Homepage/LOSING YOU AGAIN/
Chapter 42
Third person POV
"Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Tairoh kay Laxhian, matapos nyang mapansin ang pagiging tahimik nito.
"Wala naman, iniisip ko lang, magtatagal kaya tayo? tayo kaya hanggang dulo? kaya ba nating patawarin ang isa't-isa kapag nagkaroon na ng problema? at hindi nga ba natin iiwan ang isa't-isa kung may darating na bago satin? Ikaw, ano ba sa tingin mo?" Tanong ni Laxhian sa kanya habang nakatingin ito sa kanya.
Ngumiti na lang sya sa dalaga at saka ito yinakap, bago nagsalita.
"ikaw talaga." May ngiting sambit nya sabay gulo sa buhok nito, "huwag na muna iyan ang isipin mo, ang dapat mong isipin ay ang future nating dalawa," muling sambit nya bago humiwalay sa yakap nila.
"future? gaya naman ng-?" tanong ni Laxhian pero hindi katulad kanina, ang mukha nito ay masigla na at wala na ang lungkot nito sa mga mata.
"gaya ng kung ilan magiging anak natin, kailan ang gusto mong araw, buwan at taon ng kasal natin, gaano kalaking bahay ang gusto mo, ilang kotse ang gusto mo, at pinaka-importante sa lahat mahalin mo ako hanggang sa walang wakas natin. Huwag mo akong iiwan, ik@kam*t^y ko kapag iniwan mo ako." Sinserong sambit ni Tairoh habang nakatingin sya sa mga mata ng kanyang nobya.
"Oo naman, pangako hinding-hindi kita iiwan at susukuan dahil sobra pa sa sobra ang pagmamahal ko sayo." Nakangiting sagot ng dalaga sa kanya saka sya nito niyakap.
Magkayakap lang sila buong hapon, hanggang sa naisipan na nilang umuwi dahil gabi na at kailangan ng umuwi ni Laxhian.
Samantala isang lalaki naman ang nakatanaw sa kanila sa hindi kalayuan, ang mga mata nito ay puno ng galit. Ngunit hindi maikakaila ang selos na nararamdaman nya, matapos makitang magkahawak ng kamay sina Tairoh at Laxhian.
"Ako dapat ang nariyan at ako dapat ang may hawak ng kamay mo, hindi ang walang kwent-ng lalaki na iyan!" Nanggigil nyang sambit at ang kanyang mga kamao ay handa ng manuntok anomang oras. "Pero hindi naman kayo magtatagal dahil habang nabubuhay ako, hinding-hindi ko hahayaan na maging masaya kayo. You'll be mine soon my Angel." May ngising sa labi ng sambitin nya iyon. Bago pa sya kainin ng selos at inggit, isinara nya na ang kurtina, saka sya naglakad patungo sa banyo upang maglinis ng katawan.
Quarter to seven na sila nakarating sa bahay ni Laxhian at pagdating nila roon, naabutan nilang naghihintay sa labas ng bahay ang magulang ng dalaga.
"Mabuti naman at inuwi mo ang anak namin, akala ko ay itatakas mo na sya at ilalayo samin." May bahid man ng biro ang sinambit ng ama ni Laxhian, ngunit mababakas pa din sa mukha nito ang kaseryosohan.
"Daddy!/hon!" Inis na sabay na sambit ng kanyang mag-ina, habang nakatingin ito sa kanya.
"Bakit? Naninigurado lang ako na hindi ka nya ilalayo samin ng mommy mo, mahirap na, baka masalisihan kami at baka itanan ka pa ng lalaking iyan."
"Huwag po kayong mag-alala sir, dahil hindi ko po iyan gagawin. Mahal ko po ang anak nyo at handa akong hintayin sya, hanggang sa maging handa na syang magpakasal sakin at magkaroon ng pamilya kasama ako." Sinserong sambit ni Tairoh habang nakatingin kay Laxhian, na ngayon ay naluluha na matapos marinig ang sinabi nya.
"Ang sweet naman, naalala mo hon, ganyan ka din noon sakin."
"Oo naman hon, tandang-tanda ko ang lahat ng nangyari satin sa nakaraan." Napalitan ng katahimikan sa pagitan ng mag-asawa, matapos banggitin ng lalaki ang nakaraan. Hanggang ngayon ay hindi pa din nila ito makalimutan, kahit pa ibinaon na ng lahat sa limot. Sino nga bang makakalimot kung masyadong malaki ang sugat na iniwan nito sa puso mo. Kapag nasugatan ka, gumaling man ito ngunit hindi mo na maaalis ang peklat na bunga ng mga sugat mo, ganyan ang pakiramdam ng mag-asawang Delquentes. Pakiramdam nila anomang oras mawawala muli sa kanila si Laxhian, ang unica ija nila. 'anak, huwag ka na sanang mawala pa samin ng daddy mo' sa isip ni Vennizyll habang nakayakap sa asawa at nakatingin sa anak na ngayon ay may luha sa mga mata habang nakangiting nakayakap sa binata.
Ilang minuto pa nilang hinayaan ang dalawa na yakapin ang isa't-isa, bago sila pumagitna sabay sabing lumalalim na ang gabi at kailangan ng umuwi ni Tairoh, dahil baka mapano pa ito sa daan.
"Love muuna na ako, nagtext na din kasi sakin si ate, tinatanong kung uuwi na daw ba ako."
"Sige, mag-iingat ka sa daan love at huwag kalimutang tawagan ako, okay?"
"I will love, I'll call once I got home."
Hinalikan pa ni Tairoh ang noo ni Laxhian dahil ito ang gusto nito na ginagawa nya, bago sya naglakad papunta sa sasakyang nya. Kumaway muna sya sa mga ito upang sabihing uuwi na sya, saka nya pinaandar ang sasakyan paalis sa bahay nila Laxhian.
Nang hindi na matanaw ni Laxhian ang kotse ni Tairoh, humarap na sya sa kanyang magulang at saka yumakap sa mga ito ng may ngiti sa labi, yumakap naman pabalik ang mga ito sa kanya. Matapos ang kanilang yakapan session sa labas ng bahay, ay nagpasya na silang pumasok sa loob para makakain na sila ng dinner.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
👍👍👍
27/06/2024
0Oki
06/05/2024
0thks
06/04/2024
0Tingnan Lahat