CHAPTER 11

"Who are you, King?"
"Stupid. That's redundancy."
"No, I mean your real identity."
"Why you're so curious? Are you interested in me?"
"Hindi no—teka, wag ka ngang magmadali, ginawa mo 'kong kalabaw eh." sabi ko dahil muntik na akong mabangga sa poste. Subukan lang niya akong ipahamak kundi magkakalaman kami. How dare him!
The air makes his hair to dishevell. Mukha kaming mag-syota na tumatakas para mag-tanan. Ew, bakit ko iniisip ang bagay na ito? Loko ako, ah.
Napapaligiran kami ng mga bahay na matataas at mga damit na nakasampay na palaging hinahawi ni King.
Pag-hawi namin nung skyblue na blanket ay nabangga kami dahil pader na pala ang likod nun. Mabilis kaming tumatakbo kaya malakas ang impact nung pagkabangga namin.
"Shit, ang sakit!" I muttered. Mabilis ang paghinga ko. Tinitiis ko ang sakit.
"Okay ka lang?" Tanong niya.
"Sa tingin mo?" I said. Mukha ba akong okay? Wala pa nga akong magandang suot, wala pa akong sapin sa paa, nagmukha akong pulubi nito na ni-rape ng mayamang nilalang. Aba, pwede na I-feature sa Goodnovel o kaya Dreame at saka writer 'yong favorite author kong si Papi Pen ko.
Ayan na naman 'yong utak ko.
Suddenly, A man emerged behind the clothes and said, "Our beloved King, wag mo na kaming pagurin sa paghahanap sa 'yo."
"No!" Mabilis siyang tumayo at hinila din niya ako patayo kahit masakit pa ang katawan ko. He's so stupid. I'm tired. I'm hungry. Gusto ko nang umuwi.
Ang dami ko nang pasa. Tapos dadagdagan pa nito? Kasalanan to ni King eh. Our beloved King daw sabi eh. Wow, sosyal pala itong lalaking ito, ah.
"Ayaw kong umuwi. Parati na lang niya akong pinapagalitan. Bawal ganito, bawal ganyan, ito ang ang tama, ito ang mali. Gawin mo 'to, gawin mo iyan. Ayaw ko 'yong dinidiktahan ako. He always push me to do things I can't do. Ako ang napressure sa mga gusto niyang mangyari." Tumataas na ang boses ni King na parang gusto niyang manapak.
"Just come with us King. Pag-usapan niyo na lang 'yan sa bah—"
"No way!" Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay hinawakan na naman niya ako at hinila papunta sa ibang direksyon. At sa 'di kalayuan ay merong nakaabang na tatlong lalaki.
"Hey K, Ang layo ng pinuntahan mo ah. Sumama ka na sa 'min kung hindi ay kami ay mapapagalitan ng papa mo." sabi nung lalaki sa pinakagitna. He's wearing a bohemian style, revealing his chest.
"Oo nga, intindihin mo na lang ang papa mo." Napatingin naman kami sa left side. I admire his shirt. An optical illusion shirt. Gumagalaw siya kapag tinitigan mo. I wonder who made it.
"I second the motion. Alam mo bang nag-aalala siya sa 'yo ng sobra? Alam mo bang umiyak siya dahil ilang araw kang nawala? Alam mo bang nagwala siya? You should thank me for the information, King." Sabat naman nitong isa sa gilid. Tinitigan ko naman ang kaniyang damit, I can see minimal but meaningful design. Its just a series of lines and I think it forms like two lovers kissing. Amazing. Nakakabilib.
"At sino ‘yang kasama mo? Diba, pinagbabawalan kang magkaroon ng girlfriend?" I found that the bohemian man is referring to me. Sasagot na sana pero inunahan ako ni King.
"Kung ako sa inyo, umuwi na kayo. I can handle myself." Damang dama ko ang nararamdaman ni King. He's making his stand.
I can't believe na tumakas din siya sa kanilang bahay dahil dinidiktahan daw siya ng kaniyang papa sa lahat ng kaniyang ginagawa.
"I will go home if you can get me." Hinawakan na naman niya ang kamay ko at tumakbo ng mabilis. Para kaming naglalaro ng habul-habulan sa kalye. Mahusay ako niyan, pero ngayon wala akong tsinelas.
Muntik ko nang makalimutan na nakapaa lang pala ako. Puno na ng gasgas at sugat ang mga paa ko dahil sa mga batong aming nadaraanan.
Nasa dead-end na kaming dalawa. Wala nang daanan maliban na lang sa isang metal na ladder pataas ng isang bahay.
He put his hands around my waist at nagulat na lang ako nang binuhat niya ako bigla papunta sa ladder. "Climb!" utos niya sa 'kin.
"Saan ba ito papunta?" Tanong ko. So I climbed, he followed. We ended at the window. Binuksan namin iyon at pumasok kami sa bahay.
Pagkapasok namin ay bumungad sa amin ang isang matabang babae na kumakanta habang nagluluto. Dahan-dahan kaming naglalakad at siniguradong wala kaming ingay na gagawin. Nakita kong mayroon na siyang nailuto na nakahain sa mesa kaya naman, patawarin sana ako ng diyos ay kumuha ako ng tatlong bacon at isinubo iyon sa bibig ko. Hindi ko na talaga matiis ang gutom ko.
Timing naman dahil nasa hagdan na kami papuntang second floor nung humarap 'yong mataba sa mesa para ilagay ang bagong luto niya.
"Hala, nasan na 'yong bacon? Naku naman, ikaw talagang pusa ka. Alis. Ayaw mong umalis ha. Etong sa'yo." Narinig namin ang pusa na sumigaw. Naku, baka pinalo niya 'yong pusa ng walis. Oh, the innocent cat. Kasalanan ko 'to eh. Sana 'di ko na lang 'yon kinuha. Sorry gutom lang. Hehe.
Pagkadating namin sa second floor ng bahay nila ay rinig namin ang musika. It's a love song. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad dahil pupunta kami sa rooftop.
Bago pa man kami makalagpas sa isang kwarto ay bigla na lang merong underwear na tumumbad sa floor. Tiningnan namin ang kwarto at lumaki ang mga mata namin dahil merong nag jug-jug ah-ah.
"Just assume it's just a movie. You know Fifty shades?" Tanong ni King bago niya tinakpan ang mata ko. Huli na.
Wala naman akong nakitang babae at lalaki. Hindi ko rin narinig na sumisigaw 'yong babae. Wala. Wala talaga eh. Meron ba? Wag kayong maniwala sa 'kin. Wala talaga akong nakita. I'll just assume na wala talaga.
"Nag e-excercise ba 'yun sila?" Tanong ko.
"Kinda. Pampainit ng katawan. Pampalakas ng resistensiya. Hilot ang tawag do'n." Paliwanag niya.
"Ah, hilot pala 'yon?"
May hilot bang sumisigaw 'yong babae? Ah gano'n pala 'yon.
Pumunta na kami sa rooftop. At nakita namin ang mga kabahayan ng South Joke. I mean West Jute. Bakit ko ba palaging namimis-interpret ang lugar na'to? Kainis.
The roof is not slippery. Napag-alaman namin na sumusunod na sa'min 'yong mga kausap ni King kanina. "Pagbilang kong tatlo ay tumakbo tayo and we will jump into the other roof." sabi ni King na siyang nagbigay ng kaba sa 'kin.
Paano kung hindi aabot? Paano kung mahuhulog kami? Ayaw ko nang magulog ulit gaya noong nahulog ako sa well. Baka kung ano ang mangyari sa 'kin.
"I can't." Nanginginig ang mga binti ko. I can't do it. Napakalayo sa kabila ma 3 meters. Kaya ko ba? Ang sakit na ng paa ko.
"Can't you just trust me?" He looked into my eyes. But I refused to look back.
"Ikaw na lang. Ikaw naman ang hinahabol, hindi ako. Idadamay mo pa ako sa mga kalokohan mo." pagtanggi ko sa kaniya.
"Listen, I'm the one and only son of District K Commander Belziber Alpaca, and he wants me to join the District K’s Spelling Bee but I don't want to. Kailangan daw akong manalo para irepresent ang K sa 2nd MSTB. He pressured me. Hindi niya ako pinapalabas ng bahay. Gusto niya palagi lang akong nakatunganga sa dictionary. Everyday, I recite a hundred words and familiarize its definition, its origin, even its synonyms. He's very strict. Pinapagalitan niya ako kapag mali ang spelling ko. Nakakabored. I want a normal life. That is why, I'm here, that's why I runaway from our house, that's why I'm with you right now. I can't blame myself. This is my choice. I don't regret it." He got emotional. Nafi-feel ko sa boses niya. Ganoon ba? Anong gusto niya maawa ako? Nakakaawa nga.
Anak siya ng commander ng District K? Woah, as in anak siya ng namamahala sa District K? Hindi ako makapaniwala! Kaya pala our beloved King ha. Totoo bang isa siyang King o pangalan lang niya iyon?
Ngayong alam ko na kung bakit kami kanina pa takbo ng takbo. Nakakaawa ang mga kabataang ganyan. Na pinipilit gawin ang mga bagay na hindi niya gusto o hindi niya magagawa. "Help me, wala akong ibang kilala rito sa South Jute, kundi ikaw lang." nilagay niya ang hintuturo niya sa dibdib ko. Oops, wag bababa sa aisle ng dyoga.
"Gan'yan ba magdrama kapag anak ng commander? Ang pangit, lumalaki ang ilong mo. Hali ka na, Get ready, On the count of three let's run and jump. One... two."
He interjects, "Woah wait. Are you serious? Teka—"
"Three." And then we jump papunta sa kabilang rooftop.
But we failed.
Now we're falling.
We are having a freefall.
Magkahawak ang kamay namin but we don't care. Walang malisya, we're just friends.
I remember the time when I fell down the well.
I closed my eyes. And may nag flashback sa utak ko.
"...bente singko at sitenta sentimos? Gagawin kong dalawang bente pesos, basta pag-isipan mo."
"...Kapag pumuti na ang uwak at gumabi ang umaga."
"...Mark your words, Synecdoche."
We open our eyes and we realize we didn't fall on the ground.
Malambot ang hinihigaan namin.
It's a truck full of clothes.
 

Komento sa Aklat (42)

  • avatar
    logensadianne

    thank you

    17/09/2024

      0
  • avatar
    AndesMichael

    okokokokokokokokok

    04/07/2024

      0
  • avatar
    Mark Anthony Amador

    the story is so nice super duper

    27/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata