problema? Ano ba talagang nangyayari sa inyo ha?” Ramdam ko ang inis sa boses niya dahil naabala ko ang pagtulog niya. Lately ko lang din nalaman ang tungkol kay Fernan. At hindi rin ako makapaniwalang isang tribe Princess ang mapapangasawa niya.
“Tama na ang sermon, ipahanda mo na ako ng pagkain.” Seryosong sabi ko sa kanya bago ko pinatay ang tawag.
Wait for me Sam. Kahit itaboy mo ako ng ilang beses hindi ako papayag!

Komento sa Aklat (183)

  • avatar
    Rham Ynel Hermo Verganio

    ang ganda

    17/08

      0
  • avatar
    Gloria Andaya

    sasamahan nalang kita

    11/08

      0
  • avatar
    AquinoKimbert

    maganda ang story

    28/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata