Homepage/I LOVE YOU, KUYA [BOOK 2]/
Epilogue.
Third Person’s POV
Puno ng kaba ang puso ni Thrale. Hindi niya alam kung anong irereaksyon, matutuwa ba dahil maipapanganak na ang kaniyang anak? O matatakot dahil alam niyang nahihirapan ang kaniyang asawa sa pagluwal nito? Dahil hindi siya makapili, pinaghalo niya ang dalawa. Panay tapik ang kaniyang tatay sa balikat nito para pakalmahin dahil kanina pa siya palakad-lakad. Hinihintay niyang lumabas ang doktor.
“Calm down, Thrale. Ikalma mo ang sarili mo dahil kanina pa kami nahihilo sa ‘yo.” Hindi maibanat ang labi ni Link para sa ngiti. Mas lalo siyang nagiging seryoso kapag tumatanda. Magkasalungat talaga ang magpinsan.
Agaran siyang bumaling sa pinsan na nanginginig pa rin sa kaba. “You don’t know the feeling like this, Link.” Napasabunot siya sa sarili bago umupo sa upuan. “Kanina ko pa gustong magkita ang mag-ina ko, dad. Ang tagal naman lumabas ng doktor.”
Iisipin niya pa lang kung gaano nahihirapan ang asawa sa loob, hindi niya na kayang makita ‘yon. Atat na atat siyang pasukin ang delivery room. Lumiban siya sa kaniyang trabaho para mabantayan ang asawa dahil ngayong buwan ang kaniyang panganganak.
Napatayo ang lahat nang lumabas ang kanina pa nilang hinihintay. Hinubad muna nito ang suot na mask bago magsalita. “The baby and your wife are saf—”
Hindi na pinatapos ni Thrale ang sasabihin nito dahil pumasok na siya sa loob. Kita niya ang isang nurse na inaasikaso ang bata. Sunod niyang nilingon ay ang asawa, nakadilat ang mga mata nito habang nakatingin sa anak. May ngiti sa labi.
“Mr. Wrent, sir?” Nang matapos ibalot ng nurse ang bata. Hiniga niya ‘to sa tabi ni Thrizel dahil iyon ang gusto ng nanay.
Dahan-dahang naglakad si Thrale patungo sa kama kung nasaan ang kaniyang mag-ina. Nang makarating sa gawi, agad niyang hinawakan ang kamay ng anak. Tiningnan niya ang asawa na nakangiti sa kaniya. Lahat ng kaba niya ay napawi. Ang puso niya ay walang katapusan na saya. Ibang-iba ang pakiramdam niya nang masilayan ang mukha ng anak. Namumula pa ang mga balat nito.
“That’s him, mahal...” Mahinang wika ng asawa. Nakatingin din sa anak. “Our son, Kaitrell...”
Ngumiti siya sa anak. “Hi, baby. I’m your dad.”
Ilang minuto pa silang nasa ganoon hanggang halikan ni Thrale ang asawa dahil dadalhin na ito sa recovery room.
Thrizel’s POV
Tatlong buwan na ang nakalipas. Nandirito ako ngayon sa party, ako ang kinuha nilang chef kasama si Chen Sanchez. Kakatapos ko lang magluto kaya ang ibang katulong na nandirito ay nililinis ang mga naging kalat namin. Nakaupo ako sa upuan habang nagpapahinga. Pinatunog ko pa ang aking leeg at mga daliri. Ilang oras yata akong nakatayo sa kusinang ‘to.
“Hindi na ba kaya?” Biglang pasok ni Chef Sanchez na dala ang isang ingredients. Inaayos niya rin ang ibang mga gulay sa plato. Ako ang unang nagpahinga dahil parang wala siyang kapaguran.
“Ito na yata ang pinakamahirap kong naranasan, sunod-sunod ang luto. Wala man lang tayong pahinga. Ang lawak ng venue tapos tayong dalawa lang ang chef?” Hindj makapaniwalang tanong ko. Sa sobrang daming bisita, talagang mapapagod ako.
“Tayong dalawa lang ang pinagkakatiwalaan. Triple naman ang bayad sa atin dito. Ngayong araw lang naman ‘to.” Nang matapos siyang magplating. Binigay niya sa waiter para i-serve sa nagrequest. See? Nagrerequest pa sila. Paano kapag sunod-sunod? Buti na lang maraming staffs, natutulungan kami.
“Pagkatapos nito, bagsak talaga ako sa higaan.” Tumayo na ako sa upuan para tapusin ang aking ginagawa.
Laking pasasalamat ko nang matapos ang party. Panay ako hikab dahil anong oras na rin. Nandidito ako sa entrance habang hinihintay si Chef Sanchez. Ako kasi ang unang lumabas. Siya ang maghahatid sa akin sa bahay.
Naglakad na ako patungo sa kaniyang kotse nang makita ko siyang palabas. Patungo siya sa aking gawi, wala ng naging salita. Diretso siya sa driver seat na sinundan ko naman ng pagsakay sa passenger seat. Nagseatbelt muna ako bago isandal ang ulo. Habang nasa biyahe, nakukuha ng dalawang mata kong pumikit dala ng antok. Hindi rin nagsasalita si Chef Sanchez, alam niyang pagod ako kaya hinahayaan akong magpahinga.
“Nandito na tayo, Thrizel.”
Dumilat ako. Nandirito na nga ako sa bahay. Bukod kami sa aming mga magulang. “Salamat.” Bumaba na ako sa kaniyang kotse. Habang papasok sa gate, kumaway ako kahit nakatalikod. Tamad na akong harapin siya.
Pagbukas ko ng main door, dilim agad ang bumungad. Binuksan ko ang ilaw, walang taong bumungad. Nilapag ko ang mga gamit ko sa lamesita at nakahiga sa sofa. Makakatulog na sana ako nang may sumigaw.
“Wahhhhh! How’s your day, mommy?!”
Kumurba agad ang ngiti sa aking labi. Balak ko sanang maghubad lang ng sapatos, kung hindi sumigaw ang aking anak, makakatulog na sana ako.
“Come here.” Malumanay kong sabi. Lumapit siya sa akin saka ako hinalikan sa labi. “Bakit gising ka pa, Kait? Where’s your dad?”
“Si dad po, kanina ka pa po hinihintay.” Hinawakan niya ang aking kamay. “Let’s go, mom. Let’s sleep na po. Mabango ka pa rin naman po. Saka hindi magrereklamo si dad na pawis ka. Kanina ka pa niya gustong makita.”
Wala na akong naging tutol dahil todo hatak na ‘to sa akin. Gusto ko na rin namang makita si Thrale. Pagkabukas niya ng aming kwarto, sumalubong sa amin si Thrale na naglilinis ng mga kalat ng aming anak.
“Mahal...” Pumunta ako sa kaniyang harapan. Hinalikan ko siya sa labi. “Namiss kita. Kumusta kayo?” Tinulungan ko na siya sa pagliligpit para mabilis matapos.
“Ako na rito, magpahinga ka na lang po.” Hinawakan niya ang aking dalawang balikat saka inupo sa kama. “Makulit pa rin si Kait pero nagkakasundo naman kami sa mga bagay-bagay. Kumusta ang trabaho? Sobrang pungay ng mga mata mo.”
Binagsak ko sa kama ang aking sarili. Hinawakan ko si Kait para itabi ng higa sa akin. Wala siyang naging reklamo, yinakap pa ako nito. “Iyon nga, sobrang pagod.”
“Kumain ka na ba?”
“Already done. Maliligo lang ako, matutulog na tayo.” Tumayo na ako sa kama para kumuha ng damit. Bago ako pumasok sa banyo, binalingan ko muna ang aking anak. “Kait, anong oras na. Hindi ka pa natutulog. May tutor ka pa kay Gio tomorrow.”
“I know, mom. Sasabay po ako sa inyo.”
Tumango na lang ako saka na pumasok sa banyo para maligo. Nang matapos, agad akong lumabas. Nakapatay na ang ilaw kaya tiningnan ko ang aking mag-ama. Kusa na lang akong napangiti dahil hindi maayos ang kanilang paghinga, kung ano-anong p’westo na lang. Halatang nakatulog kakahintay sa akin.
Pinuwesto ko si Kait sa gilid. Gigisingin ko sana si Thrale para paayusin ng higa nang bigla siyang dumilat.
“Matutulog na tayo?” tanong niya.
Humiga ako sa kama. Yinakap ko ang aking anak. “Tumabi ka na rito, matulog na tayo.”
Ramdam ko sa aking likuran na lumubog ang parte ng higaan niya, sinyales na nahiga na. Pumulupot ang kaniyang isang braso sa aking baywang. Hinalikan ako sa pisngi bago isiksik ang mukha sa aking leeg.
“Good night. Take a rest, mahal. I love you.” Sasagutin ko sana kaso pagkahiga niya, agad na lumalim ang paghinga. Kanina pa talaga siya antok.
NGAYONG araw na pahinga ko sa trabaho, nagluluto ako ng aming almusal. Naghihintay ang mag-ama ko sa lamesa. Si Kait ay nakanguso dahil kanina pa siya nagugutom. Kinukulit din siya ni Amira na umagang-umaga ay binisita kami. Kung ano-ano ang kanilang pinag-uusapan. Binibiro din ito ni Amira na papaluin siya ni Gio kapag hindi nabasa ang pinapabasa sa kaniya. Ganiyan siguro ang epekto kapag walang manliligaw.
Kumain na kaming apat nang hainan ko sila sa plato.
“Maya-maya ay pupunta na si Gio rito.” Paalala ko sa aking anak na abala sa pagkain ng manok. Tila siya si Blue, parehas silang adik sa fried chiken.
“Yes, mom. P’wede naman po wait kay Tito Gio.” Puno pa ang bibig nito habang nagsasalita.
“Walang wait sa akin, you’re late, Kaitrell.” Biglang bumukas ang pintuan. Niluwa niyon si Gio na nakateacher uniform, nakasuot pa ng salamin.
“Ang aga mo, ah?” Puna ni Thrale rito.
“Aba, kakampihan mo pa ang anak mo.” Umupo si Gio sa sofa. “Hindi ako maaga, late siya.” Natawa na lang si Thrale sa sinabi nito.
“Tito Gio, bakit hindi mo po kasama si Tito Blue?” tanong ng aking anak.
Minsan kasi ay nagkakasabay ng punta rito sina Blue at Gio kaya nakakapagkamalan niyang magkasama ang dalawa.
“Si Blue? Tumalon na sa rooftop. Sa reincarnation mo na lang siya kausapin. Siguraduhin mo munang hindi ka takot sa butiki.”
Sa sinabi ni Blue, humalakhak si Amira dito. Ang aking anak naman ay nakakunot ang noo. Halatang naguluhan sa sinabi ni Gio.
“Thrale, may duty ka pa.” Baling ko naman sa aking asawa na nawili sa pakikipag-usap sa aming anak.
“Ay, oo nga pala.” Tumayo na siya sa kaniyang upuan. “Update me kung saan kayo pupunta ni Kait, huh.” Paalala niya pa bago pumunta sa itaas. Sinundan ko na lamang siya ng tingin.
MATAPOS ang dalawang taon, nandirito ako ngayon sa shop ni Anissa. Yes, may shop na siya ngayon. May boyfriend na rin siya, nakikita ko iyon minsan dito kapag pupunta ako. I forgot his name, hindi naman kailangang alalahanin.
Naglapag siya ng kape at dessert sa aking harapan. Nakaupo kasi ako ngayon, nagtitingin sa kaniyang mga designs. Pansin kong naupo siya sa aking harapan.
“Saan mo ba gagamitin ang dress? A-attend ka bang debut?” Tinuktok niya ang lapis sa lamesa. Iyon yata ang gamit niya sa pangguhit sa sketch pad.
“Hindi.” Diretso kong sagot. Sinara ko ang kaniyang sketch pad. “A-attend ako sa kasal nina Ryke, hindi raw p’wedeng wala ako roon. Ikaw? Hindi mo ba alam? Imposibleng hindi ka niya imbitahan.”
“Nagseselos kasi ang boyfriend ko kay Ryke kaya pinutol ko ang communication namin. Wala namang problema sa akin basta sa ikakatahimik ng isip niya.” Hays, hanggang ngayon maayos pa rin siyang mag-isip.
Napatango-tango na lang ako. Tumingin ako sa wrist watch. “Nandito na si Amira.” Humarap ako sa glass wall, nakita kong papasok siya rito. “Iyan na, madaldal pa rin iyan.”
Nang makapasok ang kaibigan ko. Agad siyang nagsalita. “I’m here na. So Ate Anissa, ano nga bang bagay na gown sa akin? Gusto ko iyong malalamangan ko gown ng bride, huh.” Mapagbirong sabi nito.
Mabilis itong tinugunan ni Anissa. “Ah, oo, may design ako for madre. Magmadre ka na lang tutal wala kang boyfriend until now.”
Kusa akong napangiti ng kaunti dahil sa tinuran niya. Pikon naman ang aking kaibigan. Wala na siyang nagawa kun’di ang magtingin din ng mga designs.
UMALIS na kami sa shop ni Anissa nang dumating si Blue, kotse niya ang kaniyang gamit sa pagsundo sa amin. Tahimik lang kaming tatlo sa biyahe. May pupuntahan yata si Blue kaya nagpasama sa aming dalawa ni Amira. Ilang minuto pa ang lumipas, hininto niya na ang kotse.
“Oh, bakit nasa sementeryo tayo? May dadalawin ka?” Tanong ko nang makababa.
“Oo.” Seryoso ang kaniyang boses.
Siya ang naunang maglakad. Sumunod na lang kaming dalawa ni Amira. Ilang puno pa ang nalagpasan namin hanggang huminto siya sa isang lapid na hindi ko matingnan.
“Ilang buwan mo nang hindi dinadalaw ang anak mo. Kahit tingnan mo lang, Thrizel...”
Kusang tumulo ang luha ko sa tinuran ni Blue. Dahan-dahan akong tumingin sa lapida. Nanginginig ang kamay kong napatakip sa bibig. Nanghina ang aking mga tuhod kaya napaluhod ako sa damo. Lumapat ang dalawang palad ko sa lapida ng aking anak.
“Isang taon na...” Nababasa ang lapida ni Kaitrell dahil sa luha kong sunod-sunod na nagbagsakan. “Isang taon na simula nang mawala siya... pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap.” Nanginginig ang aking boses.
Rinig ko ang iyak ni Amira sa aking likuran. Umupo siya para hagudin ang aking likod. “Lahat nagiging ayos... Tatagan mo lang ang loob mo, Thrizel...”
“Iyong pamilya kong pinangarap...” Yumuko ako. Rinig na rinig ang aking paghagulgol. “Wala na. Wala naaaaaaa...” Pinikit ko ang aking mga mata. Doon mas lalong bumagsak ang mga luha ko. “Ang sakit, ang hirap sa puso, ang hirap kalimutan ng anak ko...” Pinunasan ko ang aking mga luha. Tumitig ako sa kaniyang lapida. “Kait, pasensya na. Hindi nakakadalaw si mommy... Hindi ko matanggap na nandirito ka ngayon...”
Matapos kong umiyak. Namalagi pa kami ng ilang oras. Pagtulala at pag-iyak lang yata ang nagawa ko dahil sa pag-aalala sa aking anak. Umalis lang kami sa sementeryo nang magyaya si Blue. Ngayon naman, nasa harap kami ng bahay na patay ang mga ilaw. Ilang buwan na akong hindi bumibisita rito. Matapos mamatay ng aking anak sa pagkalunod, naghiwalay na rin kami ni Thrale. Pareho naming sinisisi ang aming mga sarili. Imbes na magdamayan para maging ayos, mas pinili naming maging makasarili kaysa isalba ang aming sinimulan.
Ako lang ang bumaba sa kotse. Lagi kong dala ang susi kaya nabuksan ko ang main door. Nagtaka ako dahil walang alikabok na bumungad. Tuwing pumupunta ako, alikabok ang sasalubong sa akin hindi ang aking anak kaya kailangan kong linisan. Binuksan ko ang ilaw, nakita kong nakaupo si Thrale sa sahig. Maraming bote ng alak sa kaniyang tabi. Pati siya ay sobrang naapektuhan lalo na ang kaniyang trabaho.
“Nandito ka pala.” Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay na sobrang linis. “Dito ka ba matutulog? Tiningnan ko lang naman ito. Uuwi rin ako.”
Nilapag niya ang bote niyang hawak. Tiningnan niya ako. Akala ko tatayo siya, ganoon na lang ang aking gulat nang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. “Huwag mo akong iwan...” Kumibot ang kaniyang labi. “Dito ka lang... Thrizel, mahal na mahal kita. Ikaw ang kailangan ko...”
Huminga ako nang malalim. Nilapitan ko siya bago yakapin. “Nandito na ako.”
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. “Huwag ka na ulit aalis. Gusto kong maayos tayong dalawa. Ikaw... Ikaw ang kailangan ko... P’wede tayong magsimula muli.” Sinandal niya ang ulo niya sa aking balikat. Ilang segundo lang ang lumipas, wala na ang hikbi niya. Halatang nakatulog na. Kahit papaano, nabawasan ang sakit sa puso ko.
Tinupad ni Thrale ang kaniyang sinabi na magsisimula kami ulit. Hindi kami roon nahirapan hanggang matanggap naming wala na talaga ang aming anak.
“I love you, mom. Look at my notebook. I got a perfect score!”
Thanks to God na binigyan niya muli kami ng anak. Kaitrell, Kaitrell din ang kaniyang pangalan. Ayaw ni Thrale na ibang pangalan ang ipangalan namin sa kaniya. Gusto niya, iyon pa rin.
“Wow, very good. Ang galing ng anak ko. Mana sa daddy.” Inamoy ko ang kaniyang kili-kili. Agad siyang natawa.
“Talagang sa akin ‘no,” sabat naman ni Thrale na nagluluto ng ulam. “Noong high school level tayong dalawa. Halos ayaw mo ngang sumabay sa akin pag-uwi dahil alam mong academics ang ating pag-uusapan.”
“Oo na po.”
Muli, ako si Thrizel Wrent o Kalhira Sarmiento. My husband is Thrale Keiter Wrent. We have two children named Kaitrell. Dito nagtatapos ang aming kwento.
THE END.
What’s your feedback?I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (42)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
I love it
24/09/2025
0gandaaaaa so muchhh!! 💗🙌
14/06/2025
0woow , 😯 sobrang gandànaman ng story na to author ang ganda ng kwento
23/04/2025
0Tingnan Lahat