logo text

Chapter 37 part 2

Continuation
Third person POV
Nakarating sila Tairoh at Laxhain sa farm ng Sylbanies family, pagkarating nila roon ay kaagad silang sinalubong ng ilang kasambahay ng pamilyang Sylbanies. Nasa labas pa lang sila ng bahay, pero ang mukha ni Laxhain ay nagniningning na dahil sa napakagandang tanawin na nakikita nya. Malaki ang mansyon na nakatayo sa gitna, may malaking hardin na kung saan napupuno ito ng mga matitingkad na kulay, kitang-kita rin ang ganda ng pagkislap ng bulaklak sa tuwing tatamaan ito ng araw.
"Alam kong nagagandahan ka sa paligid, pero kailangan na nating pumasok sa bahay, sigurado akong naghihintay na sila lolo satin," biglang sambit ni Tairoh dahilan para tumingin si Laxhain sa kanya. Ngumiti lang ito sabay tango sa kanya, saka sila sabay na naglakad papasok sa loob ng mansyon.
Pagpasok nila sa loob, nakita kaagad nila ang dalawang matanda na masayang nag-uusap habang umiinom ng tsaa. Tumikhim si Tairoh para kunin ang attention ng dalawang matanda, at hindi naman ito nabigo dahil agad lumingon ang mga ito. Kinagulat nya na hindi man lang sila nagulat, bagkus ay nakangiti pa ang mga ito sa kanya.
"Hindi po ba kayo nagulat Lolo, Lola na may kasama ako?" Hindi nya mapigilang itanong sa mga ito. Alam nyang wala pa syang nasasabi sa mga ito, kahit sa pamilya nya nila wala pang nakakaalam.
"Bakit naman kami magugulat apo, sinabi ng ate mo samin na may nagpapangiti na raw sayo. Sya na ba apo?" Pareho sila nagulat ni Laxhain sa tanong ng kanyang Lolo, pero mas Lalo silang nagulat sa sunod na sinabi nito, "kayo na ba apo?" Tanong na hindi nila inaasahang itatanong sa kanila.
"Po!?/po!?" Sabay nilang tanong dahilan paraas lumawak ang ngiti ng dalawang matanda. "Hindi po kami/hindi pa kami lolo," sabay ulit nilang sabi na nagbigay ng kakaibang ngiti sa dalawang matanda.
"Sige kunwari mga apo naniniwala kami haha..." Natatawang sambit ng kanyang Lolo, "oo nga naman, naku binata na talaga ang apo namin. Dati-rati tumatakbo ka pa sa loob ng pasilyo nitong bahay, habang underwear lang ang suot mo," segunda naman ng kanyang Lola.
"Lola naman, matagal na po iyon kaya kalimutan nyo na," sambit nya at halata sa kanyang boses na nahihiya sya. Napatingin sya kay Laxhain ng marinig nya ang mumunti nitong tawa, 'pati ba naman sa pagtawa sya pa din nakikita ko' sambit nya sa isip. Umiwas na lang sya ng tingin ng maramdaman nyang titingin ito sa kanya.
Matapos ang ilang minutong asaran sa may sala, inaya na sila ng kanyang Lolo at Lola na kumain, dahil nagpahanda ang mga ito ng pagkain para sa kanila. May kanin na bagong luto, may sinigang na amoy nila ang asim nito, may adobong manok na syang paborito nilang dalawa, at may dessert pa na chocolate cake. Ang drinks naman ay tubig lang at orange juice ang nakahain, hindi sila naghain ng wine dahil alam nilang bawal iyon sa dalaga. Hindi lang sinasabi ng mga ito pero alam nila kung sino talaga ang dalaga, kaya nga natatakot sila sa maaaring mangyari sa hinaharap-harap.
Masagana silang kumakain habang nagkwekwentuhan ng kung ano-ano, gaya ng kung paano sila nagkakilala kaya naman naging tampulan sila ng tukso matapos sabihin ang una nilang pagkikita. Tawanan at kulitan ang makikita mo sa hapag kainan na iyon, walang bakas ng lungkot pero 'sana hindi na ito matapos pa' bulalas ng ginang sa isip habang nakatingin sa masayang mukha ng apo.
Nagtungo na sila sa farm pagkatapos nilang kumain, nasa bungad pa lang sila pero ang mga mata ni Laxhain ay nagniningning na, katulad ng pagningning ng mga mata nito noong makita ang hardin ng lolo't Lola ni Tairoh. Bago pa tumulo ang laway ni Laxhain sa kanyang nakikita, agad nya na itong ginaya sa gitna mismo ng farm kung saan naroon ang napakaraming iba't-ibang klase ng prutas.
"Wow! Ang ganda pala rito," sambit ni Laxhain ng may paghanga sa kanyang mukha, habang nakatingin sa buong paligid ng farm.
"Tama ka, maganda ng rito at kitang-kita mo ang napakaraming iba't-ibang klase ng prutas," sambit ni Tairoh kay Laxhain na may ngiti sa labi.
Nagkatinginan lang sila pero ng ngiti sa labi ay hindi nawala, kung kaya't hindi nila napansin ang pagdating ng dalawang matanda.
"Mga apo, ano? Magtitinginan na lang ba kayo dyan? Sabihin nyo lang at kami na ng Lolo nyo ang umani ng mga ito, at kayo ay magtitigan na lang dyan," sambit ng kanyang Lola sa kanila habang naroon ang pang-asar sa tono nito.
Sabay silang umiwas at kinuha ang basket, pero dahil hindi sila nakatingin kaya iisang basket ang nadampot nila. Nakapatong ang kamay ni Laxhain sa may hawakan ng basket habang ang kamay ni Tairoh ay nakapatong sa kamay nito. Hindi kaagad sila nakagalaw at muli silang nagkatinginan ng ilang sandali, naputol lang iyon ng marinig nilang tumikhim ang dalawang mata. Mabilis pa sa kidlat ang biglang pagbitaw ni Tairoh sa basket kung saan nakahawak sya sa kamay ni Laxhain, sabay kuha ng ibang basket.
Naging masaya ang araw na iyon para kina Tairoh at Laxhain, nariyan ang biglang susubuan nya ng strawberries si Laxhain, minsan naman si Laxhain ang magsusubo sa kanya ng hawak nitong strawberries kaya naging tampulan sila ng tukso ng mga taong kasama nila roon, kasama na ang kanyang Lolo at Lola. Kitang-kita ni Tairoh ang saya sa mukha ni Laxhain, pero lolokohin nya pa ba ang sarili kung nakikita nya kay Laxhain ang ngiti ng dating nobyo. 'nababaliw na nga siguro ako. Bakit ba sya pa din ang nakikita ko kahit na ibang mukha at pangalan ang nasa harap ko' ang nasa isip ni Tairoh habang nakatingin sa dalaga na masayang pumipitas ng prutas.
Gabi na ng maihatid ni Tairoh si Laxhain sa kanila. "Salamat pala dahil pinalitan mo sakin ang farm nyo, sobra akong nag-enjoy kaya maraming salamat talaga. Ngayon na lang ulit ako naging ganito kasaya, at sana maulit pa ito," sambit ni Laxhain kay Tairoh bago sya bumaba ng kotse nito. Ngiti lang ang sinukli nito sa kanya at pagkalabas nya, kumaway lang ito bilang paalam pagkatapos umalis na ito agad.
"This is the best day ever, I hope this is not the last!" May ngiti sa labing sambit nya habang nakatingin sa kisame ng kanyang kwarto. Ilang sandali pa ay naisip nya ng matulog dahil maaga pa ang gising nya bukas.

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    CarlosJeiza

    👍👍👍

    27/06/2024

      0
  • avatar
    Ri Ca

    Oki

    06/05/2024

      0
  • avatar
    Johnmicheal Bilbao TP

    thks

    06/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata