Homepage/LOSING YOU AGAIN/
Chapter 41
Third person POV
"I'm back and ready to get back what's rightfull mine." wika ng isang binata sa kawalan, habang tinatanggal nya ang shades at tumitingin sa paligid ng airport. "Pero kahit mahal kita, hinding-hindi kita mapapatawad, nang dahil sa'yo nawala ang kapatid ko." muling sambit ng binata, saka na ito nagsimulang maglakad.
Sa paglabas nya ng airport, isang tao ang nakatayo sa kanyang harapan, nakangiti ito habang iwinagaway-way ang kamay sa kanyang harapan. Napangiti sya sabay takbo at yakap sa taong nasa harapan nya.
"Camilia!" Hindi nya napigilang isigaw ang pangalan ng babaeng unang naging kaibigan nya noon, at ang babaeng umamin na gusto sya nito.
"Dainel, namiss kita! kamusta ka naman sa ibang bansa? kainis ka, hindi mo man lang nagawang tumawag, parang hindi mo ako kaibigan." may pagtatampong sambit nito sa kanya. Napatawa na lang sya, sabay hawak sa pisngi nito at pinisil iyon. "Aray! bitaw! bitaw sabi!" inis nitong sigaw sa kanya, pero imbes na bitawan tumawa lang sya at hindi sinunod ang sinabi ng binata.
Tawa lang nang tawa si Aixzer at hindi pinansin ang masamang tingin ng kaibigan, pero nawala lang ang kamay nya sa pisngi ng dalaga, ng isang tao ang biglang nag-alis nito.
"She said get off." Madiing sambit ng binata sa kanya.
"And who are you? Camilia, who is he? A bodyguard?" pagtatanong nya kay Camilia habang may ngisi sa kanyang labi.
"tsk." tanging sinambit ng binata saka na ito nauna sa kanila.
"Ang attitude ng lalaking iyon! Sino ba sya, camilia?"
"Si Marckus, asawa ko." malungkot na sambit ng dalaga sa tanong nya.
"T-Teka, a-asawa? at kelan ka pa kinasal? akala ko ba ako ang mahal mo?" sunod-sunod na tanong ni Aixzer sa kaibigan. bigla naman itong namula at hindi makatingin ng maayos sa kanya.
"A-Ano ka ba? asawa ko lang naman sya sa papel."
"teka, asawa sa papel? ibig mong sabihin-" hindi nya tinuloy ang sasabihin at hinintay nya ang sunod na sasabihin ng dalaga sa kanya. Nakita nya kung gaano kalalim ang ginawa nitong pagbuntong hininga, at ilang minutong katahimikan ang pumagitna sa kanilang dalawa, bago nagsalita ang kaibigan.
"Arranged marriage." simpleng sambit ng dalaga pero madidinig mo ang napakaraming emosyon na hindi kayang ilabas ng dalaga.
Hindi sya nagsalita bagkos ay yinakap nya ang kaibigan ng mahigpit. Sa yakap nyang iyon, doon bumuhos ang luhang pinipigilan ng dalaga. "Alam ko naman na hindi ako pwedeng mahulog sa kanya, alam ko din na pagtapos ng tatlong taon ay maghihiwalay kami, pero hindi ko mapigilan ang puso ko na mahalin sya kahit alam kong masasaktan lang ako sa huli." umiiyak na sambit ng dalaga habang yakap-yakap sya.
"Huwag kang mag-alala Camilia, nandito na ako. Hindi ako papayag na saktan ka ng lalaking iyon, proprotektahan kita, gaya ng pangako ko noon," sambit nya habang marahang hinahaplos ang likod ng dalaga, pero ang mga mata ay matalim na nakatitig sa binatang nakatayo sa may gilid ng kotse.
Kapwa masama ang titig nila sa isa't-isa at parehong walang balak bumitaw sa napakasamang titigan nila. 'sino ba ang lalaking iyan, at talagang yumakap pa sa asawa ko?! teka, asawa? erase-erase asawa mo lang sya sa papel at malapit ka ng makalaya sa rehas na gawa ng parents nyo' sambit ng binata sa isip, at sya na ang kusang bumitaw sa titigan nila ni Aixzer, sabay pasok sa driver seat ng kotse. Maya-maya pa, sumunod na din sila Aixzer sa pagpasok sa kotse.
Mahigit anim na oras ang naging byahe nila, bago nakarating sa hotel na tutuluyan nya.
"If need mo ng help, tawagan mo lang ako," sambit ni Camilia sa kanya.
"I will Cami ko." nakangiting sambit nya sabay halik sa pisngi ng dalaga malapit sa labi nito. "I'll make him see how beautiful you are, I'll make him jealous to know his true colors." Dagdag nyang sambit, habang binubulong ito sa tenga ng dalaga.
"What for? halata namang kahit anong gawin ko, hindi naman nya ako mamahalin pabalik. I did that before, at nagmukha lang akong t^ng- sa harapan nya." malungkot na sambit ng dalaga. Napansin naman ito ni Aixzer, kaya niyakap nya ang dalaga.
"Don't worry ako ng bahala at sisiguraduhin kong magsisisi sya, kapag hindi ka nya nagawang pahalagahan." bulong nya sa dalaga habang nakangising nakatingin sa binatang nakayukom na ang kamao, at anomang oras ay handa na sya nitong suntuk!n.
Ilang minuto pa silang magkayakap, bago sya humiwalay sa yakap nila.
"Sige na, mauuna na kami. Enjoy your stay at sana makapagbonding tayo."
"Oo naman, gusto mo pa araw-araw tayong mamasyal."
"pwede ba? kidding haha.. oh sige na, mauuna na kami at magpahinga ka na, alam kong pagod ka sa byahe."
"Sige, ingat ka pauwi sa inyo." Huling sambit nya at saka muling hinalikan ang pisngi ng dalaga, napangiti naman ito sa ginawa nya. Nginisihan nya ang binata matapos tumalikod ni Camilia, at maglakad palapit sa pwesto ng asawa nito. Palihim syang napangiti matapos makita ang reaction ng binata, 'simula pa lang iyan pero magtatagumpay na ako, ano na lang kaya sa mga susunod na araw' sa isip-isip ni Aixzer habang nakatingin sa papalayong kotse.
"This is it, wait for my sweetest revenge my dearest Laxhian." Nakangising sambit ni Aixzer sa kawalan, saka nya kinuha ang kanyang bagahe at maglakad na papasok sa loob ng hotel.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
👍👍👍
27/06/2024
0Oki
06/05/2024
0thks
06/04/2024
0Tingnan Lahat