Chapter 25

“Ang sarap nitong crab.” Pagdadahilan ni Sam. Para mailigaw sana ang usapan pero nanatiling nakatingin sa kanya si Bernard.
“I heard you.” Sambit nito. At hindi pa nito inaalis ang tingin nito sa kanya.
“Kahit naman siguro sinong babae. Hahanga sa mga kagaya niyo.” Katwiran ni Sam.
“Hindi yan ang gusto kong marinig. You said earlier na hinahangaan mo ako noon pa. So you mean may gusto ka na sa akin noon pa? Kaya ba nakiusap ka sa kay Aling Esme na ipasok kita dito? Matagal mo na ba akong gusto?” Kunot noo na tanong nito sa kanya. Nagulat si Sam dahil ang bilis napagtahi-tahi ni Bernard ang lahat. Pero hindi naman niya intensyon na magkagusto maliban sa paghanga. Alam niyang trabaho lang talaga ang ipinunta niya roon.
“Ang paghanga at ang gusto ay magkaiba po yun. Isa pa hindi naman yun ang dahilan kung bakit ako nag-decide na magtrabaho sa inyo. Yun ay pangangailangan ko talaga.” Sincere na sagot niya. Pinagsiklop nito ang kanyang kamay at ipinatong ang baba habang nakatigtig sa kanya.
“May dumi po ba ako sa mukha?” Tanong niya dito habang kinakapa niya ang kanyang gilid na labi.
“You told me that crush and love is different. Diba doon din naman nag-uumpisa yun?”
Napabuntong hininga si Sam hindi na niya kasi alam ang sasabihin niya dito para mailigaw ang usapan nilang dalawa kaya nagmadali niyang inubos ang natira sa kanyang plato bago sagutin si Bernard.
“Depende kasi yun, pwedeng ma-develop into love kung parehas kayong may nararamdaman sa isa’t-isa. Minsan naman kusa na rin yung nawawala lalo na kapag may nakita kang hindi mo gusto sa kanya. Yung tipong na discourage ka sa kanya kaya mas pinili mo na lang na iwasan yung nararamdaman mo.” Seryosong sagot ni Sam sa kanya.
“What if nagkamali ka lang pala ng pagkakilala? It was easier to judge a person without knowing them personally Sam. But there’s one thing I know it’s true. When I laid my eyes on you. I know darating ang araw na ito.”
Pagkatapos na sabihin yun ni Bernard ay tumayo na ito at iniwan siyang mag-isa. Sinundan pa niya ito ng tingin habang pababa sa hagdan.
“Anong ibig niyang sabihin? Kahit kailan talaga ang hirap niyang kausapin. Layasan ba naman ko? Hindi ko lang kaya nakita. Narinig ko pa nga eh!” Pigil na sabi ni Sam sa sarili. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib dahil ngayon lang ulit kumalma ang puso niya.
Tatayo na sana pero napansin niya ang umiilaw na phone sa ibabaw ng mesa. Sinilip niya kung sino ang tumatawag.
‘Daddy’s calling’
Napaayos siya ng upo dahil sa narinig niyang yabag mula sa hagdan. Bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Bernard.
“Let’s go, marami pa tayong water activities na gagawin. May pupunta dito para magligpit ng mga yan kaya halika na.” Utos nito sa kanya sabay kuha ng phone nito.
Ni hindi man lang napansin ni Bernard na may tumatawag sa phone niya.
Agad siyang tumayo at sumunod dito. Pagdating nila sa baba ay may dalawang babae nag-abot ng malaking paper bag kay Bernard.
“Ito na ba ang lahat ng pinabili ko?” Tanong nito sa mga babae.
“Yes, Sir. Mamaya po ihahatid dito yung scuba diver suit.” Sagot nito bago magalang na nagpaalam.
Bumaling ng tingin si Bernard kay Sam. At inabot ang isang paper bag.
“Ano ‘to?” Kunot noo na tanong niya.
“Suotin mo yan ngayon na. Mamili ka na lang dahil pansamantala yan ang susuotin mo habang nandito tayo sa isla. Sinigurado ‘kong tama ang sukat na ibinigay ko sa kanila. Kaya kasya yan sa’yo. Babalikan kita mamaya okay?” Paalam ni Bernard sa kanya.
Pagkaalis nito ay sinilip niya ang laman ng paper bag. At nagulat siya nang ang unang bumungad sa kanya ay ang kulay itim na t-back panty.
“Seryoso? Talagang ito ang susuotin ko mamaya?” Di makapaniwalang tanong niya sa sarili.
Pagpasok niya ng kwarto ay inalis pa niya ang lahat ng laman ng paper bag. Bukod sa tatlong two piece na magkakaiba ng kulay ay may tatlo ding bestida na sa tingin niya ay hindi aabot sa kanyang tuhod ang haba. May isang pares na kulay puting haviana ding kasama.
Wala na siyang choice kundi suotin ang two piece suit na kulay itim at kinuha din niya ang isang manipis at kulay yellow na bestida. Hindi naman pangit ang katawan niya. At makinis din naman siya pero hindi siya sanay na magsuot lang ng two piece kahit sa beach pa.
Itinali niya pataas at ginawang bun ang kanyang buhok. Sinuot niya muna ang tsinelas niya bago siya lumabas ng kwarto nadatnan niyang nag-aabang na si Bernard sa labas at napatigil pa ito ng makita siya. Nakasuot ito ng summer short at shades kaya hindi kita ang mga mata nito. Nakasuklay pataas ang kulay ash brown nitong buhok. Halata ding bagong ahit pa ito dahil sa kinis ng kanyang mukha.
Pero ang mas umagaw ng atensyon niya ay ang namumutok nitong abs. Nag-angat ito ng salamin at tinignan siya mula ulo hangang paa.
“Mag je-jet ski tayo tapos ganyan ang suot mo? You can wear two piece swimsuit Sam. Pribado ang resort na ito at walang ibang tao na makakakita sa’yo.” Wika nito sa kanya.
“Nahihiya kasi ako.” Namumulang sabi niya dito.
“Bakit ka naman mahihiya? Ako lang naman ang kasama mo. Kakaalis lang ng mga asungot kaya tayo lang dalawa ang nandito aside sa mga crew na nagsu-supply ng pangangailangan natin dito.”
“Okay na po magtatangal na.”
Nagmadali siyang pumasok sa loob ng kwarto at kaagad na hinubad ang kanyang damit. Naiwan na lamang ang itim na panloob niya. Nakagat niya ang kanyang labi. Habang pinagmamasdan ang sarili sa harapan ng salamin.
“Okay na kaya ito? Tsk! Gusto lang ata makakita ng camel ang manyakis na yun eh.” Mahinang bulong niya sa sarili.
“Hindi naman siguro? Normal lang naman na ganito ang suotin kapag sa beach diba?” Kumbinsi pa niya para makahugot ng lakas na loob na lumabas.
“Bahala na nga!”
Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto at kitang-kita niya ang pag-awang ng labi ni Bernard. Hindi pa ito nakuntento ay tinangal pa nito ang shades sa ulo. At hinagod siya ng tingin. Kaya napatakip siya sa kanyang sarili. Kahit hindi kasing laki ng kay Trixie ang dibdib niya para sa kanya ay tama lang ito at tama lang din ang sukat ng suot niyang bra.
“Let’s go.” Nakangiting sabi ni Bernard sa kanya. Hindi mawari ni Sam kung ngiti ba yun o ngisi. Nang makarating sila sa ibaba kung nasaan ang jets-ski ay isa lang ang nakita niya.
“Nasaan yung akin?” Tanong niya dito. Dahil nauna na itong sumakay sa kanya. May isang nag-aasist sa kanilang babae. Kagaya ng suot ng babae kanina na naghatid ng susuotin nila. Siguro ay ito ang crew na sinasabi ni Bernard kanina.
“Aangkas ka sa akin Sam, hindi ka pa naman marunong gumamit. Pero kung gusto mong matuto tuturuan kita.” Suhestion nito na ikinagulat niya. Pagkatapos nitong pagsuotin siya ng swimsuit ay papaangkas naman siya nito.
“Ma’am kabitan ko lang kayo ng life jacket.” Alok ng babaeng crew sa kanya.
“Hindi na po. Marunong naman ako lumangoy. Saka hindi naman ata ako ihuhulog ng boss ko.” Nakangiting sabi niya sa babae na ikinangiti din nito.
Kinuha ni Bernard ang kamay niya upang maalalayan siyang makasampa sa jet-ski. Napilitan siyang sumunod sa gusto nito. Pagkasakay niya sa likuran nito ay hinila pa ang kanyang kamay kaya lalong dumikit ang katawan nilang dalawa.
“Humawak ka ng mahigpit sa akin okay?” Wika sa kanya ni Bernard.
“Kasi lilipad tayo.”
Nagulat siya nang bigla nitong paandarin ang jet-ski. Mabuti na lamang at mahigpit ang hawak nito sa kamay niya. saka palamang niya napansin na nakahawak pala siya sa matigas nitong abs. Hindi niya tuloy alam kung paano aalisin ang kanyang kamay dahil ramdam na niya kung gaano katigas yun.
“Ahhh!”
Napasigaw si Sam nang mas binilisan pa ni Bernard ang jets-ki kaya mas lalo siyang napahawak sa tiyan nito. Pero ang mas umagaw ng atensyon niya ang ang tatoo nito sa balikat.
Ang pamilyar na tatoo na nakita na niya noon. Ang tatoo na huling naalala niya nang galawin siya ni Troy noong gabing lasing na lasing siya.

Komento sa Aklat (183)

  • avatar
    Rham Ynel Hermo Verganio

    ang ganda

    17/08

      0
  • avatar
    Gloria Andaya

    sasamahan nalang kita

    11/08

      0
  • avatar
    AquinoKimbert

    maganda ang story

    28/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata