Chapter 147.

Thrale's POV
Nagising ako nang kumalam ang aking tiyan. Tiningnan ko ang babaeng nakahiga sa kama. Hanggang ngayon ay natutulog pa rin siya. Imbes na bumaba ako para kumain, nakuha kong pumuntang banyo para maligo. Nakita ko rin naman ang naiwan kong damit dito, iyon na lang ang susuotin ko. Dahan-dahan akong pumasok sa loob para hindi siya magising. Halata sa malalim niyang paghinga ang pagod. Mukhang may ginawa na naman sila ni Amira.
Pumasok na akong banyo. Huminga ako nang malalim nang magbagsakan ang tubig sa aking katawan. Habang naliligo, ang tanging nasa isip ko lang ang aming pagtatalik. Hindi ko inaasahang mangyayari 'yon. Tapos na pero ito ako ngayon, may humahaplos sa puso at kumukurba ang ngiti sa labi. Gustong-gusto ko na lang siyang mahalin lalo na't wala ng handlang sa amin. Gustong-gusto ko siyang mapasaakin.
Natapos akong maligo. Humiga ako sa kaniyang tabi. Nakatalikod ako mula sa kaniya dahil sakop niya ang kaniyang buong kama. Papikit na sana muli nang kumalam na naman ang aking tiyan. Mukhang kailangan kong kumain. Patayo na sana nang may yumakap sa akin, ramdam ko ang kaniyang kamay sa aking tiyan. Siniksik niya ang mukha niya sa likuran ko.
"Ngayon ka lang?" Namamaos ang kaniyang boses. Kahit hindi ko tingnan, nakanguso siya. "Kanina pa kita hinihintay. Pasensya na, nakatulog ako." Mas lalo niyang hinigpitana ng pagkakayakap sa akin. "Dito ka na lang matulog. Huwag ka nang lumipat. Nakangugulila ang paghihintay sa 'yo buong araw."
Mahina akong natawa. Hindi ko siya hinarap dahil sa oras na 'to, masarap siyang halikan. "Alam mo ba? Nakita ko si Anissa na hinihintay ako sa police station. Hinatid ko siya sa kanila." Lumuwag ang kaniyang yakap. "Inamin niyang mahal niya ako. What can her confession do if you're the one I love?"
"Wala siyang ginawa? Wala kang ginawa? Wala kayong ginawa?" Sunod-sunod niyang tanong. Humina ang kaniyang boses.
"Wala. Sa tingin mo ba gagawa pa ako ng ikakasakit mo? Iniiwasan ko 'yon." Humarap ako ng higa sa kaniya. Bumungad sa akin ang mukha niyang kalmado. "Kahit sino pang babae ang iharap mo sa akin, ikaw pa rin ang pipiliin ko."
May sumilay na ngiti sa kaniyang labi. "Ang corny mo." Natawa kaming dalawa roon. "Tayo, kakain ka. Kanina ko pa naririnig iyang tiyan mo. Wala ka talagang balak kumain kapag hindi ako nagising 'no?"
Umupo ako sa kama. "Sasabayan mo ako?"
"Oo kaya halika na."
Lumabas na kaming dalawa ng kwarto. Ako ang unang naglakad, nakasunod siya sa akin.
"Dahan-dahan, madulas ka. Walang ilaw."
Tumango siya sa sinabi ko. Tinungo ko ang pintuan para lumiwanag. Hinintay ko na lang siyang makababa bago pumunta sa kusina. Siya ang unang umupo sa upuan. Ako ay naghanap sa refrigerator.
"Anong gusto mong kainin, mahal?" Hinarap ko siya. Umiinom ito ng tubig.
"I want ramen po."
Kusa akong napangiti sa kaniyang naging sagot. Ako ang lalaking una niyang minahal, hindi ko alam na ganiyan pala siya kumilos kapag sa... may label ba kami? Wala nga pala.
Pinagluto ko na siya ng kaniyang kakainin. Nang matapos, inamoy niya muna ang usok nito bago kumain. Kumain na rin ako ng aking niluto. May kanin ang sa akin. Tahimik ang namalagi hanggang magsalita siya.
"How's your work pala? Nakatulog ka sa tabi ko. Nakapapagod ba?"
"Hindi na ako pagod, nasa harap na kita e. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. Siguro kapag kasama kita sa trabaho, baka lahat ng case akuin ko na."
Sabay na naman kaming natawa roon.
"Mas lalo kang nagiging corny." Sinasabi niya 'yon habang nakangiti. Natapos kaming dalawa sa pagkain. Bumalik sa kaniyang kwarto para matulog.
ILANG ARAW na ang lumipas. Nandirito ako ngayon sa bahay nina Amira. Nagtitingin kami sa social media kung anong magandang bilhin na damit. Nagpapatulong siya sa akin dahil may pupuntahan siyang party mamayang gabi. Dapat si Ate Anissa ang kaniyang tinawag dahil maraming alam 'yon sa damit. Nandito rin si Elkhurt, taga-gulo sa amin. Hanggang ngayon, role niya pa ring buwisitin ang kaniyang kapatid.
"Ano ba, kuya? 'Di ba aalis kayo nina Brooks? Umalis ka na. Shoo, shooo, ang gulo moooo!" Nagpapadyak na si Amira habang si Elkhurt ay tila walang narinig. Nakukuha pa nitong sumipol. Asar na asar sa kaniyang kapatid. "Isusumbong kita kay mom! Sabihin ko pabalikin ka sa States!"
Dahan-dahang humarap sa kaniya si Elkhurt. Tinaasan siya nito ng kilay. "Baka ako pa ang makagawa ng sinasabi mong iyan. Sasabihin ko kay mommy na buntis ka. Nabuntis ka ng balikong ti-"
"Bastos!" Pinalo niya na ito. Hanggang ngayon pala ay nagtatalo pa rin sila. Mapang-asar naman kasi talaga si Elkhurt.
"Shhh, shut up, sister. Look, I'm reading."
"Anong binabasa mo? Wala ka namang hawak!"
"Nagbabasa ako ng isip mo baka p'wedeng panglaban kay mom para pauwiin k-" Hindi na naman natuloy ang kaniyang sasabihin nang tapalan siya ni Amira ng tissue sa bibig. Masama ang tingin niyang tinanggal ito. "Thrizel, pangitan mo ang pagpili ng damit sa kaniya. Hindi niya deserve ang magandaaaaa!"
"Nye nye!" Si Amira. Napaikot pa ng mga mata. Napailing-iling na lang ako sa kanilang dalawa.
Nang matapos kong piliin ng damit ang aking kaibigan. Pumunta kaming bahay, nakita namin si mom na nakaupo sa sofa habang may tinatahi. Wala sina dad at Thrale dahil may duty na naman sila.
"Akala ko ba aalis kayong dalawa? Bakit hindi pa kayo nag-aasikaso?" Tanong ni mom nang hindi kami tinitingnan. Hindi p'wedeng malinga siya sa iba dahil nakalilimutan niya ang sunod na gagawin.
"May pupuntahan po si Amira mamayang gabi. Biglaan po kasi sa susunod na araw na lang," sagot ko. "Kaninong panyo iyan, mom?"
"Ito? Sa kuya mo. Ewan ko kung bakit nagpaburda sa akin ng panyo. Letter K at S, mukhang ikaw 'to." Naaalala ko ang kaniyang panyo nang pumunta kaming Carson's Resort. Letter T at W 'yon, hindi ko naman alam ang ibig sabihin.
"Tita, pumupunta ba rito si Ate Anissa?" Tanong ni Amira. May tinitingnan sa magazine.
"Kahapon ay pumunta siya para kausapin ako. Bakit, hija?"
"Wala naman po."
Natigil si mom sa pagbuburda nang tumunog ang kaniyang selpon. Nangunot pa ang kaniyang noo dahil ibang numero ang nandoroon. Naiwan niya tuloy ang kaniyang tinatahi.
"Sino ito?" Panimula ni mom.
"Si Mrs. Wrent po ba ito?" Pamilyar ang kaniyang boses ngunit hindi ko maalala kung saan ko narinig. "Mrs Wrent, pumunta po kayong presinto ngayon. Ako si Capta-"
"At bakit ako pupunta?" Tinarayan agad ito ng aking nanay. Nakikinig lang kami ni Amira sa kanilang pag-uusap.
"Mrs, makinig na lang ho kayo." Maowtoridad ang boses nito. Kapag ibang pulis talaga, may pagkamasungit. "Nirereklamo ang inyong anak na si Thrale Wrent. Wala akong naging lead sa kaniya, pinasok niya ang isang bahay para sa kasong hinahawakan niya. Pumunta na lang kayo rito para ho matulungan ang inyong anak. Kayo ang hinahanap ng mga nagrereklamo. Galit na galit sila kaya walang kwenta ang aming pakikipag-usap. Malagong pamilya ang pinasok ng anak niyo. Mahihirapan tayo rito."
"Wala akong pakialam kung gaano pa sila kalago! Pupunta kami ngayon!" Pagalit na binitawan ni mom ang kaniyang selpon. "Sahaman niyo ako. Umiinit ang dugo ko sa kanila. Kinausap na sila ng mga pulis at may gana pa ring magreklamo? Aba, mga hindi makaintindi, huh!"
Napangiwi na lang kami sa galit ni mom. Maayos naman ang damit namin ni Amira kaya sumunod kami palabas sa kaniya. Kotse ko ang aking ginamit, ako rin ang nagmaneho. Katabi ko ang aking kaibigan, si mom naman ay pinapakalma ang sarili dahil sa inis na nararamdaman.
Agad kaming nakarating ng police station, hindi pa kami nakapapasok sa loob ang dami ng pulis na nagkukumpulan. May mag-asawa rin doon na halatang galit na galit. Dinuduro pa ang mga pulisya. Wow, huh.
"Nandito na kami." Napatingin ang lahat nang makapasok kami ni mom. Dumiretso siya kay captain. "Anong mayroon sa anak ko at may nagrereklamo?"
Tinuro ni capt ang mag-asawa. Ramdam ko ang tensyon sa kanilang tatlo nina mom. Ang aking nanay ay ayaw magpatalo, nakipagtitigan talaga siya rito.
"Kita niyo naman, chief. Sila na ang may kasalanan, sila pa ang may ganang magmataas." Anang babae na gigil na gigil sa pananalita.
"Kalma, Mrs. Pag-uusapan natin 'to. Maayos naman agad e," sagot ng chief.
Hinanap ng mga mata ko si Thrale. Nakita kong nakaupo siya sa upuan habang nakatingin sa lapag. "Excuse me." Daan ko sa mga pulis. Hindi nila napansin ang aking presensya kaya ako na ang kusang lumusot. "Thrale." Tawag ko nang makalapit sa kaniya. Nakita kong may hawak siyang baril. "Are you okay? Maayos naman ni mom 'yon. Hindi ka niya papabayaan. Ganiyan talaga umasta ang ibang may pera. Lumalaki ang ulo."
Hindi niya ako tinitingnan. Sinuksok niya ang baril sa kaniyang sinturon. Hindi siya nagsasalita, halatang apektadong-apektado siya sa kaniyang trabaho. Wala siyang naging galaw, ganoon pa rin kaya nanahimik na lang ako. Hindi ako umalis sa kaniyang harapan nang bigla siyang dahan-dahang lumuhod.
Kunot-noo agad ang nanguna sa akin. Nang makaayos siya ng luhod, hinawakan niya ang aking dalawang kamay. Ang mga mata niya ay masaya pero bakas ang kaba roon.
"Thrale..." Hindi ko alam ang kaniyang sasabihin dahil alam ko na kung anong balak niya.
Tumingin siya sa likuran, napatingin din ako. Naiyak ako nang mabasa ko ang mahabang poster na hawak ng mga pulis. Kasama roon si captain na halatang kinikilig. Si Amira naman ay nakahawak din, tumatalon-talon pa. May alam siya sa nangyayari ngayon. Sunod kong tiningnan sina mom, naiiyak pa ang aking nanay sa nangyayari ngayon. Napatingin ako kay Ate Anissa dahil bigla siyang sumulpot sa pintuan, nakangiti siya, tinanguhan niya ako. Binasa ko ang poster.
'Will you marry me, Khalira Sarmiento?'
Naiiyak akong humarap kay Thrale. May ngiti sa aking labi.
"Thrizel..." May kinuha siyang maliit na kahon sa kaniyang buksa. Hinarap ito sa akin at dahan-dahang binuksan. "Let's complete the circle with me. I want to be with you forever and ever. From this day on, be mine through the thick and thin of life. You taught me the real meaning of love.
I love you not only for what you are but for what I am when I am with you. Mahal na mahal kita. Thrizel... Khalira, will you marry me?"
Humikbi muna ako bago dahan-dahang tumango. "Probably yes, Thrale..."
Doon nagsaya ang lahat. Nagtiliin sila sa naging sagot ko. Napatayo rin si Thrale sa saya. Sumigaw din siya saka ako yinakap ng mahigpit.
"Mas lalo mong pinapahaba ang buhay ko." Hinarap niya ako saka hinalikan sa labi. Binalingan niya ang mag-asawa kanina. "Nice acting, ma'm and sir. Maraming salamat po."
Anissa's POV
Nang mag-oo si Thrizel. Nagsaya ang lahat pati ako ay nadamay. Nadamay sa iyak nina Tita Threa at Amira. Kaya ako nandirito dahil sa akin nagpatulong si Thrale. Sa totoo lang, nakaraang araw niya pa sana ito gagawin kaso nagunguna ang kaba sa kaniya. Sa plano niyang ito, saya ang pinalit sa kaniya. Hindi siya binigi ng babaeng minamahal niya.
Nakita kong hinalikan siya ni Thrale sa labi. Todo bati ang mga katrabaho niya sa kaniya. Nangingibabaw din ang kantiyawan tungkol sa dalawa. Lumapit ako kay Thrizel para batiin, agad niya akong yinakap. Sumunod sa akin ay sina Amira at ang kanilang mga magulang.
Tumigil ako sa pagluha. Pinanood ko na lang sila. Sa mahabang pagsasama namin ni Thrale noon. Kasama lang pala namin ang babaeng makasasama niya habang buhay, hindi pala ako 'yon.
Itutuloy...

Komento sa Aklat (42)

  • avatar
    MabelMaribel perez

    I love it

    24/09/2025

      0
  • avatar
    EarningApp

    gandaaaaa so muchhh!! 💗🙌

    14/06/2025

      0
  • avatar
    SisonRosalia

    woow , 😯 sobrang gandànaman ng story na to author ang ganda ng kwento

    23/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata