Chapter 21

Pagkatapos na maayos ni Sam ang mga bulaklak sa ibabaw ng side table niya ay lumabas na rin siya sa kwarto. Sabay pa silang nagbukas ni Bernard ng pinto kaya nagtama agad ang mata nilang dalawa.
Sa totoo lang ay kinakabahan si Sam sa kung ano man ang pag-uusapan nilang dalawa ngayong gabi. Nilakasan na lamang niya ang loob niyang humarap dito dahil nagugutom na talaga siya.
“Let’s eat.” Nakangiting sabi nito sa kanya. Parang may kakaiba sa mga tingin nito. Nagmadali niyang iniwas ang tingin niya at sinara ang pinto. Ipinaghila pa siya ng upuan nito nang makarating sila sa dining area.
“Thank you po.” Nahihiyang sabi ni Sam sa kanya.
“Wow, mukhang masarap itong niluto mo ah?” Tanong sa kanya nito nang buksan ang ceramic na lagayan ng ulam.
Tipid na ngumiti lang si Sam nang bigla siyang may maalala na itatanong niya dito. Kasi kanina pa gumugulo sa isip niya yun.
“Ah, Sir? Paano niyo po nakuha ang video?” Nagtatakang tanong niya dito.
“Simple lang dahil may CCTV ako sa bawat sulok ng penthouse.”
“Po? So it means puro po CCTV ang mga bagay na yun?” Tanong niya ulit sabay turo sa hugis bilog na parang ilaw sa bawat sulok.
Tumango si Bernard at nagsimula nang sandukin ang niluto nitong pagkain. May nakita siyang dalawa nito sa loob ng kanyang kwarto. Sa unang tingin ay hindi mahahalatang kayang kumuha nito ng malinaw na video dahil para lamang itong ilaw.
“Ibig sabihin meron ding CCTV sa kwarto ko Sir?” Kinakabahang tanong ni Sam na ikinasamid niya. Kaya kaagad siyang kumuha ng tubig at ininom ng isang lagukan. Napansin niyang namula ang tenga nito at parang hindi mapakali.
“Sir? Wag niyong sabi—”
“Of course not!” Putol nito sa kanya. Hindi pa nga niya nasasabi dito ang gusto niyang sabihin eh.
Paano nga kaya kung tinitignan din pala nito kung ano ang nagaganap sa kwarto niya? Hindi malayo yun dahil alam niyang may pagkamahilig din ito lalo pa’t babaero.
“Hindi kita sinisilipan sa kwarto mo at isa pa hindi ka naman nagbibihis sa labas kaya wala rin akong makikita doon.”
Napatakip si Sam sa kanyang bibig. Umamin itong hindi sumisilip pero paano nalaman nitong hindi siya nagbibihis sa labas ng kwarto?
Bigla niyang naalala ang ginawa niyang pagsukat kanina ng dress sa harapan ng salamin kung saan ay hinubad niya ang kanyang bra at tanging manipis na cycling shorts lang ang suot niya.
“Don’t stare at me like that Sam. Wala akong intensyon na masama. Minsan lang nag-alala ako sa’yo kaya hindi ko maiwasan na tignan ang ginagawa mo.” Pagdadahilan pa ni Bernard sa kanya sabay subo ulit ng pagkain sa plato.
Gusto man niyang tanungin ito pero baka mas lalo lamang lumala ang usapan nilang dalawa kaya nagpatuloy na lamang siya sa pagsubo.
Nang matapos na itong kumain ay nakatingin na lamang ito sa kanya.
“Sir, yung tungkol sa party. Tuloy po ba yun?” Tanong niya para hindi maging akward ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
“Yes, kaya maghanda ka. Intayin mo ako dito bukas ng gabi. Aalis kasi ako dahil may aasikasuhin lang ako tapos sunduin na kita. Wag kang bababa ng walang pahintulot ko. At wag muna din subukan dahil may inatasan na akong magbabantay sa’yo sa baba nitong building. Kung may kailangan ka tawagan mo ako. Alam mo naman ang number ko diba?”
“Opo, pero san po tayo pupunta? Bakit kailangan ako pa ang kasama niyo?” Kunot noo na tanong niya dito. Nakakahiya naman kasing sumama sa kanyang boss sa isang handaan tapos hindi naman siya imbitado.
“Wag ka ng magtanong. Ikaw na ang bahala dito at may gagawin pa ako. Okay?”
Nakangiting tumango siya dito. Bago ito tumayo at sinilip pa siya nito bago pumasok sa kwarto.
Malakas ang kutob ni Sam na nakita ni Bernard ang paghuhubad niya sa harapan ng salamin kanina. Ayaw lang niyang ipahalata dahil baka mas lalo silang magig akward sa isa’t-isa. Sa susunod ay mag-iingat na siya sa kanyang kilos lalo na dito sa loob ng penthouse.
Pagkatapos niyang magligpit ay bumalik na siya sa kanyang kwarto. Kaagad niyang tinungo ang isang korteng ilaw na CCTV pala sa loob ng kanyang kwarto. Nakaharap ito sa kama kaya siguradong nakita na nito ang paghuhubad niya kanina kung sinilip nga niyo ito.
“Ano kayang pwede kong gawin doon para hindi niya ako makita mula dito?” Tanong ni Sam sa sarili.
Kumuha siya ng electrical tape at tumuntong sa upuan iniligay niya ang tape sa kabuohan nito kaya siguradong hindi na siya masisilipan nito.
Pagkatapos ay nahiga na siya. Samantalang natatawa namang pinatay ni Bernard ang CCTV na nasa loob ng kwarto ni Sam. Nakita niya kasi kung ano ang ginawa nitong para harangan ang video. Gusto lang naman niyang malaman kung matutulog na ito. Hindi niya maipaliwanag pero parang gusto niya kapag nakikita niya ang kabuohan nito.
Bukas ay maaga siyang aalis para sa hinanda niyang dinner date sa yate. Susunduin niya si Sam ng chopper para makarating doon sa pupuntahan nilang dalawa. Ito na kasi ang umpisa ng puspusan niyang panliligaw dito.
Hindi siya pwedeng magpatumpik-tumpik pa dahil sigurado na siyang gusto niyang alukin ito para maging girlfriend niya. Kilala niya si Troy kapag sinabi nitong gagawa ito ng paraan para bawiin si Sam sa kanya ay gagawin niya yun. Pero hindi siya papayag. Inaamin niyang nasaktan niya ito noon dahil kahit alam niyang gusto niya si Laureen ay pinatulan pa rin niya ito. Pareho silang mga hindi pa seryoso noon at puro bulakbol. Kaya magkasama sila sa maraming kalokohan. Pero ngayon matanda na sila at alam na niyang ang tama at mali.
Kinabukasan ay maagang nagising si Sam pero may nakita siyang note sa ibabaw ng dining table.
“Eat whatever you want. If you’d like to order food just look at the menu on the table. Ako na ang bahala na bayaran ang lahat. Just prepare for tonight okay? See you later.” – Handsome Boss
Itiniklop niya ang papel at inilagay sa bulsa ng kanyang jogging pants. Naiiling na napangiti siya habang naghahanda ng almusal. Hindi naman niya kailangan na mag-order ng makakain dahil marami namang laman ang ref. Masipag din naman siyang magluto kaya okay lang.
Kinagabihan ay naligo muna siya pagkatapos ay pinatuyo niya ang kanyang mahaba at straight na buhok. Bago niya sinuot ang kanyang off shoulder dress. At ang partner nitong sapatos na may dalawang dangkal ang haba ng takong. Pagkatapos ay inayusan niya ng kaunti ang kanyang sarili. Hindi naman niya kasi kailangan ng make-up dahil maganda na naman siya. Tamang shades ng pulang lipstick niya. At kaunting press powder ay sapat na para hindi mahalatang sekretarya lang siya.
Umikot siya sa harapan ng salamin at pinagmasdan ang sarili.
“Okay na kaya ito? Mukha na kaya akong tao?” Bulong niya sa sarili. Kinakabahan siya sa magiging lakad nila ngayong gabi. Hindi niya kasi alam kung paano makipag-sosyalan sa ibang tao.
Hindi naman siguro mahalaga kung marunong ka ba o hindi. Basta makauwi nang hindi napapahiya ang sarili ay sapat na.
Sinipat niya ang kanyang relo at mag-seven ng gabi. Ang sabi kasi sa kanya ni Bernard ay darating ito bago mag alas-otso.
Maya-maya pa ay nagpasya na siyang lumabas ng kwarto at sa sala na lamang niya aantayin si Bernard. Bitbit ang purse at lumabas na siya at akmang uupo na sa sofa nang makarinig siya ng ingay.
“Saan kaya yun?” Nagtatakang naglakad siya palabas ng pinto upang tignan kung nasaan niya naririnig ang ingay. Nagpalinga-linga siya sa paligid hangang sa tumingala siya at nanlaki ang mata niya ng isang chopper ang unti-unting bumababa malapad na bubong ng penthouse.
“Sir Bernard?” Sambit niya nang makita ang pamilyar na lalaking bumaba sa chopper at bumaba agad ito sa gilid ng penthouse kung nasaan ang makipot na hagdan patungo sa itaas.
“Hindi ka ba nasasaktan?” Seryosong tanong niya sa akin na ikinakunot ng noo ko.
“Bakit naman po ako masasaktan?” Nagtatakang tanong niya dito.
Sumilay ang ngiti sa labi nito at hinagod siya ng tingin mula ulo hangang paa. Bago ulit tumingin sa kanya.
“Sak-sakan ka kasi ng ganda. I just wonder kung hindi ka ba nasasaktan.”
Napakamot siya sa ulo dahil sa sinasabi ng wierdo niyang boss. Simula sa sulat tapos ngayon tumitira na naman ng mga pick-up lines.
“Let’s go my binibini?”
Inilahad nito ang kanyang kamay sa kanya. At bumalik ang tingin niya sa itaas kung nasaan ang chopper.
“Sir, don’t tell me jan tayo sasakay? Baka po ma-aksidente tayo kawawa naman ang mga nagmamahal sa akin.”
Natawa si Bernard sa sinabi niya.
“Kapag kasama mo ako, hindi ka dapat natatakot. Lalo pa’t kasama mo ang pinakgwapo mong boss. Kaya let’s go mahaba pa ang byahe.”
Kaagad na siyang hinila nito paakyat sa gilid na hagdan. Kaya pala ganun ang style ng bubungan ng penthouse dahil pwede palang paglapagan ng chopper.
Hindi naman niya pangarap ang makasakay sa ganung sasakyan. Pero siguro isa na ito sa experience na hindi niya malilimutan.

Komento sa Aklat (183)

  • avatar
    Rham Ynel Hermo Verganio

    ang ganda

    17/08

      0
  • avatar
    Gloria Andaya

    sasamahan nalang kita

    11/08

      0
  • avatar
    AquinoKimbert

    maganda ang story

    28/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata