Chapter 146.

Thrizel’s POV
Nagising ako sa sinag ng araw mula sa aking bintana nang tumapat ito sa aking mukha. Papikit-pikit pa ako na tila hinahanap ang sipag para sa pagbangon. Nang maramdaman kong may buhok na tumutusok sa aking balat, agad akong napabaling sa aking tabi. Imbes na magulat, ngiti agad ang sumilay. Mahimbing ang kaniyang tulog habang ginagawang unan ang aking braso. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya, inamoy ko ang kaniyang buhok.
Gamit ang isang hintuturo, hinawakan ko siya sa kilay. Sunod ay sa ilong pababa sa labi. Kahit tulog siya, may ngiting nakakurba pa rin sa kaniyang labi. Halatang masaya ang kaniyang tulog. Ang sarap titigan ng kaniyang mukha. Hindi ako magsasawang sabihin na perpekto talaga ang sa kaniya. Makapal ang mga kilay, mahaba ang pilik mata, matamis ang ilong at pulang-pula ang labi. Tila buhok pa ng mais ang kulay ng kaniyang buhok. Sa pagtitig kong ‘yon, may humahaplos sa aking puso. Hindi makapaniwalang nasa bisig ko siya ngayon. Kaharap ko ang lalaking mahal na mahal ko.
Kusa siyang napadilat na nasa akin agad ang tingin. Nang masilayan niya ang mukha ko, mabilis siyang natuwa. “Magandang umaga, mahal...” Muli siyang pumikit. Mas lalo pang siniksik ang sarili sa akin. “Ganito pala ang pakiramdam kapag ikaw ang bubungad paggising ko ng umaga. Napakasarap.”
Yumakap siya sa akin kaya tumagilid ako para tugunan ‘yon. “Hindi ka pa ba nagugutom?” Sinipat ko siya. Nakanguso ang kaniyang labi.
“Gusto ko rito lang tayo maghapon.” Para siyang bata kung humiling. Kapit na kapit sa akin. Seguristang hindi ko siya iiwan.
Sumilay ang kaunting ngiti sa labi ko. Sinuklay ko ang kaniyang buhok gamit ang isang kamay at nagsalita. “Kailan nating kumain at maligo. Ayokong mangako dahil binigo kita ng isang beses pero, Thrale... Ayoko nang lumayo sa ‘yo. Hindi na ako lalayo.” Hinalikan ko siya sa ilong.
Napatango-tango siya. Tumingin sa pintuan. “Nakatatakot lumabas. Paano kung mga magulang natin ang bumungad? Anong ipapaliwanag?”
Napahinga ako nang malalim. “Kung sakali man, ako naman ang haharap sa kanila. Nandito na ako, oh. Kalma.”
Tumayo siya kaya tumayo rin ako. Napaiwas ako ng tingin dahil tanging boxer lang ang suot niya. Hindi ko man lang naramdaman kanina. Nakaharap tuloy siya sa akin habang nakaiwas ako ng tingin.
“Nahihiya ka ba sa akin?” Inosente niyang tanong. Tinungo ang pintuan.
“Hindi ‘no.” Hinarap ko siya dahil nakatalikod na ‘to sa akin. “Mukhang nakauwi na ang parents natin. Pumunta ka ng kwarto mo. Malalagot tayo kapag wala ka roon. Magtataka sila kapag nakitang magkasama tayo.”
“By the way, masakita ba?” Nangunot ang aking noo sa kaniyang tanong. Nakatingin pa sa akin na hinihintay ang aking sagot. Nang maintindihan, sumagot ako.
“Oo.” Prente kong tugon. “Ang haba niyan, e.”
Natawa siya sa aking tinuran. “Gusto mo bang hawakan? Joke, mahal. Labas na ako, huh?” Tumango ako sa kaniya. “Mahal na mahal na mahal kita.”
Hindi pa siya lumabas. Hinihintay ang aking tugon. “I love you more, mahal.”
Napalabi siya. Tango-tangong lumabas habang nagpipigil ng ngiti. Halata namang kinikilig, iniiwasan pa. Sinilip ko ang labas, walang tao roon. Kumaway muna siya sa akin bago maglakad patungo sa kwarto. Sinara ko na ang pinto. Pumunta ako sa kama para ligpitin ang damit ni Thrale na naiwan dito. Sinama ko ang bed sheet dahil may dugo roon. Ako na lang siguro ang maglalaba.
Naligo muna ako bago lumabas ng kwarto para kumain. Pagkadating ko sa baba, magulang agad namin ang nakita. Hindi ko magawang ngumiti dahil sa desisyon nila kagabi. Masama ang loob ko kaya tahimik ang kusina. Ni hindi ko nga nagawang bumati.
“Nasaan ang kuya mo?” Seryosong tanong ni mom na halatang galit. Sa ginawa kong pangbabastos sa kanila.
“Hindi ko po alam.” Saka ako sumubo ng pagkain na nilapag ni dad kani-kanina lang. “Bababa rin ho naman yata siya.”
Hindi rin nagtagal, bumaba si Thrale na halatang kakatapos lang maligo. Ang tingin niya ay diretso sa aming mga magulang. Nakuha niyang ngumiti sa mga ‘to pero alam kong pilit lang ‘yon.
“Good morning.” Bati niya na agarang tinugunan nina mom at dad.
Kumain na lang kaming tatlo. Wala ni isang nagsasalita sa amin. Pasimple ring kaming nagtitinginan ni Thrale na siniguradong hindi makakahalata ang aming mga magulang. Halata sa kaniya na kanina pa ako gustong kausapin. Pigil na pigil ito.
“Gustong makipagmeeting sa akin ng mga magulang ni Silas tungkol sa kanilang anak. Hindi ko alam kung bakit kasi nakabibigla. May problema ba sa batang ‘yon para magdala ng magulang?” Tutok na tutok ang tingin ni mo sa amin.
Pinunasan ko ang aking bibig bago sumagot. Tumingin muna ako kay Thrale na patuloy sa pagkain. Alam ko ang dahilan kung bakit gustong makipag-usap ng mga magulang ni Silas. “Hindi ko po alam. Mas mabuting siputin niyo na lang ho.” Naalala ko ‘yong sinabi niyang ililipat niya sa kaniya ang dapat kay Kein. Ginawa niya talaga?
“Mas mabuti.”
“Papasok na ako.” Mabilis ang pagkatayo ni dad sa upuan. Hindi ko alam ang kaniyang problema dahil panay siya ngiti sa amin. Ewan ko lang ngayon.
“Mag-ingat ka.” Si mom.
“Thrale, may duty ka, ‘di ba? Bakit hindi mo bilisan ang pagkilos diyan? Sumabay ka na sa akin.” Matapos sabihin ‘yon ng aking tatay, tuluyan na siyang lumabas ng kusina.
Ako ang unang natapos sa pagkain. Pumunta na ako sa lababo para magsepilyo. Hindi pa tapos ang dalawa kaya napagpasiyahan ko munang maupo sa sala. Abala ako sa panonood nang may sumigaw na sobrang tinis.
“Thrizellllllll! I miss youuuuu!”
Nanlaki ang aking mga mata. Napatayo para salubungin siya ng yakap. Ibang-iba ang hitsura niya ngayon. Masyadong maputi at mahaba ang buhok. Sobrang ganda niya. Mas maganda pa pala siya kapag harapan mong nakita.
“Miss din kita. Bakit ngayon ka lang?”
“E, kasi, nasa bahay pala si dad kaya nagstay muna ako sa hotel. Ayaw na ayaw kasi ni mom na magpakita ako roon. Hiwalay na sila, ‘di ba?” Ginaya niga ako paupo sa sofa. Pinakita niya sa akin ang paper bag niyang dala. “Para sa ‘yo ‘to!” Kinikilig niyang abot na agad kong kinuha. “Nasaan sina Tita Threa? Tito Leo? Saka si Kuya Thrale! May pasalubong ako sa kanila!”
“Nandito kami sa likod mo, hija. Sa sobrang lakas ng boses mo, mapapalabas kaming tatlo” Natatawang pagsasalita ni mom sa likod ni Amira na kanina pa nandoroon.
“Tita!” Agad niyang yinakap ni mom. Inabot ang kaniyang pasalubong, sinunod niya si dad hanggang kay Thrale. “Wow, Kuya Thrale, mas lalo kang pumogi kaya siguro mahal na mahal ka ng kaibigan ko.” Natahimik kaming lahat sa kaniyang sinabi pero ang kaibigan ko ay tila walang naramdaman. Ganoon pa rin ang kaniyang kilos. Muli siyang bumalik sa pagkakaupo. “Kumusta ka, Thrizel? Kayo ni Kuya Thrale? Wala ka nang naikwento sa akin tungkol sa inyo.” Nilapit niya ang kaniyang ulo para bumulong. “Ikakasal na ba? Kyahhhhhhh!” Bulong na naririnig naming lahat.
“Pumasok na kayong dalawa.” Pag-iiba ng usapan ni mom. “Kumain ka na ba, Amira?”
“Opo, tita.” Humarap siya kay Thrale. “Anong oras ka uuwi, Thrale? P’wede bang magbonding tayo nila Thrizel? Libre ko lahat.”
“Maraming kasong hinahawakan ni Thrale. He has no time for bonding.” Kontra na naman ng aming nanay. “Bilisan niyo ng mag-ama.”
Umalis na ang mag-ama sa sala para mag-asikaso sa kanilang sarili. Kaming dalawa na lang ni Amira ang natira hanggang may pumasok sa pintuan. Napatingin ako roon dahil si Silas ang pumasok. Seryoso lang ang kaniyang mukha.
“Good morning.” Ngumiti siya ng tipid sa amin. Nangunot ang noo niya nang mapadako ang tingin sa kaibigan ko. “Amira, nandito ka na pala.”
“Sino ka?” Humarap sa akin si Amira. Nagtatanong ang kaniyang mukha kung sino ang aming kaharap.
“Si Blue,” sagot ko.
“Huh?” Muli siyang humarap dito. Pinasadahan ng tingin ang buong katawan. “Si Blue na itim na ang buhok? Wow, huh. Updated ka pala.” Naitabingi niya pa ang kaniyang ulo. “Ikaw ‘yong naghulog kay Thrizel sa swimming pool. Basta, ang pangit mo.”
“Kahiya ka naman,” pabalang na sagot nito. “Pumunta lang ako rito para kausapin si Tita Threa. Thrizel, be ready tonight. Mukhang may family dinner na naman kayo.” Desidido talaga siya. Tinungo niya ang kusina kung saan nandoroon si mom.
“Nag-iba ang ugali n’on?” Tinuro pa ni Amira ang pinasukan ni Silas. “Bakit? May gusto sa ‘yo, ano? Hays. Lahat talaga ng lumalapit sa ‘yo. Nagkakagusto. Anong recipe ng gayuma mo?”
“Kuko.” Pabiro kong sagot para matawa siya.
“Wala ka bang balak magkwento sa akin?” Kinuha niya ang juice na kakalapag lang ni mom.
“Siguro, hindi muna.” Mahina kong sagot na agad niyang naintindihan. Nagkwentuhan na lang kami sa ibang bagay ‘gaya ng trabaho.
Thrale’s POV
Sabay kaming lumabas ni dad ng bahay. Ngayon lang siya nagyaya ng ganito kaya nakakapagtaka. Hindi kami parehas ng oras ng pasok, mas nauuna siya sa akin. Siguro ay may kailangan lang siya kaya ganoon.
“Ano pong kailangan niyo?” tanong ko agad. Masyadong seryoso ang kaniyang mukha. Kung ano ang kanina habang kumakain kami, ganoon pa rin hanggang ngayon.
“Mahal mo ba si Thrizel?” Pumunta siya sa kaniyang kotse. Tumingin siya sa akin. “Hindi ko mapigilan ang mommy mo sa gusto niya. Hindi ko malaman kung anong dahilan niya para tumutol sa inyong dalawa. Pasensya na, anak. Wala akong nagagawa. Pinag-usapan na namin pero nanaig ang kaniyang gusto. Ayoko namang masira ang ating pamilya kaya nagpaubaya ako sa kagustuhan niya.”
Napabuntong-hininga ako. “Ayos lang po.”
“May paraan pa.” Napatitig ako sa kaniyang sinabi. Gustong marinig kung anong sasabihin. “Kung itatanan mo man ang kapatid mo, hindi ako hadlang. Kung ipapahanap kayo, lahat ng gagawin ng mommy mo, sasalungatin ko para wala siyang makuhang balita. Kitang-kita ko kung gaano ka kasaya kay Thrizel. Kitang-kita ko rin kung paano ka nasasaktan. Parehas ko kayong mahal kaya suportado ako kung saan kayo masaya. Huwag mo lang akong bibiguin, Thrale. Once na ginagago mo ang kapatid mo. Ako mismo ang hahadlang. Ayokong may nasasaktan sa inyo.”
Napatulala ako sa kaniyang sinabi. May namumuo sa aking puso. Bukod pala roon, kampi pala sa amin ang aking tatay. Dumagdag ang pag-asa sa aking puso.
“Maraming salamat, dad.” Lumapit ako sa kaniya para yakapin. Tinapik niya ang aking balikat. “Hinding-hindi ko gagawin ang hindi mo gusto.”
“Naniniwala naman ako sa ‘yo. Osige na. Magfocus ka muna sa trabaho mo. Nandito lang ako, huh. Good luck, anak.”
Pumasok na ako sa aking trabaho. Nang dumating ang hating gabi, doon lang ako nakauwi dahil sa dami ng kasong aming hawak. Ramdam ko ang pagod sa aking katawan.
“Sige, Capt. Bukas na lang. Uwi na ako.”
Tinanguhan niya ako kaya lumabas na ako ng presinto. Napahinto sa pagbaba ng hagdan nang makita kong nakatayo si Anissa na halatang ako ang hinihintay. Nakatitig ang mga mata niya sa akin. Hating gabi na, anong ginagawa niya rito? Hinoldap ba siya? May nangbastos ba sa kaniya kaya nakuhang pumunta rito?
“Magsasampa ka ng kaso?” tanong ko nang makalapit sa kaniya. “Nasa loob pa si Captain, p’wede kang magreklamo.”
“Uhm.” Ngumiti siya sa akin. “May sasabihin lang sana ako.”
Napahinga ako nang malalim. “Tara na. Iuuwi na kita sa inyo.”
Naintindihan niya naman ang gusto kong sa kotse namin pag-usapan kaya sumunod siya. Nagmamaneho ako ngayon. Naghihintay lang ako kung kailan siya magsasalita. Ang aking direksyon ay patungo sa kanilang bahay. Hindi naman p’wedeng mamasahe siya mag-isa pauwi sa kanila. Baka ano pang mangyari dito.
“Ano ba sasabihin mo?” Malapit na kami sa kanila. Ang tagal niyang magsalita.
“Thrale, mahal pa rin kita.” Wala akong naging reaksyon sa kaniyang pag-amin. Ni kaba, saya o pagkailang, hindi ako dinalaw. Tanging kalmado lang. “Hanggang ngayon, ikaw pa rin e...”
Lumiko ako ng daan bago magsalita. “Alam mo kung sino ang mahal ko. Respetuhin mo.” Malamig kong sabi. Ayokong alalahanin ang kaniyang nararamdaman lalo na’t nag-iisip ng iba si Thrizel tungkol kay Anissa para masaktan ang sarili niya.
“Alam mong marunong akong rumespeto. Gusto ko lang ipaalam. Nagbabakasakali pero... mukha ngang sa kaniya ka na.” Pansin ko ang kaniyang pagngiti. “Ayos lang, Thrale. Nakasuporta pa rin naman ako. Wala akong balak manggulo o manira. Hindi sa nagmamagaling ako pero huwag mong gawin sa kaniya ang ginawa mo sa akin. Ayokong maramdaman niya ang naramdaman ko noon. Kilala natin ang sarili mo.”
“I will, salamat.”
Hininto ko ang kotse nang makarating ako sa kanilang bahay. Ngumiti siya sa akin bago bumaba. Hinintay ko muna siyang makapasok bago ako magmaneho patungong bahay. Hindi nagtagal, agad din akong nakauwi. Pinasok ko sa garahe ang aking kotse.
Pagkabukas ko ng main door, dilim ang bumungad. Mukhang tulog na silang lahat. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Nasa pag-inom ako nang may magsalita sa aking likuran.
“Ngayon ka lang?” Ang aking nanay. “Kumain ka na para makapagpahinga.”
Humarap ako sa kaniya. “Hindi po kayo umalis? Hindi ba’t may sisiputin kayo?” Alam ko namang pumayag siya sa kagustuhan ni Blue.
Rinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga. “Nasasaktan ka na ba?”
Hindi ako nakagalaw sa kaniyang tanong. Sa lahat ng ginawa niya, ngayon niya lang inalam ang nararamdaman ko. “Malamang po.”
Umupo siya sa isang upuan kung saan malapit sa akin. “Anak... Intindihin mo naman si mommy...”
“Opo.” Mabilis kong sagot. Nilagok ang tubig.
“Mahimbing na natutulog ang kapatid mo. Tumanggi ako sa sinabi ni Blue.” Tumayo siya. Hinarap ako. “From now, you can love any woman.” Nangunot ang noo ko. “Thrale... Sumasang-ayon na ako sa inyo ng kapatid mo.”
Matapos ang pag-uusap namin ni mom. Umakyat na ako ng hagdan. Dumiretso ako sa kwarto ni Thrizel. Hindi nakasarado, halatang hinihintay niya akong umuwi. Nakabukas ang kaniyang ilaw kaya kita kong tulog na tulog siya. Yumukod ako para halikan siya sa noo.
“Good night, mahal. Nandito na ako.” Umupo ako sa kaniyang kama. Hindi ko na alam ang nangyari dahil nakatulog ako sa kaniyang tabi.
Itutuloy...

Komento sa Aklat (42)

  • avatar
    MabelMaribel perez

    I love it

    24/09/2025

      0
  • avatar
    EarningApp

    gandaaaaa so muchhh!! 💗🙌

    14/06/2025

      0
  • avatar
    SisonRosalia

    woow , 😯 sobrang gandànaman ng story na to author ang ganda ng kwento

    23/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata