Chapter 10

Third person POV
Pagkababa nakita nya si Aixz na nakaupo sa may sofa nila, at nakakunot ang mukha na halatang inip na inip na. Natatawa na lang sya sa kanyang isip, dahil alam nyang mahabang sermon na naman ang mangyayari. 
"Ehemmm..." Pagkuha nya sa attention ni Aixz, hindi naman sya nabigo dahil lumingon ito sa kanya. Hindi nya na napigilan at tumawa na sya, dahil sa hitsura nitong salubong na salubong ang kilay at ang mukha nitong kahit ang pinakamagaling na pintor sa buong mundo, hindi mapipinta ang mukha ni Aixz. 
Tiningnan sya nito ng masama at mas lalong nagsalubong ang kilay nito. '1   2    3' pagbibilang nya sa kanyang, dahil sesermonan na sya nito.
"At may gana ka pa talagang tawanan ako!! Alam mo ba kung ilang oras na akong naghihintay sayo dito?!! Alam mo bang namumuti na ang magandang buhok ko?!! Kakaantay kung kailan ka baba!! Bakit ba ang tagal mo?! Ano naman ba ang ginawa mo?! Ha?! Inatake ka na naman ba?!! Huwag mo akong tawanan, Xhain!! Kinakausap kita, kaya tumahimik ka dyan!! Alam mo bang nakangiti lang ako dito, pero inip na inip na ako!! Mabuti na lang at bumaba ka, dahil kung hindi aakyat ako sa taas at sasabunutan talaga kitang babaita ka!! Sa susunod na paghihintayin mo pa ako, makakalbo na talaga kita! Ano?! Hindi ka pa din magsasalita dyan!!" Sigaw nito sa kanya, at halata sa boses nito ang pagkainip kakahintay sa kanya. 
Natatawa na lang si L.A dahil para itong nanay nya, na hindi nasunod ang utos kaya sinesermon sya. Huminga sya ng malalim at pinigilan nya ang kanyang tawa, bago sya nagsalita.
"Paano naman po kasi ako makapagsalita? kung sunod-sunod ang pagsasalita mo. At paano naman ako magpaliwanag sayo? kung sinesermonan mo pa ako. Huwag kang magalala, wala namang nangyari saking masama at may iniisip lang ako, kaya hindi ko napansin ang oras. At wala naman akong naaalalang may pupuntahan tayo, kaya nagtataka ako kung bakit ang aga aga mo." L.A
"Tsk. May mahalaga tayong pupuntahan kahapon pero nahimatay ka, kaya naisip kong ngayon na lang. Hindi ko naman alam na nangangarap ka pa pala ng gising." Mataray na sambit sa kanya ni Aixz, na may kasama pang pag-irap. 
"Sorry na po, hindi ko naman alam at kung alam ko lang, sana maaga pa lang naligo na agad ako. Patawarin mo na ako, sissy. Please, patawarin mo na ako." Parang maiiyak nyang sambit kay Aixz, at mas pinalambot nya ang kanyang boses na parang baby na nanghihingi ng kendi sa ina nito. 
Napangiti sya ng makitang nakangiti na ito, at wala na ang bakas ng galit sa mukha nito.
"Forgiven, pero sa susunod hindi na. Magpasalamat ka at mahal kita, kung hindi naku naku sasabunutan kita dyan ng bonggang bongga, Hmmp." Aixz
"Pfft. Opo naiintindihan ko sissy, at huwag kang mag-alala dahil hinding hindi na po ako uulit. Mahal na mahal din kita, ang nag-iisang sissy ko." Nakangiting sambit nya kay Aixz, at sabay yakap sa bewang nito. 
Tumango tango si Aixz sa kanya, at maaliwalas na ang mukha nito. Mahigit isang minuto ang tinagal ng yakap nila, bago sila bumitaw sa isa't isa. Nakangiti at magkahawak kamay nilang tinungo ang dining area, kung saan nakahanda ang almusal nila. Nakangiti ang kanyang ina nang makita sila, at tinanong kung magkaayos na sila. Tumango silang dalawa ni Aixz, at pinakita ang kamay nilang magkahawak na ang ibig sabihin ay bati na sila.
Nakangiti ang ina nya, at niyakap silang dalawa.
"Ang dalawa kong baby, bati na din. Huwag na kayong mag-aaway, naiintindihan nyo ba. Ang magkaibigan nagmamahalan, nagbibigayan, iniintindi ang isa't isa, at higit sa lahat kahit anong mangyari dapat hindi kayo nagaaway. Naiintindihan nyo ba ako Aixz, Xhain." Malumanay na sambit ng kanyang ina, habang nakayakap pa din ito sa kanila.
"Naiintindihan ko po, ma/ Naiintindihan ko po, tita." Magkasabay nilang sambit, dahilan para matawa silang dalawa. 
Umubo ang kanyang ama, kaya nagtataka silang tatlo na tumingin dito. 
"Mahal, may sakit ka ba?" Pagtatanong ng kanyang ina sa kanyang ama.
"Pa, okay lang po ba kayo?" Pagtatanong naman nya.
"Tito, may ubo po ba kayo?" Si Aixz naman ang sunod na nagtanong, pero ni isa sa tanong nila walang sinagot ang kanyang ama, bagkus ay tumayo ito at sumama sa kanilang yakap. Nagulat sila sa ginawa nito, pero kalaunan ay napangiti na din silang lahat.
"GROUP HUG!!!" Sabay-sabay nilang sambit, habang magkayakap silang apat.
Ilang sandali pa, bumitaw na sila sa yakap at nagsimula na silang kumain. Masagana silang kumakain, at hindi maiwasan na magkwentuhan sila ng mga bagay-bagay na nangyari sa kanila. 'masaya ako dahil nakakasama ko pa kayo. Sana hindi na ito matapos pa, at sana ganito na lang tayo habang buhay. Mahal na mahal ko po kayo mama, papa at Aixz' sambit nya sa kanyang isip, habang nakangiti syang nakatingin sa mga ito.
Sa kabilang banda, galit na galit ang Queen dahil nalaman nya kung ano ang ginawa ng mga lalaking inutusan nya para patay*n si L.A. sa isang buwan na lumipas, akala nya wala na ito pero nalaman na lang nya na buhay pa ito, at ang mas lalong kinagagalit ng Queen nang malaman nyang hindi na papasok sa eskwela si L.A ibig sabihin hindi nya na ito mabubully, at hindi na din nya magagawa ang gusto nya.
"Arghhh!!! Mga hay*p kayo! Bakit nyo hinayaang mabuhay ang L.A na iyon?!! Ang sabi ko patay*n nyo, hindi hayaang mabuhay ang pang*t na babaeng iyon!!! Ahhh!!! Humanda ka, hindi pa tayo sa susunod na magkikita tayo sisiguraduhin kong mapapat*y kita!! Ang b*b* nyong lahat, pat*y na sana, pero binuhay nyo pa nakakainis lang!! Pagbibigyan ko kayo ngayon at bibigyan kayo ng isang pagkakataon na gawin ang pinagagawa ko, pero... Pero sa susunod na gawin nyo itong muli, hindi ako magdadalawang isip na kayo ang unahin ko!! Maliwanag ba!!" Sigaw ng Queen sa mga lalaking nasa kanyang harapan.
"N-n-naiintindihin p-p-po n-namin, Q-Queen." Utal-utal na sambit ng mga ito sa kanya.
"Good. Now leave, before I do something bad that can take your life away!!" Sigaw nya sa mga ito.
Nagkanya kanyang alis ang mga ito, at ang iba ay muntik pang madapa sa kakamadaling umalis. Nang makaalis na ang mga ito sa kanyang harap, naiinis na kinuha nya ang alak na nasa lamesa at ininom nya ito. Mababakas pa din sa mukha nya ang galit, at maaalis lang ito kung matutupad ang nais nyang makuha.
"Ikaw na sana ang pang labing dalawang buhay na nakuha ko, kung hindi lang t*tanga t*nga ang mga taong inutusan ko para pat*yin ka. Pero hindi bale sa susunod nasisiguro ko na ang kamat*yan mo, at hinding hindi ko hahayaan na mabuhay ka pa." Sambit ng Queen sa kanyang sarili, habang nakatingin sa larawang nakakabit sa may spinning wheel board nya. Kung saan doon nakalagay ang labing isang tao na napat*y nya na. 
Nakaukit sa kanyang labi ang isang ngisi, na may masamang binabalak. "You live today, but not tomorrow because death will chase you, my most hated enemy." Nakangising sambit nya, habang nakatingin sa larawan ni L.A at maya maya lang bigla nyang hinagis ang hawak nyang baso na may lamang alak. Nabuhos ang laman nito sa larawan ni L.A, at natapon sa sahig ang baso dahilan para mabasag ito. Isang malademony*ng tawa ang binitiwan nya, habang nakatingin sa larawan ni L.A na puno ng alak at aakalain mong dugo ito, dahil sa kulay nitong mas makulay pa sa pula.

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    CarlosJeiza

    👍👍👍

    27/06/2024

      0
  • avatar
    Ri Ca

    Oki

    06/05/2024

      0
  • avatar
    Johnmicheal Bilbao TP

    thks

    06/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata