logo text

Chapter 39 part 1

Third person POV
Tahimik na nakaupo si Tairoh sa loob ng kanyang opisina, habang nag-iisip sa kung ano talaga ang nararamdaman nya. "Alam kong gusto ko na sya, pero mahal ko pa din si Aixze. Ang gulo! di ko na alam kung ano ba talaga itong nararamdaman ko!" Nakasabunot sa buhok nyang sambit, at bakas sa boses nya ang pagka-irita dahil sa hindi malaman kung ano ba talaga ang totoo nyang nararamdaman.
"Mahirap iyan, brother. Dapat alam mo kung ano ba talaga sya para sa'yo," sambit ng kung sino kaya napaangat sya ng tingin, dito nya nakita ang kanyang ate na may dalang kape.
"Ate, ano ba sa tingin mo ang dapat kong gawin?" Tanong nya sa kapatid na ngayon ay nasa harapan nya na.
Bago ito sumagot, nilapag nya na muna ang dalawang tasa ng kape sa lamesa, "alam mo Zai, ikaw lang ang makakasagot sa tanong mo. Kung patuloy kang maguguluhan sa nararamdaman mo, baka mawalan ka na."
"Wait, what do you mean sa mawalan ka na?"
"What I mean is, tingin mo ba walang may gusto sa kanya? Maganda si Laxhain at walang sinong lalaki ang hindi magkakagusto sa kanya."
"T-Teka, paano mo nalamang sya ang tinutukoy ko, wala naman akong sinabi."
"Wala nga, pero halata sa mukha mo na sya ang dahilan kung bakit masaya ka ngayon, at kung bakit naguguluhan ka. Better think now brother, you'll never know, baka mamaya nyan may iba ng umaaligid sa kanya, ikaw din."
Matapos sabihin iyon ng kanyang ate, umalis na ito dahil may meeting pa syang pupuntahan. Pinuntahan nya lang ang kapatid dahil napapansin nyang hindi ito gaanong nakakatulog ng maayos, at palaging may iniisip. 'Sana magawa mong pag-isipan ang lahat, huwag ka sanang mahuli at huwag mo sana itong pagsisihan dahil mas masakit kung sa huli mawawala lang din ang lahat' bulalas nito sa kanyang isip bago tuluyang lumabas ng opisina ni Tairoh.
Nakatulala lang si Tairoh at hindi alam kung ano na ang gagawin nya. Isang oras mahigit na ang lumipas, matapos ang usapan nila ng kanyang kapatid, at isang oras na din syang nag-iisip kung ano ba talaga totoo nyang nararamdaman para sa dalaga. Alam ni Tairoh na kahit ilang taon na ang lumipas magmula ng iwan sya ni Aixze, ay nananatali pa din sa kanyang puso ang pag-ibig ng nakaraang winakasan ng tadhana.
Sa kanyang pag-iisip biglang bumalik ang araw na una silang nagkita, ang mga mata nito na tila nasasaktan sa tuwing mamasdan nya, ang ngiting nagbibigay kasiyahan sa kanya, at ang kakaibang kislap sa mukha nito sa tuwing magagawi sa kanya ang paningin nito. Bigla rin pumasok sa isip nya ang nangyari sa farm nila, kung gaano sya kasaya at kung paano naging maliwanag ang lahat sa panangin nya. Pero kahit ganoon ay nangangamba pa din sya, na baka isang araw maging madilim ulit ang mundo nyang unti-unti ng nagkakaroon ng kulay at sigla. Takot sya na baka mangyari ulit ang nakaraan at baka sa huli maiwan lang syang durog at nag-iisa.
'Pero kaya mo ba syang makitang masaya at hawak ng iba?' biglang singit ng kanyang isip dahil dito, hindi nya maiwasang ikuyom ang kamay sa inis at galit na umusbong sa kanyang dibdib. 'See! nagagalit ka na kahit wala pa, ano pa kaya kung makita mo na talaga, baka bigla ka na lang sumugod ng sunt*k' singit muli ng kanyang isip kaya mas lalong dumiin ang pagkuyom ng kamay nya.
"As if I let that happen. The moment she laid her eyes on me, the moment she cried whenever she sees me, I know that she's mine already. I owned every single of her!" madiing sambit nya sa kawalan habang nagpupuyos na sa inis at galit ang mga mata nya.
Tahimik na nag-aayos ng gamit si Laxhain sa loob ng Café nila. Ito na ang madalas nyang gawin sa tuwing malapit na syang umuwi, gusto nya na nasa maayos ang lahat para pagbukas ng coffee shop bukas ay wala na silang gaanong proprobpemahin pa, kundi konting linis na lang.
"Ma'am hindi pa po ba kayo uuwi? gabi na ho, baka mamaya mapano pa kayo sa daan," sambit ng guardya matapos sya nitong makita.
"Hindi pa kuya, tatapusin ko pa ito, malapit naman na akong matapos," sagot nya kay manong guard na ngayon ay tumatango sa kanyang sinabi.
Bumalik ang kanyang tingin sa ginagawa at saka ito pinagpatuloy, hanggang sa hindi nya na namalayan ang oras. Masyado ng gabi at wala ng dumadaang sasakyan sa kalsada, pagkalabas nya ng Café. Tiningnan nya din ang kanyang cp na nakasilent pala, "hala! lagot ako nito, ang dami nilang missed calls sakin," sambit nya matapos makita ang ilang message at missed calls mula sa kanyang magulang.
"Mabuti pala at nagpunta ako, kung hindi magdadrive ka pauwi ng ganitong oras."
Rinig nyang sambit ng kung sino mula sa likod nya.
Napangiti sya matapos makita ang lalaking nagpabaliw sa kanya nitong mga nakaraang araw, at ang lalaking dahilan kung bakit lumuluha na naman sya.
"Lumuluha ka na naman. Tell me may nagawa ba akong mali?" Tanong nito habang marahang pinupunasan ang kanyang mga matang puno ng luha.

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    CarlosJeiza

    👍👍👍

    27/06/2024

      0
  • avatar
    Ri Ca

    Oki

    06/05/2024

      0
  • avatar
    Johnmicheal Bilbao TP

    thks

    06/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata