Homepage/LOSING YOU AGAIN/
Chapter 40
Third person POV
"Mukhang masaya ang anak ko, tell me kayo na ba ni Tairoh?" tanong ng ginang sa anak nyang si Laxhain, matapos makita ang kakaibang kislap sa mga mata nito.
Dalawang buwan na ang lumipas magmula ng ligawan sya ni Tairoh, sa una nagdadalawang isip pa si Laxhain at hindi alam kung papayagan nya itong pumasok sa buhay nya, pero sa huli nanaig pa din ang pagmamahal at ang kagustuhan nyang makasama ang binata, kaya pumayag na sya.
"Mom?! hindi pa po kami ni Tairoh." nakangiting sagot ni Laxhain sa kanyang ina, ngunit binigyan lang sya nito ng kakaibang tingin.
"HINDI PA! so may balak kang sagutin sya? Alam mo kung ano ang kondisyon mo anak, at ayaw ka naming masaktan ng daddy mo. Ang amin lang, kung sasagutin mo man sya, sana kaya ka nyang alagaan at protektahan. Hindi ko hinahadlangan ang kaligayahan mo, pero sana huwag mong masyadong mahalin ang lalaking hindi natin siguradong mamahalin ka hanggang dulo, kasi baka sa una lang ang lahat. Ayaw na ayaw namin ng daddy mo ang nakikitang nasasaktan ka, dahil sobra ka naming mahal." matapos sabihin iyon ng ginang, yinakap nya ang anak at saka ito hinagkan sa noo.
"I know mom, and mahal na mahal ko po kayo ni daddy." nakangiting sagot ni Laxhain sa ina habang nakayakap sya dito.
Matapos ang kanilang pag-uusap, nagpaalam na ito sa kanya dahil marami pa syang naiwan na trabaho sa baba. Ngumiti na lang sya at saka hinalikan sa pisngi ang ina, bago ito lumabas ng kanyang kwarto.
pagkalabas ng ina, tumingin si Laxhain sa labas ng bintana at nakita nya kung paano bumuhos ang malakas na ula, ito ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang sanang lakad nila ni Tairoh. Masama ang panahon at alam nyang may paparating na bagyo, kung kaya't naiintindihan nya ang mga ito, pero hindi nya pa rin maiwasang hindi isipin na sana magkasama sila ni Tairoh. Wala pang isang araw silang hindi nagkikita ay namimiss nya na kaagad ang binata.
"I miss you." bulong nya sa hangin habang nakatingin sa bintana, kung saan makikita mo ang bawat patak ng ulan.
"I miss you too," sambit ng kung sino sa likuran nya, at kahit hindi sya lumingon, alam na alam nya kung kanino itong boses.
Katulad ng sa ulan, ang kanyang luha ay unti-unti ng pumapatak sa mga mata nya. Ilang sandali pa ay nagpasya na syang lumingon, para tignan kung tama ba ang narinig nya at hindi lang sya nag-iilusion.
Sa kanyang paglingon, mga mata ay napuno ng luha sabay takbo patungo sa direksyon ng binata. "Tairoh." Maluha-luhang sambit ni Laxhain habang mahigpit na nakayakap sa binata.
Natawa naman ang binata sa inasta ni Laxhain, kahit papaano gumaan ang pakiramdam nya. 'I hope hindi mangyari ang panaginip ko. Ayoko ng maiwang muli' bulalas ng binata sa isip, habang nakayakap kay lack Laxhain.
"Bakit ka nandito? di ba, sabi mo may pupuntahan kayo ng ate mo? hindi ba natuloy?" sunod-sunod na tanong nya kay Tairoh, pagkatapos ng ilang minuto nilang yakapan.
"Hindi natuloy dahil sa ulan, kaya nagpasya akong bisitahin ka. Hindi natuloy ang lakad natin dahil sa ulan, at hindi rin natuloy ang lakad namin ni ate. Siguro ito ang signs na dapat kasama kita, at ito ang paraan nya para magkasama tayong dalawa." May ngiti sa labing sagot nito sa kanya, kaya napangiti na lang din sya.
"Ibig sabihin, dito lang tayo sa bahay? hindi kaya mabored ka lang? kasi di ba, wala naman tayong magagawa dito kundi ang manood at kumain." Nakangusong sambit ni Laxhain sa binata, pero ngumisi lang ito na ikinataka nya.
"May magagawa pa tayo bukod dyan, at mas magagawa natin ito dito sa loob kaysa sa labas." Nakangising sambit ni Tairoh dahilan para manlaki ang mga mata ni Laxhain.
"Bastos! Bastos ng mga iniisip mo!" patuloy sya sa paghampas habang sinasambit iyon, pero tawa lang nang tawa ang binata sa kanya habang iniiwasan nito ang mga hampas nya.
Nang mahuli ni Tairoh ang unan ay kaagad nya itong hinila dahilan para magkalapit silang dalawa. Hindi naman kaagad nakagalaw si Laxhain dahil sa sobrang lapit nila, idagdag mo o pa ang puso nyang nagkakarera na dahil sa bilis ng tibok nito.
"Makinig ka, alam kong hindi ka pa handa na gawin ang bagay na iyon at naiintindihan ko iyon. binibiro lang kita, at gusto ko lang makita kung paano ka mainis. Sana... sana hindi mo ko iwan kahit nagiging isip-bata ako sa paningin mo," sambit ni Tairoh, at kitang-kita ni Laxhain ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito.
Niyakap nya lang ang binata sabay sabing, "Oo naman hinding-hindi kita iiwan, pangako."
Magkayakap lang sila at parehong walang balak bumitaw, pero kaagad silang napabitaw sa isa't-isa matapos marinig ang boses ng ina.
"Mga anak, tama na muna iyang lambingan nyo at hali na kayo sa baba, handa na ang pagkain natin," sambit ng ginang pagpasok nya sa loob ng kwarto ng anak. Lihim naman syang napangiti ng makita nya ang anak na namumula ang pisngi. 'Dalaga na talaga ang anak namin' sa isip ng ginang habang nakatingin sa dalawang tao na nakaupo sa kama.
"opo mom, susunod na kami," sambit nya sa ina, pagkaraan ng ilang segundong pagkakatulala.
"Good at mamaya nyo na lang ituloy kung ano man ang ginagawa nyo." Pilyang sambit ng ina nya sabay kindat kay Tairoh na tila may pinapahiwatig ito. kaagad naman nagets ng binata ang ibig sabihin ng ginang, kaya naman ngumiti din sya pabalik. "And please gusto ko babae ang una kong maging apo." Tatawa-tawang sambit ng ginang bago ito lumabas ng kanyang kwarto.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
👍👍👍
27/06/2024
0Oki
06/05/2024
0thks
06/04/2024
0Tingnan Lahat