Chapter 8

Third person POV
Continuation of Flashback
Nakatingin lang si L.A sa babaeng nasa harapan nya. Mababakas ang sobrang takot sa kanyang mukha, habang ito naman ay nag-eenjoy na panoorin ang mukha nyang natatakot. 'nakikiusap po ako, iligtas nyo po ako mula sa kapahamakang ito, at huwag nyo po hayaang magtagumpay sya sa kung ano man ang plano nya. Nakikiusap po ako, hindi pa ako handang iwan silang lahat, hindi pa at ayokong iwan sila' sambit ni L.A sa kanyang isip, habang tumutulo na ang kanyang luha mula sa mga mata nya.
Mas lumawak ang ngiti ng Queen, nang makita ang kanyang hitsura. Nasisiyahan itong makita syang lumuluha, habang bakas sa kanyang mukha ang takot. Ilang sandali lang, may inutusan itong isang tao at lagyan ng sigar*lyo ang maliit na butas sa may bandang harapan nya. Nagtataka sya kung bakit at para saan ang bagay na inilagay sa may harap nya. 
Ilang sandali pa, nagulat na lang sya ng bigla itong umusok at sumakto sa kanyang mukha, kaya hindi nya ito naiwasang malanghap. Umuubo na sya sa isang sigar*lyo, at medyo nahihirapan na syang huminga, dahil sa sakit nya madali syang mahirapang huminga lalo na sa ganito. "*Cough, cough* P-pakiusap i-itigil m-mo n-na i-ito. H-hindi k-kita i-isusumbong s-sa k-kanila, a-at i-isipin k-kong w-wala k-kang g-ginawa s-saking m-masama." Nauutal na sambit ni L.A kay Queen, pero hindi nito pinansin ang sinabi nya at tinawanan lang sya nito.
"Tigilan ka?! Bakit ako titigil?! Bakit kita titigilan?! kung nag-eenjoy na akong pahirapan ka!! At hindi mo ako isusumbong kapag tinigilan na kita?!! Pinapatawa mo ba ako?!" Sambit ni Queen sa kanya, saka ito sarkastikong tumawa. "Hindi ko kailangan nyang sinasabi mo. Alam mo kung bakit? Dahil papat*yin naman kita ngayon, kaya balewala sakin kung isusumbong mo ako o hindi. Isa pa lang ang nalalagay nila pero ganyan ka na, ano na lang kaya kung hundreds ang ilagay nila? Sigurado akong pat*y ka na, kaya kahit hindi mo ako isumbong ayos lang. Boys get ready, because the show will begin. See you in h*ll, b*tch." May diing sambit nito sa kanya na may malaking ngisi sa bibig nito.
Mula sa likod ng Queen, may apat pa na lalaki ang lumabas na may dalang isang plastik na siguradong sigar*lyo ang laman. Nakailang beses syang lumunok, saka sya nagmamakaawang tumingin kay Queen pero blankong tingin lang ang binigay nito, at pagkatapos umalis na. "Queen!! Bumalik ka dito, Queen!! Pakawalan mo ako, parang awa mo na!! Queen!! Nakikiusap ako tigilan mo na ito!! Parang awa mo na!! Queen!!!" Sigaw nya sa papalayong bulto ni Queen, pero kahit isang beses hindi ito lumingon at tuloy tuloy lang itong naglakad, hanggang tuluyan na itong mawala sa paningin nya.
Bumalik ang tingin nya sa mga lalaking isa isa nilalabas ang mga nasa kanilang plastik, at unti-unti ng lumalapit ito sa kanyang pwesto. Nagmamakaawa syang tumingin sa mga ito, pero hindi sya pinansin ng mga ito at sinimulan na nilang ilagay isa isa ang sigarilyo sa may butas. Pangatlo pa lang, pero hindi na nya kaya. Nauubusan na sya ng hangin at naninikip na ang kanyang dibdib.
'bakit? Bakit ginagawa nila sakin ito? Wala naman akong gusto, kundi ang mag-aral lang pero bakit... Bakit ganito ang nararanasan ko!! Gusto ko lang maranasan kung paano, at ano ang pakiramdam ng isang estyudyanteng pumapasok sa school, dahil kailanman hindi ko iyon naranasan at ngayon lang ako pinayagan. Gusto ko pang mabuhay... Gusto ko pa, pero hindi ko na kaya pang lumaban. Patawarin nyo po ako ma, pa lalo ka na sissy, patawad pero hanggang dito na lang ako, hindi ko na po kaya' sambit nya sa kanyang isip, habang nakatingin sya sa mga lalaking blanko lang ang tingin pero bakas sa mga mukha nila ang saya. 
Puno na ng luha ang kanyang mukha, at nanghihina na Ang kanyang katawan. Hindi nya na mabilang kung ilan na ang nilalagay ng mga ito, ang tanging alam nya lang hindi nya na kaya pa. Ilang sandali pa, tuluyan ng bumagsak sa sahig ang kanyang katawan. Malalim na paghinga ang ginawa nya, at paulit ulit nya itong ginagawa pero sadyang hirap na syang ilabas ang hangin at hirap na din syang lumanghap ng hangin. Puno na ng usok ang loob ng parang aquarium, at halos hindi na sya kita sa labas kaya hindi sya makita ng mga ito.
"M-m-mama, p-p-papa, s-s-sissy A-a-aixz p-p-patawad p-p-po, p-p-pero h-h-hindi k-k-ko na t-t-talaga k-k-kaya. M-m-m-mahal     n-n-n-na  m-m-m-mahal         k-k-k-ko        p-p-p-po       k-k-k-kayo." Huling sambit nya, bago sya tuluyang mawalan ng malay.
Nang mawala ang usok, maglalagay pa sana ang isang lalaki nang mapansin nyang nakahiga at nakapikit na si L.A. akala nya nagkukunwari lang ito, kaya ilalagay nya na sana ang sigar*lyong hawak nya, pero kaagad nya itong nabitawan ng makita nyang hindi na ito humihinga. Dali-dali nyang binuksan ang parang aquarium, nakita sya ng mga kasamahan nya at pinigilan sya, pero tinuro nya ang walang malay na si L.A. katulad nya gulat na gulat din ang mga ito, at hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. 
Nagtulong tulong sila na buksan ang parang aquarium, para mapabilis ang pagbukas nito. Nang mabuksan na nila ito, kaagad binuhat ng isang lalaki si L.A para dalhin sa clinic. Pagkarating nila sa clinic, wala ang nurse kaya inihiga ng lalaki si L.A sa higaan, at umalis na. Pagkaalis nila saka lang dumating ang nurse, na may dalang pagkain dahil galing ito sa cafeteria at ngayon pa lang kakain. 
Pagpasok ni nurse Kharoll, nabitawan nya ang hawak nyang pagkain at agad na tinungo ang kama, kung nasaan nakahiga si L.A. tiningnan nya ang pulso nito, at doon sya kinabahan ng hindi nya maramdaman ang pulso nito. Tinapat nya ang kanyang tenga sa mukha nito para malaman nya kung humihinga pa ito, nakahinga sya ng maluwag ng maramdaman nya ang mabibigat nitong paghinga, pero hindi pa din nito nabawasan ang kabang nararamdaman nya. 
Naghanap sya ng paunang lunas, para maagapan at makahinga ng maayos si L.A. natataranta at hindi nya alam ang gagawin nya, unti-unti na ding tumutulo ang kanyang luha pero hindi nya ito pinansin. Sa kanya binilin si L.A, at sya ang pinagkakatiwalan ng magulang nito. Hindi nya alam kung ano ang uunahin nya, kaya huminga muna sya ng ilang beses. "Huwag kang kabahan, okay lang sya at walang nangyaring masama sa kanya. Kaya mo ito, magiging okay din ang paghinga nya at babalik sa normal ang paghinga nya." Sambit nya sa kanyang sarili, at saka nya sinimulang ayusin ang bagay na ilalagay nya kay L.A.
Binibigyan nya ng hangin si L.A gamit ang bagay na iyon, malapit na syang sumuko at muli syang nakakaramdam ng tinding kaba, pero nawala lang iyon nang makita nyang muling bumalik sa dati ang paghinga nito, at bumalik din sa dati ang mukha nitong maputla. Nakahinga sya ng maluwag nang makitang ayos na si L.A pero hindi nya maiwasan ang mag-isip kung sino at anong dahilan ng taong may gawa ng mga ito kay L.A, at kung paano ito napunta sa clinic.

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    CarlosJeiza

    👍👍👍

    27/06/2024

      0
  • avatar
    Ri Ca

    Oki

    06/05/2024

      0
  • avatar
    Johnmicheal Bilbao TP

    thks

    06/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata