Homepage/LOSING YOU AGAIN/
Chapter 14
Third person POV
Nagising si L.A mula sa pagkakatulog, nang may naramdaman syang tumatapik sa kanyang pisngi, at ginigising sya.
"Sissy, gising na at nandito na tayo. Sissy." Panggigising nito sa kanya.
Dahan-dahan nyang minumulat ang kanyang mata, at nakita nya si Aixz na ginigising sya. "Tumayo ka na dyan, para makapunta na tayo doon. Nadala na namin lahat ng gamit, at ikaw na lang ang hinihintay." Muli nitong sambit sa kanya.
Tumango sya dito, at tumayo na. Paglabas nya ng sasakyan nanlalaki ang kanyang mga mata, at makikita sa mukha nya ang paghanga sa kanyang nakikita ngayon.
"Ang ganda dito, hindi ba? Ganyan din ang itsura namin nila tita ng makita namin ito. Kaya pala dinadagsa at pinupuntahan ito ng mga tao, dahil sa maganda ito at talaga namang magaganda ang mga tanawing makikita mo." Sambit ni Aixz sa kanya, matapos nitong isara ang sasakyan.
"Oo ang ganda dito sissy, at hindi tayo nagkamali na ito ang pinili natin." Sambit nya habang nasa paligid ang kanyang paningin. Inaya na sya nito na pumunta na kung saan sila nakapwesto, habang naglalakad sila patuloy lang si Aixz sa pagkwento ng mga bagay na napansin nya sa lugar ng love lost paradise (LLP).
"Alam mo ba sissy na sobrang bait ng mga tao dito, ang mga tauhan nila sobrang maasikaso at sasamahan ka nilang lumibot sa buong paligid ng resort na ito. Halika na nga, at bilisan na nating maglakad para makakain na tayo, gutom na ako." Sambit nito sa kanya, at sabay silang natawa sa sinabi ni Aixz.
Nakarating sila sa pwesto kung nasaan ang kanyang magulang, at nakita nilang hinahanda na ng mga ito ang kanilang pagkain. Naunang umupo si Aixz, at kaagad itong nagsandok ng pagkain. Natatawa na lang silang lahat sa ginawa nito.
"Hindi ka naman gutom nyan sissy, sobrang gutom ka lang. Hindi ka ba nag-almusal? at ganyan ka na lang kagutom." Sambit nya sa kanyang kaibigan na halos mabulunan na sa kakasubo ng pagkain. Lumunok muna ito at uminom ng tubig bago nagsalita.
"Hindi at kagabi konti lang ang kinain ko, kaya sobrang gutom ako ngayon." Aixz
"Ano ba kasi ang ginawa mo? At hindi ka kumain kaninang umaga. Sana kahit tinapay lang kumain ka, ng hindi ka nagugutom ng ganyan. Parang hindi ka pinakain ng isang taon." L.A
"Grabe ka naman sakin sissy, isang taon talaga pwede namang isang araw o isang linggo, taon talaga. Kaloka ka, maagang masisira ang beauty ko sayo." Sambit nito, sabay ipit ng buhok sa tenga. Mahaba na ang buhok ni Aixz, kaya nagagawa nya ng magtali ng buhok.
"Sissy, wala ka bang plano magpagupit? Ang haba na ng buhok mo. Gusto mo bang samahan kita magpagupit?" Tanong ni L.A ng mapansin nyang humahaba na nga ang buhok ni Aixz. Sinamaan sya nito ng tingin, sabay irap.
"Ayoko at Ayoko, hindi mo ako mapipilit sa bagay na iyan. Minsan ko ng pinagupitan ang buhok ko, at ang laki ng pagsisisi ko ng ginupit ito. Inaalagaan ko ng mabuti ang buhok ko, kaya hindi ko ito dapat pagupitan dahil masisira lang. Tama na nga muna ang daldal, kumain ka na lang dyan. Nabibitin ako sa kakasalita." Sambit nito, at muling sumubo ng pagkain.
Napailing na lang sya at sinimulan nya ng kainin ang pagkaing nasa harap nya.
Nagpapahinga silang lahat matapos makakain, habang nakaupo napapansin nya ang malalalim na pagbuntong hininga ni Aixz, at ang mukha nito na halata nyang maraming iniisip. "Sabihin mo na." Sambit nya dahilan para lingunin sya nito.
"Wala naman akong sasabihin." Sambit ni Aixz, pero iniiwas nito na magtagpo ang mga mata nila. Napailing na lang sya at alam nyang nagsisinungaling lang ito sa kanya. Hinawakan nya ang mukha nito at pinilit nyang magtama ang mga mata nila, ito ang ginagawa nya sa tuwing may nililihim sa kanya si Aixz. Napalunok si Aixz, at sya na mismo ang sumuko dahil alam nyang hindi titigil si L.A hangga't hindi nya sinasabi ang nasa isip nya. "Alam ko magagalit ka sa sasabihin ko, pero kasi kailangan ako nila papa sa amerika at magtatransfer na ako doon. Doon ko na ipagpapatuloy ang pag-aaral at doon na din siguro ako maninirahan. Bibisita naman ako dito, pero hindi ko alam kung kailan." Sambit nya, at kita nya ang lungkot sa mukha lalo na sa mga mata nito. Huminga ng malalim si Aixz at niyakap ang kaibigan. "Hindi naman ako mawawala, araw-araw naman kitang tatawagan at itetext. Huwag ka ng malungkot, hindi naman kita iiwan." Nakangiti nyang sambit kay L.A, pero hindi pa din nito naalis ang lungkot sa mga mata nito.
"Ganon ba, sige maglakad lakad lang ako. Huwag mo na akong samahan pa, kaya ko ang sarili at gusto ko ding mapag-isa." Sambit nito at bago pa sya magkapagsalita, mabilis itong naglakad palayo sa kanya. Hindi nya maiwasang magalala, pero ano nga bang magagawa nya kung iyon ang gusto ni L.A.
Hapon na pero wala pa din si L.A kaya nag-aalala na sila dahil baka may nangyari ng masama dito. Tatawag na sana ang ama ni L.A nang pigilan nya ito at sinabing sya na ang bahalang maghanap kay L.A.
Matapos umalis, kung saan saan sya dinadala ng kanyang paa, hanggang sa makarating sya sa may dagat. Dinadama ng mga paa nya, ang lamig ng tubig at ang mabangong simoy ng hangin. Napatingin sya sa kaliwa ng makita nyang may paang sumasabay sa lakad nya.
"Alam mo bang nag-alala kami ng hindi ka namin makita doon, muntik na nga silang tumawag ng rescuers para hanapin ka, mabuti na lang pinigilan ko sila tita at sinabing ako na ang bahalang maghanap sayo. Galit ka pa din ba sakin?" Tanong ni Aixz sa kanya.
"Hindi, pero nagtatampo lang dahil kung kailan ka aalis saka naman nating naisipang pumunta dito." May bahid ng lungkot nang sambitin iyon ni L.A. "tara na, sigurado akong sobra ng nagaalala sakin si mama at papa. Tara na." Muli nitong sambit, at tumalikod na. Huminga sya ng malalim at hinawakan nya ang kamay nito, dahilan para mapatigil si L.A sa paglalakad.
"Look, sissy. Alam kong galit ka sakin at tanggap ko iyon, pero huwag namang ganito. Alam mo namang hindi kita kayang tiisin, sorry na. Patawarin mo na ang sissy mong maganda, sige ka hindi na ako babalik dito." Nakasimangot na sambit ni Aixz sa kanya.
"Pero sana sinabi mo kaagad, para naman napaghandaan ko ang pagalis mo." May pagtatampong sambit nya kay Aixz.
"Ganito na lang, pagpunta ko sa amerika magpapatulong akong maghanap ng donor mo, para magawa na nating sumakay sa mga extreme rides na gusto mo, at pangako babalik tayo dito. Babalikan natin itong lugar." Nakangiting sambit nito sa kanya.
Napangiti sya at tumango sa sinabi ng kaibigan.
"Pangako mo babalik ka at babalikan natin itong lugar." L.A
"Pangako sissy. At ang pangako dapat hindi napapako, dahil tayo ay tunay na magkaibigan hanggang wakas." Aixz
"At ang pangako dapat hindi napapako, dahil tayo ay tunay na magkaibigan hanggang wakas." L.A
Ngumiti silang dalawa at yinakap sya ni Aixz. "Hinding hindi ako mawawala sa tabi mo sissy, pangako." Muling sambit ni Aixz sa kanya.
"Ako din sissy at kahit may mga partner na tayo, pangako hinding hindi mawawala ang pagkakaibigan natin." Sagot nya kay Aixz.
Humiwalay na sila sa yakap at nagsimula na ulit silang maglakad pabalik sa kanilang pwesto.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
👍👍👍
27/06/2024
0Oki
06/05/2024
0thks
06/04/2024
0Tingnan Lahat