Chapter 10

Makalipas ang isang oras ay dumating na din ang inorder kong pasta at drinks sa kanyang girlfriend. At sa awa naman ng Diyos ay wala naman akong narinig na ungol mula kanina. Pero nag-inform pa din ako kay Sir bago ako kumatok dahil nakakahiya naman kung kumatok agad ako tapos mag-uumpisa palang pala sila.
Pagpasok ko ay nakaupo lang ang dalawa sa sofa. Nagtitipa si Sir sa laptop niya habang ang babae ay nakadikit at parang pusa na ikinikiskis ang sarili sa katawan ni Sir Bernard. Bahagyang dumistansya si Sir sa kanya.
“N-Nandito na po yung food.” Sabi ko sabay patong sa mesa. Matalim ang tingin na ipinukol niya sa akin at tinaasan niya pa ako ng kilay kaya hindi ko na lang pinansin.
“By the way love, nakausap ko yung cousin mo si Earon. Nagpapahanap ng bagong girlfriend. Sinabi ko kasi sa kanya na may maganda kang secretary. Kaya ayun dadalawin ka daw niya one of this day para ipakilala mo daw siya sa kanya.” Nguso niya sa akin.
Napatigil ako sa pag-aalis ng pagkain sa paper bag at napatingin ako sa kanilang dalawa. Napansin ko din na tumigil si Sir Bernard at lumingon sa kanya.
“What did you say?” Ulit niya dito. Sabay sulyap sa akin.
“Hindi mo narinig? I said, nirereto ko itong bago mong sekretary kay Earon.” Nakangiting sagot niya dito. Pagkatapos ay bumaling ulit sa akin.
“That’s not what I mean Trixie. Why did you do it?” Kunot noo na tanong ni Sir Bernard.
“Nothing Love, I just wanted to help him. Why? Mukha namang walang boyfriend si Ms. Briones? And besides maganda naman talaga siya diba? Lalo na ngayon suot niya ang mamahaling damit na binili mo.”
“Stop it Trixie.”Asik niya dito at pagkatapos ay bumaling ng tingin sa akin.
“Bumalik ka na sa table mo.” Utos niya sa akin na ikinatango ko.
“Why love? Gusto mo ba muna siyang paglaruan kaya ayaw mong ireto ko siya sa iba?” Nakangisi niyang tanong kay Sir Bernard. Tinakasan ng kulay ang mukha ko dahil nakita kong namumula na ang mukha ni Sir Bernard na humarap sa kanya.
“I said stop it!”
Nagmadali akong lumakad palabas sana sa pinto dahil hindi na ako komportable sa mga nangyayare pero nagulat ako nang hablutin ako ni Ma’am Trixie. At bigla nalang niya akong sinabuyan ng drinks na pinabili niya sa akin.
“Trixie!”
Nabasa ang buong mukha ko at tinamaan pa ako ng yelo sa mukha. Ramdam ko pa ang lamig ng drinks dahil nabasa din nito ang damit ko.
“Kung gusto mo siya, make love to her right now! Gusto ‘kong makita kung gaano siya kagaling gumiling kaya binibigyan mo siya ng atensyon! Oh ayan huhubaran ko na siya para sa’yo!” Galit na sabi niya sabay hawak ng damit ko.
“Trixie!”
Hinablot niya ang braso ni Trixie kaya nahila niya ito kasabay ng marahas na pagkahila ng damit ko kaya nagtalsikan ang butones ng damit at lumitaw ang panloob kong suot. Nagulat ako sa nangyari kaya mabilis akong lumabas ng pinto.
“Sam!”
Narinig kong tawag niya sa akin pero labis na akong napahiya kaya mabilis akong nagtungo sa hagdan upang pumanhik sa penthouse. Namalayan ko na lamang na tumutulo na pala ang luha ko. Nakakahiya kay Sir Bernard nakakahiya sa kanilang dalawa! Kahit wala akong ginagawang masama pakiramdam ko may kasalanan ako sa kanila.
Pagkapasok ko sa kwarto ay kaagad kong ni-locked ang pinto. Ngayon lang ulit ako umiyak ng ganito. Nakatangap ako ng masasakit na salita gayong wala naman akong ginagawang masama. Ang sakit lang.
Pilit kong kinalma ang aking sarili kahit tuloy-tuloy ang pag-agos ng aking luha. Hindi ko naman pwedeng ipagtangol ang aking sarili dahil wala naman ako sa kalingkingan ng babaeng yun. At isa pa, ayokong mag-away sila ni Sir Bernard dahil lang sa akin. Kaya pinigilan ko na lang ang aking sarili na lumaban sa kanya. Natatakot din akong mawalan ng trabaho kaya dapat lang yung ginawa kong palayo sa kanila.
“Sam?”
Sunod-sunod na katok niya sa aking pintuan na ikinagulat ko kasi ngayon lang ulit niya ako tinawag sa aking pangalan at isa pa sumunod siya dito. Lumunok muna ako bago sumagot.
“Magbibihis lang po ako Sir.” Sagot ko nang hindi binubuksan ang pinto.
“Okay, let me talk after you change.”
Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin niya yun. Nakakatakot pala magalit ang girlfriend niya at pati na rin siya. Hangang ngayon ay nanginginig pa din ako. Naisip ko tuloy kung alam niyang nandito ako nakatira sa penthouse ni Sir. Baka kapag nalaman niya ay ihulog na niya ako dito sa galit niya sa akin.
Nagmadali akong maligo dahil nanlalagkit na rin ang ulo at katawan ko dahil sa juice at nagbihis ng damit. Mabuti na lamang at nilabahan ko pa rin ang damit ko kahapon kaya ito muna ang sinuot ko dahil hindi naman ganun kakapal ang mukha ko para suotin parin ang bigay niya kahit galit na galit na si Ma’am Trexie.
Nang lumabas ako ay derecho agad ang tingin niya sa akin. Nakaupo siya sa sofa at nakapatong ang siko sa kanyang tuhod.
“Bakit ganyan ang suot mo? Bakit hindi yung binigay ko ang suotin mo?” Kunot noo na tanong niya. Salubong pa rin ang kilay niya pero hindi na namumula ang mukha niya tulad kanina.
“Umupo ka dito at mag-usap tayo.” Dagdag pa niya. Sinunod ko ang utos niya at umupo ako sa harapan niya. Napabuntong-hininga siya nang sulyapan niya ako.
“I’m sorry, pinauwi ko na si Trixie dahil sa ginawa niya sa’yo. Ako na ang hihingi ng sorry.”
“P-Pero Sir?”
“Wala kang kasalan okay? Ganun talaga siya kapag nagagalit ilang beses na kaming naghiwalay dahil sa ugali niya pero siya parin ang balik ng balik sa akin. Ilang beses ko na rin siyang itinataboy pero paulit-ulit niya akong kinukulit.”
“Sir? Diba fiancé niyo siya?”
“What? Sinabi ba niya sa’yo yun? Hindi ko siya Fiancé. Fuck buddies lang ang tingin ko sa kanya. She’s one of my bed warmer. But don’t hindi na niya magagawa ulit yun sa’yo.”
Nagtataka ko siyang tinignan.
“Bakit po?”
“Hindi ko na siya pinapapunta dito. Hindi ko nagustuhan ang pambabastos niya sa akin at sa empleyado ko. Aside doon wala ng ibang reasons. Kaya magbihis ka na ng damit para makabalik na tayo sa trabaho.”
Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumayo na siya at lumabas.
Gustuhin ko man siyang tanungin kung bakit niya yun ginawa ayoko naman na mamiss-interpret niya ako. Alam ko naman na hindi niya ako papatulan. At kaya niya lang ginagawa ang lahat ng ito ay dahil mabait siya sa akin.
Baka magalit siya sa akin kapag hindi ko siya sinunod. Kaya napilitan akong pumasok ulit ng kwarto at magpalit ng damit. Naalala ko kasing may pupuntahan pa kaming meeting mamaya at kapag itong damit ang sinuot ko ay mapapahiya ko din siya. Wala akong choice. He’s my boss and not Trixie. Ano man ang hindi nila pagkakaunawaan ay labas na ako doon.


Komento sa Aklat (183)

  • avatar
    Rham Ynel Hermo Verganio

    ang ganda

    17/08

      0
  • avatar
    Gloria Andaya

    sasamahan nalang kita

    11/08

      0
  • avatar
    AquinoKimbert

    maganda ang story

    28/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata