Homepage/LOSING YOU AGAIN/
Chapter 35
Third person POV
Tahimik na nakaupo si Laxhain sa loob ng kanyang opisina sa Laxzanmiell Angel Cafè, habang busy sya sa pagpirma sa mga papel na nasa lamesa nya. Magmula ng magising sya ito na ang pinagkaka-abalahan nya, nakagraduate din sya kahit pa home school lng at hindi na sya pinayagan ng kanyang magulang na pumasok sa paaralan kung saan sila nag-aaral ni Aixz, dahil natatakot ang mga ito na baka maulit ang nangyari.
"Nasaan ka na ba sissy? Sabi mo babalik ka, pero hanggang ngayon hindi ka pa din bumabalik. Namimiss na kita," sambit nya sa kawalan matapos makita ang isang lamesa na may larawan ng kaibigan. Hindi nya alam pero sa tuwing magagawi ang kanyang paninging sa larawan ng kaibigan, may kurot sa kanyang dibdib at pakiramdam nya hindi na ito babalik pa. "Nangako ka na babalik ka, tutuparin mo naman iyon di ba sissy?" Tanong nya sa litrato ni Aixz. Huminga sya ng malalim at saka muling pinagpatuloy ang naudlot na gawain.
Gabi na ng matapos sya, at halos sya na lahat ng empleyado sa coffee shop nila ay umuwi na. 7pm ang oras ng pagsara nila pero dahil sa madami syang pinirmahan kaya halos 9pm na sya makakauwi.
"Good evening po ma'am, ngayon lang po kayo natapos?" Bati sa kanya ng guard matapos syang makita na pababa ng hagdan.
"Good evening din manong guard, opo ngayon lang natapos. Marami-rami kasi akong pinirmahan." Nakangiting sagot nya dito. "Mag-iingat ka dito manong, ikaw na pong bahala sa coffee shop namin ni sissy at pakisabi sa iba na bukas na lang nila ipagpatuloy ang ginagawa nila. Masyado ng gabi at baka mapano pa sila sa daan." Muli nyang sambit.
"Yes ma'am, masusunod po," sambit nito sa kanya. Nginitian nya na lang ito bilang sagot at saka sya nagpatuloy sa paglalakad.
Pagkarating nya sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan nya, sumakay na kaagad sya at saka ito pinaandar paalis. Nasa kalagitnaan sya ng byahe pauwi sa kanilang bahay ng bigla nyang makita ang isang parke, hindi nya alam pero may nagtutulak sa kanya para pumunta doon. "Gabi na at sigurado akong nag-aalala na sina mama sakin, pero bakit pakiramdam ko hindi ako makakatulog ng maayos kapag hindi ako pumunta dyan. Ano ba kasing meron sa parke na iyan at hindi ako maka-alis? Bahala na nga, wala namang masama kung pumunta ako at isa pa sandali lang naman ako doon." Bulong nya sa sarili, at matapos ang ilang minutong pagtatalo sa kanyang sarili, naisipan nya ng bumaba sa sasakyan at saka naglakad patungo roon.
'Wala namang special dito pero bakit nacucurios ako?' tanong nya sa isip habang naglalakad palapit doon. Naupo sya sa may upuan sa tapat ng puno, at saka huminga ng malalim bago tumingin sa kalangitan na puno ng bituin. "Ang ganda pagmasdan ng kalangitan, napakaaliwalas nilang tingnan at ang buwan na kay liwanag na syang nagbibigay ilaw sa madalim na kalsada. Siguro balang araw magiging isa din ako sa mga bituing nandyan sa langit," sambit nya sa sarili habang nakatingin sa langit, at ang ngiti sa labi ay hindi na mawala.
Maya-maya pa naisipan nya ng umuwi at baka hinahanap na sya ng kanyang magulang, ngunit sa hindi inaasahan nabangga sya sa isang tao matapos nyang humarap sa kanyang likod.
"I'm sorry hindi ko sinasadya nagmamadali kasi ak--" hindi natapos ni Laxhain ang kanyang sasabihin matapos makita ang taong nakabangga nya.
Sandali syang nahinto sa pagsasalita, matapos mapagmasdan ang mukha ng lalaki. Hindi nya maipaliwanag ang mga nararamdaman nya sa mga oras na iyon, may bahagi sa kanyang puso na nais nya itong hagkan at yakapin ngunit hindi nya alam kung bakit, at may bahagi sa kanyang isip na namimiss nya na ito and at the same time natatakot sya dahil pakiramdam nya may nagawa syang mali dito kahit wala naman.
'Sino ka ba? At bakit ang sakit ng puso ko ng makita kita? Namimiss na kita pero hindi ko naman alam kung bakit at anong dahilan ng pagkamiss ko sayo' mga tanong sa kanyang isip na ang sagot ay wala at hindi nya alam. Nakatulala lang sya sa lalaki at maging ito ay nakatingin lang din sa kanya, pero kalaunan ay nagtaka sya matapos makita ang biglang pagtaas ng kilay nito. "Tsk." Mahina man pero dinig na dinig nya kung ano ang sinambit nito, at nagtaka sya ng bigla itong maglabas ng panyo at ilahad ito sa kanya. "Here." Muli nitong sambit pero sya nakatulala lang at hindi maprocesso ng isip nya ang mga nangyayari.
"Huh?" Tanging nailabas ng kanyang labi habang nakatingin sa kamay ng lalaki na may hawak ng panyo.
"Tsk." Huling salitang narinig nya sa lalaki, bago nya naramdam ang panyo sa kanyang pisngi. Doon nya lang nalaman na kanina pa pala sya umiiyak, at ang mga mata nya ay puno na ng luha. Hindi nya alam pero mas lalong bumuhos ang kanyang mga luha ng makita nya na sa malapitan ang lalaki, kasabay nito ang pagyakap nya sa lalaki at sabihin ang katagang kanina pa naglalakbay sa kanyang isip. "Namimiss na kita!" Umiiyak nyang sambit habang yakap-yakap ang lalaking natulala na sa kanyang ginawa.
'Bakit?' tanong ng lalaki sa isip nya at hindi nito magawang kumilos, kahit pa ang yumakap pabalik hindi nito magawa. "Ehem!" Tumikhim na sya para kuhain ang attention ng dalaga, at hindi nga sya nagkamali dahil bigla itong kumalas sa yakap, saka napapahiyang lumayo sa kanya. "I'm sorry, hindi ko sinsadya," sambit nito saka nagmamadaling umalis sa kanyang harapan. "Hey!" Sigaw nya pa pero hindi na ito muling lumingon pa.
"Arghh!! Bakit mo iyon ginawa self?! Nakakahiya! Ano na lang ang sasabihin nya na b@st*s ako at bigla-bigla na lang nangyayakap, tapos sinabi mo pa na miss mo sya! Arghh!! Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanya kapag nagkita na ulit kami?! Pero bakit nasasaktan pa din ako? Bakit parang gusto kong bumalik doon at yakapin sya ng sobrang higpit? Arghh! Nababaliw ka na talaga self!" Panay ang paghampas nya sa kanyang noo habang sinasambit nya iyon sa kanyang sarili.
Lumuluha syang mulling tumingin sa gawi ng lalaki, kitang-kita nya ang pagtataka sa mukha nito at alam nyang nakatingin ito sa kanya kahit pa hindi sya nito nakikita. Pinunasan nya muna ang mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata, at saka nya pinaandar ang sasakyan paalis doon. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
👍👍👍
27/06/2024
0Oki
06/05/2024
0thks
06/04/2024
0Tingnan Lahat