Homepage/His Secretary's Secret/
Chapter 27
Ilang taon, ilang taon kong kinimkim ang sama ng loob ko para sa isang tao. Sa pag-aakalang siya ang ama ng anak ko. Sa pag-aakalang siya ang nanamantala sa akin noong gabing yun. Sa pag-aakalang siya ang lalaking tumalikod sa akin noon ng mga panahon na kailangang-kailangan ko siya sa tabi ko. Kailangan namin siya ng anak ko. Pero nang dahil sa palatandaan nagbago ang lahat at naging kasinungalingan pa ito. Kung hindi pala siya ang gumawa sa akin noon. Bakit siya ang nadatnan ko sa aking kwarto? Bakit hindi niya sinabi sa akin ang totoo? At ano ba talaga ang nangyari noong gabing yun?
Kung tama ang hinala ko paanong mapupunta doon si Bernard? Magulo pa rin ang isip ko. Kung totoong si Bernard nga yun ibig bang sabihin ay alam niyang ako ang babaeng pinagsamantalahan niya noon dahil sa kalasingan? Imposibleng hindi niya alam yun. Kaya ba naging mabilis para sa amin ang lahat ng ito? Kaya ba naging palagay na agad ang loob niya sa akin dahil noong una palang ay alam na niyang ako ang babaeng yun?
Hindi Sam! Ayusin mo ang sarili mo! Hindi ka pwedeng magpahalata na maraming gumugulo sa isip mo.
Sa ngayon ang makausap ng personal si Troy! Nang sa ganun malaman ko ang lahat! Siya lamang ang makakasagot ng tanong ko.
Inayos ko ang aking sarili bago lumabas ng kwarto. Hindi ako pwedeng magpahalata sa kanya. Hanga’t hindi pa ako sigurado ay hindi muna ako magpapahalatang alam ko na ang lahat. Ayokong pangunahan ang bugso ng galit ko. Ayokong isipin na niloloko niya lang ako. Ngayon pa, ngayon pa na unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. Ngayon ko pa ba malalaman ang lahat?
“Sam?”
Sunod-sunod na katok niya sa pinto kaya sinigurado ‘kong walang bakas ng luha ang mga mata ko. Nakapagbihis na rin ako ng damit dahil nabasa ako kanina.
“S-Sandali.” Sagot ko sa kanya. Pagkatapos ay tinungo ko na ang pinto. Bumungad sa akin ang seryoso niyang mukha.
“Are you okay? Nakausap mo ba sila? Umiyak ka ba? Namumula ang mga mata mo.”
Akmang hahawakan niya ang mukha ko pero iniwas ko agad.
“Medyo lang.”
Pinilit ‘kong ngumiti at itago ang nararamdaman ko.
“Halika, nagprepare ako ng fresh juice.”
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako pagkatapos kong maabot ang phone niya.
Sa kamay niyang nakahawak ako nakatingin. Bakit ganon? Parang mas gugustuhin ko pang hindi siya ang Ama ni Calix. Bakit parang mas gugustuhin ko pang si Troy na lang kasi parang mas masasaktan ako pag nalaman ko ang totoo.
Nang makaakyat kami sa itaas ay naghihintay na sa ami ang hinanda niyang pagkain. Kahit masarap ang mga yun parang wala akong gana.
Pinaghila niya ako ng upuan at ipinaupo.
“Hindi tayo nakakain kanina ng maayos kaya ubusin mo yan.” Wika niya sa akin. Kinuha ko ang isang baso na may lamang shake at sumipsip ako. Nasa harapan ko siya at nakangiti at nakatitig sa akin.
“S-Sir may itatanong ako.” Kinakabahan kong tanong sa kanya. May gusto lang akong malaman mula sa kanya. Pero hindi ko derektang itatanong yun sa kanya. Tumayo siya at mabilis na inabot ang labi ko na ikinagulat ko.
“Sabi ko sa’yo wag mo akong tawaging. Bernard na lang Sam.” Wika niya nang mag-hiwalay ang labi naming dalawa.
“Ano yun?”
Naikuyom ko ang aking palad na nasa aking hita. Sanay siguro siyang makuha ang isang bagay nang hindi niya pinaghihirapan!
“Gusto ko lang malaman kung totoo ba talaga ang nararamdaman mo sa akin?”
“Yes, like I told you earlier. I’m serious Sam. Bakit? Sasagutin mo na ba ako?”
Hindi ko masasagot ang tanong niya hanga’t hindi ko pa rin nakakausap si Troy.
“M-May nabuntis ka na ba?”
Hindi ko alam kung bakit ko ito naisipan na tanungin. Hindi ko alam kung gusto ko bang umamin na siya sa akin. O mas makakabuti bang malaman ko sa kanya ang lahat.
“Wala, bakit mo naman naitanong ‘yan? Sinisugurado mo bang binata ako?” Natatawang sabi niya sa ‘kin.”
Hindi naman siya mukhang nagsisinungaling sa’kin.
“By the way gusto mo bang umuwi sa probinsya? I know namimiss mo na ang anak mo. Gusto mo dalawin natin siya? Para naman makilala niya ang magiging Daddy niya in the future.”
“Hindi!”
Nagmadali akong tumayo at iniwan ko siya.
“Sam!”
Hinaklit niya ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya.
“Why? Anong nangyayari sa’yo? Bakit ganyan ka?” Kunot noo na tanong niya sa’kin.
Sasagot na sana ako pero biglang tumunog ang phone na hawak niya. Pero hindi niya parin ako binitawan nang sagutin niya yun.
“Yes Dad?” Tanong niya habang nakatingin sa akin.
“What?! Kumusta si Mom?” Nag-aalala niyang tanong. May palagay akong may nangyari sa kanila kaya siguro kanina pa tumatawag ang Daddy niya.
“Okay, I’ll be there in an hour.”
Pagkatapos niyang patayin ang tawag ay muli siyang nagpindot sa phone niya.
“Hello Captain? Pasundo mo na kami. It’s emergency.” Sambit niya. Pagkatapos ay binalik na niya sa bulsa ang phone niya.
“We had to go back. Inatake si Mommy nasa ICU siya ngayon.” Nag-aalala niyang sabi sa akin. Pagkatapos ay dinala na niya ako sa kwarto. Hindi na ako nagbihis pa at nagmadali na rin akong mag-ayos ng gamit. Pagkatapos ay lumabas na ako. Nadatnan ko siyang naghihintay. Narinig ko na din ang chopper na paparating. Pagkatapos ay umakyat na kami. Tahimik lang siya nang makasakay na kami sa chopper. Siguradong pagdating namin sa penthouse ay aalis na rin siya. Ito na ang chance ko na makausap si Troy.
Halos isang oras din kaming nagbyahe pabalik sa penthouse. Pagkalapag ng chopper ay nauna siyang bumaba at inalalayan niya ako.
“Stay here, uuwi agad ako mamaya okay?” Wika niya na ikinatango ko. Kinintalan pa niya ako ng magaan na halik sa noo bago siya umalis. Pinanuod ko pa ang pag-alis ng chopper dahil kumakaway pa siya sa ‘kin.
Nang malayo na siya ay saka ako pumasok sa loob. Kinuha ko agad ang phone ko para matawagan ko si Troy. Kinabisa ko talaga ang numero niya.
Ilang ring lang ay sumagot na siya sa kabilang linya.
“Who’s this?”
“Si Sam ‘to. Are you busy? Pwede bang magkita tayo sa pinakamalapit na restaurant after an hour?”
“Tamang-tama katatapos lang ng meeting ko. Okay, I’ll be there.”
Pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag. Mahigpit ang kapit ko sa phone ko. Kailangan ko ng isang oras para ihanda ang sarili ko sa posibleng malaman ko mula sa kanya. At kailangan ko din na makaalis dito nang hindi nalalalaman ng mga bantay sa ibaba.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (183)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang ganda
17/08
0sasamahan nalang kita
11/08
0maganda ang story
28/06
0Tingnan Lahat