Homepage/His Secretary's Secret/
Chapter 12
Habang nasa biyahe kami pabalik sa office ay nakakaramdam na ako ng pagkahilo. Mainit na rin ang pakiramdam ko kahit alam ‘kong malamig naman sa loob ng kotse. Siguro yung alak na ininom ko ang may kagagawan nito. Malay ko bang ganito pala ang magiging epekto nito sa akin. Ang alam ko uminom din sila kanina. Pero okay naman si Sir Bernard. Samantalang ako para na akong dinuduyan at parang ang sarap ng matulog. Sinandal ko ang buong likuran ko kasama na rin ang ulo ko at ipinikot ko muna ang mga mata ko. Dahil malayo pa naman kami.
“Next time wag ka ng basta-basta iinom ha? Lalo na kapag hindi mo ako kasama. Mahina ka pala. Wine pa lang yun bagsak ka na paano pa kung hard yung nainom mo? Ano ba kasi ang pumasok sa utak mo at muntik mo ng ubusin ang laman ng bote? May problema ka ba?” Narinig kong litanya niya sa akin. Bahagya akong dumilat at napatingin ako sa kanya.
“What? Don’t look at me like that.” Seryosong sabi niya sa akin. Napangisi ako sa kanya na lalo niyang ikinakunot ng noo.
“Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat eh. Babaeng lasingera.” Naiiling na sabi niya habang salubong ang kilay na nakatingin sa akin.
“K-Kung ako lasengera… ikaw naman ano? Tsk! Kung makapagsalita akala mo—.” Natutop ko ang aking bibig. Hindi na ata matino ang takbo ng isip ko. Kung ano-ano na ang sinasabi ko baka magalit ito sa akin itulak ako palabas ng kotse.
“What did you say?” Tanong niya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at muli ‘kong pinikit ang aking mga mata.
“W-Wala po…” Tipid na sagot ko sa kanya. Mahirap na baka lalo lamang siyang magalit kapag sinagot-sagot ko pa siya.
Unti-unti na ring bumigat ang talukap ng mata ko kaya hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako nang maramdaman kong may kumikiliti ng paa ko. Pagdilat ko ay nakita ko si Sir Bernard. Nahihilo pa rin ako pero nagawa kong bumalikwas ng bangon dahil nasa loob siya ng kwarto ko. At hindi lang yun, nahuli ko siyang hinuhubad ang suot ‘kong sapatos.
“S-Sir? A-Ano pong ginagawa niyo sa kwarto ko? Ba-kit niyo ako hinuhubaran?”
“What? Are you accusing me?”
Hinila ko ang kumot at tinakip sa aking nakabuyangyang na legs. Napasuksok din ako sa dulo ng kama dahil nagpapanic na ako sa masamang tingin niya.
“Oh my God! Alam mo ba kung gaano ka kabigat? Binuhat pa kita papunta dito sa kwarto mo tapos pag-iisipan mo ako ng masama? Hinubad ko lang yung sapatos mo para mas maging comportable kang matulog. Do you think pagsasamantalahan kita dahil nakainom ka?”
Napakamot ako sa ulo ko at pakiramdam ko ay napahiya ako. Bakit kasi hindi na lamang niya ako ginising? Ibig sabihin mula sa kotse paakyat dito binuhat niya ako? Bakit hindi ko man lang naramdaman yun?!
“S-Sorry po, nagulat lang ako. Salamat, pero sana ginising niyo ako para hindi niyo na ako binuhat.” Nakayukong sabi ko sa kanya. Nahiya kasi ako sa inasal ko. Napabuntong-hininga siya kaya napatingin ako sa kanya.
“It’s okay, but next time kung mag-iinom ka siguraduhin mong kaya mo pa ang sarili mo. Dahil hindi mo alam kung ano ang pwedeng mangyari sa’yo. Kababae mo pa naman. At kung gusto mo maglasing maraming alak diyan sa ref sasabayan pa kita kung gusto mo. At wag kang mag-alala hindi ako nakikipag-sex ng lasing lalo na sa mga naglalasing. Ayoko kasing makalimutan nila ang gagawin ko sa kanila.” Sabi niya sa akin na ikina-awang ng labi ko. Bago niya ako tinalikuran at lumabas sa pinto. Yung huling sinabi niya ang tumatak sa isipan ko. Hindi daw siya nakikipag sex sa lasing? Dahil ayaw niyang makalimutan ng ka-sex niya ang gagawin niya?
Hindi na ako lumabas ng kwarto at iniligo ko na lamang ang init na nararamdaman ko. Nagbihis na lamang ako ng damit pambahay. Alam ko naman na umalis si Sir dahil yun ang sabi niya kaninang umaga. Sabi pa nga niya magluto na lang daw ako ng dinner mamaya. Pagkatapos kong magsuot ng jacket na may hoodie at pajama ay kinalikot ko muna ang luma kong cellphone upang kumustahin sila Inay. Wala akong pambili ng mamahaling cellphone para sana makapag-video call kami ng anak ko siguro kapag nakasahod na ko magtatabi ako ng paunti-unti para sa cellphone ko. Nang sa ganun kahit hindi ako makauwi ng madalas ay makita ko man lang sila kahit sa camera lang.
“Nay? Kumusta na po kayo?”
“Anak? Mabuti naman, kumusta ka naman sa bago mong trabaho?”
“Opo Inay, okay naman po ako dito. Kayo po? Si Calix kumusta?”
Narinig kong tinawag siya ni Inay at narinig ko din ang maliit niyang boses.
“Mama? Kailan ka po uwi? Miss na miss na kita. Sabi ni Lola malapit na daw…”
Nangilid ang aking luha nang marinig ko ang maliit niyang boses. Ilang taon na rin na hindi ako nakakauwi kaya namimiss ko na talaga sila.
“I miss you too…busy pa si Mama sa work. Pag-uwi ko dadalhan kita ng mga laruan.”
“Ayoko po ng laruan! Lagi naman kami naglalaro ni Kokoy dito. Kahit walang laruan basta umuwi ka lang po Mama.”
Nakagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang paghikbi. Sa murang edad ng anak ko alam niya na kung paano mangulila sa akin. Kung pwede ko lang sana silang makasama. Kaso mahirap mamuhay dito sa Maynila lahat kasi ng bagay dito binibili. Magastos at mahirap din humanap ng mauupahan. Maige na doon tahimik sila at may hanap-buhay naman si Itay.
“Sige kapag nakaipon ako uuwi kaagad ako diyan. Okay?”
“Yehey! I love you Mama. Mwahhh!”
Lalo akong nangulila nang marinig ko ang boses ni Calex. Ang hirap talaga na malayo sa anak. Ang hirap magtrabaho sa malayong lugar at ang tangi ko lamang masasandalan ay ang aking sarili. Kaya nagpapakatatag ako para sa kanila. Kapag napagod magpahinga. Hindi pwedeng sumuko dahil habang buhay ay may pag-asa.
Pagkatapos ko silang kausapin ay nagpahinga muna ako ng ilang sandali. Bago ako nagpunta sa kusina upang maghanda ng dinner. Nagluto na lamang ako ng pork stake para sa dinner. At nagsaing na rin ako ng kanin. Habang pinapalambot ko ang karne ay naglinis-linis at punas-punas na rin ako ng mga gamit para naman may magawa pa ako.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ako. Pero hapon na hindi pa rin dumadating si Sir Bernard. Sabi niya sabay daw kaming magdi-dinner. Hangang sa inabot na ng alas-otso ay wala pa rin siya nagwawala na ang mga bulate ko sa tiyan kaya nauna na akong kumain sa kanya. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko. Pero quarter to nine na wala pa din siya.
Hindi na ako dinalaw ng antok kaya nagbukas muna ako ng ref at naghanap ng mangangata.
Nakita ko ang sinabi ni sir na mga alak sa pinto ng ref. Mga beer na nasa can at mukhang masarap din tikman. Kumuha ako ng isa at binuksan ko. Kumuha din ako ng mga kutkutin tapos lumabas ako dahil malamig ang hangin sa labas. At parang mas masarap uminom doon dahil tanaw mo ang mga ilaw na nagmumula sa syudad tuwing gabi. Para silang mga bituin kung titignan.
Isang lagok pa lamang ako pero napangiwi na ako sa mapait na lasa. Pero masarap siya kasi malamig. Inilagay ko ang hoodie ko sa ulo. At nagpatuloy sa pagtunga ng alak.
“Ang sarap!” Sigaw ko sa kawalan. Bahagyang nabawasan ang dinadala ko nang magtrabaho ako kay Sir Bernard. Hindi na ako gigising ng alas-tres ng madaling araw para bumili sa talisay ng tilapya. Hindi na ako magtitinda at maghapon na maglilinis at magkakaliskis ng isda. At hindi na rin ako uuwing pagod na pagod at mag tutor pa para kumita ng extra income. At mas malaki na rin ang kikitain kong pera. Nasagot na ang palagi kong dasal at higit pa rito ang inasahan kong mangyari sa akin.
“Hindi mo ba ako yayain?”
“Ay kabayong hitad!”
Muntik na akong mahulog sa monoblock na inuupuan ko nang marinig ko ang boses niya.
“Ay Sir! Sorry bigla na lamang kasi kayong nasulpot.” Umayos ako ng tayo at hinarap siya. Nakasuot lang siya ng puting long sleeve na nakatupi sa kanyang siko. Pero ang lakas pa rin ng dating niya. Hindi na ako magtataka at habulin siya ng babae dahil kahit saang angulo talaga siya titignan ay walang tapon. Kaya lang babaero!
“Kumain na ako kina Angela kaya ikuha mo na lang ako ng maiinom para masabayan kita.” Utos niya sa akin na ikinakunot ng noo ko.
Akala ko pa naman negosyo ang dahilan kung bakit siya nagpa-cancel ng schedule. Yun pala panibagong babae na naman ang pinuntahan niya. Kaya siguro hiniwalayan niya si Trixie dahil sa Angela na yun.
“S-Sige po Sir.”
Nagmadali akong pumasok sa loon at ikinuha din siya ng beer. Paglabas ko ay nakasandal na siya sa upuan katabi ng upuan ko. Ipinatong ko sa mesa ang dala kong alak para sa kanya.
“Sir, may tanong ako? Bakit niyo sinabing taken na ako? Wala naman akong naalala na sinabi ko sa’yong may boyfriend ako ah?”
Kinuha niya ang beer at binuksan niya ang takip kaya medyo tumapon pa ng kaunti.
“Ah yun ba? Wala naisip ko lang. Kilala ko ang lalaking yun. Marami nang binuntis at iniwan ang lalaking yun at kapag nalaman niyang single ka baka ligawan ka pa niya.” Sagot niya na ikinagulat ko bago tungain ang beer.
“Ligawan? Ako? Naku hindi po siya papasok sa standard ko. Lalo na ngayon may anak na ako. Ayoko po ng lalaking babaero at walang bayag lalong hindi ko pinangarap mag-asawa ng lalaking maraming sabit.” Litanya ko.
Nagulat ako nang mabuga niya ang alak na iniinom niya. Mabuti na lang naka-jacket ako kung hindi baka pati ako naulanan.
“Bakit po Sir? Nagulat ba kayo? Hindi naman kayo ang pinapatamaan ko.”
Masama niya akong nilingon at nagpupunas parin ng baba.
“What? Ako? Hindi ako babaero Sam.” Inubos ko na ang laman ng lata bago ako natawa at nag-react. Mga lalaki talaga kahit kitang-kita na panay pa ang tanggi.
“Hindi kayo babaero? Eh ano? Lalakero?” Natatawang tanong ko sa kanya.
“Ayoko ng commitments kaya hindi ako babaero.” Seryosong sabi niya na ikinatingin ko sa kanya.
“Sir, dadalawa na nga lang tayo naglolokohan pa tayo. Okay lang naman po sa akin yun. Hindi ko naman sasabihin kahit kanino. Loyal kaya ako sa inyo.” Nakangiting sabi ko sa kanya.
Humarap siya sa akin at tinitigan ako.
“Hindi ko pa siya natatagpuan kaya hindi pa ako nagseseryoso.” Seryosong sabi niya sa akin. Napatingin ako sa basa niyang labi. Nakaisang can na ako ng beer pero parang nauuhaw pa rin ako.
“Sino po?” Tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa labi niya. Pero imbis na sagutin niya ako ay mabilis niyang kinabig ang batok ko at siilin ako ng halik sa labi.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (183)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang ganda
17/08
0sasamahan nalang kita
11/08
0maganda ang story
28/06
0Tingnan Lahat